2. Memorandum- karaniwang mula sa pamunuan
na nagsasaad ng mga paalala, isyu sa
organisasyon at aksyong kailangang gawin, at
iba pang bagay na may kinalaman sa
organisasyon.
3. Ang komunikasyon sa pamamagitan ng palitan ng mga nakasulat na liham ay
tinatawag na Korespondensiya.
1. Personal na korespondensiya
2. Korespondensiya opisyal o business correspondence
4. Kahalagahan ng korespondensiya Opisyal
1. Madali at epektibong paraan ng paghahatid ng impormasyon ang
korespondesiya opisyal, lalo na ngayong may teknolohiya na sa komunikasyong
sumusuporta sa mabilis at mabisang paghahatid ng mensahe.
2. Nakatutulong ang korespondensiya opisyal sa pagpapanatili ng ugnayan.
3. Kaugnay nito, ginagamit ang korespondensiya opisyal upang lumikha at
magpatatag ng ugnayan ng mga negosyante,empleyado,kliyente, at iba pang
may interes sa organisasyon o kompanya.
4. Nagsisilibing permanenting record at ebidensiya ang mga korespondensiya
opisyal.
5. Nakatutulong din ang korespondensiya opisyal sa paglago ng kompanya. Ang
bawat negosyo ay nangangailangan ng mga impormasyon tungkol sa mga
kakompetensiyang produkto o serbisyo,presyuhan sa merkado, target na kliyente,
promosyon ,poliyikal na kaligiran at iba pa.
5. PAGSULAT NG KORESPONDENSIYA OPISYAL
(Learning for Empowerment and Development, 2009):
1. Ano ang layunin ng isusulat na liham o memo?
2. Sino ang magbabasa nito?
3. Ano-anong mga ideya ang iyong isasama sa liham o memo?
4. Paano mo gagawing organisado ang mga ideya? Maaari kang gumamit ng
academic format, upfront format, at soft- approach format.
Ang balangkas ng academic format, na ginagamit kapag nais ilagay ang
pangunahing punto sa huling bahagi ng liham pantrabaho o memo, ay
karaniwang ganito:
• Kaligiran
• Introduksyon(Suliranin, saklaw)
• Katawan(mga fact,argumento,detalye,ebidensiya)
• Kongklusyon o rekomendasyon (resulta, mungkahing aksyon)
6. Karaniwan namang ginagamit ang upfront format sa mga liham na
humihiling. Dito, hindi na kailangan pang himukin ang pinadadalahan dahil
siguradong “oo” ang isasagot. Sa format na ito, nasa unang pangungusap ang
pangunahing punto. Ito ang karaniwang ayos ng ganitong format:
• Mensahe(pangunahing ideya, kongklusyon)
• Rekomendasyon (aksyon)
• Paliwanag(mga fact,detalye,elaborasyon,Ilustrasyon)
• Reiterasyon (pag-uulit ng kongklusyon at inaasahang aksyon
7. Soft-approach format- karaniwan itong ginagamit kapag inaasahang negatibo
ang magiging tugon ng pinadalahan. Sa pagsulat nito kailangang panatalihin
ang magandang ugnayan sa mambabasa. Ang mga sumusunod ay ang mga
element ng format na ito:
• Atensyon(pagpuri o pabibigay-loob)
• Interes (detalye ng problema,benepisyo para sa mambabasa.
Gustong Mangyari(Paglalahad ng inaasahang mangyayari, mga material na
makapaghihimok sa mambabasa
Aksyon (malinaw na pagpapahayag ng aksyon,petsa,benepisyo sa mambabasa
Hinweis der Redaktion
Personal na korespondensya- ipinapaalam natin sa ating mga kaibigan, kamag-anak, at iba pang mahal sa buhay ang ating nararamdaman at iniisip sa pamamagitan ng tinatawag nating personal na korespondensya.
Koresondesiya opisyal- ang mga nasa opisina o nasa iba pang lugar ng trabaho ay nagsusulat din at tumatanggap sa kanilang araw2x na transaksyon ng tinatawag na korespondensiya opisyal o business correrspondence.
Halimbawa ng korespondensiya opisyaal ang liham sa mga tagasuplay ng mga material na kakailanganin sa negosyo at ang tugon na liham matatanggap ng opisina mula sa mga tagasuplay. Karaniwang halimbawa rin ang mga liham ng mga kliyenting nagtatanong ng mga presyo,kalidadd at iba pang impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo ng kompanya. Ilan pang halimbawa ay ang liham pasasalamat,, liham imbitasyon at liham panghihikayat, kabilang din dito ang mga memorandum o dokumento na karaniwang mula sa pamunuan na nagsasaad ng mga paalala, isyu sa organisasyon at aksyong kailangang gawin, at iba pang bagay na may kinalaman sa organisasyon.
Mahalaga ang papel ng korespondesiya opisyal sa makabagong pagnenegosyo at trabaho. Maliban sa pagbabahagi at pagtanggap ng mahalagang impormasyon, ano-ano pa ang kahalagahan ng mga ddokumentong ito?
2. Kahit saang sulok ng mundo
3. Halimbawa, magsusulat ka bilang kliyente sa pamunuan ng kompanya tungkol sa hindi kaaya-ayang serbisyong natanggap.Tutugon ang pamunuan, at sa pamamagitan ng liham, ipaaalam nila saiyo ang mga solusyon sa idilog na problema.
4. Hindi maaasahang masasaulo ang lahat ng estadistika, detalye, o mga isyu sa mga pag-uusap sa inyong opisina. Sa pamamagitan ng mga liham at memo, maaaring magkaroon ng kopya ng mga nangyaring komunikasyon. Magagamit itong patunay sakaling magkaroon ng maagtatalo sa dalawa o hight pang indibidwal o grupo.
5. Walang mangyayari kung personal na pupuntahan isa-isa ang iba’t ibang lugar upang mangalap ng impormasyon. Magdudulot lamang ito ng pagod at pag-aaksaya ng oras. Ngunt sa pamamagitan ng korespondensiya opisyal,maaaring makakuha ng mga impormasyong makatutulong sa pag-unlad ng kompanya nang hindi nag-aaksaya ng pera, panahon, at pagod.
Dahil ang mga liham pantrabaho at memorandum ay mga opisyal na dokumento, dapat maging maingat sa pagsulat ng mga ito. Kailangan isiping Mabuti kung ano ang lalamanin ng mga ito at sa kung anong format isusulat ang mga dokumentong ito. Makatutulong sa pagsulat ang mga sumusunod naa tanong:
Pauunlakan mo ba ang imbitasyon sa iyong maging panauhing tagapagsalita?Ipapaliwanag mo ba sa kliyente ang dahilan ng hindi pagdating sa oras ng inihatid na produkto?Magpapasalamat ka ba sa mga kawaning nangasiwa sa isang matagumpay na workshop? Makatutulong kung lilinawin mo ang iyong layunin sa isang pangungusap.
Sino ang magbabasa nito?- Sila ba ang iyong superior, katrabaho, subordinate,kliyente, o kinatawanan ng ibang kompanya? Ano ang nalalaman mo tungkol sa kanya?Ano ang nalalaman niya sa nilalaman ng liham o memo? Ano kaya ang mararamdaman niya kapag nabasa ito? Kung kilala mo ang paadalhan ng dokumento, may ideyaa ka kung paano mo gagamitin ang lengguwahe o kung paano mo gagawing organisado ang mga ideya rito.
Ano-anong mga ideya ang iyong isasama sa liham o memo?- mas mapadadali ang iyong trabaho kung ikaw ay tumutugon lamang sa natanggap na liham dahil sinasagot mo lamang ang mga tanong saiyo. Sa kabilang banda, kung sa iyo magsisimula ang korespondensya, kailangan mong alamin anf mga posbeng tanong ng tatanggap nito
Paano mo gagawing organisado ang mga ideya?- Maaar
Ngunit may mga pagkakataong hindi angkop ang upfront format, particular sa kaso ng mga liham o memo na ang layunin ay manghikayat.