aralingpanlipunan1_q4_mod2_Payak na Mapa ng Loob at Labas ng Tahanan.pdf
Payak na Mapa ng Loob at
Labas ng Tahanan
Araling Panlipunan 1
Ikaapat na Markahan/ Ikalawang Linggo
EDILYN C. DALAPUS
Developer
Department of Education ● Cordillera Administrative Region
Northern Pinukpuk District
ii
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
Published by the
Learning Resource Management and Development System
COPYRIGHT NOTICE
2021
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work
is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”
This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum
through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). It can be reproduced for
educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work
including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are
permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed.
No work may be derived from this material for commercial purposes and profit.
iii
PAUNANG SALITA
Ang material na ito ay naaayon tungo sa implementasyon ng K to 12 Curriculum.
Petsa ng Pagbabago : March, 2021
Lokasyon ng Material : Schools Division of Kalinga
Assignatura :Araling Panlipunan
Baitang : 1
Uri ng Kagamitan : Self Learning Module
Language : Filipino
Markahan/Linggo : Ika-apat na Markahan/Ikalawang Linggo
Kasanayang Pampagkatuto : Nakagagawa ng payak na mapa ng loob at labas
ng tahanan
Code : AP1KA-IVb-4
iv
PASASALAMAT
Ang may-akda ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod na tumulong
sa kanya:
Una sa lahat, ang modyul na ito ay buong puso niyang iniaalay sa Poong
Maykapal sa pagbibigay sa kanya ng talino, kakayahan, at lakas ng loob upang
mabuo ang modyul na ito.
Sa kanyang pamilya, bilang inspirasyon..
Sa kanyang punong guro na si Gng. Mary Joy T. Anggaboy, sa kanyang
moral na suporta, gayundin sa kanyang mga kasama sa kanilang paaralan at sa iba
pang guro na nagmula rin sa kanilang Distrito sa pagbabahagi ng kanilang
kaalaman.
Kay Gng Josephine Y. Dangatan, PSDS at kay G. Jenner P. Linggayo, AP
Supervisor,sa pagbibigay ng hamon sa mga guro upang gumawa ng mga
kagamitang pang- interbensiyon para sa mga mag-aaral.
DIVISION LRMDS STAFF:
MARILOU A. BALINSAT SHARON ROSE S. BOGUEN
Librarian II PDO II
EVELYN C. GANOTICE
EPS/LR Manager
CONSULTANTS:
ROMULO A. GALNAWAN
Chief, Curriculum Implementation
JERRY C. YMSON, EpD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
AMADOR D. GARCIA SR., PhD
OIC, Schools Division Superintendent
v
TALAAN NG NILALAMAN
Copyright Notice ............................................................................................. ii
Paunang Salita .............................................................................................. iii
Pasasalamat.................................................................................................. iv
Talaan ng Nilalaman .......................................................................................v
Pamagat .........................................................................................................1
Panimulang Mensahe .....................................................................................2
Alamin.............................................................................................................3
Subukin...........................................................................................................4
Balikan............................................................................................................5
Tuklasin ..........................................................................................................7
Suriin ..............................................................................................................8
Pagyamanin....................................................................................................9
Gawain 1......................................................................................................9
Gawain 2 ...................................................................................................10
Gawain 3....................................................................................................11
Isaisip ...........................................................................................................12
Isagawa ........................................................................................................12
Tayahin.........................................................................................................13
Karagdagang Gawain ...................................................................................14
Susi ng Pagwawasto.....................................................................................15
Mga Sanggunian...........................................................................................16
Payak na Mapa ng Loob at
Labas ng Tahanan
Araling Panlipunan 1
Ikaapat na Markahan/ Ikalawang Linggo
EDILYN C. DALAPUS
Developer
2
Panimulang Mensahe
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan.Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
3
Alamin
Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin kung ano
ang konsepto ng mapa at kung paano ang paggawa ng
payak na mapa sa loob at labas ng ating tahanan.
Napakahalagang matukoy ito upang mas mabilis
nating makita o mahanap ang isang bagay lalo na kung
daglian nating kailangan ang ating hinahanap.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang malilinang sa iyo
ang mga layuning ito:
a. natutukoy ang konsepto ng mapa;
b. nakababasa ng mapa sa loob at labas ng
tahanan;
c. nakagagawa ng payak na mapa sa loob at
labas ng tahanan.
4
Subukin
Panuto: Basahin ang mga salita na nasa ibaba. Isulat sa
bilog ang mga nakikita sa loob ng bahay at sa
kahon naman ang mga nakikita sa labas ng
bahay. Iguhit ang mga hugis kung saan
nakapaloob ang iyong mga sagot sa sagutang
papel.
kwarto banyo puno kusina
sala tindahan hardin
alagang hayop
5
Balikan
Panuto: Pag-aralan ang larawan at sagutin ang mga
tanong sa ibaba nito. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
(Miranda, et al. 2017)
_________1. Anong gulay ang nasa gitna?
a. kamatis b. kalabasa c. okra
_________2. Ano ang nasa kanan ng kamatis?
a. Talong b. sibuyas c. kalabasa
_________3. Ano ang nasa ibaba ng kamatis?
a. sibuyas b. kalabasa c. okra
_________4. Ano ang nasa itaas ng okra?
a. sibuyas b. kamatis c. kalabasa
_________5. Ano ang nasa kaliwa ng kamatis?
a.sibuyas b. kalabasa c. okra
6
Tuklasin
Madaling mahanap ang mga bagay na nasa loob
at labas ng ating tahanan kung mayroon tayong hawak
na mapa. Madali lang din nating mahanap ang isang
bagay kung kabisado na natin kung saan nakapwesto
ang mga bagay na nasa loob at labas ng ating tahanan.
Gaya ninyong mga bata, mas madali ninyong
mahahanap ang mga bagay na ipinapahanap o
ipinapakuha ng inyong mga magulang kung alam ninyo
o kabisado ninyo ang mga parte ng inyong tahanan.
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa
ibaba. Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob
ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
(Miranda and Odilon b. ocampo 2017)
7
_____1. Ano ang makikita sa kaliwa ng hapagkainan?
_____2. Anong parte ng tahanan ang nasa ibaba ng
unang kwarto?
_____3. Ano ang makikita sa itaas ng kusina?
_____4. Ano ang nasa labas ng bahay na malapit sa
banyo?
_____5.Ano ang nasa kanan ng ikalawang kwarto?
Suriin
Sa bawat tahanan, may mga bagay na nakikita sa
loob at labas nito. Nakalagay ang mga ito sa iba’t ibang
parte o lokasyon. Makikita sa loob ng tahanan ang
kwarto, kusina, hapag-kainan, sala o kaya banyo. Sa
labas naman ng tahanan ay makikita ang hardin
tindahan, bahay ng inyong mga kapitbahay, bahay ng
inyong mga alagang hayop at iba pa.
Ang mapa ay isang larawan na nagpapakita ng
kabuuan ng isang bagay tulad na lamang ng isang
tahanan. Makikita mo rito kung saan nakapwesto ang
bagay na gusto mong makita. Nakatutulong ito sa atin
upang agad na makita ang ating hinahanap kung
marunong kang magbasa nito o kaya’y kabisado mo
ang mga lokasyon nito.
a. banyo b.kwarto 1 c.kusina
d. sala e.hardin
8
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ihanay ang mga larawan na nasa Hanay A sa
Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
A B
(Miranda and Odilon b. ocampo 2017)
9
Gawain 2:
Panuto: Pag-aralan ang mapa sa loob ng tahanan at
sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
(Miranda and Odilon b. ocampo 2017)
1. Ano ang makikita mo pagpasok mo sa pinto?
A. sala B. kusina
2. Ano ang nasa gitna ng kusina at sala?
A. kwarto 2 B. hapagkainan
3. Ano mo makikita ang mga kama?
A. sala at banyo B. kwarto 1 at 2
4. Ano ang nasa itaas ng hapagkainan?
A. kwarto 2 B. kwarto 1
5. Ano ang nasa kanang bahagi ng hapagkainan?
A. sala B. kusina
10
Gawain 3.
Panuto: Iguhit ang hugis puso kung wasto ang
pangungusap at hugis tatsulok naman kung
hindi. Iguhit ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Ang mapa ay nakatutulong upang mahanap
natin ang isang bagay.
_____2. Kailangan nating matutong bumasa ng mapa
upang madali nating makita ang lokasyon ng
isang bagay o lugar.
_____3. Ang paggawa o pagguhit ng mapa ng tahanan
ay dapat angkop ang pwesto ng iba’t-ibang
parte nito.
_____4. Masusundan mo pa rin ang isang mapa kahit
hindi mo alam ang mga pangunahing direksiyon.
_____5. Madali nating mahanap ang mga bagay kung
gagamit tayo ng mapa.
Isaisip
Ang tahanan ay binubuo ng iba’t ibang parte kung
saan mayron itong sariling lugar o lokasyon.
Ang mapa ay nagpapakita kung saan nakapwesto
ang isang bagay o lugar.
Mahalaga ang mapa dahil nakatutulong ito upang
mahanap natin ang mga bagay na gusto nating
makita o mahanap.
11
Isagawa
Panuto: Pag-aralan ang larawan sa ibaba at sagutin ang
mga tanong. Isulat ang letra ng sagot sa
sagutang papel.
(Miranda and Odilon b. ocampo 2017)
1. Ano ang makikita sa likod ng tahanan?
A. gulayan B. ilog
2. Ano ang nasa kaliwang bahagi ng tahanan?
A. ilog B. poso
3. Ano ang nakikita sa harap ng bahay?
A. paaralan B. wala
4. Ano ang nasa kanang bahagi ng tahanan?
A. ilog B. hardin
12
Tayahin
Panuto: Iguhit ang larawan ng tahanan na nasa ibaba sa
sagutang papel at punan ito gamit ang mga
palatandaan at direksyon na nakasulat sa
ibaba para makagawa ng isang mapa ng loob
at labas ng tahanan.
Palantadaan
1. Mula sa pintuan, iguhit ang sala.
2. Sa kaliwang bahagi ng sala, iguhit ang kwarto.
3. Gumuhit ng kusina sa tabi ng sala.
4. Gumuhit ng banyo sa kaliwang bahagi ng kusina.
5. Gumuhit ng puno sa kaliwang bahagi ng tahanan.
6. Gumuhit ng halamanan sa kanang bahagi ng bahay.
7. Iguhit ang daan sa harapang bahagi ng tahanan.
(Miranda and Odilon b. ocampo 2017)
kusina
Kwarto 2
Kwarto 1 sala
13
Karagdagang Gawain
Panuto: Buuin ang larawan sa ibaba sa sagutang papel
at isulat ang tamang bahagi ng tahanan na iyong
nabuo.
(Miranda and Odilon b. ocampo 2017)
bubong suelo dingding
bintana haligi pintuan
14
Susi ng Pagwawasto
Subukin:
bilog kahon
-kwarto -tindahan
-kusina -kapitbahay
-sala -hardin
-banyo -alagang hayop
-puno
Balikan:
1.a 2.c 3.c 4.b 5.a
Tuklasin:
1.c 4.e
2.d 5.b
3.a
Pagyamanin:
Gawain 1:
1.B 2.E 3.D 4.A 5.C
Gawain 2:
1. B 2. B 3.B 4.A 5.A
3. 4. 5.
Gawain 3:
1.♥ 2.♥ 3.♥ 4. .♦ 5.♥
Isagawa:
1.A 2.B 3.A 4.A
Tayahin:
Suriing mabuti ang sagot ng mga bata.
Karagdagadng Gawain:
A. Suriing mabuti ang sagot ng mga bata.
B.Mga nabilugan
Bubong bintana suelo
pituan
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education - Schools Division of Kalinga
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
Telefax/Website: www.depedkalinga.ph
Email Address: kalinga@deped.gov.ph