SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 30
Downloaden Sie, um offline zu lesen
ARALIN 2
Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang
karagatan at duplo. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang
mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan.
Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa
loob ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa
namatay.
Alamin natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang
sariling pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan.
Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan na
iyong matutunghayan.
Ang Karagatan
1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang
dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring
pagkaing-nayon.
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan
ng dalaga ng talinghaga.
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan
ng tabong may tandang puti.
11.Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang
sagutin ang talinghaga.
Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. Al
ANG KARAGATAN
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng
pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid
ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.)
Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di
pa nagagatungan.
Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y
makakain.
Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit
na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.
Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t
naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap;
ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di
matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin,
mga kanayon ano’ng kailangan?
Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan.
Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng?
Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan
rin ninyo ang masusunod.
Ingkong Terong: At kayong apat?
Apat na Lalaki : Opo.
Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga
ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon).
Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang
sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan).
At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig
upang makuha ang singsing.
Mga Tao: (Palakpakan)
Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang
nailunod na talisuyo sa karagatan.
Berting: Magandang gabi sa inyong lahat
Mga nariritong kanayon ni Neneng
At sa iyo mutya’y muling nagpupugay.
Ipinangangakong nahulog mong singsing
Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay
Tanda ng pag-ibig na walang hangganan.
Dahilan sa ako’y siyang nakabunot
Ng palitong itong nagpapahintulot
Ako ay sumisid sa dagat ng nais
At ang iyong singsing ay aking makamit
Ay katunayan nang Diyos ang pumili
Na ako ngang ito’y siya mong itangi.
Sumisid sa singsing na aking hinulog
Subalit ‘di upang siyang maging irog
Kundi idaan lang muna sa pagsubok
Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito
At singsing kong ito ay nang maangkin mo
Ang singsing na itong linso’t walang bato
Turan mo’ng simula at ang dulo nito.
Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat
Na ‘di matatarok ng isip kong pahat.
Kaya’t iyong singsing nais mang makuha
Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba
Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya
Akong nabunot ng pang-ikalawa
Inaangkin hirang kanyang karapatan
Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong
Na siyang panumbas sa iyong pag-irog.
Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin
Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing.
Kulas: Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo
Mayroon ngang simula at may wakas ito
Ang simula’y bilog nito na panloob
At ang katapusa’y panlabas na bilog.
Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig
Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog.
Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto
Kaya’t heto naman ang para sa iyo;
Nang ika’y parito, pamula sa kanto
Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo?
May ilaw ay ilan, iyo sanang turan
Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo?
Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan
Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing
Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko:
Bahay, pito lamang at sa mga ito’y
Aking natandaan, apat ang may ilaw-
Ito’y patotoong isip ko’y malinaw.
Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan
Kaya’t isasalin itong aking tanong
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong
At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong.
Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo
Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y:
Pamula sa kanto at hanggang sa rito
Walang bahay ni ilaw akong natandaan
Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.
Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan)
Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin
Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin
Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo
Hindi tumatapon walang ligwak ito?
Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon:
Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo
Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo
Ay isang malaki’t mabisang magneto;
Hinihigop nito ang lahat ng narito
At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo.
Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo!
Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan
Paanong buwang sa langit ay tanglaw
Aking mahihipo’t mapaglalaruan?
Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang
Kung talagang ako ay sadyang mahal mo
Paiirugan mo ang hiling kong ito.
Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,
Noong ako’y munti’t pinalalaki mo.
Isang paborito’t ibig kong kuwento
Ay siyang panugon sa tanong na ito.
Sa pamamagitan ng isang salamin
Minumutyang buwan ay pabababain
Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw
Mapaglalaruang buwang hinihiling.
Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!...
Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.
Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong
Singsing na nahulog aking sisisirin
Sukdang ikapugto ng hiningang tangan
Kung puso ng mutya’y aking maaangkin. Neneng: Ako’y nangangamba,
ako’y natatakot
Na ang huling tanong kaniyang masagot
Itong karagatan isang laro lamang
Ngunit paglalarong birong totohanan
Ayoko na yatang ito ay ituloy
Baka sa sagutan ako’y maparool.
Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako.
Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito.
Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro
Na ating sasakya’y binalsang kawayan
Na bigkis ng lubid na pawang hinabi
Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili.
Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita
Kaya’t imposible’y pag-aariin pa
Lubid na buhangin, aking pipiliin
Kung pababaunan ng aking pagkain
Bawat isang linggong kakailanganin
Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin.
Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling
Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin?
Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling
Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring?
Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw
Ikaw ay may wikang tapat at matining
Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin
Inakalang tapat ikaw sa paggiliw
Kaya’t sa problemang aking
Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din
Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin
Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw
Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal,
Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.
Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!
Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig
Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig
Kung ikaw rin lang siyang sisisid
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig.
Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko.
Ako ang hahatol. Tama si Nardo.
Ang karagata’y simula lang ng kuwento
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.
Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.)
Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay!
Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!
(Palakpakan)
W A K A S
Halaw sa Panitikang Pilipino
nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C
Ang Duplo
1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring
mauring tulang patnigan.
2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay
duplera.
3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa
palad ng sinumang nahatulang parusahan.
5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa
kaluluwa ng namatay.
6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya
naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang
bilyaka.
7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.
8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang
namatay.
9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o
impromptu.
10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol.
Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.
ANG DUPLO:
Ang Ibon ng Hari
Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo.
Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Hari: Tribulasyon!
Lahat: Tribulasyon!
Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig)
Ang komposisyon ng tanan
ay paglalarong mahusay!
Ang magulo ay mahalay
Sa mata ng kapitbahay.
Mga binibini at mga ginoo,
Matatanda’t batang ngayo’y naririto,
Malugod na bati ang tanging handog ko
sa pagsisimula nitong larong duplo.
Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal,
Asero ang pinto’t patalim ang urang;
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,
Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw!
Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.
Hari: Sino ang nagnakaw?
Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan;
May isang aninong aking natanaw;
Hindi sinasadya, nang aking lapitan
Isang babae po, iyang natagpuan.
At kitang-kita kong ikinubli niya.
Siya’y naririto at nasa tribuna,
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
Hari: Diyata’t bilyaka?
Sino sa kanila?
Bilyako 1: Sa unang hanay po.
Bilyaka 2: H’wag paniwalaan.
Siya’y bulaan!
(Magkakaingay)
Hari: (Sa lahat) Katahimikan!
(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?
Bilyako 1: Ako’y nalalaan!
Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya,
Hindi maaari’t kami’y magkasama;
Kami’y namamasyal ng irog kong sinta,
Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla?
Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino
At pakaasahang parurusahan ko.
Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay,
Doon nakaupo nang buong hinusay,
Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)
Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?
Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik,
Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip)
Sapagkat may sala
Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)
Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari,
Mag-isip-isip ka’t baka magkamali.
(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)
Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw.
Aking ibubulong kung pahihintulutan.
Hari: Nagpapahintulot!
Bilyako 2: (Lalapit at bubulong)
Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay?
(Siyang pagdating ng abay ng reyna)
Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala,
Isasauli ko sa kinunang hawla;
Kagabi po ito’y kinuha ng reyna
Siya ay nag-aliw sa pangungulila!
Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan!
Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.
Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam
Nang huwag ang iba ang mapagbintangan.
Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya,
Baka nalimutan at nalingat siya.
Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako,
Ngayo’y tinatapos itong larong duplo.
Paalam sa lahat, salamat sa inyo,
Muling magkikita pag naglaro tayo.
W A K A S
Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.
PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG
Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay
pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa uri ng
wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na
impormasyon.
1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
a.paksa ng usapan
b.taong sangkot sa usapan
c.lugar
2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na
nagpapahiwatig lamang.
3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais
ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita
113
at kinakausap.
Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa
tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay
naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.
Sa halip na sabihing: Gumagamit ng:
1. patay sumakabilang buhay
2.nadudumi tawag ng kalikasan
3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay
4. katulong kasambahay
Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang
iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning
hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng
magagandang pahayag. Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan
ang mga ito ng eupemismo.
Aralin 1.2.2: TULA
Sa araling ito, tatalakayin natin ang isa sa mga tula na umusbong sa
panahon ng pananakop ng mga Espaıol. Ito ang “Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa” na isinulat ng ating bayaning si Andres Bonifacio. Tatalakayin natin
ang
nilalaman at ang sining na tinataglay ng tula bilang isa sa mga anyo ng
panitikang Pilipino. Pag-aaralan mo rin ang mga pandiwang magagamit
upang higit na maipadama ang ating emosyon o damdamin.
Ang iyong layunin sa bahaging ito ay mabasa at masuri ang tulang
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ni Andres Bonifacio upang nang
sa
gayo’y malaman mo kung paano niya ipinahayag ang masidhing
pagmamahal sa bayan. Upang lubos mong mapahalagahan ang tula,
kilalanin
mo muna si Andres Bonifacio.
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre,
1863. Ang kaniyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de
Castro. Nakatapos siya ng pag-aaral sa Mababang Paaralan ni
Guillermo Osmenia ng Cebu. Sa gulang na 14, ang
kaniyang mga magulang ay namatay kaya napilitan
siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang nakababata niyang
kapatid
na babae at lalaki. Bilang hanapbuhay, sinabihan niya ang kaniyang mga
kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na
pamaypay na ititinda niya sa mga lansangan.
Dahil sa marunong siyang bumasa at sumulat, naging ahente siya ng
Fleming and Company, isang kompanya na nagtitinda ng rattan at iba pang
mga paninda. Subalit ang kaniyang kinikita ay hindi pa rin sapat na
pansuporta sa kaniyang mga kapatid. Lumipat siya sa Fressell and
Company
bilang ahente. Ipinakita niya ang kaniyang determinasyon at sipag kaya
naging matatag siya sa kaniyang trabaho.
Dinagdagan niya ang kaniyang kakulangan sa pag-aaral sa
pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa kakaunting
aklat na kaniyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere
at
El Filibusterismo, ang buhay ng mga Pangulo, Ang "Les Miserables" ni
Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at
Himagsikang Pranses, at iba pa. Nakasulat din siya ng mga artikulo at mga
tula at isa na rito ang sikat na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”.
Ang nabasa niyang mga aklat ang naging dahilan upang makaramdam
siya ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español. Naitatag din
niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan
ng
mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, kasama sina Ladislao
Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kaniyang asawa na si
Gregoria de Jesus ang naging lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito
ay
mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas.
Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang simulan ang himagsikan
noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya magsimula, ang
Katipunan
ay natuklasan na ng mga Español. Mahigit sa 1,000 katipunero ang
sumama
sa kaniya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Dahil
sa
kakulangan ng mga armas, at kakaunti ang tumulong sa kanila, hindi sila
nagtagumpay. Ito ang nagkumbinsi kay Magdiwang na anyayahan si
Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na
magkaisa.
Isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang
namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa
isinagawang halalan, si Emilio Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si
Mariano
Trias ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Kalihim.
Hindi matanggap ni Bonifacio ang kinalabasan ng halalan. Ginamit
niya ang kaniyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng
Katipunan,
upang mapawalang bisa ang halalan. Lumipat siya sa Naic, Cavite at
bumuo
ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Dahil ang mga sundalong Español
sa
pamumuno ni Heneral Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang
Cavite, inutusan ni Aguinaldo sina Pio del Pilar at iba pa na pawang
binigyan
ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang
gawain.
Si Bonifacio kasama ang kaniyang pamilya ay umalis sa Naic at lumipat
sa Indang, pagkatapos ay sa Montalban, Rizal. Nang malaman ni
Aguinaldo
na si Bonifacio ay nasa Montalban, nagpadala siya ng kaniyang mga
tauhan
dito upang siya ay arestuhin. Humarap si Bonifacio sa paglilitis dahil sa
kaniyang gawain laban sa bagong pamahalan. Binigyan siya ng
sentensiyang
bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang
nagsagawa ng kaparusahan sa kaniya sa kabundukan ng Maragondon,
Cavite
noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Basahin at unawain:
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal laki,
na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugugulan ng buhay na iwi?
Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan:
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya't gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.
Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
Pati ng magdusa't sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.
Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.
Ipahandug-handog ang buong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusin itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit!
Alam mo ba na…
Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang
nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita
at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at
masining bukod sa pagiging madamdamin.
Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod,
samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig
sa bawat taludtod ng saknong.
May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil
sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling
salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at
lalabindalawahing pantig ang sukat.
Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating
damdamin at saloobin upang maunawaan tayo ng ating kapwa. Sa
pagpapahayag ng ating emosyon o damdamin, makatutulong ang
paggamit
ng mga pandiwang naglalarawan ng ating nadarama.
Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o
panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o
galaw.
ARALIN 1.2.2: SANAYSAY
Ang karanasan ang nagtutulak sa tao upang siya ay makapagpahayag.
Maraming karanasan ang idinulot ng pananakop ng mga dayuhang
Español
sa loob ng mahabang panahon. Bagamat dumanas ng paniniil ang mga
Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang upang
ipahayag
nila ang kanilang pananaw, damdamin at saloobin.
Sa pagkakataong ito, isa pa ring akdang pampanitikan ang iyong
pagaaralan-
ang sanaysay. Gayundin, makikita ang kabisaan ng isang mahusay
na sanaysay sa pamamagitan ng maayos na pagkakahanay ng
pangunahin
at mga pantulong na kaisipan.
Alam mo ba na …
(1) Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa
Calamba, Laguna, araw ng Miyerkules sa pagitan ng ika-11:00 at
12:00 ng gabi.
(2) Ang kaniyang ina na si Gng. Teodora Alonzo Y Quintos Realonda
ay nahirapan sa panganganak sapagkat ang ulo ni Jose ay malaki
kaysa karaniwan.
(3) Ang kaniyang ama na si Don Francisco Mercado Rizal ay isinilang
sa Biıan, Laguna.
(4) Bata pa lamang si Jose ay kinakitaan na ng angking talino sapagkat
tatlong taong gulang pa lamang ay natutuhan na niya ang alpabeto.
Nakasulat ng dulang itinanghal sa pista ng bayan at sa gulang na
walo ay isinulat ang tulang nauukol sa kahalagahan at pagmamahal
sa wika.
(5) Natamo ni Jose ang unang pag-aaral sa kaniyang unang guro, ang
kanyang ina. Samantala, naging guro naman niya si Justiniano
Aquino Cruz sa Binan, Laguna.
(6) Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila.
Samantala, sa Unibersidad ng Santo Tomas siya nagsimulang magaral
ng medisina subalit tinapos niya ito sa Unibersidad Central
de Madrid.
(7) Nakapagsalita siya ng dalawampu’t dalawang wika.
(8) Marami siyang naisulat na akdang pampanitikan tulad ng tula, dula,
nobela, sanaysay, atbp.
(9) Maituturing na isang manggagamot, siyentipiko, makata,
dalubwika, mananaliksik at pilosopo.
(10)Nagbuwis ng buhay para sa bayan. Binaril sa Bagumbayan na
ngayon ay tinatawag na Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil
sa paratang na panghihimagsik laban sa mga Espaıol.
(11)Kinikilalang pambansang bayani dahil sa sumusunod na salik:
a. Si Rizal ay kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong
bansa ay magkaisa-isang maghimagsik laban sa mga Espaıol.
b.Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan.
c.Si Rizal ay may madulang pagkamatay.
Ang Katamaran ng mga Pilipino
ni Dr. Jose P. Rizal
(Ang matutunghayan ay isang
lagom sa Tagalog ng sanaysay na
“La Indolencia de los Filipinos,” na
nalathala sa La Solidaridad mula
noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y
isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito
bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad.
Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay.
Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang
mga
kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid
kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang
kaniyang mga matuwid.
Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na
ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang
malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng
mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos
ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni
Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan
pa
ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad
kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang
kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng
kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa
kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na
katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang
bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa
paggawang sapilitan.
Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit
ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima,
kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang
makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni
Rizal, ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin
lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan.
Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa
kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang
mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa
Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka,
pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang
wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga
pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga
mapagpabayang
gaya ngayon.
Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan
sapagkat ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay
ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw
pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga
Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga
pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming
digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay.
Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na
halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang
buhat sa Sulu palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili.
Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na
ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa
ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko,
kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat
upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t
naging mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na
nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo
ang pagsasaka, pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa
noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos
ng
pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng
sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.
Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay
mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan
sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t
humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay
hindi umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid
kung walang pahintulot ng pamahalaan.
Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang
halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya,
matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa
para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa
kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y
wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling
timbangan at takalan.
Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng
gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang
pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t
sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa
pangangalakal.
Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan,
mga “kakuwanan” ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at
“pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa
kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang
kapaki-pakinabang.
Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa
pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa
bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng
pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na
ipinaging palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng
iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at
pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain.
At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng
kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong
mayaman.” Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring
nagpapalala ng
katamaran.
Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang
upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong
magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang
impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at
iba pa.
Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang
pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka,
kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.
Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang
Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya
pinag-ukulan ng pansin.
Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng
edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal:
“Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na
pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa
kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa
simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang
bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala
silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi
nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling
pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng
kahambalhambal
na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na
pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay humantong sa pananamlay ng
kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang
walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay
siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.”
Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay
nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng
mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa.
Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan
nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng
karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng
pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin.
Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi
nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga
tao.
Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa
kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at
kasaganaan ng kanilang Bayan.
Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay
siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang
kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na
makapagdudulot ng bungang ninanais.”
Sanaysay
Sinasabing ang
sanaysay bilang akdang
pampanitikan ay huling
nakakita ng liwanag sa
larangan ng panitikan. Ang sanaysay ay naglalahad ng pananaw at
opinyon ng sumulat tungkol sa tiyak na paksa.
Uri ng Sanaysay
Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay- (1) ang pormal o
impersonal na sanaysay at (2) ang di-pormal o personal na
sanaysay.Tumatalakay sa mga seryosong paksa ang pormal na
sanaysay, tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan
samantalang magaan ang mga paksang matatagpuan sa di-pormal, tulad
ng paghihintay sa bus, kahit na ng pagtulog. Ang kapormalan ng una ay
nagdidikta ng uri ng wika nito- di malapit o nakikipaglayo, siyentipiko,
may himig na nag-uutos, mataas, istandard. Ang pagkamalapit ng
impormal na sanaysay ay nagmumungkahing ang lenggwahe nito ay
parang nakikipag-usap, mainit, mataginting, kung minsa’y garapal
ngunit mapagnilay-nilay rin sa ibang paraan. Unang makatatawag ng
pansin sa kaisipan, bago sa damdamin ang pormal na sanaysay;
kabaligtaran sa di-pormal.
Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay
May 12 natatanging uri ng sanaysay: (1) pasalaysay, (2)
naglalarawan, (3) mapagdili-dili, (4) kritikal o mapanuri (5) didaktiko o
nangangaral, (6) nagpapaalala, (7) editoryal, (8) maka-siyentipiko o
makaagham, (9) sosyo-politikal, (10) sanaysay na pangkalikasan, at (11)
sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaRosalie Orito
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaMerland Mabait
 
Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikancieeeee
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikanSCPS
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioMdaby
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayanJocelle
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysayAlLen SeRe
 
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagPaghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagCool Kid
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayMariel Flores
 

Was ist angesagt? (20)

Bahagi ng Pananalita
Bahagi ng PananalitaBahagi ng Pananalita
Bahagi ng Pananalita
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
Pagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryonPagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryon
 
Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikan
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Walang sugat
Walang sugatWalang sugat
Walang sugat
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
1.UNANG BAHAGI
1.UNANG BAHAGI1.UNANG BAHAGI
1.UNANG BAHAGI
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysay
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagPaghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
 
Pagsusuri ng Tula
Pagsusuri ng TulaPagsusuri ng Tula
Pagsusuri ng Tula
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 

Andere mochten auch

Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaMerland Mabait
 
Karilyo at Balagtasa
Karilyo at BalagtasaKarilyo at Balagtasa
Karilyo at BalagtasaMelvin Limon
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 
Dulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng KastilaDulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng Kastilabetchaysm
 
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyoMga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyoGreg Aeron Del Mundo
 
Uri ng dulang pantanghalan
Uri ng dulang pantanghalanUri ng dulang pantanghalan
Uri ng dulang pantanghalanAnaly B
 
Dalawang uri ng paghahambing
Dalawang  uri ng paghahambingDalawang  uri ng paghahambing
Dalawang uri ng paghahambingPRINTDESK by Dan
 
Uri ng tula
Uri ng tulaUri ng tula
Uri ng tulaKaira Go
 
Ang Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng PanitikanAng Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng PanitikanMckoi M
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tularosemelyn
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA asa net
 
Konseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikalKonseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikalmaricar francia
 
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at AralBarlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at AralHillary Go-Aco
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tulaKaira Go
 
Kaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriKaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriElvin Junior
 

Andere mochten auch (20)

Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
Philippine's Drama
Philippine's DramaPhilippine's Drama
Philippine's Drama
 
Karilyo at Balagtasa
Karilyo at BalagtasaKarilyo at Balagtasa
Karilyo at Balagtasa
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
Dulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng KastilaDulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng Kastila
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyoMga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
 
Uri ng dulang pantanghalan
Uri ng dulang pantanghalanUri ng dulang pantanghalan
Uri ng dulang pantanghalan
 
Dulang pilipino
Dulang pilipinoDulang pilipino
Dulang pilipino
 
Dalawang uri ng paghahambing
Dalawang  uri ng paghahambingDalawang  uri ng paghahambing
Dalawang uri ng paghahambing
 
Phil drama and theater
Phil drama and theaterPhil drama and theater
Phil drama and theater
 
Uri ng tula
Uri ng tulaUri ng tula
Uri ng tula
 
Ang Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng PanitikanAng Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng Panitikan
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Konseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikalKonseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikal
 
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at AralBarlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
 
Moro moro
Moro moroMoro moro
Moro moro
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tula
 
Kaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriKaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uri
 

Ähnlich wie Karagatan at duplo

Maliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaMaliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaKokoStevan
 
Katutubong panitikan pptx (1)
Katutubong panitikan pptx (1)Katutubong panitikan pptx (1)
Katutubong panitikan pptx (1)dimascalasagsag1
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoMichael Gelacio
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEghelle23
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Finalczareaquino
 
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminMga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminPaul Pruel
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10sarahruiz28
 
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayawKareen Mae Adorable
 
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAFilipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAGIANDAVID2
 

Ähnlich wie Karagatan at duplo (20)

Lost in Translation
Lost in Translation Lost in Translation
Lost in Translation
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
Maliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaMaliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na Isda
 
Mitolohiya
MitolohiyaMitolohiya
Mitolohiya
 
Linggo 6 Grade 7.pptx
Linggo 6 Grade 7.pptxLinggo 6 Grade 7.pptx
Linggo 6 Grade 7.pptx
 
Katutubong panitikan pptx (1)
Katutubong panitikan pptx (1)Katutubong panitikan pptx (1)
Katutubong panitikan pptx (1)
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang Pilipino
 
Alamat ng-paruparo
Alamat ng-paruparoAlamat ng-paruparo
Alamat ng-paruparo
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
Pagbubuo ng pang uri
Pagbubuo ng pang  uriPagbubuo ng pang  uri
Pagbubuo ng pang uri
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULE
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Final
 
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminMga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
My favorite songs
My favorite songsMy favorite songs
My favorite songs
 
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAFilipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
 

Kürzlich hochgeladen

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...Gerlyn Villapando
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
Kabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptxKabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptxcompwatch556
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralinbryandomingo8
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptxJoelleG1
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxNASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxLoudimsMojica
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfcompwatch556
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.KathleenAnnCordero2
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxSundieGraceBataan
 

Kürzlich hochgeladen (20)

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
Kabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptxKabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxNASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdf
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
 

Karagatan at duplo

  • 1. ARALIN 2 Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at duplo. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay. Alamin natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang sariling pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan. Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan na iyong matutunghayan. Ang Karagatan 1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula. 2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat. 3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing. 4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing. 5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay. 6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-nayon. 7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga. 8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro. 9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan
  • 2. ng dalaga ng talinghaga. 10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti. 11.Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinghaga. Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. Al ANG KARAGATAN (May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.) Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di pa nagagatungan. Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y makakain. Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan. Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon ano’ng kailangan? Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan. Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng? Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan
  • 3. rin ninyo ang masusunod. Ingkong Terong: At kayong apat? Apat na Lalaki : Opo. Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang singsing. Mga Tao: (Palakpakan) Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang nailunod na talisuyo sa karagatan. Berting: Magandang gabi sa inyong lahat Mga nariritong kanayon ni Neneng At sa iyo mutya’y muling nagpupugay. Ipinangangakong nahulog mong singsing Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay Tanda ng pag-ibig na walang hangganan. Dahilan sa ako’y siyang nakabunot Ng palitong itong nagpapahintulot Ako ay sumisid sa dagat ng nais At ang iyong singsing ay aking makamit Ay katunayan nang Diyos ang pumili Na ako ngang ito’y siya mong itangi. Sumisid sa singsing na aking hinulog Subalit ‘di upang siyang maging irog
  • 4. Kundi idaan lang muna sa pagsubok Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito At singsing kong ito ay nang maangkin mo Ang singsing na itong linso’t walang bato Turan mo’ng simula at ang dulo nito. Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat Na ‘di matatarok ng isip kong pahat. Kaya’t iyong singsing nais mang makuha Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta. Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya Akong nabunot ng pang-ikalawa Inaangkin hirang kanyang karapatan Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong Na siyang panumbas sa iyong pag-irog. Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing. Kulas: Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo Mayroon ngang simula at may wakas ito Ang simula’y bilog nito na panloob At ang katapusa’y panlabas na bilog. Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog. Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto Kaya’t heto naman ang para sa iyo; Nang ika’y parito, pamula sa kanto
  • 5. Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? May ilaw ay ilan, iyo sanang turan Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo? Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko: Bahay, pito lamang at sa mga ito’y Aking natandaan, apat ang may ilaw- Ito’y patotoong isip ko’y malinaw. Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan Kaya’t isasalin itong aking tanong Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong. Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y: Pamula sa kanto at hanggang sa rito Walang bahay ni ilaw akong natandaan Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal. Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan) Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo Hindi tumatapon walang ligwak ito? Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon: Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo
  • 6. Ay isang malaki’t mabisang magneto; Hinihigop nito ang lahat ng narito At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo. Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo! Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan Paanong buwang sa langit ay tanglaw Aking mahihipo’t mapaglalaruan? Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang Kung talagang ako ay sadyang mahal mo Paiirugan mo ang hiling kong ito. Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo, Noong ako’y munti’t pinalalaki mo. Isang paborito’t ibig kong kuwento Ay siyang panugon sa tanong na ito. Sa pamamagitan ng isang salamin Minumutyang buwan ay pabababain Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw Mapaglalaruang buwang hinihiling. Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!... Pakinggan natin ang tanong na ikatlo. Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong Singsing na nahulog aking sisisirin Sukdang ikapugto ng hiningang tangan Kung puso ng mutya’y aking maaangkin. Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakot Na ang huling tanong kaniyang masagot
  • 7. Itong karagatan isang laro lamang Ngunit paglalarong birong totohanan Ayoko na yatang ito ay ituloy Baka sa sagutan ako’y maparool. Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako. Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko Na magpulot-gata sa bayang Mindoro Na ating sasakya’y binalsang kawayan Na bigkis ng lubid na pawang hinabi Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili. Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita Kaya’t imposible’y pag-aariin pa Lubid na buhangin, aking pipiliin Kung pababaunan ng aking pagkain Bawat isang linggong kakailanganin Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin. Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin? Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring? Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw Ikaw ay may wikang tapat at matining Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin Inakalang tapat ikaw sa paggiliw Kaya’t sa problemang aking
  • 8. Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal, Ni walang sintahan ay mag-aasawa na. Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta! Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig Kung ikaw rin lang siyang sisisid Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig. Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko. Ako ang hahatol. Tama si Nardo. Ang karagata’y simula lang ng kuwento Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig. Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.) Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay! Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino! (Palakpakan) W A K A S Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C
  • 9. Ang Duplo 1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring mauring tulang patnigan. 2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera. 3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na. 4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan. 5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay. 6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka. 7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan. 8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang namatay. 9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu.
  • 10. 10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol. Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al. ANG DUPLO: Ang Ibon ng Hari Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo. Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo. Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo. Hari: Tribulasyon! Lahat: Tribulasyon! Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig) Ang komposisyon ng tanan ay paglalarong mahusay! Ang magulo ay mahalay Sa mata ng kapitbahay. Mga binibini at mga ginoo, Matatanda’t batang ngayo’y naririto, Malugod na bati ang tanging handog ko sa pagsisimula nitong larong duplo. Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal, Asero ang pinto’t patalim ang urang; Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw! Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.
  • 11. Hari: Sino ang nagnakaw? Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan; May isang aninong aking natanaw; Hindi sinasadya, nang aking lapitan Isang babae po, iyang natagpuan. At kitang-kita kong ikinubli niya. Siya’y naririto at nasa tribuna, Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka! Hari: Diyata’t bilyaka? Sino sa kanila? Bilyako 1: Sa unang hanay po. Bilyaka 2: H’wag paniwalaan. Siya’y bulaan! (Magkakaingay) Hari: (Sa lahat) Katahimikan! (Sa Bilyako 1) Mapatototohanan? Bilyako 1: Ako’y nalalaan! Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya, Hindi maaari’t kami’y magkasama; Kami’y namamasyal ng irog kong sinta, Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla? Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino At pakaasahang parurusahan ko. Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay, Doon nakaupo nang buong hinusay, Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)
  • 12. Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang? Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik, Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip) Sapagkat may sala Heto, palmatorya! (Akmang papaluin) Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari, Mag-isip-isip ka’t baka magkamali. (Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy) Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw. Aking ibubulong kung pahihintulutan. Hari: Nagpapahintulot! Bilyako 2: (Lalapit at bubulong) Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay? (Siyang pagdating ng abay ng reyna) Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala, Isasauli ko sa kinunang hawla; Kagabi po ito’y kinuha ng reyna Siya ay nag-aliw sa pangungulila! Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan! Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan. Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam Nang huwag ang iba ang mapagbintangan. Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya, Baka nalimutan at nalingat siya. Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako, Ngayo’y tinatapos itong larong duplo.
  • 13. Paalam sa lahat, salamat sa inyo, Muling magkikita pag naglaro tayo. W A K A S Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al. PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na impormasyon. 1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a.paksa ng usapan b.taong sangkot sa usapan c.lugar 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang. 3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita 113 at kinakausap. Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba. Sa halip na sabihing: Gumagamit ng:
  • 14. 1. patay sumakabilang buhay 2.nadudumi tawag ng kalikasan 3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay 4. katulong kasambahay Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang pahayag. Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan ang mga ito ng eupemismo. Aralin 1.2.2: TULA Sa araling ito, tatalakayin natin ang isa sa mga tula na umusbong sa panahon ng pananakop ng mga Espaıol. Ito ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ng ating bayaning si Andres Bonifacio. Tatalakayin natin ang nilalaman at ang sining na tinataglay ng tula bilang isa sa mga anyo ng panitikang Pilipino. Pag-aaralan mo rin ang mga pandiwang magagamit upang higit na maipadama ang ating emosyon o damdamin.
  • 15. Ang iyong layunin sa bahaging ito ay mabasa at masuri ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ni Andres Bonifacio upang nang sa gayo’y malaman mo kung paano niya ipinahayag ang masidhing pagmamahal sa bayan. Upang lubos mong mapahalagahan ang tula, kilalanin mo muna si Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kaniyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya ng pag-aaral sa Mababang Paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu. Sa gulang na 14, ang kaniyang mga magulang ay namatay kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang nakababata niyang kapatid na babae at lalaki. Bilang hanapbuhay, sinabihan niya ang kaniyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na ititinda niya sa mga lansangan. Dahil sa marunong siyang bumasa at sumulat, naging ahente siya ng Fleming and Company, isang kompanya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Subalit ang kaniyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pansuporta sa kaniyang mga kapatid. Lumipat siya sa Fressell and Company bilang ahente. Ipinakita niya ang kaniyang determinasyon at sipag kaya naging matatag siya sa kaniyang trabaho. Dinagdagan niya ang kaniyang kakulangan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa kakaunting
  • 16. aklat na kaniyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang buhay ng mga Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses, at iba pa. Nakasulat din siya ng mga artikulo at mga tula at isa na rito ang sikat na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”. Ang nabasa niyang mga aklat ang naging dahilan upang makaramdam siya ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español. Naitatag din niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kaniyang asawa na si Gregoria de Jesus ang naging lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang simulan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya magsimula, ang Katipunan ay natuklasan na ng mga Español. Mahigit sa 1,000 katipunero ang sumama sa kaniya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Dahil sa kakulangan ng mga armas, at kakaunti ang tumulong sa kanila, hindi sila nagtagumpay. Ito ang nagkumbinsi kay Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa.
  • 17. Isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa isinagawang halalan, si Emilio Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Kalihim. Hindi matanggap ni Bonifacio ang kinalabasan ng halalan. Ginamit niya ang kaniyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Lumipat siya sa Naic, Cavite at bumuo ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Dahil ang mga sundalong Español sa pamumuno ni Heneral Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite, inutusan ni Aguinaldo sina Pio del Pilar at iba pa na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain. Si Bonifacio kasama ang kaniyang pamilya ay umalis sa Naic at lumipat sa Indang, pagkatapos ay sa Montalban, Rizal. Nang malaman ni Aguinaldo na si Bonifacio ay nasa Montalban, nagpadala siya ng kaniyang mga tauhan dito upang siya ay arestuhin. Humarap si Bonifacio sa paglilitis dahil sa kaniyang gawain laban sa bagong pamahalan. Binigyan siya ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang
  • 18. nagsagawa ng kaparusahan sa kaniya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897. Basahin at unawain: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat, Umawit, tumula, kumanta't sumulat, Kalakhan din niya'y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihandog ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod, Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot. Bakit? Alin ito na sakdal laki, na hinahandugan ng buong pagkasi, Na sa lalong mahal nakapangyayari,
  • 19. At ginugugulan ng buhay na iwi? Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan: Siya'y ina't tangi sa kinamulatan Ng kawili-wiling liwanang ng araw Na nagbigay-init sa buong katawan. Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan, Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal, Mula sa masaya't gasong kasanggulan Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan. Sa aba ng abang mawalay sa bayan! Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala't inaasa-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan. Pati ng magdusa't sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa bayan At lalong mahirap. Oh, himalang bagay! Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay. Kung ang bayang ito'y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, asawa, magulang, kapatid; Isang tawag niya'y tatalikdang pilit. Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan At walang tinamo kundi kapaitan, Hayo na't ibangon ang naabang bayan! Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
  • 20. Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat, Ng bala-balaki't makapal na hirap, Muling manariwa't sa baya'y lumiyag. Ipahandug-handog ang buong pag-ibig At hanggang may dugo'y ubusin itigis; kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid Ito’y kapalaran at tunay na langit! Alam mo ba na… Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin. Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong. May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at lalabindalawahing pantig ang sukat.
  • 21. Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating damdamin at saloobin upang maunawaan tayo ng ating kapwa. Sa pagpapahayag ng ating emosyon o damdamin, makatutulong ang paggamit ng mga pandiwang naglalarawan ng ating nadarama. Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o galaw. ARALIN 1.2.2: SANAYSAY Ang karanasan ang nagtutulak sa tao upang siya ay makapagpahayag. Maraming karanasan ang idinulot ng pananakop ng mga dayuhang Español sa loob ng mahabang panahon. Bagamat dumanas ng paniniil ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang upang ipahayag nila ang kanilang pananaw, damdamin at saloobin. Sa pagkakataong ito, isa pa ring akdang pampanitikan ang iyong pagaaralan- ang sanaysay. Gayundin, makikita ang kabisaan ng isang mahusay na sanaysay sa pamamagitan ng maayos na pagkakahanay ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan.
  • 22. Alam mo ba na … (1) Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna, araw ng Miyerkules sa pagitan ng ika-11:00 at 12:00 ng gabi. (2) Ang kaniyang ina na si Gng. Teodora Alonzo Y Quintos Realonda ay nahirapan sa panganganak sapagkat ang ulo ni Jose ay malaki kaysa karaniwan. (3) Ang kaniyang ama na si Don Francisco Mercado Rizal ay isinilang sa Biıan, Laguna. (4) Bata pa lamang si Jose ay kinakitaan na ng angking talino sapagkat tatlong taong gulang pa lamang ay natutuhan na niya ang alpabeto. Nakasulat ng dulang itinanghal sa pista ng bayan at sa gulang na walo ay isinulat ang tulang nauukol sa kahalagahan at pagmamahal sa wika. (5) Natamo ni Jose ang unang pag-aaral sa kaniyang unang guro, ang kanyang ina. Samantala, naging guro naman niya si Justiniano Aquino Cruz sa Binan, Laguna. (6) Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila. Samantala, sa Unibersidad ng Santo Tomas siya nagsimulang magaral ng medisina subalit tinapos niya ito sa Unibersidad Central de Madrid. (7) Nakapagsalita siya ng dalawampu’t dalawang wika. (8) Marami siyang naisulat na akdang pampanitikan tulad ng tula, dula, nobela, sanaysay, atbp.
  • 23. (9) Maituturing na isang manggagamot, siyentipiko, makata, dalubwika, mananaliksik at pilosopo. (10)Nagbuwis ng buhay para sa bayan. Binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil sa paratang na panghihimagsik laban sa mga Espaıol. (11)Kinikilalang pambansang bayani dahil sa sumusunod na salik: a. Si Rizal ay kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisa-isang maghimagsik laban sa mga Espaıol. b.Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan. c.Si Rizal ay may madulang pagkamatay. Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal (Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid.
  • 24. Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan. Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima, kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni Rizal, ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan. Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang
  • 25. wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon. Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili. Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko, kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t naging mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka, pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.
  • 26. Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan. Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan. Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal. Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga “kakuwanan” ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at “pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-pakinabang. Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng
  • 27. pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain. At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.” Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng katamaran. Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at iba pa. Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran. Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin. Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal: “Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang
  • 28. bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambalhambal na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.” Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa. Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin. Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan. Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na
  • 29. makapagdudulot ng bungang ninanais.” Sanaysay Sinasabing ang sanaysay bilang akdang pampanitikan ay huling nakakita ng liwanag sa larangan ng panitikan. Ang sanaysay ay naglalahad ng pananaw at opinyon ng sumulat tungkol sa tiyak na paksa. Uri ng Sanaysay Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay- (1) ang pormal o impersonal na sanaysay at (2) ang di-pormal o personal na sanaysay.Tumatalakay sa mga seryosong paksa ang pormal na sanaysay, tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan samantalang magaan ang mga paksang matatagpuan sa di-pormal, tulad ng paghihintay sa bus, kahit na ng pagtulog. Ang kapormalan ng una ay nagdidikta ng uri ng wika nito- di malapit o nakikipaglayo, siyentipiko, may himig na nag-uutos, mataas, istandard. Ang pagkamalapit ng impormal na sanaysay ay nagmumungkahing ang lenggwahe nito ay
  • 30. parang nakikipag-usap, mainit, mataginting, kung minsa’y garapal ngunit mapagnilay-nilay rin sa ibang paraan. Unang makatatawag ng pansin sa kaisipan, bago sa damdamin ang pormal na sanaysay; kabaligtaran sa di-pormal. Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay May 12 natatanging uri ng sanaysay: (1) pasalaysay, (2) naglalarawan, (3) mapagdili-dili, (4) kritikal o mapanuri (5) didaktiko o nangangaral, (6) nagpapaalala, (7) editoryal, (8) maka-siyentipiko o makaagham, (9) sosyo-politikal, (10) sanaysay na pangkalikasan, at (11) sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan.