PAGTATAYA
1. Alin sa sumusunod ang isang halimbawa ng kontemporaryung isyu?
A. paggamit sa pribadong impormasyon ng mga mamamayan sa internet
B. paghahanap ng bagong kolonya para sa pangangalakal
C. pagpapakulong sa mga taong pinaniniwalaang taksil sa simbahan
D. pag-uusap tungkol sa kahalagahan ng gamot para sa kalusuguan
2. Ano ang mangyayari kapag hindi nagiging bahagi ng masusing pag-aaral sa mga paaralan ang mga kontemporaryong
isyu?
A. Wala, kulang, o huli sa kaalaman
B. Walang epektibong pagtugon
C. Walang malayuang pagtingin
D. Walang sariling pagkakakilanlan
3. Alin sa sumosunod ang hindi pokus o tuon sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Lumalawak ang kaalaman at napabibilis ang pagdedesisyon
B. Mas madaling nakaaangkop sa paligid
C. Nagigng mapagsiyasat sa mga usapin
D. Nababalikan at napahahalagahan ang kasaysayan
PAGTATAYA
4. Anong kontemporaryong isyu ang ipinahihiwatig?
Hindi maaari ang “puwede na ‘yan at siguro,” dapat “sigurado.” Mahigpit ang kompetisyon sa panahon ng
internasyonalismo.
A. pangkalakalan B. pangkalusugan
C. pampulitika D. panlipunan
5. Ang mga kontemporaryong isyu ay hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang isyu o usapin. Kabilang din ang mga
napag-usapan na noon subalit buhay pa rin hanggang ngayon. Alin ang halimbawa nito?
A. Comfort Women
B. Panahon ng Eksplorasyon
C. Unang Digmaang Pandaigdig
D. Death March
6. Ano ang kailangan sa pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu?
A. bukas at kritikal na pag-iisip
B. mataas na pinag-aralan
C. pagsang-ayon ng maraming tao
D. paglalaban sa mga pinaniniwalaan
PAGTATAYA
7. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu, maliban sa ISA.
A. Upang may maibahaging tama at naaayon sa diskusyon sa klase man o sa labas ng eskwelahan
B. Mas maunawaan ang mga pangyayari sa mundo
C. Para mas lumawak pa ang kaalaman tungkol sa mga bagay, pangyayari at mga tao
D. Para maging kilalang matalino at updated
8. Si Jane ay magbabahagi sa mga bata tungkol sa global warming at climate change. Ano ang maaari niyang gawin upang
lubos siyang maintindihan ng mga bata?
A. Ipaliwanag ang mga sanhi at bunga ng global warming at climate change.
B. Sabihin na mahalagang pag-usapan ang mga ito dahil lahat tayo ay apektado.
C. Magbigay ng mga praktikal at simpleng halimbawa ng mga epekto ng global warming at global change.
D. Lahat ng nabanggit
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbibigay importansya sa pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu?
A. Pagsali sa isang makabuluhang debate o usapin tungkol sa regionalization
B. Pagmamalaki sa mga kaibigan kung bakit ikaw ang tama at kung bakit mali ang kanilang pananaw sa death
penalty
C. Pagbabahagi ng mga fake news at alternatibong katotohanan sa social media
D. Pinagtatawanan ang mga biro tungkol sa maseselang usapin tungkol sa rape
PAGTATAYA
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging handa ng guro sa pagtalakay ng kontemporaryong isyu?
A. Bago pag-usapan ang same sex union sa klase, nagtanong si Bb. Reyes kung ano ang relihiyon ng kaniyang mga
estudyante upang kaniyang malaman ang perspektibong pinanggagalingan nila.
B. Tinatalakay ng klase ang terorismo at napansin ni G. Santos na naluluha ang isa sa kaniyang mga estudyante dahil
namatay pala ang sundalo niyang ama dahil dito. Hindi pinansin ni G. Santos ang emosyon ng bata at nagpatuloy sa
diskusyon.
C. Nagtanong si Kyle kay Gng. Cruz kung nabalitaan ba niya ang balak ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.
Nagkibit-balikat lamang si Gng. Cruz at hindi sinagot si Kyle.
D. Hindi tumatanggap ng mga katanungan si G. Sioco sa kaniyang klase dahil sayang lamang sa oras ang pagsagot
sa mga tanong ng kaniyang mga estudyante.
PAGTATAYA
1. Ano ang tawag sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at
komunidad na tinatamaan nito?
A. aksidente
B. delubyo
C. kalamidad
D. kapahamakan
2. Anong uri ng kalamidad ang nararanasan sa isang tiyak na lugar kung ito ay marahas na binabayo at hinahampas ng
malalakas na hangin at ulan?
A. paglindol
B. pagdaluyong-bagyo
C. pagbagyo
D. Pagbaha
3. Alin ang maaaring nagdudulot ng pagbaha sa mga siyudad?
A. Kawalan ng kaalaman tungkol sa tamang pangangalaga ng kapaligiran
B. Pag-abuso ng mga tao sa kalikasan gaya ng pagpuputol ng mga puno
C. Walang disiplinang pagtatapon ng mga basura sa kung saan-saan
D. Lahat ng nabanggit
PAGTATAYA
4. Sa kabila ng makabagong kaalaman at teknolohiya, bakit mas marami ang napipinsala ng pagbagyo ngayon?
A. Maliban sa pagbagyo, sumasabay na rin ang pagbaha at pagdaluyong-bagyo.
B. Humihina na ang pisikal na kapasidad ng mga tao para labanan ang pagbagyo.
C. Walang kinalaman ang makabagong teknolohiya sa mga kalamidad dahil ito ay natural na proseso.
D. Biglaan ang pagdating ng pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong kaya hindi napaghahandaan.
5. Paano napahahalagahan ang buhay mula sa mga tumitinding kalamidad?
I. Manirahan sa ligtas na lugar, magarang bahay, at maraming kasambahay.
II. Maging disiplinado, handa, at matulungin.
A. Tama ang II; mali ang I.
B. Tama ang I; mali ang II.
C. Parehong tama ang I at II.
D. Parehong mali ang I at II.
6. Ano ang tawag sa abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa
rehiyon?
A. El Niño
B. La Niña
C. global warming
D. climate change
PAGTATAYA
7. Ano ang inaasahang kasunod ng El Niño?
A. climate change
B. La Niña
C. pagsabog ng bulkan
D. tagtuyot
8. Nabalitaan ni Mang Jun, isang magsasaka, na tatama ang El Niño sa pagtatapos
ng taon. Ano ang dapat gawin ni Mag Jun?
A. Makikipagsapalaran at aasahan ang pagdating agad ng La Niña.
B. Magtatanim ng akmang pananim para sa mahabang tagtuyot.
C. Hindi na kailangang maghanda nang napakaaga.
D. Ipagpaliban muna ang pagtatanim sa tiyempong iyon.
PAGTATAYA
9. Ang pamilya ni Sandra ay nakatira sa mataas na bahagi ng gilid ng bundok. Ibinalita ng PAGASA na matatapos na ang
napakatinding El Niño sa Disyembre ng taon ding iyon. Ano ang dapat gawin ng pamilya ni Sandra?
A. Hindi sila dapat masyadong mag-alala dahil hindi sila aabutin ng baha dahil nasa mataas na lugar naman ang
bahay nila.
B. Siguraduhing matibay ang pundasyon ng bahay. Kung alanganin, magplano na kung saan maaaring lumikas kapag
nagkataon.
C. Kailangan nilang mag-imbak ng pagkain para hindi na nila kailangang lumabas kapag dumating na ang tag-ulan.
D. Walang dapat ipag-alala dahil tapos na ang El Niño. Maaari na nilang ipagpatuloy ang mga gawaing nakagawian
na.
10. Ano ang maaaring mahinuha sa pagharap ng mga Pilipino sa mga hamon ng El Niño at La Niña?
I. Aktibo ang pamahalaan sa paghahanap ng solusyon sa mga problemang maaaring idulot nito.
II. Sa kabila ng pagpupursigi ng pamahalaan, marami pa ring kulang sa kaalaman tungkol sa El Niño at La Niña.
A. Parehong mali ang A at B.
B. Tama ang B; mali ang A.
C. Tama ang A; mali ang B.
D. Parehong tama ang A at B.