Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Wird geladen in ... 3
1 von 13
Top clipped slide
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHOD).docx
7. May 2022•0 gefällt mir
0 gefällt mir
Sei der Erste, dem dies gefällt
Mehr anzeigen
•877 Aufrufe
Aufrufe
Aufrufe insgesamt
0
Auf Slideshare
0
Aus Einbettungen
0
Anzahl der Einbettungen
0
Downloaden Sie, um offline zu lesen
Melden
Bildung
Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino (Pamaraang Pagtuklas o Discovery Method)
Ang banghay aralin na ito ay halimbawa lamang ng Discovery Method base sa aking pagkakaintindi kung paano ito gawin.
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHOD).docx
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHOD)
I. MGA INAASAHANG BUNGA
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
a. A. Nailalahad ang mga suliraning kinakaharap ng bansa.
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO
a. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mabagal na pag-unlad ng isang
bansa; at
b. Nakapagbibigay ng mga paraan kung paano malalabanan ang mga
suliraning ito.
II. PAKSANG ARALIN: NOLI ME TANGERE (MGA SULIRANING
KINAKAHARAP NG BANSA)
SANGGUNIAN: Batikan 9- pahina 19-20
KAGAMITAN: Mga larawan, Tanaw- Dinig, Pandikitat iba pa
III. PROSESO NG PAGKATUTO
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
PAGDARASAL
“Magsitayo ang lahat para sa isang
panalangin. Pangunahan ang panalangin
Christian.
Maraming Salamat Christian.
Christian: Sa Ngalan ng Ama, ng
Anak, Ng Espiritu Santo..
Ama Namin….
Amen
Isang mapagpalang araw sa ating
lahat!
Kumusta kayo sa araw na ito?
PAGBIBIGAY NG MGA
ALITUNTUNIN
Ano- ano ang gagawin n’yo pag
may nagsasalita dito sa unahan?
Klarisse
Tama!
Ano pa?
Okay Mario
Ang lahat ng iyan ay inaasahan
kong mangyari sa loob ng ating ating aralin.
PAGTUKOY SA MGA LUMIBAN
SA KLASE
Okay may lumiban ba sa araw na
ito?
Mabuti kung ganoon.
B. PAGBAHAGI NG LAYUNIN
Mag-aaral: Magandang araw Gng.
Montimor
Mag:aaral: Mabuti naman po.
Klarisse: Makinig ng Mabuti.
Mario: Itaas ang kanang kamay
kung gusting sumagot. Huwag
sumagot ng sabayan.
Mag-aaral: Okay po Ma’am!
Mag-aaral: Wala po ma’am.
Bago natin tataakayin ang
panibagong aralin ay ibibigay o
ibabahagi ko muna sa inyo ang mga
layuning inaasahang matamo ninyo
pagkatapos ng aralin.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
b. A. Nailalahad ang mga suliraning
kinakaharap ng bansa.
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO
c. Natutukoy ang sanhi at bunga ng
mabagal na pag-unlad ng isang
bansa; at
d. Nakapagbibigay ng mga paraan kung
paano malalabanan ang mga
suliraning ito.
Maraming Salamat.
Ang lahat ng iyan ay inaasahan
kong matamo n’yo sa pagtapos ng
talakayan.
Mag-aaral:
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
a. Nailalahad ang mga
suliraning kinakaharap ng
bansa.
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO
b. Natutukoy ang sanhi at
bunga ng mabagal na pag-
unlad ng isang
bansa; at
c. Nakapagbibigay ng mga
paraan kung paano
malalabanan ang mga
suliraning ito.
C. PAGGANYAK
Mayroon akong ipapakitang mga
larawan sa inyo. Tukuyin ninyo ang
mga larawan na nagpapakita ng
suliranin sa bansa.
INAASAHANG SAGOT:
1. Kahirapan
2. Droga
3. Kawalan ng trabaho
4. Korapsyon
D. PAGLALAHAD (Pagtuklas/
Paglinang)
Pangkatang Gawain
Ngayon ay papangkatin ko kayo
Sa limang pangkat. Magbilang isa
hangggang lima.
5. Child Labor
6. Kakulangan sa seguridad
7. Kawalan ng sapat na
Edukasyon
Mag-aaral: isa, dalawa, tatlo, apat,
lima,
isa, dalawa, tatlo, apat, lima,
P A N A
H I K A R
Aayusin ninyo ang mga ginulong titik
na tumutukoy sa isinasaad ng pahayag.
Ibibigay ninyo ang deskripsyon sa nakaatas
sa inyong salita.
Unang Pangkat
Sapilitang pagtatrabaho ng may edad
5 hanggang 17 taong gulang para sa
pamilya.
Ikalawang Pangkat
Ang suliraning ito ay inihalintulad sa
isang sakit na cancer na pilit
ginagamot ngunit hindi malunasan.
Ikatlong Pangkat
Pangunahing suliraning kinakaharap
ng ating bansa maging sa ibang dako ng
daigdig.
Ikaapat na Pangkat
Gumagawa ng karahasan gaya ng
pagpapasabog sa mga mataong lugar.
K R P N O
S A Y O
Ikalimang Pangkat
Nababago nito ang takbo ng kaisipan,
katawan at pamumuhay ng isang tao.
Mga Inaasahang Sagot
Unang Pangkat:
CHILD LABOR
Ito ay ang pagpapatrabaho sa isang
bata o menor na edad lalo na kung
sapilitan. Ang isang bata na nasa edad
5 hanggang 17 taong gulang ay isang
itinuturing na child labor.
Nagtatrabaho ang mga bata sa kabila
ng kanilang murang edad upang
kumita ng salapi na pantustos sa
pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ang child laboray ang pagpapatrabaho
sa isang bata ng walang permit,
makakasama sa kanilang kalusugan,
kulang sa edad, at marami pang
kadahilanan. Ang sapilitang trabaho
ay ang pagtatrabaho nang hindi gusto,
biglaan, o sapilitan.
L A W A N G
R I D A D G U S E
G O R A D
Nakita na ang ganitong pangyayari
noong panahon ng mga Kastila.
IKALAWANG PANGKAT
KORAPSYON
Ang korapsyon ay sistemang
pagnanakaw ng indibidwal na nasa
posisyon ng pera ng kinasasakupan
niya para sa sariling kapakanan. Ito
ay ang talamak na pagnanakaw sa
kaban ng bayan na nakaaapekto sa
sambayanan partikular na sa
serbisyo publiko at pagbibigay tulong
sa mga maralita. Sa halipna
napupunta sa tamang kaukulan ang
kabuuan ng pondong nakalaan para
sa mga proyekto na tutulong sanang
maibsan ang lumalalang kahirapan,
ibinubulsa ito ng mga tiwaling opisyal
ng gobyerno para sa kanilang personal
na interes. Ang korapsyon sa bansa ay
katulad ng isang cancer na pilit
ginagamot ngunit hindi malunasan.
IKATLONG PANGKAT
KAHIRAPAN
Ang kahirapan ay isang kalagayan
kung saan hindi nakakamtan ng
nakararanas nito ang mga
pangunahing pangangailangan sa
pang araw-araw.Ito ang pangunahing
suliranin ng ating bansa. Ang
kahirapan ay isa sa mga problema na
kinakaharapng mga Pilipino. Ito ay
isa rin sa problema na hindi matapos
tapos at hindi rin mabigyan ng
solusyon. Mahigit kumulang 48% o
11.1 milyon ang bilang ng mga
pamilyag Pilipino na nagsasabi at
itinuturing ang kanilang sarili bilang
mahirap. Ito ay batay sa ikalawang
‘survey’ na ginawa ng SWS o Social
WeatherStations.
IKAAPAT NA PANGKAT
E. PAGTALAKAY
Ang mga suliraning kinaharap na
KAKULANGAN SA SEGURIDAD
Kaguluhan na nararanasan ng ating
bansa laban sa mga taong ang layunin
ay maghasik ng kaguluhan at
pabagsakin ang namumuno ng ating
bayan. Malaki ang nagiging epekto
nito sa lipunan lalo sa ating mga
mamamayan para sa kanilang
kaligtasan. Gayundin malaki ang
epekto nito sa ekonomiya at turismo.
IKALIMANG PANGKAT
DROGA
Ang ipinagbabawal na mga gamot,
ilegal na mga droga, inaabusong mga
gamot, o mapanganib na mga gamot
ay tumutukoy sa anumang sangkap,
hindi kasama ang tubig at mga
pagkain, na nakapagpapabago sa
takbo ng kaisipan at katawan
isang ng tao. Maaaring makaapekto
ang droga sa isip lamang ng tao o sa
katawan ng tao, subalit maaari ring
parehong maapektuhan ang mga ito.
Sa malawakang kahulugan,
kinabibilangan ang mga bawal na
gamot ng mga produktong drogang
may kapeina, tabako, mga
nalalanghapna sangkap o mga
inhalante, ang marihuwana o cannabis,
heroina,at mga isteroyd.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang
laganapang paggamit ng
ipinagbabawal na gamot o ilegal na
droga. Ang pagkalat nito ay isang
malaking dagok sa ating lipunan hindi
lamang dahil sa maraming buhay ang
nawawasak at napipinsala kundi
gayundin ang kinabukasan ng mga
kabataan. Sinasabing matagal ng
nilalabananng ating gobyerno ang
pagsugpo sa droga na kung saan
itinuturing na matinding salot sa ating
lipunan.
ating bansa ay nangangailangan ng
solusyon.
Ngayon ay iyong tukuyin ang
angkop na bunga sa mga suliraning
kinakaharap ng bansa. Piliin at iguhit ang
hugis ng tamang sagot na nakalagay sa tabi
ng
pahayag.
- Apektado ang pangangailangan ng
pamilya.
- Babagsak ang ekonomiya ng bansa.
- Hindi na naipagpapatuloy ang pag-
aaral.
- Mahirapmakahanap nang maayos na
trabaho.
- Sinisira nito ang katinuan ng isang
tao.
SANHI SANHI
1. Maraming Pilipino
ang mababa lang ang
pinag-aralan
2. Maagang namulat
sa pagtatrabaho
3. Kawalan ng
mapapasukan
4. Paggamit ng
ipinagbabawal na
gamot
5. Patuloy na
paglaganap ng
kaguluhan sa bansa
F. PAGLALAHAT
Sa mga nabanggit na problema
ng bansa alin doon ang maituturing
na Kanser sa Lipunan?
Okay Jhon.
Magaling Jhon!
SANHI SANHI
1. Maraming
Pilipino ang
mababa lang ang
pinag-aralan
2. Maagang
namulat sa
pagtatrabaho
3. Kawalan ng
mapapasukan
4. Paggamit ng
ipinagbabawal na
gamot
5. Patuloy na
paglaganap ng
kaguluhan sa
bansa
Inaasahang Sagot
Jhon: Ang Korapsyon ang
maituturing na kanser sa lipunan
kahit ano mang pagpigil na ginawa
ng mga taong mabubuti ngunit
hindi pa rin maikalang mayroon
paring mga nasa posisyon ang
gumawa ng hindi Mabuti.
Nangangamkam sa kaban ng
bayan.
Bilang kabataan sa bagong
panahon ano ano ang mga magagawa
mo para malutas o masulosyunan ang
mga problema ng ating bansa?
Bilang isa sa mga kabataang
inaasahan nap ag-asa ng bayan
makatutulong ako sa pamamagitan
ng paggawa ng Mabuti. Sa
pagsisimula mismo sa aking sarili.
IV. PAGTATAYA
A. PANUTO: Piliin ang suliranin na nararanasan ng bansa na angkop sa
mga
ibinigay na solusyon na maaaring makatulong sa pag-unlad ng bansa. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Pagkakaisa tungo sa mapayapang pamumuhay.
A. Child Labor B. Kahirapan C. Kawalan ng seguridad D. Korapsyon
_____2. Tanggalin ang korapsyon sa gobyerno na nagpapahirap sa mga
mamamayang Pilipino.
A. Droga B. Kahirapan C. Unemployment D. Walang sapat na edukasyon
_____3. Palakasin ang ekonomiya ng bansa na makatutulong sa pagdami ng
trabaho.
A. Child Labor B. Droga C. Korapsyon D. Unemployment
_____4. Paghigpit sa mga batas na nangangasiwa sa Karapatang Pantao ng mga
kabataan.
A. Child Labor B. Droga C. Korapsyon D. Unemployment
_____5. Gumawa ng programa na walang sawang magpapaalala sa mga tao
sa masamang dulot ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
A. Droga B. kahirapan C. Korapsyon D. Walang sapat na edukasyon
B PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang mga pahayag na makatutulong sa
kalagayan ng bansa.
______1. Tigilan na natin ang inggitan at kasakiman.
______2. Unahin ang sarili bago ang bayan.
______3. Kailangan matutuhan ng mga tao kung paano makalalamang sa
iba.
______4. Magkaisa ang mga mamamayan na tumulong sa pamahalaan.
______5. Walang kakalat-kalat na mga bata sa lansangan kung magiging
responsible
ang bawat magulang.
V. TAKDANG- ARALIN
Magsaliksik ng mga panukalang batas sa kasalukuyan na siyang
solusyon sa mga problemang nabanggit sa talakayan.