1. UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
IKASAMPUNG BAITANG
I.LAYUNIN
Sa loob ng isang oras (1) ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng kabanata ng nobela.
b) Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda ng El Filibusterismo.
c) Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag na ginamit sa binasang
kabanata ng nobela.
II.PAKSANG ARALIN
PAKSA: EL FILIBUSTERISMO NI JOSE RIZAL, KABANATA 1-3.
SANGGUNIAN: Ang pinaikling Bersiyon ng El Filibusterismo ni Jose Rizal p.5-17,
BAYBAYIN 10 nina Remedios Infantado.
PAGPAPAHALAGA: Nabibigyang halaga ang mga pangyayaring nagaganap sa El
Filibusterismo.
III.PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a) Panalangin
b) Pagsasaayos ng kanilang koneksyon at pagpapabukas ng kanilang camera.
c) Pagtsek ng atendans
d) Pagbati
B. Pagbabalik-aral
Tatawag ang guro ng dalawang mag-aaral para magbigay ng rebyo sa nakaraang
talakayan.
2. UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
C.PAGGANYAK
Panuto: Basahing Mabuti ang mga tanong at piliin ang ang letra ng tamang sagot.
(Nearpod). Hintayin lamang ang code na ibibigay ng guro upang makapasok sa
inihandang maikling pagsusulit.
A. PAGLALAHAD
“EL FILIBUSTERISMO bilang PAMAGAT”
El- salitang Kastila na nangangahulugang “Ang” o kung sa ingles ay ang
artikulong “The”.
Filibustero- galing ito sa salitang Filibuster sa ingles o sa ating sariling
wika ay Filibustero na nangangahulugang taong kumakalaban sa
paraan ng pangangasiwa ng Pamahalaang Kastila.
Filibusterismo- Mula sa salitang Filibustero at dinagdagan ng
panlaping “ismo” na nagresulta sa kahulugan nito bilang idiyolohiya o
paraan sa pakikipaglaban, pagtuligsa o pagkontra ng mga sinaunang
Pilipino sa maling pamamaraan ng pananakop ng mga Kastila.
“Mga Tauhan sa El Filibusterismo”
SIMOUN – Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at
tagapayo ng Kapitan Heneral.
KABESANG TALES – ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng
lupang sinasakana inangkin ng mga prayle
ISAGANI – Siya ay pamangkin Padre Florentino at kasintahan ni Paulita
Gomez.
BASILIO – Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil sa nagpaalipin
siya kay Kapitan Tiago.
PADRE FLORENTINO – Isang mabuti at kagalang-galang na paring
pilipino, si Padre Florentino.
BEN ZAYB – Isang mamahayag, mababa ang tingin niya kay padre
Camorra.
DON CUSTODIO – Likas na matalino, siya ang susi upang mapahintulutang
magbukas na isang paaralang nagtuturo ng wikang kastila.
3. UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
DONYA VICTORINA – mapagpanggap na Europeana ngunit isa namang
Pilipina
PADRE BERNARDO SALVI – Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at
iganagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle.
PADRE HERNANDO SIBYLA – Isang matikas at matalinong paring
Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas.
PADRE IRENE – Isang paring Kanonigo na minamaliit at gaanong
iginagalang ni Padre Camorra
PADRE CAMORRA – Isang batang paring Pransiskano na mahilig
makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na maibigan.
KABANATA 1: ANG KUBYERTA
“BAPOR TABO”
99 ang Sakay
Hirap sa pag-usad
Nagpapanggap na kaya
sa kayabangan
Kahit maputi ang
pintura nito marumi pa
rin itong tingnan.
Nagbubuga ito ng maitim
na usok.
Sumisimbolo ito sa pamamahala
sa walang direksyon.
Sa ibabaw, nakasakay ang mga
may kapangyarihan at ang sa ilalim
naman ay ang mga karaniwang tao.
Katulad ng mga marinero ng barko na
isang Indio ibig sabihin mga Pilipino.
Sigurado daw mag-aalsa ang mga tao kung ganito ang
mangyayari.
Napunta ang mainit na usapin sa mga pato na inaalagaan sa
Pateros at Pasig at naging punto ng pag-uusap ang kinakain ng
mga ito.
Nang marinig ito ni Donya Victorina, paismid at palamya siyang
nagsalita na kung ang lahat ay gugugol ng panahon sa pag-aalaga ng
mga pato ay siguradong dadami ang balot na labis niyang inaayawan
at pinandidirihan.
4. UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA
Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta.
Naroon ang dalawang (2) estudyate na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng
medisina at mahusay ng manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata,
si Isagani.
Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may
pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina.
Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , sa De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre
Florentino, amain ng binate.
Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina
Basilio sapagka’t ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang ito’y mahirap at di makabibili
ng alahas.
Matigas na tumutol Si Isagani at anya: “Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin
kailangan.”
Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay
Pilipino.
Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng
tubig at di ng serbesa.
Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip
ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.
At dagdag ni Isagani: lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay
sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinakinggan ang
pagsingkil ni Basilio.
Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging
sulak at malawak na karagatan ang tubig.
Tugon ni Isagani: “Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay
magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao.”
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na
Kardinal Moreno.
Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t nakita ng kapitan si Padre Florentino at ito’y
inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.
5. UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
KABANATA 3: ANG MGA ALAMAT
E.PAGLALAPAT
Buksan ang inyong mga browser at i-type ang KAHOOT at hintayin lamang ang
code o link na ibibigay ng guro para sa maikling pagsusulit.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot.
1. Ang_____ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila.
a) ibabaw ng kubyerta
b) sa ilalim ng kubyerta
• Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang mga nasa kubyerta.
Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin
sa simbahan.
• Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor.
• Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun.
Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato.
May magkasintahan daw sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang
babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng
arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba.
Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang
beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo, ayon kay
padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa
isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo.
Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang
Guevarra, Navarra o Ibarra.
Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatlong taon
matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang
pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ang iba! Si Simoun ay namumutla at walang
kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay.
6. UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
c) sa likod ng kubyerta
d) wala sa nabanggit
2. Si Basilio ay isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo
ng Kapitan Heneral.
a) Tama
b) Mali
3. TANDANG SELO – maunawaing ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang
sariling apo.
a) Tama
b) Mali
4. Ilang tao ang sakay ng Bapor Tabo?
a) 100
b) 99
c) 70
d) 50
5. Ano ang pamagat ng unang kabanata ng El Filibusterismo?
a) Sa Ibabaw ng Kubyerta
b) Sa ilalim ng Kubyerta
c) Sa dulo ng kubyerta
d) wala sa nabanggit
6. Sino si Ben Zayb?
a) isang artista
b) isang manloloko
c) isang mamayahag
d) isang mangangalakal
7. Si Isagani ay pamangkin Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez.
a) Tama
b) Mali
8. Sino ang nagsabi na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at
di ng serbesa?
a) Simoun
b) Isagani
c) Padre Camorra
d) Padre Salvi
9. El- salitang Kastila na nangangahulugang “Ang” o kung sa ingles ay ang artikulong
“The”.
a) Tama
b) Mali
7. UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
10.Si Dona Victorina ay isang mabait na ginang at marami ang nagkakagusto sa
kanya.
a) Tama
b) Mali
F.Paglalahat/ Sentisis
1. Ipaliwanag ang pahayag na ito “Ang tubig ay nakakapatay ng apoy. Ang tubig
ay maaaring mapuksa ng sangkatauhan o lumunod ng mundo kapag naging dagat”.
IV. EBALWASYON
Sa 3-5 pangungusap ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong. Isulat/i-type ito
sa isang maikling puting papel(short bond paper) at ipasa ito sa inyong schoology.
1. Paano pinaghambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan?
2. Bakit biglang napunta ang usapan sa alamat sa ibabaw ng kubyerta?
V. TAKDANG ARALIN
Para sa susunod na talakayan, basahin ang Kabanata 4-6 p. 17-29. Maghanda rin
sa mga maaaring itanong ng guro.