ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM
Awtor : Sherly L. Izon
Co-Awtor - Content Editor : Herminia D. Lobo
Co-Awtor - Language Reviewer : Ma. Luisa R. Bacani
Co-Awtor - Illustrator : Dhay Ann G. Bucasas
Co-Awtor - Layout Artist : Jennifer G. Cruz
DISTRICT MANAGEMENT TEAM:
District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Miralou T. Garcia, EdD
District SLM Language Reviewer : Ma. Luisa R. Bacani
DIVISION MANAGEMENT TEAM:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Magandang Kaugalian, Isabuhay!
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang
maisabuhay sa lahat ng pagkakataon ang mga kaugaliang
Pilipino.
Matapos ang modyul na ito, inaasahan na matutunan mo ang:
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng
pagmamano at paggamit ng “po at opo”. (EsP3PPP-IIIa-b-14)
1.1 Naiisa-isa ang iba’t ibang kaugaliang Pilipino
1.2 Natutukoy ang kahalagahan ng kaugaliang Pilipino
1.3 Naisasagawa ang iba’t ibang kaugaliang Pilipino
Subukin
Lagyan ng bituin ( ) kung wasto ang pahayag sa bawat
pangungusap at buwan ( ) kung hindi. Isulat ang iyong sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Ang pagmamano ay isang magandang kaugalian na dapat
ipagpatuloy.
2. Ang pagsagot ng po at opo ay hindi na kailangan sa
makabagong panahon.
3. Ang magandang kaugalian ay dapat ipakita sa loob at labas ng
bahay.
4. Ang pagiging magalang ay nagpapakita ng isang magandang
kaugalian.
5. Ang pagsasabi ng po at opo ay ginagawa lamang sa taong
iyong kakilala.
2
Aralin
1
Magandang Kaugalian,
Isabuhay!
Maraming magandang kaugalian ang naipamana sa atin ng ating
mga ninuno na dapat nating ipagpatuloy sa lahat ng
pagkakataon. Ang ilan sa mga ito ay ang pagsasabi ng “po,opo”
at iba pang magagalang na pananalita tulad ng pagtawag ng
ate at kuya. Ang pagmamano ay magandang kaugalian rin na
dapat nating panatilihin.
Mahalaga na matutunan mo at maisabuhay ang magagandang
kaugaliang nabanggit dahil ang mga ito ay magiging gabay mo
sa pagkakaroon nang maayos at mapayapang pakikisalamuha sa
mga taong kakilala mo man o hindi.
Balikan
Lagyan ng tsek (√) kung nagpapakita ng pagmamalasakit sa
kapwa at ekis (x) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.
1. 2.
3
3.
4.
Tuklasin
Basahin ang kwento sa ibaba.
Kaugaliang Natutunan
ni Sherly L. Izon
Matagal nang nakatira sa Maynila sina Magie at Marco.
Doon sila ipinanganak, lumaki at nag-aral.
Isang araw, ay nagyayang umuwi ang kanilang Lolo Mando
sa probinsya sa Tarlac. Tuwang-tuwa ang magkapatid dahil sa
unang pagkakataon ay mararating nila ang lugar na iyon.
Sumapit ang Sabado at ang buong mag-anak ay maagang
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-
aaral na maipakita at maisabuhay ang mga
kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at
4
bumiyahe patungo sa probinsya.Ilang oras din ang ginugol nila sa
biyahe.
Pagsapit nila sa bahay ng kanilang Lolo Mando.
“Sa wakas narito na tayo mga apo”, wika ni Lolo Mando.
“Nainip ba kayo sa biyahe mga apo? tanong niya kina Magie
at Marco. “Hindi po Lolo”, sabay na sagot ng magkapatid.
“Nakakaaliw nga po ang dami nating nadaanang palayan,
ang lamig sa mata”, namimilog ang matang wika ni Marco.
“Oo nga kuya Marco, ang
dami ko ring nakitang kambing at
kalabaw sa daan,” may
pagkamanghang wika ni Magie.
“Mabuti naman at hindi kayo
nainip,” masayang wika ni Lolo
Mando.
“Halina kayo sa loob ng bahay at nang makilala na kayo ng
inyong mga pinsan,” wika ni Lolo Mando.
Sa loob ng bahay ay naghihintay na ang kanilang Tiyuhin,
Tiyahin at mga nakatatandang pinsan.
“Mga apo, nais kong ipakilala sa inyo ang inyong Tiyang Elsa
at Tiyong Efren”, wika ni Lolo Mando.
Nagmano ang magakapatid sa kanilang Tiyuhin at Tiyahin.
“Aba, tatay Mando
nakakatuwa naman ang mga
batang ito, lumaki na sa
siyudad pero ang pagiging
magalang ay hindi nila
nalilimutan masayang ,”wika ni
Tiyang Elsa.
“Lagi pong bilin sa amin nina tatay at nanay na maging
magalang sa lahat ng tao anuman ang katayuan nito sa
5
buhay”sagot ni Magie. “Mabuti naman kung ganoon”,wika ni
Tiyang Elsa.
Sabay-sabay silang nagtungo sa hapag kainan at masayang
pinagsaluhan ang inihanda ni Tiyang Elsa.
Basahin at sagutan ang mga tanong.
1. Sino ang magkapatid sa kwento?
2. Saan sila pumunta isang Sabado?
3. Bakit hindi nainip ang magkapatid sa kanilang biyahe?
4. Paano ipinakita ng magkapatid ang kanilang paggalang sa
mga taong dinatnan nila sa bahay ni Lolo Mando?
5. Kung ikaw sina Magie at Marco magmamano ka din ba sa
taong ngayon mo pa lang nakita?
6
Suriin
Suriin ang mga larawan. Alin sa mga larawang nasa ibaba ang
nagpapakita nang magandang kaugaliang Pilipino?
A B
1.
2.
3.
Lagi nating isaisip, isapuso at isabuhay ang mga kaugaliang Pilipino
na nagpapakita ng ating paggalang sa ating kapwa. Ito ay
makakatulong ng malaki sa pagkakaroon natin ng maayos at
payapang pakikitungo sa mga taong ating makakasalamuha.
7
Pagyamanin
Gawain 1
Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang larawan ay
nagpapakita ng kaugaliang Pilipino at malungkot na mukha
( ) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1. 2. 2.
3. 4.
5.
8
“po at opo” pagmamano ate at kuya
paalam po magandang umaga/hapon po
Isaisip
Ang pagiging magalang sa lahat ng oras at sa lahat ng tao ay
isang magandang kaugalian na dapat taglayin ng isang batang
tulad mo. Ibayong kagalakan ang madarama ng iyong mga
magulang kung ikaw ay lalaki na isang batang taglay ang
magandang kaugalian.
Piliin sa loob ng kahon ang mga magandang kaugalian na
kukumpleto sa pangungusap.
1.Ang pagsasabi ng ________________ sa lahat ng oras ay isang
magandang kaugalian na dapat ipagpatuloy.
2.Ang __________________sa mga nakakatanda kilala mo man o
hindi ay hindi dapat ikahiya.
3.Kung ikaw ay aalis laging magsabi ng ___________________.
4. Ugaliing tawagin ng ________________ ang nakakatandang
kapatid.
5. Ang pagbati ng __________________sa mga taong iyong
nasasalubong ay nagdudulot ng kasiyahan sa kanilang puso.
Isagawa
Magandang kaugalian ay dapat nating pagyamanin at
isabuhay. Kumuha ng isang papel at lumikha ng isang slogan
tungkol sa isang kaugaliang Pilipino.
9
Tayahin
Ano ang magagandang kaugaliang pinapakita sa bawat
pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.
1.Nagkasabay sa pagbili sa tindahan si Malu at ang kanyang
Tiyahin na si Aling Norma. Nilapitan niya ito at siya ay nagmano.
2.Nakasalubong ni Lisa ang kanyang guro na si Bb. Belen,binati niya
ng magandang umaga po.
3. Nagustuhan mo ba ang niregalo kong damit para sa iyo Charie?
Opo, ninang marami pong salamat.
4. Ate Lorie, ipinapakilala ko po ang aking mga kaibigan na sina
Mhayang at Kaye.
5. Isang araw ay dumalaw sa inyong tahanan ang inyong
kapitan,binati ka niya ng magandang umaga, sinagot mo siya
ng magandang umaga din po at bahagya kang yumukod.
Karagdagang Gawain
Sagutan ang tsart sa ibaba. Lagyan ng tsek ang kolum ng Opo o
Hindi po kung ginagawa mo ba o hindi ang mga sitwasyon . Gawin
ito sa iyong sagutang papel.
Sitwasyon Opo Hindi po
1. Nagmamano sa mga nakakakatanda sa
akin.
2. Gumagamit ng po at opo sa pakikipag-
usap sa mga nakakatanda.
3. Tinatawag na ate at kuya ang mga
nakakatandang kapatid.
4. Laging binabati ang mga nakakasalubong
ng magandang umaga o hapon.
5. Kung aalis ng bahay ay nagpaapalam sa
mga magulang nang may paggalang.
11
Sanggunian
MELC Esp. 2020.
Caraan, Maria Carla, Rolan Catapang, Rodel Castillo, Portia
Soriano, Rubie Sajise, Victoria Ambat, and Violeta Roson.
2013. Edukasyon Sa Pagpapakatao 3, Patnubay Ng Guro. 1st ed.
Department of Education.
Caraan, Maria Carla, Rolan Catapang, Rodel Caastillo, Portia
Soriano, Rubie Sajise, Victoria Ambat, and Violeta Roson.
2013. Edukasyon Sa Pagpapakatao 3, Kagamitan Ng Mag-Aaral.
1st ed. Department of Education.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region III,
Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)
Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
Email Address: bataan@deped.gov.ph