3. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
1. Natutukoy ang mga elemento ng
Tekstong Naratibo.
2. Nakasusuri ng isang halimbawa ng
Tekstong naratibo
3. Nakagagawa ng sariling halimbawa ng
tekstong naratibo
3
4. “TIYAK NA MARAMING ALIW AT
SAYA PARA SA MGA MAHILIG
MAGBASA
MGA TEKSTONG NARATIBO’Y DI
LANG NAKALILIBANG KUNDI
MAY ARAL PANG DALA.”
Ano ang masasabi mo sa
ipinapakitang pahayag ?
4
5. SIMULAN NATIN!
Ano ang paborito mong
maikling kuwento?
Ano ang paborito mong
pabula?
Ano ang paborito mong
alamat?
5
6. Ano ang tekstong naratibo?
Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging
may mga pangyayaring naibabahagi o
naikukuwento niya sa iba.
Sa halip, naitatala rin sa mga pahina ng isang
talaarawan. Hindi halos nararamdaman ng
nagsusulat na siya’y bumubuo na pala ng isang
kuwento, ang kanyang sariling kuwentong
bahagi ng isang uri ng teksto, ang tekstong
naratibo.
6
7. Mga katangian ng Tekstong Naratibo
Ang bawat uri ng tekstong ito ay
may kanya-kanyang taglay na
katangian subalit ang
mambabasa mo sa ibaba ay
pangkalahatang katangian
taglay ng bawat uri ng tekstong
naratibo.
7
9. Ang isang katangiang taglay ng lahat ng
tekstong naratibo ay ang pagkukuwento
kaya naman taglay ng mga ito ang
mahahalagang elementong lalong
magbibigay daan sa nakalilibang,
nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na
pagsasalaysay. Sa mga elementong ito
rin makikita kung paano naihahabi o
pumapasok ang mga tekstong
deskriptibo.
9
10. 1. Tauhan
Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat
umayon sa pangangailangan.
May dalawang paraan sa
pagpapakilala ng tauhan-ang expository
at ang dramatiko.
Expository kung ang tagapagsalaysay ang
magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao
ng tauhan at dramatiko naman kung
kusang mabubunyag ang karakter dahil sa
kanyang pagkilos o pagpapahayag.
10
11. Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo
ay ang sumusunod:
Pangunahing Tauhan-Sa pangunahing tauhan o
bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula
simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa
lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga
katangian ay ibinabataysa tungkulin o papel na
kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda.
Katunggaling tauhan- Ang katunggaling tauhan o
kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang
ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari sa
pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa
kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian
ng pangunahing tauhan.
11
12. Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo
ay ang sumusunod:
Kasamang Tauhan- Gaya ng ipinahihiwatig ng
katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang
kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang
pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta,
magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng
pangunahing tauhan.
Ang may-akda- Sinasabing ang pangunahing
tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa
kabuoan ng akda. Bagama’t ang namamayani
lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay
laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.
12
13. Ayon kay E.M. Forster, isang ingles na manunulat, may dalawang
uri ng tauhan ang maaaring Makita sa isang tekstong naratibo tulad
ng:
Tauhang bilog (Round
Character)- Isang tauhang may
multidimensiyonal o maraming
saklaw ang personalidad. Tulad ng
isang tunay na katauhan, nagbabago
ang kanyang pananaw, katangian, at
damdamin ayon sa
pangangailangan.
13
14. Tauhang lapad( Flat Character)-Ito
ang tauhang nagtataglay ng iisa o
dadalawang katangiang medaling
matukoy o predictable. Madaling
mahulaan at maiugnay sa kanyang
katauhan ang kanyang mga ikinikilos at
maituturing na stereotype tulad ng
mapang-aping madrasta, mapagmahal na
ina, tin-edyer na hindi sumusunod sa
magulang.
14
15. 2. Tagpuan at panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi sa lugar kung saan
naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa
panahon (oras,petsa,taon) at maging sa damdaming
umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga
pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang sa
isang kaarawan, takot na umiiral dahil sa malakas na
hampas ng hangin at ulang dala ng bagyo, romantikong
paligid sanhi ng maliwanag na buwang nakatunghay sa
magkasintahang naghahapunan sa isang hardin,
matinding pagod ng magsasakang nag-aararo sa ilalim
ng tirik na tirik na araw, kalungkutan ng pamilyang
nakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling
hantungan ang isang minanahal, at iba pa.
15
16. 3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na
daloy o pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayaring sa mga
tekstong naratibo upang
mabigyang-linaw ang temang
taglay ng akda.
16
17. Karaniwang banghay o balangkas ng isang
naratibo
Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan
maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation
or introduction)
Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga
tauhan partikular ang pangunahing tauhan(problem)
Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa
pagpapakita ng aksiyogn gagawin ng tauhan tungo sa
paglutas sa suliranin(rising action)
Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang
kasukdulan(climax)
Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o
kakalasan(falling action)
Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas(ending)
17
18. Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-
gitna-wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong
kalakaran at tinatawag na anachrony.
Analepsis(flashback)- Dito ipinapasok ang
mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
Prolepsis(flash-forward)- Dio nama’y
ipinapasok ang mga pangyayaring
magaganap pa lang sa hinaharap.
Ellipsis- May puwang o patlang sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring
na nagpapakitang may bahagi sa
pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
18
19. 4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya
kung saan umiikot ang
mga pangyayari sa
tekstong naratibo.
19
21. PANGKATANG GAWAIN:
Ang bawat pangkat ay gagawa ng
halimbawa ng tesktong naratibo –
ang Maikling Kwento. Mayroon
kayong 15 minuto upang gawin ang
gawain at 5 minuto upang iulat ito.
Babawasan ng punto ang maingay
na pangkat.
21
22. PAGTATAYA
Pag-uulat ng ginawang mga halimbawa ng tesktong naratibo.
RUBRIK SA PAGGAWA NG ISANG MAIKLING KWENTO
PUNTO
S PAMANTAYAN
4
Napakahusay ng pagkakasulat, lubhang nakaaaliw, at nakapag-
iiwan din ng mahahalagang aral sa mambabasa.
3
Mahusay a ng pagkakasulat, nakaaaliw, at nagtataglay din ng
mahahalagang aral para sa mambabasa.
2
Hindi gaanong mahusay ang pagkakasulat kaya naman hindi
naaakit ang mambabasa at hindi malinaw na naipabatid ang
taglay na aral.
1
Maraming kakulangan sa pagkakasulat, hindi nakaakit, at hindi
malinaw ang taglay na aral.
22
23. TAKDANG ARALIN:
Gumawa sa isang buong papel ng kwentong
may pamagat na, “Pangyayari sa isang
Araw” .
23