Anzeige

BUHAY NA NAKALULUGOD SA DIYOS.pptx

8. Oct 2022
Anzeige

Más contenido relacionado

Anzeige

BUHAY NA NAKALULUGOD SA DIYOS.pptx

  1. BUHAY NA NAKALULUGOD SA DIYOS 1 Tesalonica 4-5
  2. Paano dapat mabuhay ang isang anak ng Diyos? Paano masasalamin sa ating buhay ang pananampalataya na ating ipinahahayag? 10/8/2022 PRESENTATION TITLE 2
  3. 1 Tesalonica 4:1-2 “Kaya nga, mga kapatid, isa pang bagay ang ipinapakiusap namin at ipinapayo sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesus. Sana'y lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong pamumuhay ngayon, sang-ayon sa inyong natutunan sa amin, upang kayo'y maging kalugud-lugod sa Diyos. 2 Alam naman ninyo kung ano ang mga katuruang ibinigay namin sa inyo buhat sa Panginoong Jesus. “ 3
  4. Magkaroon ng malinis na pamumuhay 1 Tesalonica 4:3 Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan
  5. Paano Mamuhay ng Malinis? 5 A. Huwag hayaang kontrolin ka ng iyong mga pita (4:5) B. Huwag Kumilos Tulad ng mga Taong Hindi Kilala ang Diyos (4:5) C. Huwag manlamang ng Kapwa (4:6) D. Unawain ang Kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa Iyong Buhay (4:8)
  6. Ibigin ang isa’t-isa 1 Tesalonica 4:9-10 Tungkol naman sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid, hindi na kailangang paalalahanan pa kayo dahil itinuro na sa inyo ng Diyos kung paano kayo magmahalan. At ito na nga ang ginagawa ninyo sa mga kapatid sa buong Macedonia. Gayunman, ipinapakiusap pa rin namin sa inyo, mga kapatid, na pag-ibayuhin pa ninyo ang inyong pag-ibig.
  7. Roma 5:5 5 At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin. 7
  8. 1 Juan 2:9-10 Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag ngunit napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at hindi siya magiging sanhi ng pagkakasala ng iba. 8
  9. 1 Juan 3:14 Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. 9
  10. 1 Juan 4:7-8 7 Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. 8 Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. 10
  11. 1 Juan 4:11-14 11 Mga minamahal, kung ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan. 12 Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nagmamahalan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag- ibig. 13 Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. 14 Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan. 11
  12. Mamuhay ng Tahimik 1 Tesalonica 4:11-12 Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag- ukulan ninyo ng pansin ang sariling gawain at hindi ang sa iba. Maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro namin sa inyo. Dahil dito, igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya at hindi na ninyo kailangang umasa sa iba.
  13. 1 Tesalonica 5:14 14 Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat. 13
  14. 2 Tesalonica 3:11 Binanggit namin ito dahil nabalitaan naming may ilan sa inyong ayaw magtrabaho, at walang inaatupag kundi ang makialam sa buhay ng may buhay. 14
  15. Ang isang paraan ng pamumuhay ng tahimik at hindi pagiging abala sa buhay ng iba ay maging abala sa sarili mong buhay at trabaho 15
  16. Magtrabahong Mabuti Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag- ukulan ninyo ng pansin ang sariling gawain at hindi ang sa iba. Maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro namin sa inyo. Dahil dito, igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya at hindi na ninyo kailangang umasa sa iba. 1 Tesalonica 4:11-12 16
  17. MIND YOUR OWN WORK 17
  18. ANONG RESULTA KAPAG TAYO’Y NAGTRABAHO NG MABUTI? 18
  19. Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag-ukulan ninyo ng pansin ang sariling gawain at hindi ang sa iba. Maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro namin sa inyo. Dahil dito, igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya at hindi na ninyo kailangang umasa sa iba. 1 Tesalonica 4:11-12 19
  20. Magtrabaho Para Maging Mapagbigay Ka 20
  21. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. Efeso 4:28 21
  22. Mabuhay Sa Pag-asa ng Pagbabalik ni Kristo 1 Tesalonica 4:13-18
  23. 13 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa. 14 Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos upang isama kay Jesus ang lahat ng mga namatay na sumasampalataya sa kanya. 15 Ito ang itinuturo ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa at natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na. 16 Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ay bababâ mula sa langit na sumisigaw. At ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. 17 Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman. 18 Kaya nga, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga salitang ito. 23
  24. 4 RASON UPANG NG ATING PAG-ASA KAY KRISTO 1. Pagbabalik (4:16) 2. Muling Pagkabuhay (4:14) 3. Rapture (4:17) 4. Muling Pagsasama-sama (4:17) 24
  25. Paano Tayo Namumuhay sa Liwanag ng Pagbabalik ng Panginoon? 25
  26. Mga kapatid, hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, sapagkat alam na ninyo na ang pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi. Kapag sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at panatag ang lahat,” biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makakaiwas sapagkat ang pagdating nito'y tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaing manganganak. Ngunit wala na kayo sa kadiliman, mga kapatid, kaya't hindi kayo mabibigla sa Araw na iyon na darating na parang magnanakaw. Kayong lahat ay kabilang sa panig ng liwanag, sa panig ng araw, hindi sa panig ng gabi o ng dilim. 6 Kaya nga, kailangang tayo'y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip, at di tulad ng iba. 1 Tesalonica 5:1-6 26
  27. Mga kailangang tandan: a. Tayo ay mga anak ng liwanag at hindi ng kadiliman b. Laging maging mapagmatyag at palaging gising c. Laging handa, at malinaw ang isip 27
Anzeige