Anzeige
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
Anzeige
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
Anzeige
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
Anzeige
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
Anzeige
2018-second grading exam esp.docx
Nächste SlideShare
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
Wird geladen in ... 3
1 von 20
Anzeige

Más contenido relacionado

Anzeige

2018-second grading exam esp.docx

  1. indawan National High School Ikalawang Markahang Pagsusulit Edukasyon sa Pagpapakatao (Grade 7) Pangalan :________________________ Petsa:__________________ Iskor:_________ I-Panuto: Ang mga salita ay may kaugnayan sa paggamit ng isip. Isaayos ang mga nagulong titik para matukoy ang salita. 1. A N G Y A K A K H A T A R W I A N M G N A ___________________________________________________________ 2. A M A L A K A N Y- ______________________________ 3. Y O R A M M E- ________________________________ 4. A N G Y A K A K H A I N H A P N A N A G O T T O H A K A A N N -___________________________________________________________ 5. A N G Y A K A K H A I N D I N G A N A M- ___________________________________________________________ 6. A M G S Y A P A- __________________________________ 7. T A P M AG N A U A N G I P L I G A P- ___________________________________________________________ 8. N O G U T M U- ______________________________ 9. A N S G Y A K A K H A A G P R O E S O S M GN P R O I M A M Y O S N ______________________________________________________________ 10. P I S I T A S O L I K- O B O L-___________________________________________________________ II-SAMPUNG UTOS NG DIYOS (BATAS NG DIYOS) Panuto: Isaayos ang Sampung Utos Ng Diyos ayon sa tamang pagkakasunod- sunod. Lagyan ng bilang mula 1- 10. EXODUS 20: 1- 17 At nagwika ang Diyos: “Ako ang iyong Diyos, na nag-ahon sa inyo mula sa Ehipto, malayo sa pagkagapos. HUWAG PUMATAY. HUWAG MAGBIGAY NG MALING TESTIGO LABAN SA IYONG KAPITBAHAY. HUWAG SUMAMBA SA IBANG DIYOS MALIBAN SA AKIN. HUWAG MAGNAKAW. IPANGILIN ANG ARAW NG SABBATH. HUWAG GUMAWA AT SUMAMBA SA MGA BULTO NG DIYOS- DIYOSAN. IGALANG ANG IYONG AMA’T INA. HUWAG GAMITIN ANG PANGALAN NG DIYOS SA WALANG KABULUHANG BAGAY. HUWAG MAKIAPID. HUWAG PAGNASAAN ANG PAGMAMAY-ARI AT ASAWA NG IYONG KAPITBAHAY. III- Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang letra sa patlang bago ang bilang. _____1. Kawangis ng Diyos A. Tao B. Hayop C. Kalikasan D. Wala sa nabanggit _____2. Ito ay ginagamit upang alamin ang diwa at buod ng isang bagay. A. Puso B. Isip C. Kamay D. Katawan _____3. Ito ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw at pagsasalita A. Kamay o katawan B. Isip C. Puso D. Dibdib _____4. Maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao. A. Kamay o katawan B. Isip C. Puso D. Dibdib _____5. Ito ay mula sa salitang Latin na Cum ibig sabihin ay "with" o mayroon at sciencia na ibig sabihin ay "knowledge" o kaalaman. A. Kamay o katawan B. Isip C. Puso D. Konsensiya _____6.Ito ay batas na namamahala sa tao at nakabatay sa katotohanan.
  2. A.Obhektibo B. Pangkalahatan o Universal C. Subhektibo D. Panlipunanan _____7.Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. A.Obhektibo B. Pangkalahatan o Universal C. Subhektibo D. Panlipunanan _____8. Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. A.Obhektibo B. Immutable C. Eternal D. Panlipunanan _____9. Hindinagbabago ang Likas na Batas-Moral na ito dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man) A.Obhektibo B. Immutable C. Eternal D. Panlipunanan _____10. Maaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay: A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao. B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan C. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay D. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsiyensiya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama. ______11. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya? A. Mapalalaganap ang kabutihan B. Makakamit ng tao ang tagumpay C. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan D.Mabubuhay ang tao nang walang hanggan ______12. Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay: A. Obhektibo C. walang hanggan B. Unibersal D. di nagbabago ______13. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa: A. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa. B. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan. C. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di maayos o mali. D. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa. _______14.Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang natutulungan.Ang sitwasyong na ito ay nagpapatunay na: A. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos. B. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababale-wala kung ang layunin ay mabuti at tama. C. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami. D. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito. _____15. Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa: A. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang kanyang mga kakayahan. B. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya ang kanyang sarili sa magiging reaksiyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang ginawa. Dahil dito siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugan na siya ay mapapahiya at masasaktan. C.Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya araw-araw sa paaralan ngunit sa halip nagpupunta ito sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahi alamniyang labis na mapagagalitan ang kanyang kapatid hindi niya ito sinabi sa kanyang magulang dahil ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan.
  3. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwalian na nagaganap sa loob ng kanilang D.kompanya. Saksi siya sa pandarayang ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa report ng kinita ng kompanya. Sa kabila ng pakiusap nito na manahimik na lamang siya ay sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanyang kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman. ______16. Ang sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa: A. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya B. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat C. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas-moral D. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito ______17. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang: A. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng isip. B. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos. C.Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kaniyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan D. Lahat ng nabanggit ______18. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________. A. Isip B. dignidad C. Kilos-loob D. Konsiyensiya _____19. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang _________________. A. Karapatang pantao C Panloob na kalayaan B. Dignidad bilang tao D. Panlabas na kalayaan ____20. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili? A. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap B. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit. C. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas. D. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral. _____21 ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan. B. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. C.Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao E. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama _____22. Ano ang nagbibigay hugis o direksiyon sa kalayaan? A. Isip B. konsiyensiya C. batas-moral D. dignidad _____23. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang: A. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan. B. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas-moral c. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais D.. Lahat ng nabanggit _____24. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin. Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil hindi ganap ang tao
  4. B. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga ito C. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan D. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay sapagkat mayroon siyang isip at kilos-loob ______25. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd. A. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya B. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam. C. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin D.Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama. _____26.. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya? A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan C. Makakamit ng tao ang kabanalan D. Wala sa nabanggit _____27. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay: A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao. C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan,kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao. _____28. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody? A. Tamang konsiyensiya C. Maling konsiyensiya B. Purong konsiyensiya D. Mabuting konsiyensiya ______29. Ang likas na Batas-Moralay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moralang tinutukoy sa pangungusap? A. Obhektibo B. walang hanggan C. Unibersal D. di nagbabago _____30. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo? A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya. B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang tao. C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao. D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at espiritwal. _____31. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao? A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig _____32. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa: A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
  5. _____33. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao? A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay. B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala. C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito. D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga. _____34. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa? A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba ______35. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan nagmumula. Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan. B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao. C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao. D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan. ______36. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao? A. Kapag siya ay naging masamang tao B. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao D. Wala sa nabanggit ______37. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao? A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal. B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa. C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala. D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao. _______38. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao? A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili. B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao. C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan. D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. _____39. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao? A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw. B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya. C. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay. E. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili. _____40.Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________. A. kabutihan B. kaalaman C. katotohanan D. karunungan
  6. Lindawan National High School Ikalawang Markahang Pagsusulit Edukasyon sa Pagpapakatao (Grade 9) Pangalan :________________________ Petsa:__________________ Iskor:_________ I-Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang letra sa patlang bago ang bilang. _____1. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang: a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan. b. ingatan ang interes ng marami. c. itaguyod ang karapatang-pantao. d. pigilan ang masasamang tao. ______2. Ang likas na batas na moral ay: a. nilikha ni Tomas de Aquino b. nauunawaan ng tao. c. inimbento ng mga pilosopo. d. galing sa Diyos. _____3. Ang mabuti ay: a. paggawa ng tama. b. pagsunod sa batas. c. pagbuo ng sarili. d. pagsunod sa Diyos. _____4. Ang mabuti ay: a. laging tama. b. iba-iba sa tao. c. minsan tama. d. pare-pareho sa tao. _____5. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas batas na moral: a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa b. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa c. Pangungulit sa bata na maligo d. Pagpilit sa mga tao na magsimba _____6. Paano natututunan ang likas na batas moral: a. binubulong ng anghel. b. tinuturo ng magulang. c. basta alam mo lang. d. sinisigaw ng konsensya. _____7. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala: a. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon. b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral. c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat. d. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo. _____8. Ang tama ay pagsunod sa mabuti: a. sa lahat ng panahon at pagkakataon. b. ayon sa sariling tantya. c. angkop sa pangangailangan at kakayahan D. nang walang pasubali _____9.Tama ang isang bagay kung: a. ito ay ayon sa mabuti. b. walang nasasaktan. c. makapagpapabuti sa tao. d. magdudulot ito ng kasiyahan. _____10. Ang pagiging makatao ay: a. ang pagsaklolo sa iba. b. ang pagiging matulungin sa kapwa. c. pagpanig sa tao. d. pagsunod sa utos ng Diyos. _____11. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa: a. Anomang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain _____12. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa:
  7. a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay. b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra. c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos. d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon. _____13. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay: a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangangailangan b. Tama,dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa. d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili. _____14. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya? a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkalamikhain. b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao. c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto. d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa. _____15. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa? a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga c. Si Romeo na nageexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo _____16. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang: a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa. b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapwa. c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa. d. Lahat ng nabanggit _____17. Ano ang obheto ng paggawa? a. Kalipunan ng mga gawain, resources,instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto _____18. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa? a. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto b. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao c. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto d. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao _____19. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang: a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan. b. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa. c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa. d. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto. _____10.Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa? a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa. b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba. c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa. d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa
  8. _____21. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa: a. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. b. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito. c. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa. d. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa. _____22. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. a. Bolunterismo b. Pakikilahok c. Dignidad d. Pananagutan _____23. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok? a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan. b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan. c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan. _____24. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang _________. a. Pananagutan b. Dignidad c. Tungkulin d. Karapatan _____25. Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo? a. Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago. b. Nagkakaroon siya na makilalang higit ang sarili. c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan. d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba. _____26. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay: a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong. b. Mali, sapagkat ang hindimo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo. c. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon. d. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso. _____27. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo? a. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aaralsa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat. b. Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon. c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat-dapat na mamuno. d. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay. _____28. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico? a. Impormasyon b. Sama-samang Pagkilos c. Konsultasyon d. Pagsuporta _____29. Ano-ano ang dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo? a. Pagmamahal, Malasakit at Talento b. Panahon, Talento at Kayamanan c. Talento, Panahon at Pagkakaisa d. Kayamanan,Talento at Bayanihan _____30. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos pusong pakikilahok at bolunterismo? a. Pagkakaisa b. Pag-unlad c. Kabutihang Panlahat d. Naitataguyod ang Pananagutan _____31. Ang paggawa ay nakatutulong upang malinang ng tao ang kanyang _____. a. Kaalaman b. Kagandahan c. Kayamanan d. Pakikisama _____32. Sa Diyos nagmula ang batayan kung bakit kailangang gumawa ng tao. Tinatawag ang batayang ito na _____. a. Legal b.Moral c. Panlipunan d. Pangkabuhayan _____33.Ang pangunahing layunin ng paggawa ay upang _____. a. Maipadama ang pagmamahal sa kapwa b. Mabigyang-kahulugan ang buhay c.Malinang ang kaalaman at kasanayan ng isang tao d. matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan sa pagkain, pananamit, at iba pa _____34.Ang pagtratrabaho ng mga magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak ay nagpapakita na ang paggawa ay paraan ng _____. a. Pagbibigay kahulugan sa buhay c. Paglinang ng kaalaman at kasanayan b. Pagpapadama ng pagmamahal d.Pagtugon sa mga pangangailangan _____35. Ang paglahok sa koro ng simbahan ay halimbawa na ang paggawa ay paraan ng_____. a. Pagbibigay kahulugan sa buhay b. Paglinang ng kaalaman at kasanayan c.Pagpapadama ng pagmamahal d. Pagtugon sa mga pangangailangan _____36.Ang pagmamahalsa bayan ay tinatawag na _____. a. Globalismo b. Idealismo c. Nasyonalismo d. Rehiyonalismo _____37. Itinuturing na bayani ang mga taong _____. a. Nakapaglingkod ng mahabang panahon sa bayan c. Nag-alay ng lakas at talino para sa bayan b. Nabibilang sa mga prominenteng pamilyang pulitikal d. matatapang at laging nakikipaglaban _____38.Malakiang naitutulong sa pagpasok ng dolyar sa bayan ng pangkat ng mga manggagawang ito. a. Mga doctor at Nars b.Mga local na namumuhunana c. Mga Artista d. Mga OverseasbFilipino Workers
  9. _____39. Ang Sanctification of work ay nangangahulugang _____. a. Mapababanal ng tao ang sarili sa pamamagitan ng paggawa b. Higit na mapatatalino ng tao ang sarili sa pamamagitan ng paggawa c. Mas mapauunlad ng tao ang kanyang kasanayan sa pamamagitan ng paggawa d. Mas mapalalawak ng tao ang ugnayang pangkapwa sa pamamagitan ng paggawa _____40. Makatutulongnang malaki saating bansaang mga OFWs dahil sa_____. a.NakikilalaangmgaPilipino saibayongdagat b. nakadaragdagsa dollarreserve angipinadadalanilangremittances c. Nababawasanangwalangtrabahosa loobng bansa d. Tumataas ang antas ngpamumuhayng kanilangpamilya _____41. Ang mga manggagawatuladng tsuper,mananahi,karpentero,atibapa ay nabibilangsatrabahongtinatawag na _____. a. Blue Collar b. PinkCollar c. White Collar D. Yellow Collar _____42. Ang mga propesyonal tuladngdoctor,guro,abugado,at ibapa ay nabibilangsatrabahongtinatawagna ___> aBlue Collar b. PinkCollar c. White Collar D. Yellow Collar _____43. Ang batayangnararapat gamitinupangituringnamay dignidadangisangGawainay ang _____. a. Ganda ng lugarna pinagtratrabahuhan c. Laki ng sweldo b. Kabutihangdulotnito d. Pagkakataonpara sa promosyon _____44. Ayonsa mga pagsasaliksik,isasamgapangunahingdahilankungbakitnawawalanngkasiyahansatrabaho(job satisfaction) angisangtaoay dahil sa _____. a. Hindi siyanakadaramang layuninsakanyangginagawa b. Madalas atrasadoang sweldo c. Wala siyangpagkakataonsapromosyon d. Walanginilaangbadyetangkompanyapara sa seminarngmga empleyado. _____45. Ang anumangtrabaho ay maydignidadkungitoay naglalayon ng_____. a. Mabilisnapagtaas ng posisyon b. Mabutingbagay para sa sarili atkapwa C.Malakingsweldo d. Kaginhawaanngsarili _____46.Ang Paggawaay hindi lamangisanggawaingpangkabuhayan,itoaymay kaakibatdingpananagutang___. a. Personal b. Panlipunan c. Pagkamakabayan d. Pangkapaligiran _____47. Sa kabilangpaghahanapbuhaysaibangbansa,mahalagapa ring isabuhayngbawatOFW ang pagpapahalagangito. . a. Kababaang-loob b. Katipiran c. Pagkamakabayan d. Payakna pamumuhay _____48. Ang mga tinaguriang“bagongbayani”angmga taong ____ a. Lumalahoksa armadongpakikibaka b. Nag-aalaynglakasat talinopara sa bayan c.May lakas ng loobnaipaglabanang kanilangpaniniwala d. nagpapadalangremittancessabansa _____49. Upang maiwasanangpatuloynapag-alisngmga propesyonal upangmaghanapbuhaysaibangbansa, mahalaganglinanginang_____. a. Malapitna ugnayangpampamilya c. Diwang bolunterismo b. Pagmamalasakitsamahihirapnanangangailangan d. Payakna pamumuhay _____50. Ang mga pilipinongnakilalasaibangbansadahil sakahusayansa iba’tibanglaranganay patunaylamangna maipapakitanatinangpagmamahal sa bayansa pamamagitanng _____. a. Pangingibang-bayan c.Pakikibagaysaibangtao b. Lakas ng loob na Makipagsapalaran d. Patuloynapagkilosatpaggawa II_ Piliin sa kahon ang sagot na tumutukoy sa mga tao at kanilang pahayag o mga nagawa na nagpapakita ng kanilang galing at kasipagan . Isulat ang titik lamang. __________1. Ang Katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. __________2. Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. __________3. Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapuwa. __________4. Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan __________5. Pinakadakilang henyo sa lahat ng panahon __________6. Habits of mind __________7. “French Baker” __________8.Litsong manok __________9. Braille Access _________10. Master Weaver _________11. Vermicomposting _________12. Evolution of man _________13. Hierarchy of needs _________14. Ang pag-iimpok ay isang obligasyon hindi opsiyonal _________15. Light bulb
  10. A. Johnlu Koa B. Dr. Manuel B. Dy Jr K. Thomas Edison C. Lang Dulay L. Roselle Ambubuyog D. Charles Darwin M. Costa and Kallick E. Sto. Tomas de Aquino N. Sandy Javier F. Dr. Rafael D. Guerero O. Andre Comte Sponville G. Leonardo Da Vinci H. Francisco Colayco I. Santo Papa Juan Pablo II J. Maslow III-Paghambinginang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero. A B ______1. DandingCojuanco ______2. Socorro Ramos ______3. Lucio Tan ______4. Henry Sy _______5 DavidConsunji _______6. TonyTan Caktiong ______7. AlfredoYao ______8. CecilioPedro ______9. JohnGokongwei Jr. ______10. LolitaHizon A. Aklatan B. Konstruksiyonatpowerplant C. Sa pananalapi,kemikal nagalingsapetrolyo D. Panlinisngngipin E. Pinakanangungunangbangkosabansa F. Juice G. Kainanhangosa Bee H. Produktogawasa karne I. Pinakamalakingkorporasyonngpagkain J. Pinakaunangkompanyangeroplano
  11. Lindawan National High School Ikalawang Markahang Pagsusulit Edukasyon sa Pagpapakatao (Grade 10) Pangalan :________________________ Petsa:__________________ Iskor:_________ I_Basahinat unawaing mabuti ang mga aytem at piliinang titik ng pinakatamang sagot _______1.Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya? a. Walang kusang-loob b. Kusang-loob c. Di kusang-loob d. Kilos-loob _______2.Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama. a. Isip b. Kalayaan c. Kilos-loob d. Dignidad _______3.Masipag at matalinongmag-aaral si Ali.Satalakayanat pangkatanggawainay hindi siyanagpapahuli.Marami siyangmga gawainna nagpapatunayngkaniyanggaling.Dahil dito,nagingpaboritosiyangkaniyangmgaguro at lagi siyangnabibigyanng papuri samagaganda niyangginagawa.May pananagutanbasi Ali kungbakitnasa kaniyaang paghangaat mataas na pagtinginngkaniyangmgaguro? a. Oo,dahil siyana lamangang paratingnagtataas ng kamayupang sumagot. b. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot. c. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral. d. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase. _______4.Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon? a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat. b. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain. c. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito. d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga. _______5. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan? a. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang kanilang guro. b. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok. c. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro. d. Pag-uwing maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon. _______6.Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot? a. Ang pagnanakaw ng kotse. b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera. c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit. d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok. _______7.Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan? a. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos b. Dahil sa kahinaan ng isang tao c. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip d. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob _______8.Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin? a. Panliligaw sa crush. b. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko. c. Pagsugod sa bahay ng kaalitan. d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha. _______9.Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi? a. Paglilinis ng ilong b. Pagpasok nang maaga c. Pagsusugal d. Maalimpungatan sa gabi _______10.Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na maaaringipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tinderay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito? a. Takot b. Karahasan b. Kamangmangan d. Masidhing damdamin _______11.Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabing ating katangian. a. pasiya b. kilos c. kakayahan d. damdamin _______12.Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino? a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos. b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran. c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama. _______13.SiJimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy? a. Tama,dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan. b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong. c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos. d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
  12. _______14.Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob? a. Umunawa at magsuri ng impormasyon. b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. c. Tumulong sa kilos ng isang tao. d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos. _______15.Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya? a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan. b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob. c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos. _______16.Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin? a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos. b. Ito ang pinakatunguhin ng kilos. c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos. d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob. ______17.Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil___________. a. kinuha niya ito nang walang paalam b. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang d. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto ______18.May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon? a. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama. b. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama. c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama. d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos. ______19.Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito? a. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama. b. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama. c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama. d. And sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos. ______20.Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito? a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos. b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos. c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama. d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama. ______21.Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa . a. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan. b. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito. c. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa. d. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang. ______22.SiGene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga Salik na Nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene? a. Layunin b. Kilos c. Sirkumstansiya d. Kahihinatnan ______23.Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. a. Layunin b. Kilos c. Sirkumstansiya d. Kahihinatnan ______24.Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-araldahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito? a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita. b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya. c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit. d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit. ______25.Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos? a. Dahil kung masama ang panloob,magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. b. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos. c. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos. d. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos. ______26.Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos.Ang pahayag ay: a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
  13. b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin ______27. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong ito? a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili. b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang pagkakamali. c. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili. d. Lahat ng nabanggit _____28. Ang sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa: a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala. b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran. c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya. d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay ______29. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao? a. mag-isip b. magpasya c. umunawa d. magtimbang ng esensiya ng mga bagay ______30. Analohiya: Isip:kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________ a. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama ______31. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay: a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang. c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam. d. Tama,dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami. ______32. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________. a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan ______33. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos? a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan ______34.. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay: a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin d. Tama,dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip ______35. Ang tao ay may tungkuling ______________,ang isip at kilos-loob. a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap b. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap c. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap d. Wala sa nabanggit _____36.Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni Immanuel Kant? a.ang mabuting bunga ng kilos b. ang layunin ng isang mabuting tao c. ang makita ang kilos bilang isang tungkulin d. ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos ______37.Ayon kay Max Scheler, alin sa sumusunod ang tanging nakakikita sa pagpapahalaga natin sa mga bagay, gawi, at kilos? a. Isip b. Kilos-loob c.. Damdamin d. Saloobin ______38.Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin? a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon. b. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit. c. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan. d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon ______39.Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral? a. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan. b. Ang pag-aaralay para sa mga nagnanais yumaman. c. Ang pag-aaralay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.
  14. d. Ang pag-aaralay para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan. ______40.Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin? a. Isang saleslady na tapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalo itong tangkilikin b. Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda. c. Isang lingkod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga mahihirap upang maalala siya sa panahon ng halalan. d. Isang negosyanteng nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa mga paninda. III-Angmga jumbledletterssa ibaba ay mga pagpapahalaga at birtud na may kaugnayan sa kilosat tunguhinng isip.Ayusinang mga titik upang mabuo ang bawat salita __________1. I Y A T G A __________2. S I S I G G A __________3.A N A M A U G P N A T __________4. S I K A P A N A G __________5. G A P A P KU P M A B B A A __________6. A A T K PT A A N __________7.G A P I T I T P M I __________8.A P G A M A M L A H __________9. MA A S Y A N I H __________10. L I K A H A M I N
  15. Lindawan National High School Ikalawang Markahang Pagsusulit Edukasyon sa Pagpapakatao (Grade 8) Pangalan :__________________________ Petsa:__________________ Iskor:_________ I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat lamang ang titik ng napiling sagot. ___1. Ang katagang kaibigan ay tumutukoy sa _______________. a. isang indibidwal b. dalawang indibidwal c. grupo ng mga indibidwal d. dalawa o higit pang tao ___2. Ang pagiging magkaibigan ay napapalawig sa pamamagitan ng mga ito maliban sa isa. a. pag-alala kapag may suliranin b. pagtatanggol kahit sa anong paraan c. pag-iisip ng maitutulong d. pagsasabing mali ng kaibigan ___3. Ang pagpapahalagang lagging dapat umiral sa magkaibigan ay _____. a. katapatan b. pagmamahal c. paggalang d. pagdadamayan ___4. Ang tunay na kaibigan ay makikita sa oras ng __________. a. kahirapan b. kagipitan c. kadiliman d. kalungkutan Ang mga sumusunod ay kasabihan tungkol sa pagpapalawak ng pagkakaibigan.Piliin ang wastong kahulugan. ___5. “Kung saan may pagmamahal, iyon ang tahanan, kung saan magpaa’y aalis ngunit hindi ang puso, Kadalasan hahab ngunit hindi pagpapatid” -Oliver Wendell Holmes. a. Kapag umalis, maiwan ang pusong nagmamahal b. Kapag nagmamahal mabigat ang pusong aalis c. Kung lalayo kailanga’y hindi pautol ang makapagkumikasyon d. Malungkot man sa pag-alis ay babalik din ___6. “Kung naroon ka iyon ang sukdulang eskpresyon ng pagmamahal” - Karen O. Cornor a. ang oras ay mahalagasa kaibigan b. kailangang lagging nasa kaibigan c. ang pakikipagkaibigan ay nasusukat sa tagal ng oras sa kaibigan d. magkaroon ng oras para sa kaibigan ___7. Pakikipagkaibigan – ang kasiyasiyang laro ng pakikipagpalitan ng papuri - Oliver Wendell Holmes a. Kailangan ng kaibigan ang papuri b. Kung pupurihin ka ng kaibigan mo, purihin mo rin siya c. Ang papuri ng kaibigan ay nakapagpapatatag ng samahan d. Kailangang malaman ng kaibigan na pinupuri siya upang masiyahan siya. ___8. Ang tao’y may damdamin, maging maingat. - J. Masai a. Kung nasaktan, huwag magalit b. Ang makasakit ng damdamin ay di maiiwasan c. Kung nakasakit dapat ay humingi ng paumanhin d. Ingatang makasakit ng damdamin ___9. Siya na hindi tapat sa kaibigan, ay hindi rin tapat sa Panginoon - Lavater a. Maging tapat sa Diyos at tapat sa kaibigan. b. Ang katapatan at gawaing maka-Diyos c. Ang hindi pagtatapat sa kaibigan ay ganoon din sa Panginoon d. Ang Panginoon ay tapat sa tapat sin sa kanya ___10. Sa inyong pagiging malapit sa isa’t – isa sana’y magkaroon ng pagitan. - Kahlil Gibran a. Ang sanhi ng pag-aaway ay ang pagiging malapit sa isa’t isa. b. Marami ang di nagkakaunawaan dahil may iabng nakapagitan. c. Hayaang maging malaya sa pakikipagkaibigan sa iba ang iyong kaibigan. d. Huwag dumaan sa pagitan ng dalawang nag-uusap II. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at MALI kung ang pahayag ay walang katotohanan. _____11. Ang tunay na kaibigan ay maasahan _____12. Nakalilibang kung may kaibigan _____13. Kung wala kang kaibigan may diperensya ka _____14. Iniisip ko ang mahihingi sa kaibigan ko. _____15. Hindi sinasabiang ikasasama ng loob ko. _____16. Iniwan ako kapag may nakitang iba. _____17. Nagkukunwaring masaya kahit may problema. _____18. Nagsasabi ng totoo tungkol sa mga bagay-bagay _____19. Nagbibigay at tumatanngap din naman. _____20. Sumasang-ayon sa lahat ng gusto ko.
  16. III. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat lamang ang titik ng napiling sagot. ___21. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipun,ng nilalang? a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan. b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa. c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala. d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan. ___22. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________ a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan. b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya. c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad. d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa. ___23. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa _______. a. kakayahan ng taong umunawa b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan c. espesyalna pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa ___24. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat. a. hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura ___25. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay? a. Panlipunan b. Pangkabuhayan c. Politikal d. Intelektwal ___26. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan. a. kusa at pananagutan b. sipag at tiyaga c. talino at kakayahan d. tungkulin at karapatan ___27.Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________. a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba b. kakayahan nilang makiramdam c. kanilang pagtanawng utang na loob d. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot ___28. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa? a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan . b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao. d. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ___29. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa: a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika. b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan. c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa. d. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga. ___30. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag- ugnayan sa kapwa? a. “Bakit ba nahuli ka na naman?” b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.” c. “Sana sa susunod hindika na huli sa usapan natin.” d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.” ___31. Ang sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle sa pagkakaibigan maliban sa: a. Hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa. b. Nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng lipunan. c. Sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao sa kaniyang sariling pananaw. d. Natatanging damdamin para sa espesyalna tao na mas higit ang halaga kaysa sa isang ordinaryong kakilala lamang. ___32. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan? a. pagpapayaman ng pagkatao b. simpleng ugnayang interpersonal c. pagpapaunlad ng mga kakayahan d. pagpapabuting personalidad ___33. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa a. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahaging sarili. b. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba. c. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon. d. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin. ___34. Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang alang ang: a. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo. b. Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad. c. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan. d. Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan.
  17. ___35. Ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng iyong pakikipagkaibigan sa iba? a. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kaniya. b. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan. c. Ipakita kay Zeny na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kaniya. d. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong asal / ugali ng kaibigan ___36. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Zeny sa kaniyang kaibigan? a. Hindi niya mahal ang kaniyang kaibigan. b. May nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa . c. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase. d. Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan . ___37. Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Zeny at Cely, alin sa sumusunod na konsepto ang angkop dito? a. Ang tunay na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayang namamagitan. b. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang mga ito’y maaaring maging dahilan ng ating paglago. c. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit sa mga bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. d. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaaasahan sa kanila na makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao. ___38. Madalas sa klase, si Mina ang kinokopyahan ng mga takdang aralin ng kaibigan. Minsan, nagpasiya si Mina na hindi na siya magpapakopya sa kaibigan. Mula noon, hindi na siya pinansin ni Jovelle. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinakitang halimbawa ni Jovelle? a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan. b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan. c. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan . d. Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal . ___39. Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao maliban sa: a. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili. b. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan . c. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag- kaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan . d. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba . ___40. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan? a. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti . b. dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas dito . c. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa . d. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa. ___41. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa siya sa pagsusulit para sa iba’t ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso para sa kaniya? a. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda. . b. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit . c. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-iisip . d. pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli . ___42. Ano ang kabutihang idudulot ng ginagawang pagtitimpi (temperance)? a. nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa b. napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba c. nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay d. nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin ___43. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-relax? a. paglakad-lakad sa parke b. paninigarilyo c. pagbabakasyon d. panonood ng sine ___44. Ito ay kagyat na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang pag-iisip. a. kilos b. mood c. emosyon d. desisyon ___45. Ano ang idudulot ng karanasang di kaaya-aya sa isang madilim na kalsada sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon? a. makapag-iingat si Ana b. mapoprotektahan na ni Ana ang sarili c. hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada d. makaiiwas sa mga nakatatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli ___46. Pangarap niJoey na maging katulad ang kaniyang hinahangaang guro. Ngunit sinasabi ng kaniyang magulang kung siya ay magiging Accountant ay madali siyang aasenso gaya ng kaniyang pinsan na ngayon ay nasa ibang bansa. Malungkot si Joey sa di pagsang-ayon ng kaniyang magulang sa nais niya. Ngayon na siya ay nasa unang taon sa kolehiyo sa kursong Accountancy nakita niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa kursong ito. Komportable siya sa kaniyang mga ginagawa. Ano ang nakapagpabago sa kalagayan ng kaniyang emosyon?
  18. a. ang kaniyang mood b. ang naparaming nararamdaman c. ang mga pagsubok na naranasan d. ang dikta ng kaniyang isip ___47. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman a. ang ating mga opinyon b. ang ating mga kilos o galaw c. ang ating ugnayan sa kapwa d. ang mabilis na pagtibok ng ating puso ___48. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos? a. nailabas mo ang iyong sama ng loob b. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa c. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti d. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid ___49. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit? a. suntukin na lamang ang pader b. kumain ng mga paboritong pagkain c. huwag na lamang siyang kausapin muli d. isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba ___50. Anong pagpapahalaga ang dapat patibayin upang mapagtagumpayan ang pagsubok ng pagkakaroon ng sunod-sunod na mabababang marka? a. sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon . b. tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito . c. magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito . d. humingi ng paumanhin sa guro sa naging pagkukulang sa klase. ___51. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno? a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasaping pangkat b. Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin c. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan ___52. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ___________________. a. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat . b. impluwensya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng layunin . c. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat . d. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan . ___53. Mataas ang kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay na layon ng kaniyang pagkatao, mga pinahahalagahan, mga talento, layunin sa buhay at kung ano ang nagbibigay ng kahulugan, kapanatagan, at kaligayahan sa kaniyang buhay. Siya ay may __________________. a. kakayahang pamahalaan ang sarili b. kakayahang makibagay sa sitwasyon c. kakayahang makibagay sa personalidad d. kakayahang makibagay sa mga tao ___55. Ayon sa resulta ng mga pagsasaliksik, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng lider na pinipili ng mga tao? a. Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya b. Nagpapamalas ang lider ng integridad c. Pagkakaroon ng tiwala ng lider sa kaniyang tagasunod d. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat ___55. Mas maramiang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa ________________. a. paggalang sa awtoridad b. pakinabang na tinatanggap c. parehong paniniwala at prinsipyo d. mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider ___56. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay kinakitaan ng ____________. a. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi . b. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi . c. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi . d. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi . ___57. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konsensya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa? a. Kakayahan sa trabaho b. Kakayahang mag-organisa c. Mga pagpapahalaga d. Pakikipagkapwa ___58. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa: a. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat . b. pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensyahan ang kapwa . c. pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip. d. pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba . Para sa Bilang 59 at 60, alin sa sumusunod na katangian ng mapanagutang lider? Pumili ng dalawang katangian. Bilugan ang sagot. a. Pagbibigay ng inspirasyon sa mga kasama sa pangkat b. Patuloy na paglilinang ng kaalaman at kasanayan ng mga kasama sa pangkat upang patuloy na umunlad c. Pagkakaroon ng tiwala sa kakayahan ng iba upang sila ay maging lider din d. Pagkakaroon ng positibong pananaw
  19. Quiz Grade 10 Name:____________________ Date:________________ Score:____________ I-Ibigayang tamang sagot sa mga katanungan sa ibaba. __________1.Ito ay tumutukoysamga ideolohiyangpagkamakabayanatdamdamingbumibigkissaisangtao. __________2. Siyaang nagwikana“Ang dignidadngpersonangtao ay kasama sa kaniyangkarapatanna magingbahagi sa aktibongpakikilahoksalipunan __________3.Ginagamit upangmagnilayat Makitaang buod o esensiyangmga bagayna umiiral. __________4. Ginagamitupangkumilostungosakabutihan __________5. Itoay ginagamitupangmakapili sapagitanngMabuti at masama __________6. Nagbibigayngkakayahangtumugonsatawagng pagmamahal at paglilingkod __________7. Itoay ang pagpikitngmata sa mga tawag ng halaga __________8.Hiniram sa wikangLatin, inang mga birtud __________9. Siyaang nagwikana“ ang phronosisokarunungangpraktikal ayiniaangkopangnatututuhanngisipsa mga Gawain. __________10. Nagwikang“mata ng pag-ibig” II-A- Paghambinginang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero. A _____1. Paggalang _____2. Katarungan _____3. Kapayapaan _____4. Kaayusan _____5.Pagkalinga sa pamilyaatsalinlahi _____6. Kasipagan _____7.Makatarungan _____8.Pananampalataya _____9.Katotohanan _____10.Pagpapahalaga sa buhay B A. PagbibigayngTama B. SampungUtos ng Diyos C. Elementonabumubuosakabutihangpanlahat D. Indikasyonngpagkakaroonngkabutihang panlahat E. Pinapangalagaannitoangkasal F. Lahat ng buhayay sagrado G. Angpagigingmatiyagana tapusinanganumanguri ng Gawainnang buonghusay H. Paggalangsa karapatanng bawat isa I. Isangpahayag na nagsasaadng ideao pangyayaringtanggapng lahatng tao J. Pagigingdisiplinadosalahatng pagkakataon B. A _____1.Pangkatawan _____2.Pangkaisipan _____3. Moral _____4. Ispiritwal _____5. Panlipunan _____6. Pang-ekonomiya _____7.Pampolitikal _____8. Lahat ng dimensiyon B 1. Pananampalataya 2. Pagkakaisa,kabayanihan,Kalayaan 3. Paggalang,katarungan,pagkalingasapamilyaat salinlahi 4. Katotohanan 5. Pagmamahal at pagmamalasakitsakapwa 6. pagsulongngkabutihangpanlahat 7. Pagpapahalagasabuhay 8. Kasipagan,pangangalagasakalikasan III-Enumeration: A. Tatlongmakatarungangkilos ___________________________,_________________________,_______________________ IV-Bilanghalimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan ating balikan ang mga pambansang sagisag ng bansa. PAMBANSANG:: __________1. Hayop ___________11.Isda __________2. Bulaklak ___________12. Pagkain __________3. Sagisag ___________13. Tirahan __________4. Ibon ____________14. Sayaw __________5. Damitng lalaki ____________15. Sasakyan __________6. Laro ____________16. Sapinsa paa __________7. Damitng babae ____________17. Hiyas __________8. Dahon ____________18 Bayani __________9. Puno __________10. Prutas
Anzeige