Lesson in Hiram na Salita. mga salitang banyagang ginagamit sa Wikang Filipino.
Wala itong katumbas na salita sa wikang Filipino kaya’t hiniram na lang ang pagbigkas at pagbaybay ng banyaga dito.
Maaaring ang mga ito ay may taglay na mga hiram na titik gaya ng: C F, J, Q, V, X, Z
Mga alituntunin sa panghihiram o pagtutumbas ng mga salitang hiram:
1. Ginagamit sa pangngalang pantangi ang mga hiram na titik nang walang pagbabago.
Halimbawa: Mike, Colgate
2. Salitang katutubo mula ibang wika.
Halimbawa:
ifun (pinakamaliit na banak)
masjid (pook-dalanginan ng mga Muslim)
3. Kung konsistent ang pagbabaybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
Halimbawa:
Ingles Filipino
alto alto
editor editor
memorandum memorandum
4.. Kung hindi konsistent ang pagbabaybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent ayon sa tuntuning kung ano ang bigkas ay siyang baybay.
Halimbawa:
Ingles Filipino
meeting miting
leader lider
teacher titser
5. May mga salita sa Ingles na maaaring hiramin nang walang pagbabago. Ito ay ang simbolong pang-agham, salitang agham at teknikal at ang mga salitang Ingles na kapag binabaybay sa Filipino ay malayo na ang kahulugan.
Halimbawa:
calcium H2O (water)
x – ray CO2 (carbon dioxide)
6. Kapag ang hiniram na salita sa Ingles ay may katumbas sa Filipino, katumbas na salita ang siyang gagamitin.
Halimbawa:
Ingles Filipino
ability kasanayan
rule tuntunin
south timogAng mga salitang hiram ay mga salitang nanggaling sa iba’t ibang mga dayuhang nakarating sa ating bansa na kalimitan na nating ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap o talakayan.
Binago man ang baybayin o hindi, mahalaga ang mga salitang hiram sapagkat nakatutulong ito sa pagpapayaman ng ating bokabularyo o talasalitaan.
Ang mga salitang hiram ay mga salitang nanggaling sa iba’t ibang mga dayuhang nakarating sa ating bansa na kalimitan na nating ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap o talakayan.