Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.

Pinagmulan Ng Tao

681 Aufrufe

Veröffentlicht am

Hope to be useful ;)

Veröffentlicht in: Bildung
  • Als Erste(r) kommentieren

  • Gehören Sie zu den Ersten, denen das gefällt!

Pinagmulan Ng Tao

  1. 1.  Ang mga pinaniniwalaang unang tao na lumitaw o umiral sa mundo.  Ayon sa mga ebidensiyang pang-agham, ang mga anatomikal na modernong tao ay nagebolb sa Silangang Aprika noong mga 200,000 taong nakakalipas mula sa Homo heidelbergensis bago kumalat sa iba't ibang panig ng mundo. Ang pinakamatandang nahukay na fossil ng mga anatomikal na modernong tao ang mga labing Omo sa Ethiopia na may edad na 195,000 (±5,000) taong gulang.[1][2]  Ayon sa mga mitolohiya ng mga iba't ibang mga relihiyon, ang unang lalaki at/o unang babae ang unang (mga) tao na nilikha ng kanilang (mga) diyos na naging ninuno ng kasalukuyang sangkatauhan.
  2. 2.  Para sa sinaunang Babylonia May paniniwalang ang Diyos na si Marduk ang lumikha ng daigdig, kalangitan at tao buhat sa kanyang pagkakagapi sa babaing halimaw na si Tiamat. Ang pagkakahating ginawa ni Marduk ka Tiamat ay nagbunsod ng paglikha sa daigdig at kalangitan. Samantala matapos naman manaig sa asawa niyang si Kingu ginamit ni Marduk ang dugo nito upang lumikha ng tao.  Para sa mga Maya ng Mesoamerica Ang tao ay nilikha ng mga Diyos na sina Tepeu at Gucamatz mula sa minasang mais. Ito ay matapos ang ilang mga nabigong pagtatangkang makagawa ng tao mula sa putik at kahoy.
  3. 3. o CREATIONISM Ang lahat ng uri ng mga hayop sa kasalukuyang panahon, at maging lahat ng mga nangawala na ay kaanak ng mga unang hayop na nilikha ng Diyos sa loob ng 6 na araw. Ito ang pinalaganap na paniniwala ng madla ukol sa pinagmulan ng tao na tinatawag na Creationism o Creation Science. Maraming uri ang kaisipang creationism, partikular sa mga relihiyong Judaism, Kristiyanismo at Islam. Sa halos 12 sistemang paniniwalang nakapaloob dito maaari itong uriin sa 2 pangkat New Earth Creationists at Old Earth Creationists  NEW EARTH CREATIONISTS Sila ay naniniwala na ang daigdig, mga nilalang at lahat ng mga bagay sa kalawakan ay nilikha ng Diyos halos 10,000 taon na ang nakalilipas. Ang konseptong ito ay itinataguyod ng mga taong naniniwala sa kawalang kamalian ng sagradong aklat ng Bibliya at sa pagpapalahulugan nitong literal.
  4. 4.  Inilimbag naman ni JEAN BAPTISTE LAMARCK ang unang teorya ng ebolusyon subalit hindi sapat ang ibinigay nitong impormasyon hanggang sa nagpalabas ng impomasyon sina CHARLES DARWIN at A.R. WALLACE noong 1858.
  5. 5.  Ayon kay Charles Darwin ang pagsisikap na mabuhay ang paliwanag sa ebolusyon. Sa bawat uri, naniniwala siya na may mga tao na ipinanganganak na naiiba sa karamihan. Ang mga taong may mabuting paggamit sa kapaligiran ay nabubuhay at nakapagpaparami ng mga supling na katulad nila. › Ayon sa kanya “nagmula ang tao sa hindi gaanong mataas na organisadong anyo, at ang lahat ng mataas na anyo ng buhay ay nanggaling sa maliit na ‘isdang’ kapareho ng mga hayop”
  6. 6.  Dryopithecus ang unang ape na may mahusay na labi na matatagpuan sa Europe,India at China. Pinaniniwalaa n nang iba na nagmula daw dito ng tao.
  7. 7.  Australopithecus- Isang genus na naninirahan sa Africa mga apat na taon nang nakalilipas. Nagmula ito sa salitang Greek na austral at pitheko s na ang ibig sabihin ay "Souther ape".
  8. 8.  Homo Habilis (2 ½ milyong taon)Itinuring na Man of Skill oHandy Man sa kadahilanangang kanilang mga kagamitanay karaniwang mga batonglava na gamit sa paghiwa ngkarne.
  9. 9.  Homo Erectus Nabuhay noong 500, 000 taon.• Tinaguriang Upright Man.• May maayos na panga at mukha.• Pithecanthropus erectus at Sinanthropus pekinensis
  10. 10.  Homo sapiens Nabuhay ng nakaraang 250,000 taon.• Ang bungo nito ay tulad ng modernong tao.• Higit na maayos ang kanyang kagamitan na lapad at may pinong tagiliran.• Gumagamit na rin ito ng sibat bilang sandata.
  11. 11.  Taong Neanderthal Nabuhay noong nakaraang 70, 000 taon• Uri ng Homo Sapiens na natuklasan sa Europa, Asya at Aprika.• Lumitaw noong panahon ng yelo sa Europa.
  12. 12.  Homo sapiens sapiens Nabuhay noong 35,000 taon na ang nakakaraan.• Ganap na nadebelop na homo sapiens sa Europa, Asya at Aprika.• Gumagamit na ng mga buto ng hayop, at kahoy, at mga bagay na pangkiskis ng mga kagamitang mayroon nang magkabilang talim.
  13. 13. Kayceleen Dumali Ivan Tagle Marinella Ramos Gemberlyn Poblete Frenica Legaspi Gregor Sardinola Criselda Manuel

×