Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.

Grade 8- Darwin

529 Aufrufe

Veröffentlicht am

Ideolohiya

Veröffentlicht in: Bildung
  • Als Erste(r) kommentieren

Grade 8- Darwin

  1. 1. Matildo, Jhemsy Jane Marifane C. 8-Darwin
  2. 2. Destutt de Tracy
  3. 3. -nakasentro ito sa mga patakarang pang-ekonomiyang bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang mga karapatang makapagnegosyo, mamasukan, makapagpatayo ng unyon, at magwelga kung hindi magkasundo ang kapitalista at mga manggagawa.
  4. 4. -para sa akin bilang Pilipino, si Juan dela Cruz ang inilagay ko para sa pangkabuhayan dahil sya ay susimbolo ng kasipagan ng bawat Pilino sa pamamagitan ng kabuhayan na tumutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
  5. 5. -nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay ang pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng kapangyarihang politikal. Karapatan ng bawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin.
  6. 6. -dito naman ay ang senado ang aking nilagay dahil kung politika ang pag-uusapan ang lugar na ito ang una nating maiisip. Malaki din ang maitutulong ng politika sa ating bansa lalo na sa mamumuno o lider na nangunguna sa mga paggawa ng patakaran upang mapanatili ang kaayusan sa ating bansa.
  7. 7. -tumutukoy naman ito sa pagkakapantay- pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.
  8. 8. -para naman sa panlipunan ay ito ang aking nilagay kahit na hindi ito isang buong lipunan ngunit sa lipunan ay kailangan natin ng pagkakaisa ng bawat mamamayan sa lipunan upang umunlad naman ito o ng nasabing bansa o lugar.
  9. 9. -layuning mapanatili ang kaayusan at pinahahalagahan ang mga tradisyon ng nakaraang henerasyon kaysa sa makabagong sistema at binibigyang diin ang mahahahalagang aral na ginampanan ng moralidad bilang pamantayan ng pagpapasya, pamamahala at pakikipag-ugnayan.
  10. 10. - Si Edward Burke naman ang aking inilagay na larawan dahil sa kanyang pagiging kasapi ng "Matatandang mga Whig", bilang pagtanggi sa makarebolusyong Pranses na "Bagong mga Whig". Pangkalahatan siyang tinatanaw bilang pilosopikal na tagapagtatag ng makabagong konserbatismo.
  11. 11. -pagkilala sa kakayahan ng isang indibidwal na makapag- ambag sa lipunan sa iba't- ibang paraan, kapasidad at antas at dito kakayahan ng isang indibidwal na makapagpaunlad ng sarili ang tinututukan.
  12. 12. -ito naman ang aking inilagay na larawan dahil para sa akin ang liberalismo ay ang pagiging independent sa sarili na kung saan ay uunlad ka dahil sa iyong pagpapaunlad sa iyong sarili.
  13. 13. -uri ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay nasa lubos na kapangyarihan.
  14. 14. -ang bansang Iran naman ang aking nilagay dahil tulad ng bansang Iran ay isa rin itong may ideolohiya na awtoritaryanismo na kung saan sya ang pinuno sa pamahalaan at ang pinuno ng kanilang relihiyon na Islam.
  15. 15. -sistemang pang-ekonomiya na kung saan pag-iipon ng kapital ang kanilang ginagawa upang higit na mapalago ang negosyo at mapalaki ang tubo ng mga mamumuhunan. Tumutukoy din ito sa sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hanggang sa mgiging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.
  16. 16. -para naman sa kapitalisismo ay aking inilagay ay pera na kung saan nagrerepresenta ng kapital, buwis na nakatutulong din sa pag-ikot ng sikolo at ng proseso sa pagpapasahod at sa mga pagbabago na kung saan ay nakatutulong din sa pag- unlad ng nasabing bansa.
  17. 17. -ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagpapatamasa sa lahat ng pantay na karapatan. Isang mamamayan ay maaaring bumoto, tumakbo bilang kandidato, at maluklok sa posisyon. Dito ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng tao.
  18. 18. -para naman sa demokrasya ay si Cory aquino ang akining inilagay dahil bilang Pilipino ay sya ang sumisibolo ng demokrasya na pinaglaban sya ng maraming tao makamit lang ang demokrasya para sa ating bansa at upang magkaroon ng kalayaan ang bawat isa.
  19. 19. 2 uri ng pakikilahok ng mamamayan: 1. Direct o tuwirang demokrasya - kung saan ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. 2. Di tuwirang demokrasya -kung saan iboboto ng mamamayan ang gusto nila sa pamahlaan na siya namang pinipili ng mga pinuno ng pamahalaan.
  20. 20. -tinutuligsa ang pananaw ng mga kapitalisista. Ang pagbuwag sa pribadong pagmamay-ari ang sagot upang wakasan ang kontrol ng bourgeoisie sa moda ng produksyon.
  21. 21. -para naman sa sosyalismo ay ito ang aking nilagay dahil sa aknialang pagtuligsa sa mga kapitalista at ang pagkakaisa nila ay ang pinakamapapansin sa ideolohiya na ito para sa akin.
  22. 22. -karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita at pagtutol sa pamahalaan. Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo o diktador
  23. 23. -para naman sa totalitaryanismo ay si Ferdinand Marcos ang aking inilagay dahil bilang Pilipino ay sya rin ang nagrerepresenta nito na kung saan ay kinontrol nya ang buong Pilipinas na kung saan ay nilimitahan nya ang ibang bagay para sa kanyang sarili na ang iba din naman ay nakatulong sa pag-unlad ng ating bansa.
  24. 24. -ang kagamitan sa produksyon ay pinangangasiwaan ng mamamayan. Panta-pantay ang karapatan ng bawat isa. Wala nang pangangailangan sa estado kung kaya kusa na itong mawawala
  25. 25. -ito naman ang nilagay ko dahil sila ang Communist party na kung saan sila ay kumunista na ipinaglalaban ang kumunismo na sa pagkakapantay-pantay ang nais nilang ipaglaban o itaguyod.
  26. 26. -nakabatay sa paniniwalang napailalim ang kapakanan ng mamamayan sa tunguhin ng estado at isinusulong ang isang estadong pinamumunuan ng isang partido. Ito ay tutol sa anumang uri ng oposisyon. Kontrolado nila ang mass media at gumagamit ng propaganda
  27. 27. -si Adolf Hitler naman ang nilagay ko para sa Pasismo dahil ganito ang ginaawa nya sa Germany na kung saan ang Germany ay tutol sa anumang uri ng oposisyon at isinusulong ang kanilang sariling partido.
  28. 28. -nagsulong ng kagalingan ng kababaihan at karapatang matamasa ang karapatang natatamasa ng kalalakihan. Isinusulong din nito ang proteksyon sa kababaihan at deskriminasyon.
  29. 29. -ito lamang ang aking nailagay para sa peminismo dahil kanilang itinaguyod ang karapatan ng buong kababaihan na kung saan ay nais nila ng kapantayan at diskriminasyon sa pamamagitan ng kalalakihan at kababaihan.

×