Kultura at Lipunan: Ang Makabagong Mukha ng Demokrasya sa Umiiral na Political Dynasty sa Pilipinas
1. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 0
KULTURA AT LIPUNAN: ANG MAKABAGONG MUKHA NG
DEMOKRASYA SA UMIIRAL NA POLITICAL DYNASTY
SA PILIPINAS
Sulating Pananaliksik
mula sa Junior High School ng
Saint Michael’s College of Laguna
Isang Bahagi ng mga Gawaing
Kailangan sa Pagkumpleto ng
Asignaturang Filipino 10
Nina
BRILLANTES, JIGGY A.
CORTEZ, LEXTER IVAN S.
REYES, ANDREA NICOLE A.
RODILLO, MENARD A.
SANGUYO, ANGELO J.
Baitang 10 – Saint Michael
Marso 2017
2. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 1
Kabanata 1
Panimula
Ang Political Dynasty ay ang patuloy na pamumuno ng isang
angkan o lipi sa isang bayan o bansa. Maaari itong magkaroon ng
napakalaking dagok o di kaya’y kaunlaran sa pulitikal na katayuan ng
naturang bayan o bansa. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng sistema
sa kung saanmang bayan o bansa ay nakakaapekto sa ekonomikal at
sistematikong pamumuhay ng mga taong namumuhay rito. Nakadepende
sa liping mamumuno kung magiging masagana ba ang katayuan ng
kanilang pamumunuan o puro katiwalian lamang ang dito’y
mangingibabaw. Ang political dynasty ay ang terminong ginagamit sa
pagiging kumpanya o negosyo ng gobyerno sa kamay ng iilang angkan.
Dalawang kadahilanan ang ugat ng pagnanais ng mga angkan na manatili
sa posisyon. Maaaring sa pansariling intensyon o sa kadahilanang nais
pa nilang maglingkod ng matagal sa bayan. Dito sa ganitong kalagayan
papasok ang makabagong demokrasya na siyang masusing pag-aaralan
at bibigyang-pansin ng mga kasalukuyang mananaliksik.
Ang kamangmangan, kahirapan, katiwalian at karahasan ay ilan
lamang sa mga kanser na dulot ng political dynasty. Sa loob ng mahabang
3. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 2
panahon tuloy-tuloy at hindi pa rin nawawakasan ang sistema ng Political
Dynasty. Habang lumilipas ang panahon ay lalong lumalala ang suliranin
na dinudulot nito sa ating bansa. Kaliwa’t kanan na ang mga katiwalian at
ang mga kadalasang sangkot dito ay ang mga magkakamag-anak. Unti-
unting sinasakop ng mga dominanteng pamilya ang bawat lugar upang
kanilang pagharian. Insulto sa isang Pilipinong may kakayahang mamuno
ang kawalan ng pagkakataon dahil sa paghahari-harian ng mga ‘political
clans’ sa kapangyarihan sa pamahalaan. Dahil laganap ang political
dynasty dito sa Pilipinas, ito ay nagiging kadahilanan ng mabagal na pag-
usad ng bansa. Ang pagkontrol ng mga maimpluwensyang pamilya ay
isang balakid sa tunay na pag-unlad at ito rin ang nagiging ugat ng pang-
aabuso at pagmamalabis ng mga namumuno. Karamihan sa kaso ng
political dynasty ay tanging mga interes lamang ng mga pamilya ang
nauuna kaysa sa layuning makabayan. Tatlong napakalalim na sugat ang
nakikitang suliranin ng mga kasalukuyang mananaliksik ang dapat
bigyang-pansin. Tatlong suliraning nangangailangan ng matigil bago pa
maging karima-rimarim na epidemya na wawasak sa isang bayan o sa
buong Pilipinas. Unang suliranin na nangangailangan ng solusyon ay ang
unti-unting pagkamatay ng tunay na diwa ng demokrasya sa Pilipinas.
Ikalawang suliranin ay ang ‘impact’ ng political dynasty sa pananaw ng
mga kabataan lalo’t higit sa mga mag-aaral at sa mga kabataang botante.
Ikatlong suliranin ay ang animo’y pagiging monarkiya ng ating
4. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 3
pamahalaan sa kamay ng iilang tao na pinagpapasahan lamang ang
kapangyarihan.
Isinasagawa ang pag-aaral dahil sa apat na kadahilanan. Una,
ninanais ng mga mananaliksik na maging kumprehensibo ang mga
kabataan sa mga epekto at pagbabagong dulot ng political dynasty.
Ikalawa ay upang mamulat ang susunod na henerasyon sa mga nagawa
at patuloy na nagagawa ng political dynasty sa pampulitikang estado ng
Pilipinas. Ikatlo, minimithi na mabatid ng mga susunod na mananaliksik
ang mga pagbabagong nangyayari sa diwa ng demokrasya. Hinahangad
na ipakita ang importansya nito sa umiiral na sistema ng political dynasty.
Ikaapat, naniniwala ang mga mananaliksik na ang bawat Pilipino ay may
tungkulin para sa kanilang bayan kung kaya’t itinuturing na kontribusyon
ang pag-aaral nila upang malutas ang political dynasty sa bansang
Pilipinas.
Ang Political Dynasty ay ang tuloy-tuloy na pagtakbo o pamumuno
ng iisang angkan sa isang bayan o bansa. Ang ebolusyon ng mga
5. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 4
partidong nasasangkot sa political dynasty ay nag simula sa Kanlurang
Europa. Ito nga ay ipinatupad upang mag patuloy ang pamumuno ng
isang angkan. Kung saan, gaya ng maraming mga bagay, ay
naimpluwensyahan din ang mga Pilipino sa sistemang Kanluranin. Ang
isang halimbawa ng pagkakataong nagkaroon political dynasty sa
Pilipinas ay nang maupo ang angkang Aquino sa pwesto. Sila ay
nagkaroon ng pagkakataon na makaupo sa matataas na posisyon.
Magpasahanggang ngayon ay malaya paring umiiral ang Political Dynasty
sa Pilipinas na animoý tinatanggal nga ang tunay na diwa ng demokrasya.
“Political leaders seek to transform the restless sweep
of public enthusiasm into something more stable and
permanent so that organized beliefs about authority
and government are defined and made to stick.”
(David Apter, 2011)
Karamihan sa mga pulitiko ay kinukuha ang simpatiya ng botante
o mamamayan upang mapanatili ang pinaniniwalaan ng mga karamihan
na mas organisado kapag ang susunod na mahahalal o papalit sa pwesto
ay galing sa isang dinastiya. Isa itong estratihiya kung saan mas
mapapanatili ang isang maganda o masalimuot na pamamalakad ng
isang politikong pamilya. Sa paraang ito papasok sa isipan ng mga
6. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 5
botante na kasing tulad ng dating politiko ang anak niya o kung sino mang
kamag-anak niya ang papalit sa kanyang pwesto. Tatatak sa isipan ng
sambayanan ang repleksyon ng isang kaanak sa buong pamilya. Kung
maganda ang naging pamamalakad ng nakaraang administrasyon,
siguradong iboboto ng karamihan ang kaanak niyang papalit sa kanya sa
kadahilanang aakalain nilang iisa ang dugo at talinong mayroon ang
nasabing pamilya. Sa kabilang dako nama’y kung hindi naging maganda
ang pamamalakad ay paniguradong mawawalan sila ng tiwala hindi
lamang sa isa kung hindi sa buong angkan nila. Sa nasabing estratihiyang
itoý makukuha man nila ang simpatiya ng sambayanan sa panahon ng
eleksyon, maaaring magiba naman ito sa susunod na administrasyon.
Upang maisakatuparan ang magandang resulta ng pag-aaral
bumuo ang mga mananaliksik ng mga kaparaanan. Unang kaparaanang
gagamitin ay sa anyo ng panayam para sa mga piling mag-aaral sa
baitang siyam ng SMCL. Mahalagang malaman ito upang mas masuri ang
kaalaman ng mga susunod na mananaliksik. Sa ganoong paraan din ay
mas malalaman ang opinyon ng kabataan patungkol sa umiiral na political
dynasty sa ating bansa. Sumunod ay ang pagkalap ng mga impormasyon
7. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 6
at mahahalagang ebidensya na nagmula sa mga iskolar. Maaaring
kumalap ng impormasyon sa mga kilalang pulitiko o di kaya’y sa mga
taong retirado na sa pulitika. Mahalagang may pagbabasehan ng
pananaliksik at alam na ang pagkukuhanan nito ay may sapat na
kaalaman at kredibilidad lalo na’t ito ay pumapatungkol sa pulitika. Isa
pang pamamaraan ay ang pagbabasa at pangongolekta ng mga
impormasyon sa mga lathalain. Kung saan ay mas lalawak ang kaalaman
at pang-unawa ng mga kasalukuyang mananaliksik sa pulitikal na
kalagayan ng bansang Pilipinas. Isa pang pamamaraan ay ang panonood
ng mga balita na maaaring mapagkuhanan ng mga impormasyon. Sa
ganoong kaparaanan ay mas malalaman ang nagiging epekto ng political
dynasty sa lipunan. Ang panghuli ay ang pagsasagawa ng pagsisiyasat
hinggil sa pagkakaiba ng sitwasyon ng political dynasty sa Pilipinas
kumpara sa iba pang demokratikong bansa. Maipagkukumpara ang
kalagayan ng ibang bansa sa kalagayan ng political dynasty sa Pilipinas
kahit sila ay may political dynasty na maaaring iba sa umiiral na sistema
ng political dynasty sa Pilipinas.
Ang Carmona ay kabilang sa mga lugar kung saan umiiral ang political
dynasty. Sa Carmona, Cavite napagdesisyunang alamin ng mga
8. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 7
mananaliksik ang perspektibo ng mga mamamayan ukol sa pamumuno
ng mga pulitikong galing sa iisang pamilya. Sa Carmona nilayong tukuyin
ang mga nagiging epekto ng pamamalakad ng isang pulitiko sa isang
bayan o komunidad. Kasama ang mga mag-aaral ng baitang siyam sa
Saint Michael’s College of Laguna sa isinasagawang pag-aaral. Sa
pamamagitan ng mga panayam ay malalaman ang mga pala-palagay ng
mga mag-aaral at matutukoy kung anu-ano ang mga saloobin nila hinggil
sa political dynasty.
Ang pag-aaral na ito ay lubhang kinakailangang sapagkat ito ang
magpapamulat sa mga susunod na mananaliksik patungkol sa mga
laganap na suliranin sa pulitika .Sa naisagawang introduksyon ay
nadadagdagan ang kalaman ng mga mananaliksik sa nailahad ng mga
suliranin. Makatutulong ang introduksyong ito upang mapagtagumpayan
ang pananaliksik. Ang introduksyon ang magiging bungad ng mga suliranin
patungkol sa political dynasty na umiiral sa Pilipinas. Ito ang magiging
paunang mensahe ng buong pananaliksik partikular na ang suliranin.
9. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 8
Balangkas Konseptwal
Ang pigura na nasa ibaba ay nagpapakita ng daloy ng pag-aaral hinggil
sa Political Dynasty at sa mga nasasaklawan pa nitong paksa.
Figure 1: Ang mge elemento at mga sangay ng Political Dynasty
Ang balangkas konseptwal na ito ay tumatalakay sa iba’t ibang aspeto ng Political
Dynasty na kinakailangang sa pag-aaral na ito. Ito ang nagsisilbing gabay
sa pagsasagawa ng pag-aaral.
KULTURA AT LIPUNAN: ANG
MAKABAGONG MUKHA NG DEMOKRASYA
SA UMIIRAL NA SISTEMA NG POLITICAL
DYNASTY SA PILIPINAS
Kasanayansa
Pamumuno Mamamayang
Pilipino
Kawalan
g tsy ansa
ng tapat
na
pulitiko
Pagkamon
-arkiy ang
sistema ng
pulitika
Paghalal ng mamamayang
Pilipino sa mga pulitiko
Kapangyarihan
sa Pamamahala
Kasukatan ng
kakayahan ng
isang pulitiko
Kahihinatnan ng
lipunan at ng
mamamayan
Makabagong
mukha ng
demokrasya
Pag-abuso sa
Kapangyarihan
Korapsyon Katiwalian
10. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 9
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang maipabatid sa mga
susunod na mananaliksik ang mga pagbabagong nangyayari sa
demokrasya na taliwas sa dati nitong kahulugan bilang malaya. Ninanais
ng mga kasalukuyang mananaliksik na mamulat sa katotohanan ang mga
susunod na mga mananaliksik sa mga nagawa at patuloy na nagagawa ng
mga political dynasty sa ating bansa. Ang mga katanungang ilalahad ng
mga tagapagsaliksik ay nangangailangan ng mabuti at masusing pag-aaral
o pagsasaliksik:
1. Paano nakakaapekto ang sistema ng political dynasty sa demokrasya
na pinaiiral sa Pilipinas?
2. Paano nasiguro ng mga batikang angkan ang kanilang pananatili sa
posisyon at patuloy na paghawak ng kapangyarihan?
3. Paano sumasalamin ang political dynasty sa demokratikong
pamahalaan ng Pilipinas?
4. Paano nakakaimpluwensya ang pagkakaroon ng political dynasty sa
pananaw ng isang indibidwal bilang isang mamamayan ng isang
demokratikong bansa?
5. Paano mahuhubog ng mga mag-aaral sa baitang siyam sa SMCL ang
kani-kanilang pananaw sa political dynasty?
6. Paano maikukumpara ang Pilipinas sa iba pang demokratikong
bansang may political dynasty?
11. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 10
Hinuha ng Pag-aaral
Mula sa nabanggit na suliranin nabuo ng mga mananaliksik ang
mga sumusunod:
1. Magkakaroon ng karagdagang impormasyon ang mga mag-
aaral sa baitang siyam ng SMCL kaugnay ng political dynasty.
2. Maliliwanagan ang mga susunod na mananaliksik sa kung ano
nga ba ang pagkakaiba ng demokrasya at dinastiya.
3. Lalaki ang tyansa na maihalal ng taumbayan ang siyang
karapat-dapat na mahalal at maluklok sa pwesto.
4. Tataas ang kredibilidad ng gobyerno na siyang magbabalik ng
tiwala ng mga mamamayan dito.
5. Magkaroon ng karagdagang impormasyon ukol sa pagkakaiba
ng Pilipinas sa iba pang demokratikong bansa.
Saklaw at Limitasyon
Sa pagsasagawa ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito,
nakatuon ang kanilang pansin partikular sa mga mamamayan ng
Carmona, Cavite. Sa lugar na ito makikita ang isang halimbawa ng
political dynasty, ang pamilya ng mga Loyola na kung saan nagkaroon ng
magandang epekto ang Political Dynasty. Sa Unang Distrito ng Cavite
kung saan kabahagi ang Carmona ay nanunungkulan bilang Kongresista
12. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 11
si Kgg. Roy Loyola. Ang kanyang may-bahay na si Kgg. Dahlia A. Loyola
ay nanunungkulan bilang Punongbayan sa bayan ng Carmona. Ang
kanila namang anak na babae ay nanunungkulan bilang konsehala sa
nabanggit na bayan. Kahanga-hanga at kapuri-puring gawain ang
kanilang naitaguyod sa Carmona at sa mga mamamayan nito.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay pakikinabangan ng mga sumusunod:
Isa sa mga makikinabang sa isinasagawang pag-aaral ay ang mga
mamamayang mayroong tinatagong kakayahang mamuno sa isang lugar
o probinsiya. Maraming mga kandidato ang hindi nabibigyan ng
pagkakataong mamuno sapagkat umiiral ang bagong mukha ng
demokrasya kung saan paulit-ulit na lamang ang pagkawagi ng mga
kandidato na nagmumula sa iisang angkan o dinastiya. Ikalawa ay ang
mga mamamayang Pilipino na kung saan sila ay mamumulat sa
katotohan na patungkol sa pagboto ng karapat-dapat na kandidato na
13. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 12
mamumuno. Ang pagkakaroon ng ganitong sistema sa kung saanmang
bayan ay nakakaapekto sa ekonomikal at sistematikong pamumuhay ng
mga mamamayang namumuhay rito. Ang ikatlo at ang panghuling
makikinabang ay ang mga mag-aaral o ang mga susunod na
mananaliksik na sa murang edad pa lamang ay malaman at mabatid na
nila ang kahalagahan ng pagboto ng tama at upang makita ang tunay na
nagagawa ng political dynasty dito sa ating bansa.
Definition of Terms
balakid- hadlang o pagpigil sa isang bagay na mangyari
epidemya- matitinding suliranin na kinakaharap ng lipunan
Impact- epekto
karima-rimarim- kalunos-lunos o karumal-dumal
kumprehensibo- ang kakayahang maintindihan sa isang malalim na
pang-unawa
monarkiya- ang sistema ng pamahalaan kung saan hari at reyna ang
namumuno at naipapasa ang kapangyarihan sa anak o kadugo.
Political Clans- katawagan sa mga angkan na umaangkin sa
kapangyarihan ng pamahalaan.
14. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 13
Kaugnay na Panitikan at Pag-aaral
Ang bahaging ito ay kakikitaan ng paglalathalang may kinalaman sa
political dynasty. Nagsagawa ng pagsisiyasat ang mga mananaliksik
patungkol sa mga opinyon, ideya at mga lathalain ng mga personalidad
na nagbigay ng sari-sariling pananaw at komento patungkol sa political
dynasty. Ilan sa mga nakalap ng mga mananaliksik ay nanggaling sa
United Kingdom, sa Ang mga nakalap na impormasyon ay naghahangad
na maipabatid sa taumbayan at botante ang mga pagbabagong
nangyayari sa demokrasya na taliwas sa dati nitong kahulugan bilang
malaya.
Mga Kaugnay na Pag-aaral Sa Ibang Bansa
Ang pulitika ay nagsisilbing tahanan para sa ilang mga pulitiko mula sa
nasyonal hanggang sa lokal na lebel ng pamahalaan. Mapapansin sa
kasaysayan ng mga namuno sa buong Pilipinas makikita natin ang mag-
asawa, magkakapatid, mag-ama at marami pang iba ang nanahan sa
pulitikal na katayuan ng bansa. (R. Simbulan, 2007)
Di mapagkakaila na ang political dynasty ay isang napaka impluwensyal
na bagay sa Pilipinas na animo ay di mabubuo ang Pilipinas ng wala ito.
Ang mga pamilyang sangkot sa political dynasty ay sama samang pinag
uusapan ang mga batas na kung saan itoý makakaapekto sa humigit
15. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 14
kumulang walumpung (80) milyong Pilipino mapa bata o matanda.
(PhPolitics, 2000).
Ang mga mamamayang karapat-dapat sa kapangyarahin ang siyang
dapat binibigyan ng oportunidad na mamuno at maglingkod.(Medel,
2007).
Ang mga pamilyang dawit sa political dynasty ang siyang numero unong
pinaguusapan sa mga balita at maging sa mga lokal na pagpupulong dahil
sa mga alegasyon sa mga krimen mula korapsyon maging hanggang sa
pagpatay at panghahalay. Ito ang nagpapakita ng napakarumi at kakila-
kilabot na imahe ng political dynasty sa kasalukuyan. (UK Essays, 2013)
Ang political dynasty ay nagbibigay ng kaayusan sa pulitika. (UK Essays,
2013)
Naisin man natin o hindi, ang agarang pag-usbong ng political dynasty sa
Pilipinas ay unti-unting napagtatagumpayan ng mga angkan sa umiiral na
huwad na demokrasya. (PhPolitics, 2000)
Ang mga mamamayan ang mamimili kung sino ang hahawak ng
kapangyarihang pamunuan sila. Nasa kamay ng mamamayan ang
kapangyarhihan at wala sa mga mamumuno. (Medel, 2007)
16. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 15
Matapos ang lahat, ang mamamayan ang may pananagutan sa kung ano
ang kahihinatnan nang mga pinuno na kanilang inihalal, kung magiging
maayos ang kanilang pamumuno o hindi. (Cusi, 2004)
Ang pamahalaan na pinapatakbo ng mga pami-pamilya ay hindi na bago
sa Pilipinas at ito ay nagmula pa sa demokrasyang natanggap nito sa
Estados Unidos. (Acemoglu & Robinson, 2013)
Ang mga tao sa pamahalaan lalo na ang nasa sangay ng lehislatura ang
siyang pangunahing lumabag sa batas ng ating bayan sa pagsuway nila
sa mandato ng Konstitusyon, dalawampu’t anim (26) na taon na ang
nakalipas na nagoobliga na magpatupad ng batas upang ipagbawal ang
political dynasty. (Felongco, G. 2013)
Mga Kaugnay na Pag-aaral sa Panitikang Panlokal
Marami na ang nagtangkang iwaksi ang political dynasty ngunit kahit isa
ay walang nakapasa dahil na rin sa ang magpapasa nito ay siyang mga
unang-unang lumalabag dito. (A. Donato, 2010)
Ayon sa CenPEG (2007), tinatayang 250 angkan o dinastiya ang
namayagpag sa larangan ng pulitika sa Pilipinas na sinarili ang
kapangyarihan sa nagdaang 30 taon.Walang naidudulot na maganda ang
political dynasty dahil sa pangunguwalta at patuloy na pag-iral ng bulok
ng sistema sa pagtatakipan ng mga pami-pamilya sa isa’t isa. (A. Donato,
2010)
17. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 16
Sa halip na maging simbolismo ng demokrasya ang halalan kung saan
nananaig ang kapangyarihan ng mamamayan, ito lamang ay nagiging
instrumento upang ang makinabang lamang ay mga matagal na sa
pwesto.(Tuazon, 2016)
Tungkulin ng Estado na bigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang
bawat mamamayan sa hangaring paglilingkod sa bayan at ang
pagbabawal sa political dynasty. (Art. II, Sec. 26, 1978 Ph Constitution)
Ang political dynasty ay masasabing kadikit na ng kasalukuyang sistema
ng pamahalaan na halos imposible ng wakasan. Halos walang pag-asang
maipasa ang Anti-Political Dynasty Bill dahil na rin sa mga nasa
Kongreso. (Defensor Santiago, 2007)
Naniniwala kami na ang problema ng political dynasty makalipas ang 25
taon ay lalong lalala at walang pag-asa na maging maayos. (Guingona,
2012)
Ang ilang mga political dynasty ay tumatagal ng mga 8 taon at ang ilan pa
ay humigit kumulang 30 taon. Isang uri ng monopolyo kung saan, ang
mga pamilyang ito ay naghahari-harian at akala mong sila lang ang
kuwalipikado para sa kapangyarihang mamahala. (Mendez, 2013)
Nakasaad sa Saligang Batas na ang mga dynasty ay labag sa batas o sa
Ingles ay ‘prohibited’. Ilang dekada matapos ang paglimbag ng 1987
18. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 17
Konstitusyon, wala ni isang batas ang naprubahan o naipasa man lang
upang liwanagin at itakda ito. (Ramos, 2012)
Bawat probinsya ng Pilipinas ay may kaniya-kaniyang ‘political clan’ at
ang napagalaman na ang 80 bahagdan ng ika-13 Kongreso ay galling sa
iba’t ibang ‘political families’. Ito ang nagpapakita na sakop ng political
dynasty ang buong Pilipinas. (PCIJ, 2010)
KABANATA II
Pamamaraan
Ang paraan na ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral ay ang
pagsasagawa ng interview o pakikipanayam. Magiging boluntaryo ang
pagsasagot sa interview at hindi sapilitan. Nagsagawa ng pagsisiyasat
ang mga mananaliksik hinggil sa pagkakaiba ng sitwasyon ng political
dynasty sa Pilipinas kumpara sa iba pang demokratikong bansa.
Naglakap din ng impormasyon gamit ang mga balita at lathalain upang
makatulong sa paggawa at pagsagot ng mga tanong. Lahat ng sagot ng
mga respondente ay magiging kompidensyal. Makikita sa pamamaraan
ang disenyo ng pag-aaral, populasyon at sampling na ginamit at ang mga
kalahok sa pag-aaral.
19. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 18
Disenyo ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay nagsasagawa ng isang disenyong deskriptib
upang malaman ang saloobin, perspektibo at iba’t ibang pananaw ng
taumbayan hinggil sa umiiral na political dynasty. Para sa mga
mananaliksik, ang pamamaraang ito ay angkop para sa pag-aaral.
Hinahangad na ipakita ang importansya ng demokrasya sa umiiral na
sistema ng political dynasty. Ninanais din ng mga mananaliksik na
ipamulat sa susunod na mananaliksik ang mga nagawa at patuloy na
nagagawa ng political dynasty sa pampulitikang katayuan ng ating bansa
Ang mga makukuhang impormasyon ng mga mananaliksik ay
manggagaling sa mga sagot sa ginawang interview ng mga mananaliksik.
Populasyon at Sampling na Ginamit
Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng 10 interview questions sa
sampung (10) mamamayan ng Carmona at sampung (10) mag-aaral mula
sa baiting siyam na siyang tutugon sa mga katanungan na inihanda ng
mga mananaliksik. Ang napili ng mga mananaliksik ay ang mga
mamamayang mula sa Carmona na botante na mayroong nalalaman
tungkol sa political dynasty. Ganoon din sa mga mag-aaral ng SMCL mula
sa baiting siyam.
Upang makuha ang mga sagot o opinyon ng mga respondente galling
sa Carmona at baiting siyam tungkol sa makabagong mukhang
20. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 19
demokrasya sa umiiral na sistema ng political dynasty sa Pilipinas, ang
mga mananaliksik ay bumuo at gumamit ng instrumento na “Qualitative”
na pag-aaral. Sa instrumentong “Qualitative” ay magsasagawa ng
panayam na mayroong kinalaman sa tuloy-tuloy na pagtakbo o
pamumuno ng iisang angkan na umaapekto sa taumbayan at ekonomiya
sa isang bayan o bansa.
Mga Kalahok sa Pag-aaral
Talahanayan 1
Kalahok Frequency Percentage
Botante ng Carmona
(Galing sa toda ng
mga ‘jeepney driver'
na PUJAC)
Lalaki: 8 (80%)
50%
Babae: 2 (20%)
Mag-aaral ng Baitang
Siyam
(Saint Mary)
Lalaki: 5 (50%)
50%
Babae: 5 (50%)
Kabuuan 20 100%
21. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 20
Ang mga mananaliksik ay marapat na kuhanin ang kabuuang bilang ng
mga mag-aaral na babae at lalaki na kasangkot sa pag-aaral. Kaugnay
nito, kailangang itala ang dalawamput limang bahagdan (25%) ng bawat
bilang ng mga kalahok mula sa dalawang hanay ay may kabuuang
dalawampu (20). Ang kalalabasan nito ay maitatala na sa ibabang hanay
ng Frequency.
Samantala, makakamit naman ang porsyento base sa kabuuang bilang
ng kalahok sa loob ng pangkat Mary at sa mga miyembro ng PUJAC sa
Carmona. Hahatiin ang bilang ng kabuuang bilang at imumultiply sa isang
daan (100). Ang kabuuang porsyento ay ang pinagsama-samang
porsyento bawat pangkat o baitang na may kabuuuan bilang na isang
daang bahagdan (100%).
Ang baiting siyam (9) pangkat ng Saint Mary ay mayroong apatnapu
(40) sa kalahatang bilang ng mag-aaral kung saan limang (5) babae at
limang (5) lalaki ang kumakatawan sa pangkat na ito. Ang PUJAC o Public
Utility Jeep Association of Carmona ay may pangkalahatang bilang na
limampu (50) kung saan walong (8) lalake at dalawang (2) babae ang
kumakatawan dito.
22. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 21
Pagsusuring Estadistikal ng mga Data
Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng sinabing estadistika.
Frequency – bilang ng kabuuang nakuhang respondente sa baiting siyam
pangkat ng Mary at PUJAC.
f = n * 0.25
kung saan:
f ay nangangahulugang frequency o bilang ng respondante.
n ay ang kabuuang populasyon ng baitang labing siyam
. 3 ang kabuuang populasyon na kakailanganin sa pag-aaral.
Bahagdan (Percentage) – ginagamit ang bahagdan upang tugunan ang
mga tanong sa mga pansariling katangian ng mga kalahok.
% = f/n*100
Kung saan ang:
% ay nagangahulugang bahagdan
F ay nangangahulugang prikwensi
N ay nagangahulugang bilang ng kabuuang tumugon
23. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 22
KABANATA III
Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapaliwanag ng mga Datos
Nilalaman ng kabanatangitoangmganakalapnadatos o
impormasyon na nanggaling sa mga respondente. Ang mga datos na
nakalap ng mga mananaliksik ay ilalahad at ipapaliwanag batay sa mga
suliraning kailangang solusyonan sa pag-aaral na isinasagawa.
Ang mga sumusunod ay ang mga katanungang isinagawa ng
mga mananaliksik at ang mga nakalap na kasagutan mula sa
respondente:
1. Pabor ka ba sa political dynasty?
Labingdalawa (12) o animnapung bahagdan (60%) ng mga
respondente ang hindi pabor sa political dynasty. Anim (6) o
tatlumpung bahagdan (30%) naman ang sumagot na
nakadepende sa pamamahala ng isang dinastiya kung magiging
pabor ba ang mga respondente o hindi at dalawa (2) o sampung
bahagdan (10%) ang pabor sa pagkakaroon ng political dynasty
sa ating bansa
2. Paano nakakaapekto ang political dynasty sa isang bansa?
Ayon sa labingisa (11) o limampung bahagdan (55%) na
nakapanayam ng mga mananaliksik, ang political dynasty sa
24. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 23
kalagayam natin sa kasalukuyan ay may masalimuot na epekto sa
bansa. Habang ang walo (8) o limampung porsyento (40%)
naman ay nagsabing nakadepende ang mga epekto nito sa
pamamalakad ng mga pulitiko kungmagiging maayos at
matiwasay ba ang magiging epekto ng political dynasty o ang
kabaligtaran. Samantala, ang natirang limang porsyento (5%)
naman o isa (1) ang nagsabing ito ay nakapagdudulot ng
positibong epekto sa kalagayan ng ating bansa.
3. Ano ang iyong pananaw hinggil sa political dynasty?
Sampu (10) o limampung bahagdan (50%) rin ang nagsabi na
hindi sila sang-ayon sa political dynasty dahil sa nakikita nilang
kinikilos ng mga dinastiya kung saan talamak ang katiwalinan at
puro kasakiman lamang ang nangingibabaw. Anim (6) o
tatlumpung bahagdan (30%) ang nagsabing maganda ang
political dynasty kung ang isang pamilya ay mayroong busilak na
hangarin para sa bayan at kung mayroon silang kakayahan na
panatilihin ang kapayapaan & kaayusan sa isang lugar o bayan.
Anim (6) o Dalawampung bahagdan (20%) rin naman ang
tumugon na nakadepende ang magiging epekto ng political
dynasty sa pamamalakad ng isang dinastiya. Maari raw itong
maging kapaki-pakinabang na bagay kung magiging mabuti ang
25. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 24
intensyon ng mga mamumuno ngunit isang kasahulan kung para
sa pansarili lamang intensyon.
4. Paano nakakalamang o nakabebenepisyo ang mga dinastiyang
ito kumpara sa ibang naglalatag ng kanilang kandidatura tuwing
eleksyon?
Labingdalawa (12) o animnapung bahagdan (60%) ang
nagsabi na kapag kilala ang mga kumakandidato na nagmula sa
isang kilalang angkan o apilyido ay nagkakaroon ng mas mataas
na probabilid na manalo ito kung ikukumpara sa ibang naglalatag
ng kanilang kandidatura tuwing eleksyon. Lima (5) o dalawampu’t
limamg bahagdan (25%) ang nagsabing nakagisnan na ng
taumbayan na palibhasa’y may nagawa ang nakaraang pulitiko na
kamag-anak ng kasalukuyang kumakandidato na maayos o
mabuti, kaya kahit walang katiyakan ay ganoon na lamang ang
kumpiyansa nila na magiging maayos din ang pamamalakad ng
nangangandidato. Sa palagay naman ng tatlo (3) o nalalabing
labinglimang bahagdan (15%) na nakapanayam ng mga
mananaliksik nakalalamang ang mga ito sapagkat natutulungan
sila ng mga kaanak nilang nakaupo na sa pwesto o ang tinatawag
na ‘hokus-pokus’.
26. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 25
5. Sa palagay mo, naging matagumpay ba sa termino ng kaunlaran
ang pagkakaroon ng political dynasty sa mga nagdaang taon sa
bansa?
Labinglima (15) o Pitumpu’t limang bahagdan (75%) ang
nagsabing umiral ang kabiguan sa nagdaang mga taon ng political
dynasty dito sa Pilipinas. Lima (5) o Dalawampung bahagdan
(25%) naman ang nagsabi na nagkaroon ng mga tagumpay at
bigong yugto ang political dynasty dito sa Pilipinas.
6. Ano ang naging imahe ng political dynasty sa ating bansa sa
kasalukuyan?
Ayon sa labingisa (11) o limampu’t limang bahagdan (55%) na
kinapanayam ng mga mananaliksik ang nagiging imahe raw ng
political dynasty ang paghahari-harian ng mga angkan sa kani-
kanilang sariling bayan o baryo at kung minsan pa ay sa pang-
nasyonal na pamahalaan. Pito (7) o Tatlumpu’t limang bahagdan
(35%) sa mga respondente ang nagsabing sa pamamagitan ng
political dynasty ay may kapangyarihan na ang mga ito na
diktahan ang magiging kapalaran ng mga bayan na kanilang
pinamumunuan. Ang nalalabing dalawa (2) o sampung bahagdan
(10%) ay nagsabi na ang political dynasty ay nagiging imahe ng
isang bayan o bansa bilang isang bulok o sariwang tanim, kung
patutunguhan nito ay magiging mabuti ba ang mamumuno at
28
27. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 26
magiging matapat o paiiralin ang pansariling pagnanais at
kalilimutan ang sinumpaang tungkulin.
7. Sa palagay mo, bakit patuloy pa rin ang mga Pilipino sa pagboto
sa mga dinastiya?
Labingdalawa o animnapung bahagdan (60%) ang nagsabing
patuloy ang mga Pilipino sa pagboto sa mga dinastiya dahil ang
kanilang ‘mindset’ ay kung ang mga naunang dinastiya na
naglingkod sa bayan ay naging matagumpay, magiging maganda
rin ang serbisyo na matatanggap nila sa susunod nitong dinastiya.
Pito o Tatlumpu’t limang bahagdan (35%) ang nagsabi na patuloy
ang pagboto ng mga Pilipino sa mga ito dahil sa popularidad ng
mga pulitikong ito at kung minsan ay sa kadahilang magaling itong
manghalina . Isa o limang bahagdan (5%) ang nagsabing dahil ito
sa pagiging ignorante ng mga Pilipino at sa kamangmangang
pinaiiral ng karamihan sa atin.
8. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung patuloy na iiral ang political
dynasty?
Labingdalawa o animnapung bahagdan (60%) ang nagsabing
magbubunga ito sa lalong hindi pagkalutas ng mga problema ng
bansa tulad na lamang ng katiwalian sa bansa. Magkakaroon ng
maraming sagabal sa isang bayan o bansa at mas lalong
28. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 27
maghihirap ang mga tao rito. Lima o dalawampu’t limang
bahagdan (25%) ang nagsabing mas mawawalan ng pag-asa ang
Pilipinas na magkaroon ng karapat-dapat na pulitiko at hindi
mabibigyan ng oportunidad ang iba na nagnanais maglingkod sa
bayan. Lima o labinglimang bahagdan (15%) ang nagsabing
nakadepende ito sa hangarin at balakin ng mga susunod na
dinastiyang uupo sa gobyerno.
9. Karapatdapat bang tanggalin ang sistemang political dynasty?
Sampu o limampung bahagdan (50%) ang nagsabi na ang
political dynasty ay nangangailangan ng tuldukan at wakasan.
hindi sa buong bansa. Pito o tatlumpu’t limang bahagdan (35%)
ang nagsabing oo ngunit hindi sa buong bansa bagkus ay sa mga
bayan lamang na talamak ang political dynasty lalo na sa
dinastiyang may masamang imahe. Ang natirang tatlo o
labinglimang bahagdan (15%) ay nagsabing hindi ngunit dapat
magkaroon ng kuwalipikasyon dito.
29. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 28
KABANATA IV
Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay maglalahad ng
paglalagom, mga natuklasang sagot sa mga suliranin ng pag-aaral, at
mga konklusyon at mga rekomendasyon.
Paglalagom
1. Ang Political Dynasty ay ang tuloy-tuloy o sabay-sabay na pagtakbo
o pamumuno ng iisang angkan sa isang bayan o bansa. Ang mga
mamamayang karapat-dapat sa kapangyarahin ang siyang dapat
binibigyan ng oportunidad na mamuno at maglingkod. (Medel,
2007). Ito ay kanilang naisasagawa sa pamamagitan ng isang
makabagong demokratikong pamamaraan kung saan ang tao pa rin
ang may kapangyarihang maghalal at bumoto ngunit animoý
naroon ang kalamangang nakukuha nila mula sa mga botante. Ito
ang pagiging kumpanya o ‘mala-negosyo’ ng gobyerno sa kamay
ng iilan na nanggaling sa mga angkan na maaaring sa pansariling
intensyon lamang o sa kadahilanang nais pang maglingkod ng
matagal sa bayan. Ang pagkakaroon ng ganitong sistema sa kung
saanmang bayan o bansa ay nakakaapekto sa ekonomikal at
sistematikong pamumuhay ng mga taong namumuhay rito. Bunsod
30. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 29
ng mga ganitong pagbabago, ang isang demokratikong
pamahalaan ay nagiging aristokratikong pamahalaan dahil ang
kapangyarihan aynapupunta sa iilang tao lamang na madalas ay sa
mga hipokrito pang pinuno. Ang makabagong demokratikong
pamamaraan na ito ang siyang sumasalamin sa mga tanikalang
nagbibigkis sa ating mga kamay na siyang humahadlang sa atin
upang maging malaya.
2. Malaki ang naging bahagi ng mga respondente sa ginawang pag-
aaral ng mga mananaliksik. Karamihan sa mga kinapanayam nang
mga mananaliksik ay tutol o hindi sumasang-ayon sa umiiral na
baluktot na sistema ng political dynasty sa maraming kadahilanan.
Isa na rito ay dahil hindi nabibigyan ng pagkakataon ang ibang mas
karapat-dapat na mahalal at ang mga totoong tao na may pusong
mamuno ng tapat at mahusay. Matapos ang lahat, ang
mamamayan ang may pananagutan sa kung ano ang kahihinatnan
nang mga pinuno na kanilang inihalal, kung magiging maayos ang
kanilang pamumuno o hindi. (Cusi, 2004). Hanggang ngayon ay
mayroon pa ring bumoboto sa mga parte ng dinastiya at kaya’t
patuloy ang paglaganap nito ay dahil sa pagbibili ng boto o yung
tinatawag na “vote buying”, dahil sa pagkakakilanlan o popularity, at
sa paniniwalang nananalaytay sa iisang dugo ang
31. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 30
kasanayan at kagalingan sa pamumuno dahil sa nakuhang apilyido
ng kaanak. Sa pananaliksik ay napatunayang kung magpapatuloy
ang political dynasty ay unti-unting mamamatay sa pangkalahatan
ang ating bansa dahil sa suliranin ng political dynasty tulad na
lamang ng korapsyon at lalong pagtaas pa ng poverty rate.
3. Ang pamahalaan ay nagsisilbing salamin ng isang bansa sa
kadahilanang nirereplika o ito ang kumakatawan sa bawat pag-
uugali at bawat kilos ng mamamayan nito. Sa halip na maging
simbolismo ng demokrasya ang halalan kung saan nananaig ang
kapangyarihan ng mamamayan, ito lamang ay nagiging instrumento
upang ang makinabang lamang ay mga matagal na sa
pwesto.(Tuazon, 2016) Ang pamahalaan ang siyang nagiging
representante ng buong mamamayan nito sa kung ito ba ay
magiging mabuti ba o masama ang magiging tingin ng kalapit na
lalawigan/bayan nito o kalapit bansa. Nangangahulugan na
papangit ang tingin ng ibang bansa sa mga Pilipino kung makikita
lamang nilang talamak ang katiwalian sa pamahalaan na ‘di
mapapagkailang may ambag ang political dynasty. Ang political
dynasty ay nakakaapekto ng lubos sa pag-unlad ng isang bansa
lalo na’t kung ito’y may sistemang demokratiko sa kadahilanang
hindi nagiging tunay na malaya ang isang bansa dahil sa pagiral
nito.
32. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 31
Konklusyon
1. Ang bansang Pilipinas ay nasa pulitikal nitong katayuan kung
saan umiiral ang sistemang political dynasty. Sa mga nagdaang
taon na pag-iral ng sistemang dinastiya, masasabi na hindi
naging matagumpay ang kalakaran ng pamahalaan dito sa
Pilipinas dahil sa kabi-kabilang suliranin at ang mga bayan na
sinilangan ng mga ‘political clans’ na may busilak na puso na
maglingkod sa bayan ay kakaunti lamang din. Ito ay sa
kadahilanan na karamihan sa mga pulitikong kabilang sa mga
dinastiya ay pinaiiral ang kani-kanilang mga hangaring
makamundo o ang mga pansariling intensyon lamang na ang
makikinabang ay iilan. Pinatunayang, magiging maunlad ang
isang bansa o bayan kung tama at tahasang pinagisipan ang
mga ihahalal ng mamamayan na pulitiko sa pwesto. Ipinakita
ng pag-aaral na ang patuloy na pagiral ng dinastiya ay lubusang
nakaaapekto hindi lang sa pampulitikong katayuan ng isang
bansa kundi lalo’t higit sa estado ng isang bansa. Napatunayan
na sa patuloy na pag-inog ng political dynasty ay patuloy at mas
dumadami pa ang mga naghihirap na bayan. Hangad ng mga
mamamayan na iwaksi ang political dynasty upang ito ay hindi
na maging balakid sa pag-unlad ng isang bansa. Kung
33. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 32
maiiwaksi ang ganitong uri ng sistema, mabilis na aasenso o
maging progresibo ang isang bayan o bansa.
2. Mas lumalawak at dumadami ang mga dinastiya na
hinahangad mamahala sa bayan upang maisakatuparan nila
ang kani-kanilang mithiin. Isa sa mga bunga ng political dynasty
ang patuloy na paglubog ng isang bayan lalo’t higit sa
ekonomiya nito. Nagaganap ito kapag ang dinastiyang
namumuno sa isang lugar ay ginagamit lamang ang
kapangyarihan sa pansariling interes. Upang maiwaksi o
tanggalin ang mga dinasiya sa Pilipinas, kinakailangang
patalsikin ang mga pulitiko na bahagi ng dinastiya.
Kinakailangan din na sumunod ang mga nahalal sa
pamahalaan sa konstitusyon patungkol sa limitasyon ng bawat
isa upang sila ay maging matapat at katiwa-tiwalang opisyal.
Kung patuloy ang panunungkulan ng mga dinastiya, kasabay
nito ang walang katapusang problema ng bansa na patuloy sa
paglala. Samakatuwid, ang kanilang kapangyarihan o posisyon
ay ginagamit lamang ng mga dinastiya upang abusuhin ang
kanilang awtoridad, pagyabungin ang pansariling interes at
ilagay ang batas sa kanilang kamay.
34. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 33
3. Nagkakaroon ng positibo at negatibong epekto ang potical
dynasty depende sa kung papaano nila pamumunuan ang isang
lugar. Nasa kanila ang desisyon kung gagamitin nila ang kanilang
pwesto sa maayos na paraan at papaunlarin ang isang lugar o
gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan upang kumupit sa
kaban ng bayan at gamitin ito sa pansarili nilang interes. Ang
kadalasang nangyayari dito ay ang negatibong epekto kung saan
nagiging makasarili ang mga pulitiko kung kaya’t masasabing
hindi nakakatulong ang political dynasty sa pag-unlad ng
bansang Pilipinas. Ang political dynasty ang nagiging sanhi ng
pagbagal na paglago at pag-usad ng isang lugar sa nasasakupan
nito. Nag-papatunay na habang dumadami o lumalawak ang
political dynasty sa isang lugar, lalong nataas ang poverty rate
dito. Ito ay dahil sa mga gawain ng mga gahaman na pulitko ay
ang mga aba o ang mga mahihirap ang higit na naaapektuhan.
Ginagamit lamang ng pulitikong kasama sa dinastiya ang
kanilang pwesto sa pamahalaan upang magawang negosyo ito
at masarli ang kapangyarihan. Samakatuwid, kung
magpapatuloy pa ang political dynasty sa susunod na
dalawampung taon ay magiging mas masalimuot at karumal-
dumal pa ang sasapitin ng Pilipinas dahil sa iba’t ibang salik na
35. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 34
tatamasain ng mamamayan mula sa mga mapanlibak at
abusadong pulitiko.
Rekomendasyon
1. Ang pag-aaral sa political dynasty ay isang paulit-ulit na yugto
lalong lalo na dito sa Pilipinas. Kulang ang kakaunting pag-aaral
ng political dynasty kung kaya’t kinakailangang susugin ang
pag-aaral na ito. Upang mas makamit pa ang mas malalalim na
kasagutan hinggil sa political dynasty nais ng mga
kasalukuyang mananaliksik na ipagpatuloy ang pag-aaral.
Kinakailangang mas mapalawig pa ang pagpapakahulugan ng
political dynasty sa mamamayang Pilipino upang mas mamulat
pa sila sa tunay nitong kahulugan. Maisasakatuparan lamang
ang mga ito kung magkakaroon ng mga mananaliksik na
nanaising ipagpatuloy ang pag-aaral. Kinakailangang mas
maging kumprehensibo pa ang pagpapakahulugan sa political
dynasty upang makamit ang tunay na demokrasya.
2. Kapansin-pansin na maraming mamamayang Pilipino ang hindi
pinagtutuunan ng pansin ang nangyayari sa bansang Pilipinas,
partikular sa sistema na umiiral ng political dynasty. Ang ibang
mamamayan ay bumoboto sa isang dinastiya sapagkat sa
pagkakaalam nila ay maganda ang maidudulot nito. Ngunit
hindi lahat ng dinastiya ay mayroong magandang hangarin para
36. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 35
sa ating bayan. Ang ibang dinastiya ay naghahangad lamang
ng pwesto upang makakuha ng pondo galing sa gobyerno o sa
madaling salita ay ‘mangurakot’. Dapat alamin ng bawat
botanteng Pilipino kung ano pa ang maaaring maging resulta
ng patuloy na pag-iral ng political dynasty. Nararapat lamang
na maging maingat ang taumbayan sa kanilang iboboto dahil
nasa kamay ng taumbayan ang desisyon kung sino ang
magwawagi sa isang eleksyon. Nangangahulugan na
kailangang pagtuunan ng pansin ng mga Pilipino ang
maidudulot ng political dynasty sa nasasakupan nito. Kung
magiging matagumpay ang pamamalakad o sila ang dahilan
kung bakit babagsak ang isang bayan.
3. Dapat pagtuunan ng pansin ang naidudulot ng political dynasty
sa nasasakupan nito. Magsagawa pa nang ilang mga hakbang
hinggil sa pagpapalalim ng pag-aaral sa political dynasty at
epekto nito sa pamumuhay ng bagong henerasyon. Sa
pagpapatuloy ng pag-aaral na ito maaaring mapunan ang
kakulangan ng naisagawang pag-aaral at mas lalong
makapagbigay pa ng impormasyon sa mga mamamayan. Ang
pag-aaral na ito ay isa sa kagamitan upang mabigyang linaw
ang mga isip ng susunod na henerasyon. Maraming kabataan
37. SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 36
ngayon ang hindi bukas ang mga isip sa mundo ng pulitika.
Kailangan nilang maging handa sa pagpili ng kanilang iboboto,
sapagkat ang pagboto ng iyong gustong mamuno sa isang
lugar o bansa ay hindi biro. Mahalagang batid ng mga mag-
aaral ang political dynasty upang matukoy nila ang lahat ng
suliranin at magandang maidudulot nito sa isang bayan.
Bagamat hindi natin dapat iasa sa pulitiko ang pagbabago ng
ating bansa, maari itong maging espasyo para sa progresibong
tinig at aksyon ng mga kabataan na mumulat sa mga mata ng
pulitika.