SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 11
Downloaden Sie, um offline zu lesen
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
STUDENT LEARNING MATERIAL
Pamagat ng kurso/ Asignatura: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG URI NG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
MET 1: MGA URI NG TEKSTO Aralin 2: TEKSTONG DESKRIPTIBO AT NARATIBO
PANIMULA
Magandang araw! Kumusta ka minamahal kong mag-aaral?
Narito na naman tayo sa panibagong paglalakbay at inaasahan ko mula sa inyo ang patuloy na sigasig at kawilihan upang matuto na naman tayo ngayon sa panibagong mga
karanasan. Inaasahan ko na nakahanda na ang inyong bukas na isipan at mabuting puso upang matutuhan ninyo ang mga inaasahang layunin sa modyul na ito.
Ito ang ating pangunahing aralin na tutuklasin sa ating asignaturang Pagbasa at Pagsususri ng iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Binubuo ng mahalagang paksang ito
ang iba’t ibang uri ng teksto. Ang sesyong ito ay nakatuon sa tekstong Deskriptibo at Naratibo. Mahalagang maunawaan at matutuhan ang iba’t ibang uri ng teksto upang lubos
na makilala ang gampanin ng mga ito sa pagsulat ng pananaliksik. Gayundin ang mga batayang kaalaman at kasanayan ay makatutulong sa inyong mga mag-aaral upang
maging sensitibo sa mga pangangailangan ng pagsulat at pampersonal na kakayahan. Mahalaga ang pagkatuto ng tekstong deskriptibo at naratibo dahil sa pamamagitan ng
paggamit ng paglalarawan at maayos na pagsasalaysay naihahatid sa mga mambabasa ang larawang-diwa at imahen na nais bigyang diin o ipahayag at nagkakaroon ng ganap
na pag-unawa sa daloy ng mga pangyayari.
Bago ang ganap na pagtalunton sa ating isasagawang pagtalakay sa aralin ito inyo munang gawin ang mga sumunod na gawain at sagutan ang mga kasunod nitong tanong.
1. Matukoy ang katotohanan at opinyon at naiisa-isa ang mga mahahalagang kaisipan ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa tekstong binasa; at
2. Maibahagi ang kahulugan, katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo at prosidyural.
A. KATOTOHANAN O OPINYON: Tukuyin ang bawat pahayag kung ito ba ay nagsasaad ng katotohanan o opinyon. Ilagay ang K kung ito at makatotohanan at O naman
kung hindi sa patlang bago ang bilang.
________1. Ang bansag sa tatlong paring martir na Gomez, Burgos, at Zamora na binitay noong Pebrero 17, 1872 sa panahon ng Kastila ay MAJOHA.
________2. Ayon daw sa survey ay mananalo si Isko Moreno.
________3. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
________4. Para sa akin, si Manny Pacquiao ang pinakamagaling na senador.
________5. Ang mundo ang pangatlong planetang malapit sa araw.
B. PAGSUSUNOD-SUNOD: Tukuyin mula sa mga sumusunod kung alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng hakbang sa pagluluto ng bigas.. 1 bilang pinakauna at 5
bilang pinakahuli
______ Takpan uli ito at hinaan ang apoy habang iniinin.
______ Hugasan ang bigas ng 2-3 beses.
______ Isalang at hintaying kumulo, kapag kumulo na tanggalin ang takip at hintaying matuyo ng konti ang tubig.
______ Lagyan ng bigas ang kaldero (depende sa rami ng kakain ang dami ng bigas)
______ Lagyan ng tubig (takalin gamit ang unang guhit sa hintuturo)
Paalala at Paunawa:
1. May isa tayong synchronous session (1 hour) at asynchronous consultation para sa araling ito. Makipag-ugnayan lamang sa akin sa tulong ng messenger, email, o sa
Google Classroom para sa inyong mga katanungan.
2. Sa sesyong ito, inaasaahan ang mga sumusunod na layunin:
a. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa;
b. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa;
c. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa; at
d. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.
3. Inaasahang na ang mga mag-aaral sa dulo ng aralin na ito na nagkaroon ng dunong, danas at dalumat sa mga Tekstong Deskriptibo at naratibo. Gayun din inaasahan na
ikaw ay nagtataglay nang sapat na kakayahan sa pagsusuri upang matukoy ang paksa ng tekstong binabasa gamit ang mga batayang kaalaman sa dalawang tekstong
tinalakay. Inaaasahang kanilang nakikilala ang katangian at kalikasan na tinataglay ang mga tekstong ito mula sa mga napanood sa telebisyon, napakinggan sa radyo at
maging sa mga napanonood o nababasa sa mga social media. Ang lahat ng mga matutuhang kaalaman, kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtalakay sa
mga tekstong ito ay makatutulong upang makapagsulat ng Tekstong Deskriptibo at Naratibo na may pagsasaalang-alang sa wastong gramatika at paggamit ng wika.
4. May mga tekstong kapag ating binabasa ay lumilikha ng imahen sa ating isipan at pinalalawak ang ating imahinasyon, ganun din mayroong mga tekstong nagkakaroon ng
pagsasalaysay ng mga pangyayari o kaganapan. Ganito ang naidudulot sa atin ng mga tekstong deskriptibo at naratibo. Ang mga tekstong ito ay mayroong mga
halagahin sa pagbuo o bilang sanggunian ng pananaliksik. Paglalarawan ng nilalaman ang mababasa sa mga tekstong deskriptibo, maaari ng tao, bagay, pangyayari, o
di kaya’y mga naging resulta. Makikita naman sa isang tekstong naratibo ang sistematiko at maayos na paglalahad ng mga datos. Sa araling ito, higit na pagtutuunan ng
pansin ang pagtalakay at pagsusuri sa dalawang partikular na uri ng teksto, ang tekstong naratibo at deskriptibo tungo sa ganap na pagsasakatuparan ng gawaing
pananaliksik.
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
PAGTALAKAY
Paksa 1: Tektong Deskriptibo
Pormatibong tanong:
• Ano ang katangian ng tekstong naglalarawan?
• Paano maiuugnay ang katangian ng tekstong naglalarawan sa tekstong nagsasalaysay?
• Bakit kailangang ilarawan ang isang tao, bagay, lugar, o pangyayari?
• Paano nakatutulong ang tamang paglalarawan sap ag-araw-araw na pamumuhay ng tao?
Pannimulang gawain:
Magnbigay ng paglalarawan sa mga sumusunod na larawan sa pamamagitan ng paglikha ng isang pamagat.
_______________________________________________________ __________________________________________________
_______________________________________________________ __________________________________________________
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
TEKSTONG DESKRIPTIBO: Makulay na paglalarawan
Deskripsiyon:
Ang pagsulat ng tekstong descriptibo ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa
pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat.
Deskriptiv ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga
katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
Ang tekstong Deskriptibo ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon.
Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan.
Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag.
Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng paglalahad, naisasagawa rin ito sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon.
Karaniwan – kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
Masining– kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng mayakda.
- gumagamit ng pang-uri pang-abay, tayutay at idyoma.
Karaniwang Paglalarawan: Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang mga pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot
hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang taas.
Masining na Paglalarawan: Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga
anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang buhk na bumagay naman sa kainggit-ingit niyang katawan at itaas.
Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo
1) Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa.
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
2) Ito ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa
paglalarawan.
3) Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa
mambabasa ang bagay o anomang paksa na inilalarawan.
Apat na Mahalagang Kasangkapan sa Malinaw na Paglalarawan
1. Wika – ginagamit nang manunulat upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pang-abay.
2. Maayos na detalye - dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao,
bagay, pook o pangyayari.
3. Pananaw ng Paglalarawan – maaaring magkaibaiba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng
taong naglalarawan.
4. Isang Kabuuan o impresyon - mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o tagapakinig nang sa gayon ay makabuo
sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng detalye at ang pananaw ng naglalarawan.
Gawain:
Paigtingin ang iyong danas gamit ang PET o Personal Experience Timeline. Suriin at ilarawan ang mga mahahalagang pagyayari sa iyong buhay bilang high school at
kinakailangan makalikha ka ng timeline tungkol sa kanilang personal na karanasan.
Mahalagang pangyayari Paglalarawan
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
Paksa 2: Tektong Naratibo
Pormatibong Tanong:
• Ano ang tekstong nagasasalaysay?
• Ano ang katangian at kalikasan nito?
• Paano makasusulat ng kawili-wiling tekstong nagsasalayasay o naratibo?
Panimulang gawain:
Pagsunod-sunorin ang mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay na bilang 1 hanggang 10.
__________ Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat.
__________ Pagdating sa resort ay agad na nagyaya ang kaniyang anak na maligo sa dagat.
__________ Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kaniyang mga anak ay naipangako niyang dadalhin niya ang mga ito sa isang mamahaling resort, ang
Amanpulo.
__________ Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang biglang nagdilim ang paligid.
__________ Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga dadalhin.
__________ Niyakap nang mahigpit ng ina ang kaniyang mga anak.
__________ Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa gitna ng dagat.
__________ Nakikita nilang lumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa dalampasigan.
__________ Bagama’t sila ay nakaahon, biglang rumagasa ang higanteng alon at sila ay sinaklot at tinangay.
__________ Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na laman ng sariwang balita.
Tekstong Naratibo
Tumutukoy sa tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap pa lamang. Karaniwang
kronolohikal o nakabatay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at madalas naman ang paggamit ng flashback. Bagamat karaniwa’y katotohonan at
impormasyon ang nilalaman ng tekstong naratibo, maaari rin naman sumulat ng tekstong naratibong nagsasalaysay ng mga pangyayaring pawang
kathang-isip lamang. Ginagamit din sa mga ulat na naglalahad ng mga aktibidad ng isang kumpanya o organisasyon, testimonya ng saksi sa isang krimen
o pangyayari, tala o record ng mga obserbasyon ng isang doctor, puna o mungkahi ng guro sa report card ng estudyante, at iba pang katulad nito
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
Mga Paksa sa Pagbuo ng Naratibong Komposisyon
1. Sariling karanasan
2. Nasaksikhan o napanood
3. Napakinggan o nabalitaan
4. Nabasa
5. Likhang-isip
Ano ang pangunahing layunin ng pagbuo ng naratibong teksto?
- Makapagbigay impormasyon o makapag-ulat tungkol sa pangyayari batay sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa isang maayos,
maliwanag at masining na pamaraan.
Elemento ng Tekstong Naratibo
1. Banghay
2. Tagpuan
3. Tauhan
4. Suliranin o Tunggalian
5. Diyalogo
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
Mga Katangian ng Isang Mabisang Naratibong Komposisyon
1. May mabuting pamagat
a. Orihinal
b. Kapanapanabik
c. Makahulugan
d. Maikli
2. Mahalaga ang paksa o diwa
Kung gaano kahalaga ang isang naratibong diskurso, gayundin naman ang paksa niyon. Tandaang ang isang akdang nauukol sa isang walang kuwetong
paksa ay nagiging walang kwentang akda. Nasa orihinalidad ang buhay ng isang narasyon.
3. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Iba’t ibang ayos ng pagkakasunod-sunod ng isang narasyon:
Simula --- Gitna --- Wakas
Gitna o dakong wakas ---- Simula --- Wakas
Wakas --- Simula --- tunay na wakas
4. Isang kaakit-akit na simula
Bukod sa pamagat,ito ay ang pang-akit din sa mga mambabasa. Nagsisilbi itong puwersang tumutulak sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang
pagbabasa. Ito rin ay nararapat lamang na maging tiyak at tuwiran. “Magsimula sa simula” ang payo ng maraming manunulat. Aksiyon agad ika nga.
Hindi na kailangan ng paligoy-ligoy sa na introduksiyon tulad ng noong unang panahon, isang araw, habang, minsan, may isang at ang kuwentong
ito ay tungkol sa.
(Ang ganitong simula ay paso/laos na).
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
5. Kasiya-siyang wakas
Dapat maging kawili-wili upang makintal ang ang bisa ng narasyon.
Iwasan ang prediktabol na wakas.(Mas mabuti kung) lagyan ng twist na makautwiran ang narasyon.
Iwasan ang paligoy-ligoy. Isunod agad ang wakas pagkatpos ng kasukdulan.
Iwasan ang pangangaral sa wakas.
Gawain:
Hanap Huwan! Pumili g isang tekstong nagsasalaysay na malapit sa interes mo. Pagkatapos, bumuo ng isang tanong o tema na nais mo pang suriin o pag-aralan. Humanap ng
tatlong kamag-aral na maaaring sumagot sa iyong mga katanungan. Isulat ang mga resulta sa talahanayan at bumuo ng kongklusyon bilang paglalahat sa iyong bagong
kaalamang natuklasan.
Tekstong nagsasalaysay o naratibo
Tanong o temang nais suriin
Hanap Huwan
Hanap Huwan
Hanap huwan
Resulta
Kongklusyon
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
PAGLALAHAT
Sa pamamagitan ng paggamit ng paglalarawan at maayos na pagsasalaysay naihahatid sa mga mambabasa ang larawang-diwa at imahen na nais bigyang diin o ipahayag at
nagkakaroon ng ganap na pag-unawa sa daloy ng mga pangyayari. Sa paggamit ng tekstong paglalarawan, lumilikha ang may-akda sa kaniyang mga mambabasa ng isang
detalyeng imaahinasyon na magsisilbing pundasyon niya upang paniwalaan ang katotohanan ng isang bagay, pangyayari, o anumang naganap sa kaniyang pang-araw-araw na
karanasan. Gayundin bumubukal ang naratibo sa mahusay na pandama at pagmamasid ng isang manunulat patungkol sa sarili at sa kaniyang kapaligiran, sa pagsasagawa ng
paglalarawan, kinakailangang matiyak ang kaisahan ng mga katangian ng tauhan, banghay, at pook na pinangyarihan ng kaganapan.
BINABATI KITA!
Ang iyong mga natutuhan sa araling ito ay mahalagang pabaon ko sa iyo upang maging handa ka sa mga susunod mong mga hamong kahaharapin sa
larangan ng pagsulat at pananaliksik. Tandaan na ang pagsulat at pananaliksik ay isang gawaing bahagi na sa iyong buhay lalo na sa kolehiyo at maging sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maunawaan mo na ang araling ito ay magbibigay ng mahalagang kaalaman at kasanayan upang mas maging masinop
ka at maingat sa larangan ng pagsulat at pananaliksik.
Ipagpatuloy mo iyong kawilihan at sigasig sa pag-aaral at tinitiyak ko ang iyong katagumpayan sa buhay. Harinawa
P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E
Prepared by:
Prop. Arnel B. Clavero Jr. - Adamson University
Prop. Mark Laurence J. Fano - Holy Child Central Colleges
Prop. Mia H. Gaspe - Pasig Catholic College
Dr. Julius Gat-eb - University of Baguio
Prop. Angelo V. Manis - University of the Cordilleras
Dr. Marivic B. Mutong - University of Baguio
Prop. Melanie N. Salingguhay - Saint Louis University
Prop. Clint T. Sawangin - Saint Louis University
Dr. Helen E. Tolete - Sacred Heart College - Lucena

Weitere ähnliche Inhalte

Ähnlich wie SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf

Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptPagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptallan capulong
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptxferdinandsanbuenaven
 
ppttekstong deskriptibo.pptx
ppttekstong deskriptibo.pptxppttekstong deskriptibo.pptx
ppttekstong deskriptibo.pptxWhellaLazatin
 
Module 2 - part 1 Deskriptibo, Impormatibo at Persweysib.pptx
Module 2 - part 1 Deskriptibo, Impormatibo at Persweysib.pptxModule 2 - part 1 Deskriptibo, Impormatibo at Persweysib.pptx
Module 2 - part 1 Deskriptibo, Impormatibo at Persweysib.pptxMenchie Añonuevo
 
Pagtalakay sa katangian ng teksto.pptx
Pagtalakay sa katangian ng teksto.pptxPagtalakay sa katangian ng teksto.pptx
Pagtalakay sa katangian ng teksto.pptxZendrexIlagan1
 
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...2z9s6rsqpn
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxMangalinoReyshe
 
Module 1-Uri ng Teksto-Pagbasa at Pagsulat
Module 1-Uri ng Teksto-Pagbasa at PagsulatModule 1-Uri ng Teksto-Pagbasa at Pagsulat
Module 1-Uri ng Teksto-Pagbasa at Pagsulatjeanettebagtoc1
 
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratiboModyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratiboParungoMichelleLeona
 
Ano ang sanaysay
Ano ang sanaysayAno ang sanaysay
Ano ang sanaysayBian61
 
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang  pamamaraan ng PagpapahayagAng ibat ibang  pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang pamamaraan ng PagpapahayagLeanneAguilarVillega
 
Final filipino11 q3_m10
Final filipino11 q3_m10Final filipino11 q3_m10
Final filipino11 q3_m10Atty Infact
 
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktobatayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktotimelesscontent91
 
Assesments.docx
Assesments.docxAssesments.docx
Assesments.docxarnelladag
 
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptxKatangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptxJeanMaureenRAtentar
 
sanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptxsanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptxMayramos27
 

Ähnlich wie SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf (20)

Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptPagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
 
ppttekstong deskriptibo.pptx
ppttekstong deskriptibo.pptxppttekstong deskriptibo.pptx
ppttekstong deskriptibo.pptx
 
Aralin-5.pptx
Aralin-5.pptxAralin-5.pptx
Aralin-5.pptx
 
Module 2 - part 1 Deskriptibo, Impormatibo at Persweysib.pptx
Module 2 - part 1 Deskriptibo, Impormatibo at Persweysib.pptxModule 2 - part 1 Deskriptibo, Impormatibo at Persweysib.pptx
Module 2 - part 1 Deskriptibo, Impormatibo at Persweysib.pptx
 
Pagtalakay sa katangian ng teksto.pptx
Pagtalakay sa katangian ng teksto.pptxPagtalakay sa katangian ng teksto.pptx
Pagtalakay sa katangian ng teksto.pptx
 
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
 
Module 1-Uri ng Teksto-Pagbasa at Pagsulat
Module 1-Uri ng Teksto-Pagbasa at PagsulatModule 1-Uri ng Teksto-Pagbasa at Pagsulat
Module 1-Uri ng Teksto-Pagbasa at Pagsulat
 
Deskriptiv.pptx
Deskriptiv.pptxDeskriptiv.pptx
Deskriptiv.pptx
 
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratiboModyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
 
Ano ang sanaysay
Ano ang sanaysayAno ang sanaysay
Ano ang sanaysay
 
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang  pamamaraan ng PagpapahayagAng ibat ibang  pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
 
Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx
Fil-121-Aralin-3-midterm.pptxFil-121-Aralin-3-midterm.pptx
Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx
 
Final filipino11 q3_m10
Final filipino11 q3_m10Final filipino11 q3_m10
Final filipino11 q3_m10
 
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptxTEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
 
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktobatayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
 
Assesments.docx
Assesments.docxAssesments.docx
Assesments.docx
 
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptxKatangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
 
sanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptxsanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptx
 

Kürzlich hochgeladen

PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxJeremyPatrichTupong
 
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxNicaBerosGayo
 
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El FiliKabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Filijuliusmirador1
 
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptxFILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptxKimberlyValdez19
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docxChristineIgnas2
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxGluvellSiega1
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttJulietDianeBallonBot
 
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxfilipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxMarcChristianNicolas
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptxGabrielleEllis4
 
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdfjemarabermudeztaniza
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangeregeronimopaulyn69
 
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhcharlyn050618
 
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docxAP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docxVinJims
 
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunanArlieCerezo1
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
EDUKASYON SA PANGPAPAKATAO DETAILED LESSON PLAN
EDUKASYON SA PANGPAPAKATAO DETAILED LESSON PLANEDUKASYON SA PANGPAPAKATAO DETAILED LESSON PLAN
EDUKASYON SA PANGPAPAKATAO DETAILED LESSON PLANImilyAcma
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson planREDENJAVILLO1
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....JEANELLEBRUZA
 
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxaraling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxJOHNNYGALLA2
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itobryandomingo8
 

Kürzlich hochgeladen (20)

PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
 
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
 
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El FiliKabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
 
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptxFILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
 
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxfilipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
 
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
 
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
 
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docxAP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
 
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
EDUKASYON SA PANGPAPAKATAO DETAILED LESSON PLAN
EDUKASYON SA PANGPAPAKATAO DETAILED LESSON PLANEDUKASYON SA PANGPAPAKATAO DETAILED LESSON PLAN
EDUKASYON SA PANGPAPAKATAO DETAILED LESSON PLAN
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
 
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxaraling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
 

SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf

  • 1. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E STUDENT LEARNING MATERIAL Pamagat ng kurso/ Asignatura: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG URI NG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK MET 1: MGA URI NG TEKSTO Aralin 2: TEKSTONG DESKRIPTIBO AT NARATIBO PANIMULA Magandang araw! Kumusta ka minamahal kong mag-aaral? Narito na naman tayo sa panibagong paglalakbay at inaasahan ko mula sa inyo ang patuloy na sigasig at kawilihan upang matuto na naman tayo ngayon sa panibagong mga karanasan. Inaasahan ko na nakahanda na ang inyong bukas na isipan at mabuting puso upang matutuhan ninyo ang mga inaasahang layunin sa modyul na ito. Ito ang ating pangunahing aralin na tutuklasin sa ating asignaturang Pagbasa at Pagsususri ng iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Binubuo ng mahalagang paksang ito ang iba’t ibang uri ng teksto. Ang sesyong ito ay nakatuon sa tekstong Deskriptibo at Naratibo. Mahalagang maunawaan at matutuhan ang iba’t ibang uri ng teksto upang lubos na makilala ang gampanin ng mga ito sa pagsulat ng pananaliksik. Gayundin ang mga batayang kaalaman at kasanayan ay makatutulong sa inyong mga mag-aaral upang maging sensitibo sa mga pangangailangan ng pagsulat at pampersonal na kakayahan. Mahalaga ang pagkatuto ng tekstong deskriptibo at naratibo dahil sa pamamagitan ng paggamit ng paglalarawan at maayos na pagsasalaysay naihahatid sa mga mambabasa ang larawang-diwa at imahen na nais bigyang diin o ipahayag at nagkakaroon ng ganap na pag-unawa sa daloy ng mga pangyayari. Bago ang ganap na pagtalunton sa ating isasagawang pagtalakay sa aralin ito inyo munang gawin ang mga sumunod na gawain at sagutan ang mga kasunod nitong tanong. 1. Matukoy ang katotohanan at opinyon at naiisa-isa ang mga mahahalagang kaisipan ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa tekstong binasa; at 2. Maibahagi ang kahulugan, katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo at prosidyural. A. KATOTOHANAN O OPINYON: Tukuyin ang bawat pahayag kung ito ba ay nagsasaad ng katotohanan o opinyon. Ilagay ang K kung ito at makatotohanan at O naman kung hindi sa patlang bago ang bilang. ________1. Ang bansag sa tatlong paring martir na Gomez, Burgos, at Zamora na binitay noong Pebrero 17, 1872 sa panahon ng Kastila ay MAJOHA. ________2. Ayon daw sa survey ay mananalo si Isko Moreno. ________3. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
  • 2. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E ________4. Para sa akin, si Manny Pacquiao ang pinakamagaling na senador. ________5. Ang mundo ang pangatlong planetang malapit sa araw. B. PAGSUSUNOD-SUNOD: Tukuyin mula sa mga sumusunod kung alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng hakbang sa pagluluto ng bigas.. 1 bilang pinakauna at 5 bilang pinakahuli ______ Takpan uli ito at hinaan ang apoy habang iniinin. ______ Hugasan ang bigas ng 2-3 beses. ______ Isalang at hintaying kumulo, kapag kumulo na tanggalin ang takip at hintaying matuyo ng konti ang tubig. ______ Lagyan ng bigas ang kaldero (depende sa rami ng kakain ang dami ng bigas) ______ Lagyan ng tubig (takalin gamit ang unang guhit sa hintuturo) Paalala at Paunawa: 1. May isa tayong synchronous session (1 hour) at asynchronous consultation para sa araling ito. Makipag-ugnayan lamang sa akin sa tulong ng messenger, email, o sa Google Classroom para sa inyong mga katanungan. 2. Sa sesyong ito, inaasaahan ang mga sumusunod na layunin: a. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa; b. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa; c. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa; at d. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. 3. Inaasahang na ang mga mag-aaral sa dulo ng aralin na ito na nagkaroon ng dunong, danas at dalumat sa mga Tekstong Deskriptibo at naratibo. Gayun din inaasahan na ikaw ay nagtataglay nang sapat na kakayahan sa pagsusuri upang matukoy ang paksa ng tekstong binabasa gamit ang mga batayang kaalaman sa dalawang tekstong tinalakay. Inaaasahang kanilang nakikilala ang katangian at kalikasan na tinataglay ang mga tekstong ito mula sa mga napanood sa telebisyon, napakinggan sa radyo at maging sa mga napanonood o nababasa sa mga social media. Ang lahat ng mga matutuhang kaalaman, kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtalakay sa mga tekstong ito ay makatutulong upang makapagsulat ng Tekstong Deskriptibo at Naratibo na may pagsasaalang-alang sa wastong gramatika at paggamit ng wika. 4. May mga tekstong kapag ating binabasa ay lumilikha ng imahen sa ating isipan at pinalalawak ang ating imahinasyon, ganun din mayroong mga tekstong nagkakaroon ng pagsasalaysay ng mga pangyayari o kaganapan. Ganito ang naidudulot sa atin ng mga tekstong deskriptibo at naratibo. Ang mga tekstong ito ay mayroong mga halagahin sa pagbuo o bilang sanggunian ng pananaliksik. Paglalarawan ng nilalaman ang mababasa sa mga tekstong deskriptibo, maaari ng tao, bagay, pangyayari, o di kaya’y mga naging resulta. Makikita naman sa isang tekstong naratibo ang sistematiko at maayos na paglalahad ng mga datos. Sa araling ito, higit na pagtutuunan ng pansin ang pagtalakay at pagsusuri sa dalawang partikular na uri ng teksto, ang tekstong naratibo at deskriptibo tungo sa ganap na pagsasakatuparan ng gawaing pananaliksik.
  • 3. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E PAGTALAKAY Paksa 1: Tektong Deskriptibo Pormatibong tanong: • Ano ang katangian ng tekstong naglalarawan? • Paano maiuugnay ang katangian ng tekstong naglalarawan sa tekstong nagsasalaysay? • Bakit kailangang ilarawan ang isang tao, bagay, lugar, o pangyayari? • Paano nakatutulong ang tamang paglalarawan sap ag-araw-araw na pamumuhay ng tao? Pannimulang gawain: Magnbigay ng paglalarawan sa mga sumusunod na larawan sa pamamagitan ng paglikha ng isang pamagat. _______________________________________________________ __________________________________________________ _______________________________________________________ __________________________________________________
  • 4. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E TEKSTONG DESKRIPTIBO: Makulay na paglalarawan Deskripsiyon: Ang pagsulat ng tekstong descriptibo ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat. Deskriptiv ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano. Ang tekstong Deskriptibo ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag. Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng paglalahad, naisasagawa rin ito sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Karaniwan – kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas. Masining– kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng mayakda. - gumagamit ng pang-uri pang-abay, tayutay at idyoma. Karaniwang Paglalarawan: Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang mga pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang taas. Masining na Paglalarawan: Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang buhk na bumagay naman sa kainggit-ingit niyang katawan at itaas. Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo 1) Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa.
  • 5. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E 2) Ito ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan. 3) Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na inilalarawan. Apat na Mahalagang Kasangkapan sa Malinaw na Paglalarawan 1. Wika – ginagamit nang manunulat upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pang-abay. 2. Maayos na detalye - dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook o pangyayari. 3. Pananaw ng Paglalarawan – maaaring magkaibaiba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan. 4. Isang Kabuuan o impresyon - mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng detalye at ang pananaw ng naglalarawan. Gawain: Paigtingin ang iyong danas gamit ang PET o Personal Experience Timeline. Suriin at ilarawan ang mga mahahalagang pagyayari sa iyong buhay bilang high school at kinakailangan makalikha ka ng timeline tungkol sa kanilang personal na karanasan. Mahalagang pangyayari Paglalarawan
  • 6. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E Paksa 2: Tektong Naratibo Pormatibong Tanong: • Ano ang tekstong nagasasalaysay? • Ano ang katangian at kalikasan nito? • Paano makasusulat ng kawili-wiling tekstong nagsasalayasay o naratibo? Panimulang gawain: Pagsunod-sunorin ang mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay na bilang 1 hanggang 10. __________ Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat. __________ Pagdating sa resort ay agad na nagyaya ang kaniyang anak na maligo sa dagat. __________ Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kaniyang mga anak ay naipangako niyang dadalhin niya ang mga ito sa isang mamahaling resort, ang Amanpulo. __________ Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang biglang nagdilim ang paligid. __________ Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga dadalhin. __________ Niyakap nang mahigpit ng ina ang kaniyang mga anak. __________ Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa gitna ng dagat. __________ Nakikita nilang lumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa dalampasigan. __________ Bagama’t sila ay nakaahon, biglang rumagasa ang higanteng alon at sila ay sinaklot at tinangay. __________ Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na laman ng sariwang balita. Tekstong Naratibo Tumutukoy sa tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap pa lamang. Karaniwang kronolohikal o nakabatay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at madalas naman ang paggamit ng flashback. Bagamat karaniwa’y katotohonan at impormasyon ang nilalaman ng tekstong naratibo, maaari rin naman sumulat ng tekstong naratibong nagsasalaysay ng mga pangyayaring pawang kathang-isip lamang. Ginagamit din sa mga ulat na naglalahad ng mga aktibidad ng isang kumpanya o organisasyon, testimonya ng saksi sa isang krimen o pangyayari, tala o record ng mga obserbasyon ng isang doctor, puna o mungkahi ng guro sa report card ng estudyante, at iba pang katulad nito
  • 7. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E Mga Paksa sa Pagbuo ng Naratibong Komposisyon 1. Sariling karanasan 2. Nasaksikhan o napanood 3. Napakinggan o nabalitaan 4. Nabasa 5. Likhang-isip Ano ang pangunahing layunin ng pagbuo ng naratibong teksto? - Makapagbigay impormasyon o makapag-ulat tungkol sa pangyayari batay sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa isang maayos, maliwanag at masining na pamaraan. Elemento ng Tekstong Naratibo 1. Banghay 2. Tagpuan 3. Tauhan 4. Suliranin o Tunggalian 5. Diyalogo
  • 8. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E Mga Katangian ng Isang Mabisang Naratibong Komposisyon 1. May mabuting pamagat a. Orihinal b. Kapanapanabik c. Makahulugan d. Maikli 2. Mahalaga ang paksa o diwa Kung gaano kahalaga ang isang naratibong diskurso, gayundin naman ang paksa niyon. Tandaang ang isang akdang nauukol sa isang walang kuwetong paksa ay nagiging walang kwentang akda. Nasa orihinalidad ang buhay ng isang narasyon. 3. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Iba’t ibang ayos ng pagkakasunod-sunod ng isang narasyon: Simula --- Gitna --- Wakas Gitna o dakong wakas ---- Simula --- Wakas Wakas --- Simula --- tunay na wakas 4. Isang kaakit-akit na simula Bukod sa pamagat,ito ay ang pang-akit din sa mga mambabasa. Nagsisilbi itong puwersang tumutulak sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa. Ito rin ay nararapat lamang na maging tiyak at tuwiran. “Magsimula sa simula” ang payo ng maraming manunulat. Aksiyon agad ika nga. Hindi na kailangan ng paligoy-ligoy sa na introduksiyon tulad ng noong unang panahon, isang araw, habang, minsan, may isang at ang kuwentong ito ay tungkol sa. (Ang ganitong simula ay paso/laos na).
  • 9. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E 5. Kasiya-siyang wakas Dapat maging kawili-wili upang makintal ang ang bisa ng narasyon. Iwasan ang prediktabol na wakas.(Mas mabuti kung) lagyan ng twist na makautwiran ang narasyon. Iwasan ang paligoy-ligoy. Isunod agad ang wakas pagkatpos ng kasukdulan. Iwasan ang pangangaral sa wakas. Gawain: Hanap Huwan! Pumili g isang tekstong nagsasalaysay na malapit sa interes mo. Pagkatapos, bumuo ng isang tanong o tema na nais mo pang suriin o pag-aralan. Humanap ng tatlong kamag-aral na maaaring sumagot sa iyong mga katanungan. Isulat ang mga resulta sa talahanayan at bumuo ng kongklusyon bilang paglalahat sa iyong bagong kaalamang natuklasan. Tekstong nagsasalaysay o naratibo Tanong o temang nais suriin Hanap Huwan Hanap Huwan Hanap huwan Resulta Kongklusyon
  • 10. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E PAGLALAHAT Sa pamamagitan ng paggamit ng paglalarawan at maayos na pagsasalaysay naihahatid sa mga mambabasa ang larawang-diwa at imahen na nais bigyang diin o ipahayag at nagkakaroon ng ganap na pag-unawa sa daloy ng mga pangyayari. Sa paggamit ng tekstong paglalarawan, lumilikha ang may-akda sa kaniyang mga mambabasa ng isang detalyeng imaahinasyon na magsisilbing pundasyon niya upang paniwalaan ang katotohanan ng isang bagay, pangyayari, o anumang naganap sa kaniyang pang-araw-araw na karanasan. Gayundin bumubukal ang naratibo sa mahusay na pandama at pagmamasid ng isang manunulat patungkol sa sarili at sa kaniyang kapaligiran, sa pagsasagawa ng paglalarawan, kinakailangang matiyak ang kaisahan ng mga katangian ng tauhan, banghay, at pook na pinangyarihan ng kaganapan. BINABATI KITA! Ang iyong mga natutuhan sa araling ito ay mahalagang pabaon ko sa iyo upang maging handa ka sa mga susunod mong mga hamong kahaharapin sa larangan ng pagsulat at pananaliksik. Tandaan na ang pagsulat at pananaliksik ay isang gawaing bahagi na sa iyong buhay lalo na sa kolehiyo at maging sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maunawaan mo na ang araling ito ay magbibigay ng mahalagang kaalaman at kasanayan upang mas maging masinop ka at maingat sa larangan ng pagsulat at pananaliksik. Ipagpatuloy mo iyong kawilihan at sigasig sa pag-aaral at tinitiyak ko ang iyong katagumpayan sa buhay. Harinawa
  • 11. P R I V A T E E D U C A T I O N A S S I S T A N C E C O M M I T T E E Prepared by: Prop. Arnel B. Clavero Jr. - Adamson University Prop. Mark Laurence J. Fano - Holy Child Central Colleges Prop. Mia H. Gaspe - Pasig Catholic College Dr. Julius Gat-eb - University of Baguio Prop. Angelo V. Manis - University of the Cordilleras Dr. Marivic B. Mutong - University of Baguio Prop. Melanie N. Salingguhay - Saint Louis University Prop. Clint T. Sawangin - Saint Louis University Dr. Helen E. Tolete - Sacred Heart College - Lucena