Samu’t saring tao mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagnanais na
maipakita ang kani-kanilang talent sa pag-awit, pagsayaw, pag-arte, at sa ibang
mga kakaiba, kakatwa at kamangha-manghang kasanayan o kakayahan.
Sa diksiyonaryo, ang salitang Talento ay tumutukoy sa isang likas na
kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. Ito ay kadalasang ginagamit na
kasingkahulugan ng mga salitang regalo at kakayahan. Ang isang talent ay
nararapat lamang na ibahagi sa iba gaya ng isang regalo. Ang salitang talent ay
tumutukoy sa isang pambihira at likas na kakayahan ayon sa Beginning Dictionary
ng mga sikolohistang sina Larence Barhart at Edward Thorndike. Ayon pa sa mga
sikolohistang tulad nila, may kinalaman ang Genetics sa pagkakaroon ng isang
pambihirang katangian na minana sa mga magulang ng taong nagtataglay nito.
Samantala, ang salitang kakayahan naman ay tumutukoy sa isang kalakasan o
power o mas akma bilang Intellectual power sa paggawa ng pambihirang bagay
gaya na lamang ng kakayahan sa pagtugtog ng musika at kakayahan sa paglikha
ng sining. Ito ay likas na taglay ng tao buhat ng kaniyang kakayahang mag isip o
intellect.
Ang teoryang ito ay paniniwalaan ng atletang si Brian Green. Sa kaniyang
pananaw, sa kakayahan dapat nakatuon ang pansin ng nakararami upang
makamit ang tagumpay at hindi sa talent, dahil ang pagtuon ditto ay isang
distraksyon lamang tungo sa tagumpay. Ayon pa kay Green, ang pagpapaunlad
ng kakayahan ay mahalaga para sa isang atleta kung kaya’t ang pagtukoy sa
kaniyang pagmumulan o Baseline sa kaniyang gagawing pagsasanay ay
mahalaga sa kaniyang pag-abot sa nais niyang marating o target.
Ayon naman kay Howard Gardner, ang talent at kakayahan ng isang tao ay
may malaking kaugnayan sa uri ng talinong taglay nito.
1. Talino sa Pagbibigay ng Paliwanag o Hinuha o Visual/Spatial Intelligence.
Ito ay tumutukoy sa mabilis na pagkatuto sa pamamagitan lamang ng
pagtingin at pag-aayos ng mga ideya. Bahagi rin nito ang kakayahang lumikha ng
mga bagay o produkto at ang kakayahang lumikha ng mga bagay o produkto at
ang kakayahang lumutas ng mga suliranin sa isip lamang.
2. Talino sa Pakikipagtalastasan at Pagsasalita o Verbal/Linguistic Intelligence.
Ito ay tumutukoy sa angking talino sa pagbibigkas at pananalita, maging sa
pagsusulat. Sakop din nito ang kahusayan sa pagbabasa, pagmememorya ng mga
salita at mga petsa, pagkatuto ng ibang wika, pagkukwento, pagpapaliwanag,
pagtuturo, pagtatalumpati at pagganyak gamit ang pananalita.
3. Talino sa Matematika, Paglutas at Pangangatwiran o Mathematical/Logical
Intelligence.
Ito ay tumutukoy sa angking talino sa pangangatwiran at paglutas ng suliranin o
problem solving. Kaugnay nito ang talino sa lohika, paghahalaw, at pagbibilang.
4. Talino sa Pagkilos, Paggalaw at Paggawa o Bodily/Kinesthetic Intelligence.
Ang ganitong uri ng talino ay tumutukoy sa kakayahang matuto sa
pamamagitan ng mga kongretong karanasan o interaksyon sa kapaligiran.
Kaugnay nito ang pagkatuto gamit ang sariling katawan gaya na lamang ng
kahusayan sa pagsasayaw o paglalaro.
5. Talino sa Musika at Ritmo o Musical/Rhythmic Intelligence.
Ang talinong ito ay tumutukoy sa pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig,
pag-uulit ng karanasan, ritmo at musika. Ito ay naaayon sa larangan ng musika.
6. Talino sa Pagsusuri ng Sariling Kalooban o Intrapersonal Intelligence.
Ito ay tumutukoy sa intrapersonal na talino at kakayahan sa pag-intindi sa
sariling damdamin at pananaw. Ito ay may kaugnayan sa kakayahan na
magnilay at masalamin ang sariling kalooban.
7. Talino sa Pakikipag-ugnayan sa Ibang Tao o Interpersonal Intelligence. Ang
talinong ito ay tumutukoy sa kahusayan sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa
kapwa tao. Bahagi nito ang kakayahan sa pakikipagtulungan at pakikiisa sa isang
pangkat.
8. Talino sa Paggawa ng Paggawa ng Masusing Pagsusuri o Naturalist Intelligence.
Ang ganitong uri ngb talino ay tumutukoy sa kahusayan sa pag-uuri,
pagpapangkat at pagbabahagdan. Taglay nmito nito ang kakahayahang makilala
ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan.
9. Talino sa Pag-uugnay ng Lahat sa Sansinukob o Existential Intelligence. Ang
talinong ito ay tumutukoy sa kahusayan sa pagkilala at pagtukoy sa pagkakaugnay
ng lahat sa sansinukop. Kaugnay nito ang masusing pagtuklas sa kaugnayan ng
lahat ang dahilan ng pagkalikha ng isang bagay o nilalang, at kung paano
nangyayari at nagkakaugnay ang mga bagay-bagay.