17. Ang mga Pangunahing Tauhan sa Alamat
ni Prinsesa Manorah
•Prinsesa Manorah - Ang bunso sa pitong
anak ni Haring Prathum at Reyna
Jantakinnaree
•Pranhbun - Ang binatang napadpad sa
kagubatan na may pakay na hulihin
si Prinsesa Manorah
•Prinsipe Suton - Prinsipe ng kaharian ng
Udon Panjah, sya ang mapapangasawa
ni Prinsesa Manorah
18. Ang mga Pangunahing Tauhan sa Alamat
ni Prinsesa Manorah
•Matandang Ermitanyo - Ang matandang
naninirahan sa kagubatan, sa kanya
humingi ng tulong si Pranhbun na hulihin
si Prinsesa Manorah
•Dragon - Ang makapangyarihang nilalang
na nakatira sa kagubatan ng Grairat. Ito ang
nagbigay kay Pranhbun ng ng
makapangyarihan lubid na syang ginamit
upang hulihin si Prinsesa Manorah
19. Tauhan sa Alamat ni Prinsesa
Manorah
•Haring Prathum at Reyna Janta - Ang
mga magulang ni Prinsesa Manorah, ang
mga namumuno sa kaharian ng Krairat
(Grairat)
•Mga Kapatid ni Prinsesa Manorah- anim
na nakatatandang kapatid ni Prinsesa
Manorah
•Haring Artitwayong at Reyna Jantaivee -
Ang mga magulang ni Prinsipe Suton, ang
mga namumuno sa kaharian ng Udon
Panjah
25. MGA GABAY NA TANONG
SA PAGBASA
1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?
2. Ilarawan ang tagpuan ng alamat.
3. Kapani-paniwala ba ang mga tagpuang
ginamit sa alamat? Patunayan.
4. Paano naiiba o nagkakatulad ang alamat at
maikling kuwento ayon sa kilos, gawi , at
karakter?
5. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan
at di-makatotohanan? Patunayan.
27. Ang alamat ni Prinsesa Manorah
ng Thailand na isinalin sa
tagalog ni Dr. Romulo N.
Peralta
Ito ay isang alamat na
nagpasalin salin na sa iba't
ibang henerasyon mula noong
panahon ng Ayutthaya na
itinatag noong taong 1350
28. Si Kinnaree Manorah ay ang
bunso sa pitong anak nina
Haring Prathum at
Reynang Jantakinnaree. Sila ay
nakatira sa maalamat na
kaharian ng Bundok Grairat. Ang
pitong magkakapatid ay kapwa
mga kinnaree o kalahating tao
at kalahating swan. Sila'y
nakalilipad at nagagawang itago
ang mga pakpak kung kanilang
29. Sa loob ng kanilang kaharian ay
nakatago ang Himmapan, isang
kagubatan na kung saan ay
naninirahan ang iba't ibang mga
nilalang na di makikita sa
daigdig ng mga tao.
30. Sa Himmapan din nakakubli ang
magandang lawa na kung saan ay
madalas dalawin ng pitong
prinsesa lalo na sa araw ng
Panarasi o kabilugan ng buwan.
Sa di kalayuan ng lawa ay
nakatira ang isang ermitanyong
nagsasagawa ng meditasyon.
31. Isang araw, naligaw ang isang
binata na si Prahnbun sa
kagubatan ng Himmapan. Doon nya
nakita sa ilog ang pitong
prinsesa. Nabighani sya sa
taglay na ganda ni Prinsesa
Manorah. Naisip nya na kung
mahuhuli nya si Manorah at
maiuuwi ito kay Prinsipe Suton
ay tiyak na matutuwa ito.
32. Ngunit di tiyak ni Prahnbun kung
paano niya mahuhuli ang prinsesa
kaya't humingi siya ng tulong sa
ermitanyo.
Agad siyang nagtungo sa
ermitanyo at sinabihang
mahihirapan siyang mahuli ang
Prinsesa sapagkat ang mga
kinnaree ay agad na lumilipad
kapag tinatakot. Nag suhestiyon
ang ermitanyo na may dragon na
nakatira sa sulok ng gubat na
33. Agad na lumisan si Prahnbun
upang mahanap ang dragon. Hindi
pumayag ang dragon sa balak ng
binata ng sabihin nito ang
pakay bagkus ay binigay nito
ang makapangyarihang lubid na
makakatulong sa panghuhuli ng
binata sa isang kinnaree.
34. Nagpasalamat ang binata at agad
na nagtungo sa ilog kung saan
naroroon si Prinsesa Manorah.
Habang abala sa paglalaro ang
mga kinnaree ay inihagis ni
Prahnbun ang lubid at
matagumpay na nahuli si
Manorah. Bagamat naawa ang
ibang kapatid ni Manorah ay
wala itong nagawa at agad na
35. Itinali ni Prahnbun ang pakpak
ni Prinsesa Manorah upang di
makalipad at agad na naglakbay
upang maibigay kay Prinsipe
Suton.
Si Prinsipe Suton ay
naglalakbay din noon ngunit
nakasalubong nito si Prahnbun
na dala dala si Prinsesa
Manorah. Doon pa lamang ay
naakit na agad ang prinsipe sa
ganda ni Prinsesa Manorah.
36. Doon ay nalaman ni Suton ang
dahilan ni Prahnbun kung bakit
nito hinuli si Manorah.
Nagbalik ang prinsipe ng
kanilang palasyo na kasama na
si Prinsesa Manorah na kung
saan ay umusbong ang pag-ibig
nila sa isa't isa.
37. Nang sabihin ng prinsipe sa
kaniyang mga magulang ang buong
pangyayari ay agad-agad
nagbalak na magsagawa ng kasal
para kina Prinsipe Suton at
Prisesa Manorah. Bumalik sila
sa palasyo kung saan isinagawa
ang kasal sila'y at namuhay ng
matiwasay.
39. MGA GABAY NA TANONG
SA PAGBASA
1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?
2. Ilarawan ang tagpuan ng alamat.
3. Kapani-paniwala ba ang mga tagpuang
ginamit sa alamat? Patunayan.
4. Paano naiiba o nagkakatulad ang lamat at
maikling kuwento ayon sa kilos, gawi , at
karakter?
5. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan
at di-makatotohanan? Patunayan.
41. ONE-MINUTE PAPER
ANG AKING REPLEKSYON
1. Magandang ideya mula sa aralin
_________________________
2. Kawili-wiling gawain sa aralin
_________________________
3. Bagong kaisipang napulot sa
aralin
_________________________
42. TAKDANG ARALIN
1.Magmasid ka sa inyong
paligid at alamin kung
may nangyayaring
paglabag sa karapatang
pantao. Handang ibahagi
ito sa susunod na
pagkikita.