Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.
Banghay-Aralin sa Filipino IV
Wika
I. Layunin
A. Tukoyin sa mga salitang nabasa na nagpapahiwatig o nagbabala.
B. Pag-uuri...
Ako’y nagagalak sapagkat nasagot
ninyo ang aking katanungan.
Mabuti ba kayong tagapakinig?
Unawaing mabuti ang kwentong
“H...
D. Pangkalahatan
Ano ang pangungusap?
Ilan ang mga Uri ng Pangungusap ayon sa
gamit at Anu-ano ang mga ito?
Aling bantas n...
B. Subukan Mo Na
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong o Padamdam.
...
Nächste SlideShare
Wird geladen in …5
×

GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN

CREDIT NA LANG PO HA? IF gagamitin nyo po, ginamit ko to nag apply ako sa public...

Ähnliche Bücher

Kostenlos mit einer 30-tägigen Testversion von Scribd

Alle anzeigen

Ähnliche Hörbücher

Kostenlos mit einer 30-tägigen Testversion von Scribd

Alle anzeigen
  • Als Erste(r) kommentieren

GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN

  1. 1. Banghay-Aralin sa Filipino IV Wika I. Layunin A. Tukoyin sa mga salitang nabasa na nagpapahiwatig o nagbabala. B. Pag-uuri ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayarian. C. Gamitan ng mga ibat-ibang bantas ang pangungusap. II. Paksa at Aralin: A: Paksa: Pagkilala sa ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at kayarian nito B. Sanggunian: Hiyas sa Filipino IV p.10-13, 16 http://lessonproper.blogspot.com/2011/06/uri-ng-pangungusap-ayon-sagamit.html C Kagamitan: laptop, ohp projector, plaskard III. Pamamaraan Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral A. Panimulang Gawain a. Panalangin b. Pagtetsek ng liban at hindi liban.. c. Pagbati. B. Balik-Aral Magpapakita ang guro ng ibat-ibang uri ng pangungusap sa pisara. Ating basahin ang mga sumusunod: Mga bata pansinin ang mga nakapaskil sa pisara. Ano-anu ang mga nakapaskil na ito, sino ang may ideya? Tama, ito ay mga pangungusap. Ngayon sa nakaraang araw ng ating talakayan. Ano nga ulit ang pangungusap. 1. Namangha si Rene nang mabasa ang nakapaskil sa harap ng kanilang tahanan. 2. Bukas ay magsadya po kayo sa taong napagsanlaan ng lupa at sabihing makikipag- ayos po tayo. 3. Huwag po kayong mag-alala. 4. Bakit kaya? Ano ang nangyari? 5. Inay! Itay! Narito na po ako! Ito po ay mga pangungusap. Ito po ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Ito po ay nagsisimula sa malaking titik.
  2. 2. Ako’y nagagalak sapagkat nasagot ninyo ang aking katanungan. Mabuti ba kayong tagapakinig? Unawaing mabuti ang kwentong “Huwag Kayong Mag-alala”. Uriin ang mga pangungusap ayon sa gamit. C. Paglalahad Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang simuno at panag-uri Ano-anu ang mga ito? 1. Nagsasalaysay- pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay ng pangyayari. Ito ay nagtatapos sa tuldok. (.) Halimbawa: a. Si Ana ay tumatakbo. b. Ang ibon ay lumilipad. 2. Pa-utos-pangungusap na nag-uutos at nagtatapos sa tuldok. (.) Halimbawa: a. Magdilig ka ng halaman. b. Magsibak ka ng kahoy 3. Pakiusap- pangungusap na maaring nagsasaad ng paghingi ng pabor. Ginaagamitan ng magagalang na salita upang maki-usap. Maaring nagtatapos sa bantas na tuldok o tandang pananong (./?) Halimbawa a. Maari ba akong humiram ng lapis. b. Pakisara po ang pinto. 4. Patanong- pangungusap na naghahanap ng kasagutan at nagtatapos sa bantas na tandang pananong. (?) Halimbawa: a. Nasaan na ba ang aking apo? b. Kaya mo bang buhatin ‘yan? 5. Padamdam- pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin. Maaring pagkatuwa, pagkabigla, pagkatakot o pagkalungkot. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam. (!) Halimbawa: a. Naku! Ang daming insekto! b. Bilisan mo! Umuulan na!
  3. 3. D. Pangkalahatan Ano ang pangungusap? Ilan ang mga Uri ng Pangungusap ayon sa gamit at Anu-ano ang mga ito? Aling bantas nagtatapos ang pangungusap na pasalaysay, pautos at pakiusap? Anong pangungusap ang nagtatapos sa tandang pananong? Anong pangungusap ang nagtatapos sa tandang padamdam? Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ng simuno at panag-uri. Lima po ang Uri ng pangungusap ayon sa gamit ito po ay ang mga pangungusap na pasalaysay, patanong, pakiusap, pautos at padamdam. Ang pangungusap na pasalaysay, pautos at pakiusap ay nagtatapos sa tuldok. Ang pangungusap na patanong ay nagtatapos sa bantas na tandang pananong. Ang pangungusap na padamdam ay nagtatapos sa bantas na tandang padamdam. IV. Pagtataya: A. Subukan Natin Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong o Padamdam. Lagyan ng tamang bantas. 1. Si Lisa ay matalinong bata_ A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam 2. Hay Naku_ Kayo na ang mag-usap__ A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam 3. Saan ka pupunta_ A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam 4. Dalhin mo sa akin ang lapis na ‘yan_ A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam 5. Paki abot po ng lapis ko_ A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam Sagot: Bilang Titik Bantas 1 A pasalaysay tuldok (.) 2 E padamdam tandang padamdam (!) 3 C patanong tandang pananong (?) 4 B pautos tuldok (.) 5 D pakiusap tuldok (.)
  4. 4. B. Subukan Mo Na Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong o Padamdam. Lagyan ng tamang bantas. ---1. Mabilis akong tumakbo sa bintana at sumilip ako__ __2. Maari po ba akong humiram ng pera_ __3. O, bakit ka naudlot_ __4. Sige, Gina, patuluyin mo_ __5. Dito na ba sila patitirahin_ __6. Naku_ may sunog_ __7. Huwag mong intindihin ‘yon_ __8. Kumain na tayo_ __9. Napatingin ako sa tatay __10. Kinapos ng pagkain si Aling Gloria_ Sagot: Bilang Uri ng Pangungusap Bantas 1 pasalaysay tuldok (.) 2 pakiusap tuldok (.) 3 patanong tandang pananong (?) 4 pasalaysay tuldok (.) 5 patanong tandang pananong (?) 6 padamdam tandang padamdam (!) 7 pasalaysay tuldok (.) 8 pasalaysay tuldok (.) 9 pasalaysay tuldok (.) 10 pasalaysay tuldok (.) V. Takdang Aralin: Sumulat sa iyong kwaderno ng tig-dalawangpangungusap na Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong at Padamdam Inihanda ni: Mary Jean M. Dacallos Aplikante

×