Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

ESP 4 YIII Aralin 1

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Tungkulin ng mamamayan
Tungkulin ng mamamayan
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 58 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie ESP 4 YIII Aralin 1 (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

Anzeige

ESP 4 YIII Aralin 1

  1. 1. Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan
  2. 2. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang Kulturang materyal (halimbawa: kuwentong-bayan, awit, laro o libangan, pagkain, pananamit) Layunin:
  3. 3. Alamin Natin Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ito ang nagbibigay sa isang bansa ng kaniyang sariling pagkakakilanlan. Nakikilala tayo bilang isang lahi sa pamamagitan ng ating pagkain, pananamit, mga laro, kuwento, mga pambansang sagisag, kaugalian o mga gawi. Paano pa maaaring makilala ang isang bansa? Halina at ating tuklasin ang angking ganda at yaman ng ating kultura.
  4. 4. Pansinin natin ang mga larawan sa palibot ng mapa ng Pilipinas. Ano-ano ito?
  5. 5. Ano ang kaugnayan ng mga larawang ito sa Pilipinas?
  6. 6. Paano mo ilalarawan ang Pilipinas batay sa mga larawan?
  7. 7. Sa paanong paraan pa nakikilala ang isang bansa?
  8. 8. Ano ang tawag natin sa pamumuhay, mga kaugalian at gawi na natatangi lamang sa isang pangkat at siyang nagbibigay sa kanila ng pagkakakilanlan?
  9. 9. Suriin natin
  10. 10. Suriin natin
  11. 11. Ang baybayin ay binubuo ng labing apat na katinig at mga patinig na a, e/i, o/u na may pagkakahawig sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Karaniwang ginagamit ito ng mga ninuno natin sa paggawa ng liham, tula, o mga awitin o sa pagtatala ukol sa kanilang mga pang-araw- araw na gawain. Inuukit nila ang mga baybayin sa kawayan. Suriin natin
  12. 12. Binabasa ang mga ito nang kaliwa papuntang kanan, mula sa unang hanay pababa. Katulad ito ng paraan ng ating pagbabasa ngayon gamit ang ating alpabeto. Suriin natin
  13. 13. Sagutin ang sumusunod na tanong: Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at pagsulat na sinasabing umiral na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol? Saan ito isinusulat at paano ito binabasa?
  14. 14. Sagutin ang sumusunod na tanong: Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga sinaunang Pilipino ng sariling baybayin?
  15. 15. Sagutin ang sumusunod na tanong: Paano mo mapahahalagahan ang mga katutubong Pilipino na may mayamang kultura noon pa mang sinaunang panahon?
  16. 16. Magbaybayin Tayo: Subuking isulat ang mga salita sa ibaba gamit ang baybayin. Gamitin bilang gabay ang tsart. Gawin itosa iyong kuwaderno.
  17. 17. Buuin ang web
  18. 18. Buuin ang web
  19. 19. Ano ang ipinahihiwatig ng nabuong web tungkol sa kulturang Pilipino?
  20. 20. Bilang mga Pilipino, bakit mahalagang kilala natin ang ating kultura?
  21. 21. Paano mo mapahahalagahan ang ating sariling kultura sa modernong panahon? Pangatwiranan.
  22. 22. Isagawa Natin Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilang natatanging pagpapahalaga sa kultura. Alam mo ba kung ano-ano ang mga pagpapahalagang ito? Gawain 1
  23. 23. Isagawa Natin Gawain 1 Sa bawat sitwasyon na inilahad, anong pagpapahalaga ang nararapat? Piliin sa Kahon ng Pagpapahalaga ang sagot sa bawat bilang.
  24. 24. Isagawa Natin Gawain 1
  25. 25. Isagawa Natin Gawain 1
  26. 26. Isagawa Natin Gawain 1
  27. 27. Isagawa Natin Gawain 1
  28. 28. Isagawa Natin Gawain 1
  29. 29. Isagawa Natin Gawain 1 2. May iba ka pa bang alam na pagpapahalagang Pilipino? Paano ka makatutulong sa pagpapanatili nito? 3. Anong mabuting kaugalian ang iyong naipakita bilang Pilipino? 4. Paano makaaapekto ang magandang ugaling ito sa pandaigdigang pagkakaisa? 5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang pagkakaroon ng sariling disiplina tungo sa progresibong kultura?
  30. 30. Isagawa Natin Gawain 2 Pangkatang Gawain Pagyamanin natin ang ating kultura. Katulong ang iyong pangkat, gumawa ng word tree para sa paksa o bahagi ng kulturang maitatalaga sa inyong pangkat. Maaaring gawing halimbawa ang word tree sa araling ito. Gamitin ang inyong pagkamalikhain. Gawin ito sa isang manila paper
  31. 31. Isagawa Natin Gawain 2 Pangkatang Gawain 2. Ibahagi sa klase ang nagawa ng inyong pangkat. Ilarawan o ipakita sa pamamagitan ng kilos ang mga nabuong sagot.
  32. 32. Isagawa Natin Gawain 2 Pangkatang Gawain 3. Sabihin kung paano kayo makatutulong sa pagpapayaman at pagpapanatili ng kulturang Pilipino.
  33. 33. Isapuso Natin Sa pagdaan ng panahon, hindi maiiwasang magkaroon ng pagbabago sa isang kultura. Ano-ano ang mga dahilan ng mga pagbabagong ito? Dapat bang gayahin o tanggapin ang anumang nauuso?
  34. 34. Isapuso Natin
  35. 35. Isapuso Natin 1. Katulong ang iyong pangkat, gumawa ng poster o collage na nagpapakita ng yaman at ganda ng kulturang Pilipino. Maaari itong magpakita ng mga materyal at di materyal na salik ng ating kultura. Sa ibaba ng poster ay gumawa ng magsisilbing pamagat o paksa ng inyong poster. 2. Ibahagi ang inyong ginawa sa klase. Sabihin kung tungkol saan ang inyong ginawa at paano ito makapaghihimok o makagaganyak sa iba na mahalin at ipagmalaki ang ating kultura.
  36. 36. Tandaan Natin Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat. Napapaloob dito ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, pagpapahalaga, mga gawi, at mga bagay o sagisag na magpapakilala sa kanila bilang isang natatanging pangkat. Upang magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa isang pangkat, kinakailangang malaman mo ang kultura ng pangkat na ito.
  37. 37. Tandaan Natin Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Bilang isang Pilipino, tungkulin nating alamin, alagaan, pagyamanin, at ipagpatuloy ang kultura natin. Masarap sa pakiramdam na alam mo ang iyong pinagmulan, ang pamana ng iyong lahi. Dahil alam mo na bahagi ito ng iyong pagka-Pilipino, pananatilihin mong buhay ito. Sa iyong pagtanda, tanungin ka man ng mga nakababata, masasagot mo ang anumang may kinalaman sa kulturang Pilipino dahil kilala mo ito at bahagi ka nito.
  38. 38. Isabuhay Natin Nakakita ka na ba ng flyer o brochure? Karaniwan itong ipinamimigay kung may produktong nais ipakilala sa mga mamimili. Gumawa ng isang flyer o brochurena maglalarawan ng isang aspekto ng kulturang Pilipino.
  39. 39. Isabuhay Natin 2. Lagyan din ng pamagat o tag line ang ginawang materyal. Halimbawa: Pilipinas ang Ganda! Tayo Na! 3. Mga halimbawa ng maaaring gawin ay: • Masasarap na pagkaing Pilipino • Mga larong Pilipino • Mga pambansang sagisag at kahalagahan • Isang tanyag na Pilipino sa kaniyang larangan • Isang tanawin o lugar sa Pilipinas na maaaring puntahan • Mga natatanging kaugalian sa Pilipinas • Isang popular na kuwentong Pilipino na alam mo
  40. 40. Isabuhay Natin • Tupiin ang isang puting papel sa tatlong bahagi.
  41. 41. Isabuhay Natin • Ang isang bahagi ay maaaring gawing front cover o paunang pahina. Dito mo ilalagay ang pamagat o paksa ng iyong brochure. (Halimbawa: "Paano Magluto ng Sarap- Asim na Sinigang")
  42. 42. Isabuhay Natin • Para sa susunod na pahina, habang tinatalakay ang paksa, maglagay ng mga kaugnay na larawan upang higit na maging kaakit-akit itong basahin.
  43. 43. Isabuhay Natin 5. Pagkatapos mo itong magawa, ipakita ang iyong nagawa sa katabi. Ipaliwanag sa kaniya ang iyong nagawa. 6. Pagkatapos makapagbahagi, sa tulong ng guro, ilalatag ang mga nagawang brochure sa isang mesa, ilalabas ito, upang makita at mabasa ng ibang mag-aaral
  44. 44. Isabuhay Natin Halimbawa ng brochure:
  45. 45. Subukin Natin Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon.
  46. 46. Subukin Natin 1. Siya ang kauna-unahang Pilipinang naipadala sa Olympics upang kumatawan sa ating bansa. Itinanghal bilang Asia’s fastest woman noong 1980’s. 2. Isang natatanging kaugalian ng Pilipino ang kusang-loob na pagtulong. Halimbawa: kung may nagbabayad na pasahero, inaabot natin ang kaniyang bayad kahit hindi natin siya kakilala; kung may nahulog na gamit ang isang tao at alam mong marami siyang dala, pinupulot mo ito o tinutulungan mo siyang ayusin ang gamit niya.
  47. 47. Subukin Natin 3. Noong Mayo 26, 1996, nasunog ang isang bahay sa Negros Occidental. Isang batang babae ang nagtamo ng mga lapnos sa kaniyang likod sa pagliligtas sa kaniyang limang kapatid sa kasagsagan ng sunog. Noong 1997, kinilala siya sa kaniyang katapangan at kabayanihan! 4. Noong 1996, naiwan ng isang balikbayan ang kaniyang bag na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng P2 milyon at ilang libong dolyar. Ibinalik lahat ng bayaning taxi drayber ang naiwan ng kaniyang pasahero.
  48. 48. Subukin Natin 5. Ito ang kauna-unahang food chain restaurant na nagtagumpay na makipagsabayan sa ibang restawran sa ibang bansa. Kilala ito sa linyang “Langhap Sarap.”
  49. 49. Subukin Natin Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong kuwaderno.
  50. 50. Subukin Natin
  51. 51. Subukin Natin
  52. 52. Subukin Natin
  53. 53. Subukin Natin
  54. 54. Subukin Natin
  55. 55. Subukin Natin
  56. 56. Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan

×