6. PANAHONG PALEOLITIKO
Tumagal mula higit dalawang milyong taon hanggang 8,000
B.C ang pahanahong ito.
( Mababa, Gitna at Mataas na Paleolitiko)
Sa Asya ang pinakamatandang halimbawa ng Mababang
Paleolitiko ay natagpuan sa Kwebang Zoukoudian (Choukoutien) na
malapit sa Beijing, Tsina.
Upang makagawa ng isang kasangkapang bato, pinupukpok
lamang nila ito kapag nabasag maari na itong gamitin ang natapyas
basta’t may talim ang mga ito. Tinatawag nila itong flaked stone stool
o tinapyas na kasangkapang bato. Karaniwang mga hand axe at
chopper tool ang kanilang ginagamit.
Sa timog-kanlurang Asya nama,Gitnang Asya at Tsina
naging laganap ang teknolohiya ng Gitnang Paleolitiko.
7. PANAHONG PALEOLITIKO
Ito ay binubuo sa paggawa ng tinapyas na bato mula sa
inihandang upang sadyang tapyasin.. Ikinakabit ang tinapyas sa
kahiy at ikinakabit sa sibat.
Ang mga labi ng Mataas na Paleolitiko ay matatagpuan sa
kabuuan ng Asya kabilang na dito ang Siberia at Pilipinas. Kasabay
nito ang pagkabuhay ng mga Tabon sa Pilipinas.
Karaniwang naninirahan ang mga ito sa mga kweba o rock
shelter.
Natuto silang gumamit ng palakol, paet, pana at sibat
makalipas ang maraming taon. Nabuhay sila sa pamamagitan ng
pangangaso, pangingisda at pangangalap ng pagkain.
8. PANAHONG PALEOLITIKO
Natutunan din nila ang pag-ukit, pagliilok, at pagpinta. Ito
ay ginamit nila sa pagguhit ng dingding ng kweba at paggawa ng
talim ng sibat, kutsilyo at iba pang kagamitan yari sa bato. Sa
relihiyon ang mha taong Neanderthal na naipamalas sa pag-aalay
ng sakripisyo, pagkain at mga palamuti sa patay.
Sa Tsina, hinihinala ng mga antropologo na maaaring
unang patunay ang ritwal ang hematite. Ginagamit na pangkulay sa
mga labi ng namatay.
Ang paglilibing sa mga namatay kasama ang kanilang
kasangkapan ay isa nang indikasyon na may paniniwala na sa
kabilang buhay ang mga taong Neanderthal.
9. PANAHONG PALEOLITIKO
Kaugnayan ng Kapaligiran sa Pamumuhay
Paleolitiko
Malaki ang kaugnayan ng kapaligiran sa mga taong
nabuhay sa panahong ito. Kailangang maiangkop ng mga tao
ang kanilang sarili sa uri ng klima, kapaligiran, at sa paraan ng
kanilang pamumuhay. Simple lang ang pamumuhay ng tao
noon, nakatira sa yungib na lugar, mga ligaw na hayop ang
pagkain sa araw-araw.
Ang pagsamba sa kanilang pinaniniwalaang
makapangyarihan sa kanila, ang kalikasan. Itinuturing nilang
sagrado ang ganitong mga bagay.
May mga palatandaan sa hilagang India na ginagamit sa
gawaing panrelihiyon ang mga kwebang sinaliksik ng mga
antropologo.
10. PANAHONG PALEOLITIKO
Matatgpuan ang mga Homo Ertectus hindi lamang sa
Aprika kundi sa malalamig na lugar sa Tsina, Europa, at Siberia.
Dahil sa kakayahan ng mga sumunod na taong Paleolitiko
na tiisin ang lamig, nagawa nilang manatili at mamuhay sa
malalamig na lugar. Pinagdugtong ang pinatuyong mga balat ng
hayop at ginawa itong balabal o damit laban sa lamig.
Sa pagkakatunaw ng yelo bunga ng init, lumitaw ang
malalawak na lupain sa hilaga. Lumitaw ang maraming
mapagkukunan ng pagkain. Nanirahan ang mga taong paleolitiko.
Natuto silang maghanap ng makakain at sa halip na
malalaking kasangkapang bato ang gamitin, gumamit sila ng blade
na kanilang pinagdurugtong upang makalikha ng bagong
kagamitan.
12. PANAHONG NEOLITIKO
Nagsimula ang panahin ng bagong bato o Panahong Neolitiko
noong 8,000 B.C.
Lumaganap sa maraming bahagi ng mundo ang produksyon
ng pagkain. Kabilng na dito ang mga butil, (wheat, barley, millet) at iba
pang halaman, gayundin ang paghahayupan o pag-aalaga ng hayop
tulan ng tupa, kambing at baka.
Sadya ang paghugis at pagkinis ng mga taong Neolitiko sa
mga batong gamit sa samu’t sari at malilikhang gawain.
Lumitaw ang busog at pana, gayundin ang iba pang gamit sa
pagtatanim at pag-aani ng mga butil. Bumilis ang paggawa ng mga
palayok at pagtatayo ng mga kamarin na taguan ng mga ani.
Bunga ng pagdami ng tao at pagliit ng panustos ng naani sa
iba’t ibang kadahilanan, sinubukan na magtanim ng butil (trigo o
barley) sa mababang lugar sa kabundukan.
13. PANAHONG NEOLITIKO
Bunga ng pagdami ng panustos ng pagkain, lalong lumaganap
ang pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Nakabuo sila ng nayon.
Bumilis ang pagdami ng populasyon. Nagsimulang magkaroon ng
simpleng sistema ng pamamahala lalo na sa pagpapalitan ng
produkto.
Unti-unting humiwalay sa karaniwang gawain ang mga
espesyalista sa mga gawaing ritwal. Lalong sumigla ang pagpapalitan
ng kalakal.
Bunga ng pagbabagong ito gayundin ang pagkakatuklas sa
metal bilang materyal sa paggawa, lumitaw ang mga estadong
lungsod at ang tonawag na buhay-lungsod o sibilisasyon.
Lumaganap sa Taiwan, Pilipinas at Indonesia hanggang sa
pulo ng Pasipiko sa silangan at sa Pulo ng Madagascar sa may Aprika
sa Kanluran.
14. PANAHONG NEOLITIKO
Kaugnayan ng Kapaligiran sa Pamumuhay
Neolitiko
Bumilis ang ginawang pagbabago ng tao sa mga likas na anyo
ng mga bagay sa kapaigiran at sa kapaigiran mismo. Natuto silang
magsaka sa mga lugar na dating tirahan ng maiilap na hayop.
Nangangaso at nangingisda habang nag-aantay ng anihan.
Pinakamalaking pagbabago sa kapaligiran ang nagawa ng
pamumuhay na Neolitiko. Pati ang pagdaloy ng ilog ay pinakialaman
upang malagyan ng tubig ang mga lugar na dati ay iang.
Higit na mabilis ngayon maunawaan ng mga taong Neolitiko
ang kanilang kapaligiran. Bukod sa marami na silang panahon upang
magmasid sa kalikasan, may marunong din sa pagbibigay-kahulugan
sa pahiwatig ng kalikasan.
15. PANAHONG NEOLITIKO
Sa timog-silangang Asya, ang pagtaas ng dagat simula 6000
B.C ay napalitaw ng iba’t ibang uri ng kapaligiran kung kaya umayon
dito ang pag-unlad ng pamumuhay ng tao.
Natutuhan ng mga taga-Timog-silangang Asya ang paglikha ng
mga sasakyang-dagat na may iba’t ibang disenyo. Humusay rin sa
kanilang kakayahan sa nabigasyon o paglalakbay-dagat. Natutuhan nila
ang iba’t ibang anyo ng alon, ang paggamit sa mga bituin at hangin
bilang gabay sa paglalakbay.
Noong 5000 B.C., sinimulan ng mga nagsasalita ng wikang
Austronesyano ang pagtawid sa dagat. Lumaganap sila sa Taiwan,
Pilipinas at Indonesia hanggang sa mga Pulo na Pasipiko sa silangan at
sa pulo ng Madagascar sa may Aprika sa kanluran.
17. PANAHONG METAL
Tinataya ng mga Arkeologo na ang panahon ng metal sa
Timog-kanlurang Asya ay nagsimula noong ikapitong milenyo B.C. May
tallong uri ng meta na ginamit ang mga tao bilang materyal sa paggawa
ng kasangkapan – tanso, bronse (halo ng tanso at tin) at bakal.
Nagsimula ang paggamit sa tanso bilang kasangkapan noong 6250
B.C, sa bronse noong 3000 B.C at sa bakal noong 1000 B.C.
Maagang namulat sa mga tao ang mga metal na ito. Ngunit
matagal bago nila natuklasan ang paggamit sa mga ito bilang materyal
sa paggawa ng kasangkapan.
Nauna na ginamit ang bronse kaysa baka kahit kilala na at
maraming mapagkukunan itong huli.
18. PANAHONG METAL
Ang Catal Huyuk sa Turkey ang isa sa mga kinatagpuan ng
mga unang gumamit ng tanso bilang kasangkapan. Nakatagpo rito ng
mga karayom na yari sa tanso na hinihinalang kanilang ginamit sa
paghahabi ng kanilang damit.
Ginamit naman ito sa Chaldea sa paggawa ng mga luhuan,
kubyertos, at palamuti noong ikaapat na milenyo B.C.
Isa sa mga natuklasang materyal ang mga arkeologo ay ang
bronse na pinaghalong tanso at tin. Kung tutuusin, higit na matigas ang
bronse sa tanso. Subalit higit na mabilis matunaw ang bronse kung
kaya naging madali para sa mga sinaunang taong ihulma ito sa iba’t
ibang hugis. Hindi ito basta basta masisira ng kalawang.
19. PANAHONG METAL
Sa hilaga-silangang Thailand at hilagang Vietnam, may mga
natagpuang patunay ng paggawa ng bronse noong papatapos ang
3000 B.C.
Kung ihahambing sa gamit na gawa sa bato, higit na matibay,
matigas at matalas ang mga kasangkapang yari sa metal. Madali pa
itong ihulma sa iba’t ibang hugis at gamit, nang matutuhan at
mapaunlad ng mga sinaunang tao ang agham at sining ng metalurhiya
ng metal.
Sa paggamit ng meat bilang materyal sa paggawa ng
kasangkapan, higit na bumilis ang produksyon ng pagkain na
nagpagaan sa buhay ng marami.
Sa pagdami ng pagkain, bumilis ang pakikipagkalakalan sa
ibang bayan.
20. PANAHONG METAL
Malaki ang naitulong ng metal sa urbanisasyon. Dahil may labis
na produksyon ng pagkain, maraming tao ang nagkaroon ng pagkain,
maraming tao ang nagkaroon ng maraming oras, kung hindi man
nalibre sa pagsasaka, upang paunlarin ang kanilang kalaaman sa
paggawa ng iba sa paghahayupan, mayroon sa pagpapanday, ang
ibang tao sa konstruksyon, ang ilan sa gawaing administrasyon.
Lahat ng ito ay nabuo sa tulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng
mga tao na sanhi ng paggamit ng tanso, bronse, at baka bilang mga
materyal sa paggawa ng kanilang kasangkapan.