Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
Wird geladen in …3

Hier ansehen

1 von 45 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Andere mochten auch (20)

Anzeige

Ähnlich wie Pananaliksik 1 (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

Pananaliksik 1

1. 1. PANANALIKSIK : KAHULUGAN, LAYUNIN, KATANGIAN AT URI
2. 2. KAHULUGAN :

Formulated in a more comprehensive form, research may be defined as a purposive, systematic and scientific process of gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting and interpreting data for the solution of a problem, for prediction, for invention, for the discovery of truth, or for expansion or verification of existing knowledge, all for the preservation and improvement of the quality of human life.

-mula kina Calderon at Gonzales (1993)

3. 3. KAHULUGAN : Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t – ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at /o resolusyon nito. - Ayon kay Good (1963)
4. 4. KAHULUGAN :

Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang informasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng informasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap sa isa pang esensyal na gawain- ang paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksik.

- Aquino (1974)

5. 5. KAHULUGAN :

Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan . -Manuel at Medel, 1976
6. 6. KAHULUGAN :

Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. -Parel 1966
7. 7. KAHULUGAN :

Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin, dagdag pa rito ang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon. - E. Trece at J.W. Trece (1973)
8. 8. LAYUNIN NG PANANALIKSIK Bakit tayo nananaliksik?
9. 9. Mga layunin ng pananaliksik

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preservasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito.

Wika nga nina Good at Scates (1972), “The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.”

10. 10. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak ng pananaliksik ay ilan sa mga sumusunod:

Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman

hinggil sa mga batid nang penomena.

Halimbawa:

Ang alkohol ay isa nang batid ng penomenon at

sa pamamagitan ng pananaliksik, maaaring makalikha

ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad

ay katulad ng sa gasoline.

11. 11. Mga makabagong tuklas An exhibitor checks the battery charger near a display of an electric car made by Filipino company, Castech, during an exhibit of the Philippines “energy related inventions” in Manila on Thursday. The car accommodates four people, can attain speed of 30 km per hour, can be charged from electrical outlets or battery charger and can run for eight hours on a full charge. — AFP
12. 12. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak na layunin ng pananaliksik ay ilan sa mga sumusunod: B. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at informasyon. Halimbawa: Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa pamamagitan ng mga intensiv at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring malunasan na sa hinaharap.
13. 13. Mga makabagong tuklas
14. 14. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak na layunin ng pananaliksik ay ilan sa mga sumusunod: C. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o produkto. Halimbawa: Dati ay mga teleponong analogue ngayon ay cellular phone na. Dati ay casette recorder, naging walkman, discman, ngayon ay may i-pod, ipad, iphone, MP4, at iba pa.
15. 15. Makabagong tuklas
16. 16. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak na layunin ng pananaliksik ay ilan sa mga sumusunod: D. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. Halimbawa: Dati-rati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t-dalawang (92) chemical elements,ngunit bunga ng pagsasaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100).
17. 17. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak na layunin ng pananaliksik ay ilan sa mga sumusunod: E. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements. Halimbawa: Bunga ng pananaliksik, napag-alaman ang mga negativong efekto ng metamphetamine hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang ideklara itong isang ipinagbawal na gamot.
18. 18. SHABU
19. 19. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak na layunin ng pananaliksik ay ilan sa mga sumusunod: F. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. Halimbawa: Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hayskul ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa mga iskolarling diskurso. Ito ang naging isa sa dahilan upang ipasya ng Departamento ng Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa batayang edukasyon kung kaya’t sa kasalukuya’y ipinatutupad ang Basic Education Curriculum o BEC at sa hinaharap ang K12.
20. 21. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak na layunin ng pananaliksik ay ilan sa mga sumusunod: G. Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik. Halimbawa: Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng kanyang kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakainvento ng tinatawag na incubator.
21. 23. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak na layunin ng pananaliksik ay ilan sa mga sumusunod: H. Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman. Halimbawa: Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring maverifay ng mga mananaliksik ang mga kaalamang una nang natuklasan ng mga pananaliksik o di kaya nama’y maari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga katangian at kalikasan ng mga isda na maaring pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal at maging ng mga mamimili.
22. 25. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

1. Sistematik. May sinusunod itong proseso o magkakasunud - sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

23. 26. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

Kontrolado - lahat ng mga varyabol na sinusuri

ay kailangang mapanatiling konstant.

24. 27. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

3. Empirikal - kailangang maging katanggap -

tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik maging ang mga datos na nakalap.

25. 28. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

4. Mapanuri. Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretsayon sa mga datos na kanyang nakalap. Kailangan ding gumamit ng mga navalideyt nang pamamamaraang pang-estaditika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.

26. 29. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

5. Objektiv, lohikal at walang pagkiling. Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Walang puwang rito ang mga pansariling pagkiling.

27. 30. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

6.Gumagamit ng mga kwantiteytiv o istatikal na metodo. Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa pamamagitan ng istatikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.

28. 31. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

7.Orihinal na akda. Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga primaryang sources o mga hanguang first-hand.

29. 32. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

8. Isang akyureyt na investigasyon, observasyon at deskripsyon. Bawat aktividad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga syentifikong paglalahat. Samakatwid, lahat ng kongklusyon ay syentifikong nakabatay sa mga aktwal na evidensya.

30. 33. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

9. Matiyaga at hindi minamadali. Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.

31. 34. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

10. Pinagsisikapan. Kailangan itong paglaanan ng

panahon, talino at sipag upang maging

matagumpay.

32. 35. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

11. Nangangailangan ng tapang sapagkat

maaaring makaranas siya ng mga hazards

at discomforts sa kanyang pananaliksik, di-

pagsang - ayon ng publiko at lipunan o di-

pagkakaunawaan sa pagitan ng mga

kasamang mananaliksik.

33. 36. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

12. Maingat na pagtatala at pag-uulat. Lahat ng

datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik para sa angkop na dokumentasyon, at kadalasan, sa pasalitang paraan o ang tinatawag na oral presentation o defense.

34. 37. KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK : 1. Masipag sa pangangalap ng datos, pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig ng paksa, hindi dinodoktor ang resulta ng pananaliksik, kumpleto ang mga datos at katibayan
35. 38. KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK :

Matiyaga – pasensyoso,

mapaghanap ng iba pang sanggunian

36. 39. KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK : 3. Maingat sa pagpili at paghimay – himay ng mga makabuluhang datos, sa dokumentasyon, pagkilala sa pinagkunan ng datos at pinagmulan ng anumang ideya, tiyaking may sapat na validasyon o katibayan ang anumang posisyon o interpretasyong ginagawa sa pananaliksik.
37. 40. KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK :

Sistematik – Sinusunod ang mga hakbang ng pananaliksik

38. 41. KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK : 5. Kritikal o mapanuri sa pag-ieksamen ng mga informasyon, datos, ideya o opinyon upang mapatunayan kung ito ay valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan, tinitimbang – timbang ang mga katwiran pang mapagpasyahan kung alin doon ang may pakinabang sa kanyang pananaliksik
39. 42. MGA PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK

Kinikilala ang lahat ng pinagkunan niya ng datos

Ginagawan ng tala ang bawat termino at ideya na kanyang hiniram

Hindi nagnanakaw ng ideya ng iba kundi sinisipi at binibigyan ng sapat na pagkilala

Hindi nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o walang pagkiling sa isang partikular na pananaw

Mapaninindigan ang lahat ng interpretasyon na kanyang binuo batay sa masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap

40. 43. ANO ANG PLAGYARISMO?

Pangongopya ng mga datos, ideya, pangungusap, buo at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa, na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inangkin mo ang hindi iyo.

Kaparusahan : Dahil sa paglabag ng Intellectual Property Rights Law, maaaring ihabla ang tao sa korte, matanggal sa tungkulin, pagtanggal ng digri kahit nagtapos na, mawalan ng kredibilidad, magbayad ng karampatang halaga.

Kung estudyante ay maaaring bumagsak sa kurso, mapatalsik sa kanyang unibersidad, sentensyahan ng multa o pagkabilanggo.

41. 44. MGA HALIMBAWA NG PLAGYARISMO

Kung hindi itinala ang pinagkunan o ipanaloob sa panipi ang ginamit na orihinal na termino

Ni – re – phrase lamang ang orihinal na pangungusap nang di kinilala ang pinagkunan

Kung namulot ng mga ideya at pinagtagni – tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang pinagkunan

Nang isalin sa sariling wika ang mga termino, salita o pahayag ay inangkin na ito

Kung kinuha ang isang bahagi ng disenyo, balangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkunan ng “inspirasyon”

42. 45. UNANG MAIKLING PAGSUBOK:

Isa – isahin :

1 – 4 Kapakinabangan ng Pananaliksik sa

pamumuhay ng tao

B. 5 - 7 Katangian ng isang mabuting pananaliksik

C. 8 – 10 Katangian ng mananaliksik

D. 11 – 13 Mga dapat iwasan sa pananaliksik

14 – 16 Mga halimbawa ng plagyarismo

17 – 20 Mga kaparusahang maaring igawad sa

isang mananaliksik na napatunayang

nagkasala ng Plagyarismo