2. ★ Bata pa lamang ay pangarap na ni Aryana na
matulungan ang kanyang pamilya. Siya ang
panganay sa siyam na magkakapatid. Ang
kanyang tatay ay magsasaka at nagtitinda
ng mga kakanin ang kanyang nanay.
3. ★ Hangang-hanga si Aryana sa kanyang mga
guro kaya nais niyang makapagtapos ng
pag-aaral upang maging katulad nila at
matulungan mapag-aral ang mga
nakababatang kapatid.
4. ★ Pagkatapos ng kanyang klase at tuwing wala
siyang pasok ay sinasamahan niya ang
kanyang nanay sa pagtitinda at
tumatanggap din siya ng tutorial upang
makadagdag sa kanilang gastusin.
5. ★ Hindi nagtagal, dahil sa sipag,
determinasyon at pagsusumikap ay
nakagpagtapos si Aryana sa kolehiyo at
naging lisensyadong guro ngunit hindi pa
dito natapos ang kanyang pangarap.
6. ★ Mula sa mga naiipon niya sa konting natitira
sa kanyang sahod ay nakapag-ipon siya ng
pera na kanyang ginawang puhunan upang
makapagtayo ng isang munting restaurant
na pinangalanan niyang “ Kusinang
Natatangi”
7. ★ Napagtapos ni Aryana ang kanyang kapatid.
Dalawa ay naging guro katulad niya, dalawa
rin ay naging pulis, isa ang naging seaman,
dalawa ang naging doctor at isa ang naging
abogado.
8. ★ Patuloy parin ang pagtulong ni Aryana sa
mga taong nangangailangan ng tulong.
Namimigay ng scholarship si Aryana at ang
kanyang mga kapatid sa mga batang hindi
nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral
sa kanilang probinsya
10. 1. Ano ang pangarap ni Aryana?
Ang pangarap ni Aryana ay ang
matulungan ang kanyang pamilya.
11. 2. Ano ang hanapbuhay ng kaniyang
mga magulang?
Ang kanyang tatay ay magsasaka at
nagtitinda naman ng kakanin ang
kanyang nanay.
12. 3. Ano ang ginagawa ni Aryana pagkatapos o
tuwing wala siyang pasok?
Pagkatapos ng kanyang klase at tuwing
wala siyang pasok ay sinasamahan niya
ang kanyang nanay sa pagtitinda at
tumatanggap din siya ng tutorial upang
makadagdag sa kanilang gastusin.
13. 4. Ano-ano ang katangian na taglay ni Aryana
sa kwento?
Si Aryana ay masipag, determinado at
nagsusumikap.
14. 5. Ano ang naging trabaho ni Aryana?
Si Aryana ay naging matagumpay na
guro.
15. 6. Ano ang ipinatayo ni Aryana sa sahod
at perang inipon niya?
Ginawa niya itong puhunan upang
makagpatayo ng isang munting
restaurant.
16. 7. Sino ang binibigyan niya sa kanyang
tulong na scholarship?
Ibinibigay niya ito sa mga batang hindi
nabibigyan ng pagkakataon na
makapag-aral sa kanilang probinsya.