Anzeige

IMs_G9Q1_MELC4_W5D3.pptx

12. Feb 2023
Anzeige

Más contenido relacionado

Anzeige

IMs_G9Q1_MELC4_W5D3.pptx

  1. PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO (MELC) Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang araw- araw na pamumuhay. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
  2. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN LAYUNIN: 1. Nalalaman ang bahaging ginagampanan ng produksiyon sa pag-unlad ng mga negosyo sa bansa 2. Nakakapagplano ng isang maliit na negosyo gamit ang kaalaman sa mga salik ng produksiyon 3. Napapahalagahan ang papel ng bawat salik ng produksiyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa
  3. ARALING PANLIPUNAN Aralin 3: Mga Salik ng Produksyon Kaugnay na Paksa : Kahalagahan ng Salik ng Produksyon Ikaapat na Linggo, Ikatlong Araw TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
  4. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN BALITANG BALITA Panuto: Magbabahagi ang isa sa mag-aaral ng kanilang balita ukol sa napapanahong isyu na maaaring may kinalaman sa magiging paksa ng talakayan. Tatlong minuto ang ilalaan upang talakayin ang inilahad na balita ng bawat pangkat. https://www.slideshare.net/ApHUB2013/balita-zoren-29705380
  5. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN Pamprosesong Tanong: 1. Paano mo maiuugnay ang balitang iyong ibinahagi sa ekonomiks? 2. Ano ang implikasyon ng pangyayaring ito sa ating bansa o sariling komunidad?
  6. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN GAWAING PAGKATUTO BILANG 1: BUSINESS PLAN Panuto: Gumawa ng sariling Business Plan.Ibigay ang buong detalye ng iyong naiisip na negosyo kung saan matatalakay din dito ang tatlong natitirang salik ng produksiyon, inaasahang nakalaang budget para dito, at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong ninanais na negosyo. Gawin ito sa sagutang papel. Pangalan ng Negosyo: Uri ng Negosyo na nais ipatayo : ● Mga kinakailangang hilaw na materyales para sa pagbuo ng produkto. ● Mga kinakailangang kapital para sa pagbuo ng produkto. ● Mga kinakailangang manggagawa at kwalipikasyon para sa bubuo ng produkto.
  7. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN Mga gabay na tanong: 1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang gawaing ito? 2. Nakatulong ba ang iyong kaalaman sa mga salik ng produksyon sa paggawa ng iyong Business Plan? 3. Paano mo maisasagawa ang iyong natutunan sa salik ng produksyon sa iyong ginawang gawain?
  8. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2: CONCEPT MAPPING Panuto: Punan ng angkop na salik ng produksiyon ang concept map sa ibaba at isulat sa loob ng kahon ang kahalagahan ng bawat isa. Matapos sagutan ang concept map ay sagutan ang sumusunod na gabay na tanong.
  9. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang salik ng produksyon? Ipaliwanag ang ginagampanan ng bawat salik sa proseso ng produksyon. 2. Sa iyong palagay, alin sa mga salik ang pinakamahalaga sa proseso ng produksiyon?Pangatwiranan.
  10. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3: COLLAGE Panuto: Gumawa ng collage tungkol sa mga salik ng produksiyon. Pumili ng isa sa mga salik. Tiyaking may napiling magkakaibang salik ang bawat isa. Gumupit ng mga larawan mula sa pahayagan o magasin at idikit ang mga ito sa isang buong kartolina. Lagyan ng maikling pahayag sa ibaba ng collage tungkol sa kahalagahan at kapakinabangan ng inyong napiling salik.
  11. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4: Panuto: Piliin ang wastong sagot na nasa loob ng panaklong. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Ang kapital ay isang salik ng produksiyon na tumatanggap ng (Kita, Interes) bilang kabayaran. 2. Ang entreprenyur ay itinuturing na (Kapitan, Manggagawa) ng industriya. 3. Ang (Paggawa, Paglikha) ay ang paggamit ng lakas ng tao upang linangin ang mga likas na yaman upang makalikha ng mga produkto. 4. Ang paggamit ng mga salik ng produksiyon ay nakalilikha ng mga produkto na tinatawag na (Input, Output). 5. Ang salapi ay tinatawag na (Fixed Capital, Financial Capital) kung ginamit ito na pambili ng makinarya upang magamit sa produksiyon.
  12. TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN PAGNILAYAN: Magsulat sa inyong sagutang papel ng inyong nararamdaman o reyalisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt. Naunawaan ko na ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Napagtanto ko na ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
  13. SANGGUNIAN: I. Mga Larawan TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN https://www.slideshare.net/ApHUB2013/balita-zoren-29705380 EKONOMIKS Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral pp. 82
Anzeige