Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

graded recit.pptx

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 31 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Aktuellste (20)

Anzeige

graded recit.pptx

  1. 1. Pumili ng Katanungan 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
  2. 2. Anong salik ang maaring magpababa sa demand ng motor? A. Pagbaba ng presyo ng gulong B. Pagtaas ng presyo ng pamasahe C. Pagbaba ng singil sa rehistrasyon. D. Pagtaas ng presyo ng gasolina.
  3. 3. Sa kasalukuyang panahon, malaki ang gampanin ng teknolohiya sa buhay ng mga tao. Dahil dito dumadami ang bumibili ng laptop dahil ito ang nauuso. Anong salik ng demand ito? A. Inaasahan ng mamimili B. Panlasa C. Presyo ng kaugnay na produkto D. Kita
  4. 4. Natanggal sa trabaho ang ama ni Kardo kaya bumibili na lang siya sa ukay-ukay. Anong salik ng demand ang nakaapekto? A. Kita B. Panlasa C. Dami ng mamimili D. Kapalit na produkto
  5. 5. Kapag tumaas ang presyo ng kape, bumababa ang demand ng asukal. Ano ang relasyon ng asukal at kape? A. Magkaugnay na kalakal B. Magkatunggaling kalakal C. Pamalit na kalakal D. Lahat ng nabanggit
  6. 6. Ano ang ipinapakita ng graph? A. Pagtaas ng demand C. Pagtaas ng suplay B. Pagbaba ng demand D. Pagbaba ng suplay
  7. 7. Tuwing panahon ng kapaskuhan hindi maiwasan ng tao ang bumili ng panghanda tulad ng quezo de bola at prutas. Anong salik ng demand ang ipinakikita dito? A. Kita C. Inaasahan ng mamimili B. Panlasa D. Kapalit na produkto
  8. 8. Sina Pirena, Amihan , Alena at Danaya ay mga negosyante ng bigas. Si ay Pirena ay nagbibili ng isang sako sa halagang P1400, si Amihan ay P1390 kada sako samantalang P1410 kay Alena at P1380 kay Danaya. Kung ikaw ang mamimili, kanino ka bibili? A. Pirena B. Amihan C. Alena D. Danaya
  9. 9. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser? A. Demand B. Suplay C. Presyo D. Ekwilibriyo
  10. 10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng batas ng supply? A. Tumataas ang supply kapag tumataas ang presyo. B. Bumababa ang supply kapag tumataas ang presyo. C. Tumataas ang supply kapag bumababa ang presyo. D. Tumataas ang supply kahit hindi bumababa ang presyo
  11. 11. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak sa tuwing sasapit ang Undas? A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa bulaklak kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito. B. Dahil sa tuwing sasapit ang Undas, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito. C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Undas sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay. D. Tuwing sasapit ang Undas, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.
  12. 12. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakapagpapataas sa antas ng produksyon at suplay ng produkto? A. Paggamit ng angkop na teknolohiya. B. Pagmahal ng mga salik ng produksyon C. Pagdami ng bilang ng mga mamimili. D. Pagtaas ng demand para sa produkto.
  13. 13. Dati-rati maliit na makina lamang ang ginagamit ni Aling Nati sa pananahi ng mga burdadong damit. Sa tinagal-tagal ng panahon nakaipon ng puhunan at nakabili ng dalawang yunit ng panahing pwedeng gamitin sa pagbuburda. Dumami ang natatahing mga damit burdado na naging dahilan sa mabilis na produksyon ng patahian. Ano ang naging epekto ng mga bagong makina sa kanyang patahian? A. Naaliw si Aling Nati sa mabilis na pananahi. B. Nawalan ng silbi na makatulong sa tahiin ni Aling Nati. C. Nakadagdag ng gastusin ni Aling Nati taun-taon. D. Nakatulong upang maparami ang natatahing damit.
  14. 14. Tuwing sasapit ang Kapaskuhan at Piyesta ng Bayan ng San Pablo nagkakaroon ng mga nagtitinda ng iba’t-ibang produkto sa Plaza. Ano ang nangyayari sa dami ng suplay ng mga produkto? A. Dumarami C. Nanatili B. Kumakaunti D. Lahat ng nabanggit
  15. 15. Ano ang ipinapakita ng graph? A. Pagtaas ng demand C. Pagbaba ng supply B. Pagbaba ng demand D. Pagtaas ng supply
  16. 16. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kapag tumaas ang presyo ng mga chicken feed? A. Tataas ang suplay ng manok at bababa ang presyo nito. B. Tataas ang suplay ng manok at tataas ang presyo nito. C. Bababa ang suplay ng manok at tataas ang presyo nito. D. Bababa ang suplay ng manok at bababa ang presyo nito.
  17. 17. Kung ang sitwasyon sa pamilihan ay ganito – ang suplay ng produkto ay kakaunti ngunit marami ang demand ng tao – ang presyo ay _____. A. Tataas B. Bababa C. Mananatili D. Walang Mangyayari
  18. 18. Nagkaroon ng brown-out sa kalakhang Maynila. Ano ang magiging epekto nito sa mga nagbibili ng perishable goods? A. Marami ang magsususplay B. Mananatili ang magsusuplay C. Mababawasan ang magsusuplay D. Wala ng magsusuplay
  19. 19. Ang punto kung saan nagkakasundo ang mamimili at bahay-kalakal sa isang takdang presyo ay tinatawag na _________. A. Kakulangan B. Kalabisan C. Ekwilibriyong Presyo D. Ekwilibriyo
  20. 20. Ano ang presyong ekwilibriyo ng graph? A. 10 B. 20 C. 30 D. 40
  21. 21. Ano ang ekwilibriyong dami ng graph? A. 300 B. 400 C. 500 D. 600
  22. 22. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagkakaroon ng ekwilibriyo? A. Pantay ang dami ng suplay at demand B. Mas madami ang demand kaysa suplay C. Labis ang suplay kaysa demand D. Walang demand at suplay
  23. 23. Sa presyong 5000, ang demand para sa tablet X ay 20,000. Ngunit ang naprodyus na tablet X ay 15,000. Ano ang dapat gawin upang magkaroon ng ekwilibriyo? A. Bawasan ang supply B. Bawasan ang demand C. Taasan ang presyo D. Ibaba ang presyo
  24. 24. Dahil sa lamig ng panahon, kokonti ang bumibili ng tindang halo-halo ni Aling Dina. Ano ang ipinapakita ng sitwasyong ito? A. ekwilibriyo B. surplus C. shortage D. lahat ng nabanggit
  25. 25. Kung ang demand function ay Qd = 210 – 5P, at and Qd ay 120, ano ang P?
  26. 26. Kung ang demand function ay Qd = 210 – 5P, at and P ay 10, ano ang Qd?
  27. 27. Kung ang supply function ay Qs = -100 + 20P, at ang P ay 10, ano ang Qs?
  28. 28. Kung ang supply function ay Qs = -100 + 20P, at ang Qs ay 100, ano ang P?
  29. 29. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito? A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid B. Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin C. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer D. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo
  30. 30. Ano ang tawag sa pinakamataas na presyong itinakda ng pamahalaan sa isang produkto? A. Price Floor B. Price Ceiling C. Price Control D. Price Adjustment
  31. 31. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mababa at hindi na makatarungan para sa mga prodyuser dahil sa malaking gastos sa produksyon, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamababang presyo ng mga produkto o serbisyo? A. price ceiling B. price floor C. market clearing price D. price support

×