Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docx

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Aralin 8.pdf
Aralin 8.pdf
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 12 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Ähnlich wie Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docx (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docx

  1. 1. Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim (1762 - 1785) Sa panahon ng 1762, nagkaroon ng isang mahalagang tulak ang mga nabubuong rebelyon ng mga bayan. Sa pagdating ng mga Ingles sa Pilipinas, humina ang puwersang militar ng mga Kastila sa Pilipinas. Lalong napalakas ang loob ng mga Pilipino sa pangyayaring ito. Sa Ilocos, pinamunuan ni Diego Silang ang isang pag-aalsa. Lubos na mahihirapan ang mga Ilokano sa polos y servicios at sawa na rin sila sa mga ipinapataw na buwis. Kasama ng mga Kailianes, pinaalis ni Diego Silang ang Alkalde Mayor, noong Disyembre 1762. Nakipagtulungan si 22 Silang sa mga Ingles at tinanggal ang polo at ang sapilitang pagbubuwis. Pinatay si Diego Silang sa kanyang tahanan noong Mayo 28, 1763 ng mestisong si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang rebelyon ngunit siya rin ay namatay noong taon ding iyon. Dito sa bagong sambayanan at opensibang muslim ay dito nangyari ang kung kailan nagtangka ang ilang mga Pilipino na makahulagpos sa kapangyarihan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng kinagisnang kalinangan at pagsasambayanan. Nagkaroon ng isang pag aalsa o isang rebolusyon na pinamumunuan ni Diego Silang Sino si diego silang? isang Pilipinong rebulosyunaryong pinuno na nakippagsabuwatan sa mga puwersang Britanyo upang patalsikin ang pamamahalang Kastila sa hilagaing Pilipinas. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos. Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal. Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. Noong Setyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay kabilang sa Pitong Taong Digmaan. Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Natatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang. Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar. Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng mga ito.
  2. 2. Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos. Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan. Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni Simon de Anda at nagalok ng pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga kaibigan ni Diego, si Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit ng pabuya ng Audiencia. Sa edad na 32, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban. polos y servicio: noong panahon ng Español, sapilitang pagpapatrabaho sa mga tao Ang mga maperang Pilipino at Intsik ay hindi kailangan manilbihan basta’t magbabayad lang sila sa gobyerno ng tinatawag na falla na ang katumbas ay 1.5 real bawat araw ng 40. Ang total niyan ay 60 reales na hindi maliit na halaga. Noong taong 1884, ang bilang ng mga araw para sa polo y servicio ay binawasan mula 40 at naging 15 araw. Ang falla para doon ay 22.5 reales. Lahat ng kalalakihan mula sa gulang na 16 hanggang 60 ay kinailangang makilahok sa polo y servicio. Kung ngayon ito gagawin, malamang ito ay tatawaging free labor o civil conscription sa Ingles. BAYAN AT KABUUAN (1785 - 1807) Anon ga ba ang basi? Ang basi ay isang uri ng katutubong alak na kung tawagin sa English ay sugar cane wine ito ay isa sa pinakapangunahing industria ng ilocano Noon palang bago dumating ang mga kastila dito sa pilipinas ay may maunlad na na industriya sa pag gawa ng basi I sa ilocos
  3. 3. Kinalaban ng mga kastila kaya ipinatupad ang monopoly na kung saan sila/o gobyernong kastila lang ang dapat mag benta ng mga alak sigarilyo at iba pa At dito rin naganap ang pag tatanghal ng mga pasyonat moro moro sa sariling wika At isa sa mga manunulat dito si huseng sisiw na nag susulat sa sariling wika dahil sa pag bubukas ng kaisipan sa mga Pilipino noon Kabanata IX Bayang Pilipino: Katutubo at Banyaga (1807 – 1861) Paghihimagsik at Rebelyon: Kailian at Kriolyo (1807 - 1823) Dito naganap ang malawakan rebolsyon sa ilocos norte dahil sa impluwensya ni diego silang sa vigan, kaya Nakagawa rin ng isang rebolusyon sa batac at ibang bahagi ng ilocos ngunit hindi nagtagumpay ang iba rito Ginantihan ito ng mga Kastila at nabihag nila ang kanilang pinuno at mabagsik na pinarusahan. Ang hindi pagkakasundo naman ng dalawang uri ng mga Kastilang nakatira sa Pilipinas ay lumala. Sawa na sa mababang pagtingin at diskriminasyon ang mga kriyolyo, mga Kastilang tunay na ipinanganak sa Pilipinas. Hindi naman nagugustuhan ng mga peninsulares, mga ipinanganak sa Espanya, ang pagdami ng mga creoles (kriyolyo). creoles (kriyolyo). Originally, the term creole was derived from Postuguese crioulo. It meant then, a white man of European descent, born and raised in a tropical or semi-tropical colony. Later, this meaning was extended to indigenous natives and others of non-European origin. Chavacano or Chabacano [tʃabaˈkano] is a group of Spanish-based creole language varieties spoken in the Philippines. The variety spoken in Zamboanga City, located in the southern Philippine island group of Mindanao, has the highest concentration of speakers. Peninsulares: Ito ay ang pinakamataas na antas. Sila ay ipinanganak sa Spain ngunit ang kanilang nationallity ay Espanya. Ang Bayan Kong Sawi” (1823 - 1841) Dito ay labis narin ang pang aabuso ng mga kasitila sa mga Pilipino Sa Mindoro ay naakit sila dahil sa posibilidad ng pagkakahanap ng ginto. Upang
  4. 4. mapaamo ang mga Mangyan sa lugar, ay gumawa ang mga Kastila ng kasunduan ng kapayapan. Samantala sa Kordilyera ay nanatili ang kabihasnan at paniniwala ng mga Ifugao. Sa Bohol naman, hindi tumigil ang rebelyon na pinamunuan ni Francisco Dagohoy. Nagsimula pa ito noong 1744. Nagmula ang rebelyon sa hindi pagpayag ng prayle na mailibing sa Katolikong libingan ang kapatid ni Dagohoy. Nagtagumpay ang rebelyon ng 85 taon at natapos sa pamumuno ni Handog at Anag noong 1829. Dito naganap ang pinakamatagal na rebelyon laban sa mga Espanyol umabot ng 85 years Francisco dagohoy 18 siglo ang pilipinas ay colonya sa loob ng 200 na taon maliban sa Mindanao, inangkin ng mga Espanyol , pinakamalupit na batas ay polos y servicios, salipitan na pagawa ng mga Pilipino 1744 GASPAR MORALES nag utos kay sagarino kapatid ni Francisco dagohoy pero lumaban ang criminal at nagkaroon ng barilan namatay si sagarino at dinala ni daohoy sa simbahan para sa libing pero tinangihan eto dahil mahigpit na pinagbabawal ng katoliko na kapag namatay sa pakikipag duelo ay bawal kaya doon nagsimula ang rebolusyon hinikayat ni dagohoy ang mga boholano na mag aklas laban sa mga Espanyol at nagging matagumpay ang pangyayare ang rebelyon ay kumalat sa ibang isla kaya dumami ang sumapi umabit sa 20k at pinatay nila si morales Namatay si dagohoy sa katandaaan hind isa pakikipag laban noong 1800 s 1825 nalukluk si Mariano bilang gibernador ng pilipinas Pero sapag pasok ulit ng mga kastila at sila ang mga boholano ay natalo 1829 Sa Bisa ni Hermano Pule (1841 - 1861) Si Apolinario de la Cruz (22 Hulyo 1814 – 4 Nobyembre 1841), na kilala rin bilang Hermano Pule ("Kapatid na Pule") o Puli, ay isang Pilipino na namuno sa isang paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Ang pakikibakang ito ay naglayon ng kalayaan sa pananampalataya at ng kasarinlang pambansa. Sa murang edad ay gusting maging pari ni pule kaya nung 1829 pumasok sya sa orden sa manila, ngunit sa panahong eto ang mga Espanyol lang ang pwede dito o mga paring regular Ang mga Pilipino / indio – paring secular mga paring hindi nabibilang sa ano mang ordeng relihiyoso Inaral ni hermano pule ang doktrina ng biblia
  5. 5. 1832 tinatag ang cofradia de sanjose kapatirang panrelehiyon ng mga indio Naglalayong paigtingin ang nga mabubuting Gawain ng mga kristiano Hinangan ni pule na kilalanin ng mga Espanyol ang kapatirang kaniyang itinatag Ikinagalit ng gobernador heneral Marcelino 1841 nagpadala ang pamahalaan ng mga sundalo upang buwagin ang kapatiran namay 4000 na kasapi Marami ang pinatay kasama din nadakip si hermano pule Ang kanyang katawan ay pinagputol putol at ibinandera sa publiko upang mag silbing babala sa mga tao kung sino ang gustong lumaban sa pamahalaan Si Pédro Pelaéz ay isang mestisong Español na pari na nanguna sa kampanya ng sekularisasyon ng mga simbahan sa Filipinas noong panahon ng kolonyalismong Español. Kabanata X Bayan at Nación (1861 - 1913) Gomburza, Datu Udto, Sultan Muhammad Diamarol (1861 - 1872) Pagkakaiba ng Paring Regular at Sekular Ang paring sekular ay walang karapatan at respeto ng mga kastila at ng simbahan. Ang mga paring regular ay may karapatan at respeto. Ang paring regular ay kinabibilangan ng mga prayleng Espanyol. Ang paring sekular ay ang tawag sa mga paring nagsanay sa seminaryo upang mangasiwa sa mga parokya sa Pilipinas at sa ilalaim ng mga Obisposila ay walang kinabibilangang orden ng di katulad ng mga paring regular (Pransiskano, Dominikano at iba pa) ●Unang pinamunuan, nila Padre Pedro Pelaez at Padre Mariano Gomez ➢Layunin: Upang maibalik ang simbahan sa mga paring sekular ●Itinuloy ni Padre Jose Burgos ang nasimulang pakikipaglaban ni Padre Pelaez. ➢Layunin: Pagpapantay pantay ng mga lahi ➢Dito unang nagamit ang salitang “PILIPINO” sa halip na “INDIYO”. ➢Ang isyu ng sekularisasyson bilang pagtugon sa mga pagbabago noong ika-19 na siglo ➢Ito ay ang unang sistematikong kilusang inilunsad ng mga ilustrado para atakehin ang paghahari ng mga Espanyol ang kilusang sekularisasyon sahanay ng mga kleriko.
  6. 6. ➢Sa pagbitay sa GOMBURZA, gumuho ang kilusang serkularisasyon. ●Comite de Reformados → samahan ng mga mag-aaral, negosyante atbp. Ang buong pangalan niya ay Sultan Anwarud-din Uto at napabantog nang pamunuan niya ang pag-aalsa noong mga taong 1860 na naging sagabal sa absolutong pananakop ng mga Espanyol. Mahalagang tingnan ang buhay ng tulad ni Uto, ani Reynaldo C. Ileto (1971), bilang pagsisikap buuin ang sultanatong Magindanaw pagkaraan ng pamumuno ni Sultan Kudarat, hatiin ito ng mga away at ng panggugulo ng mga Espanyol. Una siyang nasubok sa nabigong rebelyon ni Datu Maghuda noong 1861 at dito siya nawalan ng isang mata. Nagsimula ang lahat noong 30 Abril 1861 at nagtirik ng bandilang Espanyol sa kuta ng sultan ng Cotabato. Nag-alsa ang isang puwersa sa ilalim ni Datu Maghuda at noong 1 Nobyembre 1861 ay hinarap ng isang pangkat ng Espanyol. Tinawag din itong Masaker sa Pagalungan, dahil umaabot sa 200 ang namatay. Nabigo man ang rebelyon, sinundan pa ito ng ibang pag-aalsa. Noong 1864, kasama siya sa mga ayudanteng hiningi ng mga Espanyol sa kaniyang ama upang salakayin ang mga rebeldeng Talayan. Ngunit nang magkaroon ng engkuwentro, bumaligtad sina Datu Uto, kumampi sa mga Talayan, at natalo ang mga Espanyol. Sinundan pa ito ng mga labanan para mapaalis ang mga Espanyol. Namatay noong 1872 ang kaniyang ama. Pumalit na pinuno ang kaniyang amain, ngunit si Datu Uto ang tunay na naghahawak ng kapangyarihan. Pinakasalan niya si Pajah Putri, anak ni Sultan Qudarat II. Gumawa rin siya ng alyansa sa ibang mga pinuno at pinangasiwaan ang mga kalakalan sa paligid. Noong karurukan ng kaniyang lakas, sinasabing may 4,000-5,000 alipin siya at malaking bilang ng armas. Pinagtuonan siya ng kampanya ng mga Espanyol. Noong Pebrero 1886, sa utos ng gobernador ng Mindanao na si Julio Serena ay winasak ang matandang tahanan ni Datu Uto sa Bakat. Sinundan ito ng mga madugong labanan. Noong 28 Marso, sumuko ang kampo ni Datu Uto. Hindi pinakinggan ang kaniyang mga petisyon. Hinarang ang kaniyang mga ruta ng kalakalan. Sa wakas, at sa upat ng mga Espanyol, isa-isang nawala ang mga kapanalig ni Datu Uto. Naglaho siya noong 1888 at hindi na narinig. Indios, Moros y Infieles: Sukabang Ina (1872 - 1892) Pagkakaiba ng Paring Regular at Sekular Ang paring sekular ay walang karapatan at respeto ng mga kastila at ng simbahan. Ang mga paring regular ay may karapatan at respeto. Ang paring regular ay kinabibilangan ng mga prayleng Espanyol. Ang paring sekular ay ang tawag sa mga paring nagsanay sa seminaryo upang mangasiwa sa mga parokya sa Pilipinas at sa ilalaim ng mga Obisposila ay walang kinabibilangang orden ng di katulad ng mga paring regular (Pransiskano, Dominikano at iba pa)
  7. 7. ●Unang pinamunuan, nila Padre Pedro Pelaez at Padre Mariano Gomez ➢Layunin: Upang maibalik ang simbahan sa mga paring sekular ●Itinuloy ni Padre Jose Burgos ang nasimulang pakikipaglaban ni Padre Pelaez. ➢Layunin: Pagpapantay pantay ng mga lahi ➢Dito unang nagamit ang salitang “PILIPINO” sa halip na “INDIYO”. ➢Ang isyu ng sekularisasyson bilang pagtugon sa mga pagbabago noong ika-19 na siglo ➢Ito ay ang unang sistematikong kilusang inilunsad ng mga ilustrado para atakehin ang paghahari ng mga Espanyol ang kilusang sekularisasyon sahanay ng mga kleriko. ➢Sa pagbitay sa GOMBURZA, gumuho ang kilusang serkularisasyon. ●Comite de Reformados → samahan ng mga mag-aaral, negosyante atbp. Indios ang tawag nila sa mga katutubo. Isa itong panlalait at pagpapakita ng pagpapamuhi sa Pilipino. Tinawag naman nilang Moros ang Muslim at ang mga taong hindi sumusunod sa sistemang Kastila upang makolonisa ang kapuluan. Filipinos at mga Anak ng Bayan (1892 - 1896) – Ang Nasyonalismo ay ang pagiging mabuting mamamayan ng isang tao sa bayang sinilangan. Ito ay isa sa mga katangiang dapat taglayin ng bawat isa upang maipakita ang pagmamalaki at pagmamahal sa lupang tinubuan ng buong puso. Pagtangkilik at pagpapahalaga ang kailangan ng isang bansa sa mamamayan nito. Ito rin ay isang kamalayan sa kanyang laki na nanggaling sa pagkakaroon ng isang wika, kultura, ralihiyon, kasaysayan at pagpapahalaga. Ang liberalismo ang ay isang uring sistema na naniniwala sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagbigay ng kontribusyon sa lipunan sa iba’t ibang paraan, kapasidad, at antas. Kinikilala nito ang isang uring human nature na ang tao ay may kapasidad na linangin ang kanyang sarili sa paraang makabubuti sa kanya. Ang liberalismo naman sa bahagi naman ng pamahalaan, dapat nitong tiyakin na maisasakatuparan ang pag- unlad ng tao sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga natatanging kakayahan at pagbibigay sa kanya ng iba’t ibang pagkakataon upang linangin ang mga ito. ang repormista ay ang pagnanais ng pagbabago sa pamamagitan ng malinis at payapang paraan
  8. 8. Ang La Solidaridad ang naging pangalan ng isang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya na naghangad na magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes Generales. Ito rin ang naging pangalan ng opisyal na pahayagan ng samahan na itinatag noong 13 Disyembre 1888. Hindi pinakinggan ang hinaing ng la solidaridad Isa sa mga hinihiling nila ay maging probinsya ng Espanya ang Pilipinas. Hindi pinakinggan ang kanilang mga daing. Hiningi nilang sunod ang kasarinlan ng Pilipinas. Ninais ng mga ilustrado na bumuo ng isang nacion na nakabatay sa mga konsepto ng bansa sa Europa. Muli hindi sila pinakinggan. Dito sa pangatlong bahagi, mula 1892 hanggang 1896, ay magiging saksi sa pag-usbong ng isang makabago at liberal na grupo ng mga Pilipino. Sila ang mamumuno sa paghingi ng reporma sa bansang mananakop sa pamamagitan ng panulat. Ang pagsikat at pagbagsak ng kanilang grupo ay mangyayari sa loob ng panahong ito. Sa kanilang paghina lalakas ang kagustuhang makalaya ng mga katutubo. Tatayo bilang pinuno ang isang ordinaryong mamamayan na gagabay sa lahat upang makamtan ang bayan. Tatayo ang mga tunay na anak ng bayang Pilipinas. Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan[1] o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol. Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga ay binubuo ng mga panggitnang uri na intelektual o mga ilustrado na nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Ito ay binuo sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (ngayon ay Abenida Claro M. Recto) sa Tondo, Maynila. Dahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan.[2] Ang mga nais sumapi sa samahan ay pinadadaan sa seremonya ng pagbunsod upang maging ganap na kasapi. Noong una, ang mga kalalakihang Pilipino lamang ang tinatanggap, ngunit noong lumaon ay nagpapasapi na rin sila ng mga kababaihan. May sariling pahayagan ang Katipunan, na tinatawag na Kalayaan na nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng Pilipinas. Sa pagpaplano sa rebolusyon, nakipagtalastasan si Bonifacio kay Rizal para sa kaniyang lubos na pagsuporta sa Katipunan kapalit ng pangako ng pagsagip kay Rizal mula sa pagkapiit. Noong Mayo 1896, isang delegasyon ang pinadala sa Emperador ng Hapon para makalikom ng pondo at mga sandata. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño
  9. 9. sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino. Dito ay pinaglaban nila andress ang inang bayan na kung saan nagkaroon ng malaking rebolusyon o himagsikan dito nag simula ang pag kalas ng mga Pilipino sa mga Espanyol sa pamamahitan ng pag punit ng kanilang mga sedula kaya Katipunan ang nagging unang gobyerno dito sa pilipinas na pinapangunahan ni andress Bonifacio/ supremo Ipinaglabang Nación at Inang Bayan (1896 - 1901) Ang ika-apat na bahagi naman ay kinapapalooban ng mga rebolusyong naganap mula 1896 hanggang 1901. Dito masasaksihan ang kabayanihan ng mga Katipunero at ang masalimuot na tadhana ng pinuno ng Bayan. Sa bahaging ito pansamantalang makakaranas ng kasarinlan ang Pilipinas sa pag-alis ng mga mananakop na nabigong mahawakan ang buong arkipelago. Sa panahong ito unti-unting papasok ang puwersa ng mga bagong mananakop mula sa kanluran. Dito ay natalo ang himagsikan sa kadahilanang nakaman ng kalaban ang gagawing plano ng himagsikan Ngunit pinagpatuloy ni Bonifacio ang pakikipag laban kaya marami ring mga Pilipino ang nadakip kasi dito ay mahina na ang mga katipunero dito narin pinatay si rizal sa Bagumbayan. Bakit pinapatay ni Aguinaldo si Bonifacio? At dito nadin na hindi nagustuhan ang pamamahala ni Bonifacio, dahil gusto ng mga cavitenyo na lumikha ng estadong nakabatay sa ginamit ng mga kastila. Kaya pinadukot ni Emilio si Bonifacio at pinapatay nya ito dahil alam ni Aguinaldo na magiging hadlang si Bonifacio sa mga plano nya. Dahil doon sinamantala ng mga kastila ang pagka matay ni Bonifacio isang ama ng himagsikan nakuha muli ng mga kastila ang cavite mula sa mga rebolusyanalyo 1897 itinayo ni Aguinaldo ang biyak na bato sa Bulacan dito mahina na ang pwersa ang mga rebosyunaryo, kaya pumasok si Aguinaldo sa isang kasunduan sa mga Espanyol binenta ni Aguinaldo ang rebulusyaryo o ang pilipinas naglaho ang Unang Republica de Filipinas, nagpunta sya sa hong kong Hindi ito ang katapusan ng himagsikan kaya nag tayo si Aguinaldo ng bagong gobyerno sa hongkong Nag deklara ng gyera ang us at espanya 1898
  10. 10. Dito umuwi si Aguinaldo para makipag sunduan sa mga amerikano Bumalik si Aguinaldo Itinayo ni agunaldo ang provational dictatorship Nakipag sunduan si Aguinaldo sa mga amerikano kumbaga nag tiwala si agunaldo sa mga tiga us kasi akala ny walang balak na gagawin dito ang mga amerikano kaya noong malapit ng makuha ni Emilio ang maynila sa mga Espanyol pinigilan sila ng mga amerikano sinabi ni dewey na hintayin ang mga amerikano dahil sabay nila itong kukunin ngunit ng malapit ng makuha ay hindi na pinapasok si Emilio Dahilan kung bakit nag punta si Aguinaldo sa malolos at nag tayo ng bagong gobyerno sa pag gawa nya ng kunstitusyon idiniklara nya na ang Kalayaan ng [pilipinas at pinakilala ang sarili na pangulo ng pilipinas Dec 1898 hindi alam ni Aguinaldo na ipinagbili na pala ng espanya ang pilipinas sa US Jan 1899 hindi kinilala ang bagong gobyerno ng pilipinas pinakita ng us na hindi nila gusto ito sa pagitan ng pagpatay sa mga sundalo noon ng pilipinas Feb 1899 sumiklab ang labanang fil at amerikano Noong una nagging maganda ang labanan dahil sa magaling na pamumuno ni Aguinaldo Ngunit dahil din kay heneral luna 1899 namaytay si luna dahil dito humina na ang pwersa ng militar Nahuli narin si Emilio Aguinaldo ni funston Mula sa pagkahuli sumumpa sya ng alliance sa estados Unidos BANSA Ang Ikatlong Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (1913 - Kasalukuyan) Ano ang isang elitistang tao? pang-uri. (ng isang tao o klase ng mga tao) na itinuturing na nakatataas ng iba o ng kanilang mga sarili, tulad ng sa talino, talento, kapangyarihan, kayamanan, o posisyon sa lipunan: mga elitistang clubber ng bansa na mayroon sa kanila at walang pakialam sa iba.
  11. 11. Ang komonwelt, sampamahalaan, mankomunidad o sangbansa, kilala rin bilang "republika"[1][2] ay isang pangkat ng mga tao o grupo ng mga pangkat na may pangkaraniwang layunin upang mapainam ang kanilang mga sarili, tulungan ang bawat isa, at magpamahagi ng kaalaman at mga mapagkukunan ng mga kailangan. Sa kamakailan, ginagamit ang katawagang ito para sa mga asosasyong pangkapatiran ng ilang mga nasyong soberanyo o mga bansang malaya o nagsasarili. PagsasaPilipino at PagpapakaPilipino (1913 - 1925) PagsasaPilipino naman ng burukrasya ang binalak ni Francis Burton Harrison. Tunay ngang mga Pilipino nga sa itsura at dugo ang mga inilagay sa puwesto ng mga Amerikano, ngunit sa puso at diwa, mga Amerikano ring kulay lupa ang kanilang nailuklok. Mga Pilipino kasama sa elit ang kanilang inilagay sa pamahalaan, mga Amerikano sa kilos, isip at gawa. Samantala, ang batas Jones naman na naglalayong pabilisin ang paggawad ng kalayaan sa Pilipinas ay ipinagtibay nang 29 Agosto 1916. Inilathala noong 1925 ang unang librong Pilipino sa Ingles, ang Child of Sorrow na may bersyon sa Kapangpangan at Tagalog (Anak na Dalita), tanda ng direksyon ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan patungo sa Ingles ng mga elit at elitista. pang-uri. (ng isang tao o klase ng mga tao) na itinuturing na nakatataas ng iba o ng kanilang mga sarili, tulad ng sa talino, talento, kapangyarihan, kayamanan, o posisyon sa lipunan: mga elitistang clubber ng bansa na mayroon sa kanila at walang pakialam sa iba. Paghahabol ng Kalayaan: Mga Bagong Ilustrado (1925 - 1935) Sa hinaba haba ng inaasam ng mga Pilipino na makamtan ang tunay na Kalayaan ay unti unti na itong nabibigyang linaw nagging maliwanag na ang katuparan na ang pangakong ng pamahalaang amerikano na ibigay satin ang pagkakataon mag sarili bilang isang bansa Tydings mcdaffiee law , officially known as the Philippine commonwealth and independence act was signed by the us pres franklin d Roosevelt it allowed the ph to adopt a constitution and a form of government 1934 nabuo ang constitutional convention 1935 naganap ang halalan upang ihalal ang pangulo at pangalawang pangulo manuel l Quezon at serio osmena natalo si Emilio at reymundo
  12. 12. Komonwelt binuo upang ihanda ang pilipinas sa pag sasarili nito, binigyan prayoridad din and mga dapat unahin ng pamahalaan gaya ng ROTC, economic council, at court of appeals Sa panahon ng komonwelt ay masasabing ang bansa ay nagging malaya na dahil ang mga Pilipino na ang nakatalaga sa tatlong sangay ng pamahalaan Kahit na ang mga Pilipino na ang namamahala , hindi parin masasabi na dipa ganap ang pagsasarili ng bansa dahil may mga usapin parin gaya ng kalakalan, pananalapi ay nasa estados unidos padin Nagtalaga parin ang us ng kanyang kinatawan para siguruhin nanaipapatupad ang kanilang patakarang amerikano April 1937 karapatan na bumoto

×