3. Mga Layunin
Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa
pagusbong ng nasyonalismong Pilipino
Naipaliliwanag ang di matagumpay na pananakop sa mga
katutubong pangkat ng kolonyalismong Espanyol
Nasusuri ang mga paraang armado ng pananakop ng mga
Espanyol
Natalakay ang iba’t ibang reaksyon ng mga katutubong
pangkat sa armadong pananakop
5. Ang unang Rebelyon: Lakan Dula at
Sulayman (1574)
Naging maganda ang pamamalakad ni Legazpi
sa ating bansa ngunit nang siya ay mamatay,
pumalit sa kanya si Gobernador-heneral Guido de
Lavezares, pinagsamantalahan at pinagmalupitan
ng mga Espanyol ang mga katutubo at ito ay hindi
nagustuhan nina Lakan Dula at Sulayman.
6. Ang Rebelyon ni Magat Salamat
(1587-1588)
Si Magat Salamat ay anak ni Lakan Dula,
at mas matindi ang kanyang naging pag-aalsa
kaysa sa kanyang ama at tiyuhin. Nagtatag
siya ng isang samahan upang ipaglaban ang
kalayaan ng mga katutubong Pilipino.
7. Ang paghihimagsik ng mga Gaddang sa
Cagayan Valley ay pinamunuan nina Felipe
Catabay a Gabriel Tayag, ito ay dahil sa
sapilitang paggaw, pagbubuwis at
pagmamalabis ng mga Espanyol.
Ang Rebelyong Gaddang (1621)
8. Ang Rebelyon nina Bancao at Tamblot
(1621-1622)
Ang pag-aalsa sa Bohol ay pinamunuan ni
Tamblot, Si Bancao naman sa Leyte. Naganap
ang rebelyong panrelihiyon dahil may ilang
Pilipino na nais talikdan ang relihiyong
Kristiyanismo at balikan ang pananampalataya
sa diyos ng kanilang ninuno.
9. Ang Rebelyon ni Sumuroy
(1649-1650)
Ipinag-utos ng mga Espanyol na magpadala
ng manggagawang taga-Samar sa Cavite upang
magtrabaho sa gawaan ng barko, kahit alam
nilang labag ito sa utos ng hari ng Spain. Sa
pamumuno ni Sumuroy, nahikayat ang mga tao
upang labanan ang mga Espanyol.
10. Ang Rebelyon ni Maniago
(1660-1661)
Sa pamumuno ni Francisco Maniago,
nagrebelyon ang mga Kapampangan dahil nais
nilang maging malaya, tinutulan nila ang
sapilitang pagtatrabaho, at sapilitang
pagbebenta ng kanilang naaning bigas sa
pamahalaan sa mababang halaga.
11. Ang Rebelyon ni Malong
(1660-1661)
Noong Disyembre 15, 1660, nag-alsa
ang mga taga-Lingayen Pangasinan sa
pamumuno ni Andres Malong na naakit sa
panawagan ni Maniago.
12. Ang Pag-aalsa ni Tapar (1663)
Si Tapar ay isang babaylan, siya ang
nagtatag ng isang bagong relihiyon na
parang binagong anyo ng Kristiyanismo noon
1663, ngunit ito ay tinutulan ng mga
Espanyol.
13. Mga Pangkat sa mga Bulubunduking
Lalawigan ng Luzon
Ang mga pangkat-etnikong naninirahan sa mga
bulubunduking lalawigan sa Cordillera sa Hilagang
Luzon ay napanatili ang kanilang natatanging kultura
dahil sila ay tumangging magpasakop sa mga
Espanyol sa loob ng 3 siglo.
14. Pakikidigma sa mga Muslim
Naging hamon sa mga Espanyol simula pa
lamang sa kanilang pagdating hanggang sa kanilang
pag-alis ang mga Muslim sa Mindanao dahil
maraming matapang na Pilipinong muslim ang
lumaban sa mga Espanyol upang hindi sila masakop.
16. Dugtungan ang pangungusap…
Mula sa paksang ito, natutunan ko ang
________________________
kaya magmula ngayon sisikapin kong
________________________
nang sa gayon ay
_______________________