Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
COVID-19 Infographics
1. Ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus
na nagiging dahilan ng mga impeksyon sa paghinga. Ang mga ito ay
maaaring karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit.
Dahil sa isang bagong Coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-
2, nagkaroon ng "Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)“. Ibukod
ang sarili kapag nakaramdam ng lagnat, ubo, pamamaga ng
lalamunan at pangangapos ng hininga sapagkat mga sintomas ito
ng COVID-19 at maaari itong kumalat patungo sa ibang tao. Ito ay
unang iniulat noong Disyembre 2019 sa Wuhan City sa China.
2. Paano ito kumakalat?
Kumakalat ang COVID-19 dahil sa mga patak mula sa mga
bahin at ubo. Kumakalat din ito dahil sa malapitang pakikihalubilo
sa iba, kabilang ang pakikipagkamay at pakikibahagi ng mga
pagkain o inumin.
Halimbawa:
• Lumapit masyado si Ana sa isang nahawaang tao kaya
nahawaan siya ng sakit na COVID-19.
• Hindi tinakpan ni Berto ang kanyang bibig nang siya ay
umubo o bumahin kaya nahawaan ang mga nasa
paligid niya.
• Nakipagkamay si Cardo sa isang nahawaang tao kaya
nagkasakit din siya ng COVID-19.
3. Mga sintomas ng COVID-19
Magpahinga at huwag lumabas ng bahay kapag nakaramdam
ng mga sintomas ng COVID-19 dahil delikado ito kapag lumala at
maging pulmonya. Tumawag nang Doktor kung kinakailangan.
Mga Sintomas:
• Ubo
• Nahihirapang huminga
• Lagnat
• Giniginaw
• Paulit-ulit na panginginig na may kasamang ginaw
• Pananakit ng kalamnan, ulo at lalamunan
• Pagkawala ng panlasa o pang-amoy
4. • Magpabakuna dahil mabisa itong proteksiyon sa COVID-19.
• May pandemic ngayon kaya manatili sa loob ng bahay.
• Magsuot palagi ng mask at lumayo ng anim na talampakan sa ibang tao dahil
maproprotektahan nito ang iyong sarili laban sa virus.
• Takpan palagi ang ilong at bibig tuwing umuubo at bumabahin sapagkat
nakakahawa ang mga patak galing sa bahin at ubo.
• Huwag hahawakan ang iyong mga mata, ilong at bibig dahil mahahawaan ka
ng virus.
• Tumawag kaagad ng Doktor kapag nahihirapang huminga sapagkat isa itong
sintomas ng COVID-19.
• Maghugas palagi ng kamay at gumamit ng hand sanitizer sapagkat isa itong
paraan para makaiwas sa virus.
Protektahan ang iyong sarili at iyong
komunidad
5. Gawaing Pagganap sa Filipino Bilang 2
(Sanhi at Bunga)
IPINASA NI:
Gennica Anne Cabrigas
GRADE 7-STE
IPINASA KAY:
Bb. Chamil C. Fabular
Guro