2. Sa araling ito, inaasahan na:
• masusuri mo ang konteksto ng pag-usbong ng liberal na ideya
tungo sa pagbuo ng kamalayang nasyonalismo.
• matatalakay mo ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng
bansa sa pandaigdigang kalakalan.
• maipaliliwanag mo ang ambag ng pag-usbong ng uring mestiso
at ang pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng 1863.
Talasalitaan:
• paghihimagsik
• propaganda
• reporma
• kalayaan
Pagpapahalaga
• Pagmamahal sa kalayaan
• Pambansang pagkakaisa
• Nasyonalismo
3. Napag-aralan mo sa ikalimang baitang kung paano nakibaka ang ating
mga ninuno sa mga pang-aabuso ng mananakop na Espanyol.
Sa araling ito, matututuhan mo kung paano umusbong ang
nasyonalismo.
Buuin ang semantic web sa ibaba. Isulat ang mga naiisip mo kaugnay
ng salitang “nasyonalismo”.
Batay sa iyong nabuong semantic web, ibigay ang kahulugan ng
nasyonalismo.
4. Paano natin maisasabuhay ang
liberal na ideya?
Sa simula pa lamang ng pananakop ng Espanya sa ating
mga lupain, may mga pangkat ng ating mga ninuno ang
nakipaglaban at tumutol. Sa loob ng mahigit tatlong-daan
taong pananakop ng Espanya, mahigit isandaang taong pag-
aalsa at pakikipaglaban ang kanilang ginawa.
May mga pangyayari sa ibat ibang bahagi ng mundo na
gumising sa damdaming makabayan at nag-usbong ng
pagkakaisa ng mga Pilipino para sa bayan
Paano nagkaroon ng liberal
na ideya ang mga Pilipino?
5. Mga Pandigdigang Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng
Pakikibaka ng Bayan
1. Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Epekto ng pag-unlad ng makabagong agham at rebolusyon sa iba’t
ibang panig ng mundo ang pag-usbong ng liberal na ideya. Ginamit ito
upang mapaunlad ang buhay ng tao. Nagkakaroon ng pagbabagong
pampulitika, pangkabuhayan, panrelihiyon at edukasyon dahil sa
kaisipan liberal. Ito ang tinatawag na Panahon ng Kaliwanagan o
Enlightenment. Ito ay nagsimula sa mga kaisipang iminungkahi ng
mga pilosopo. Umunlad ang kaisipang liberal sa Europa noong ika-18
siglo. Ang kaisipang ito ay nabalitaan ng mga Pilipino at naging mulat
sila sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol. Ang mga pangkat ng mga
Pilipinong nakapag-aral ay humikayat sa mga mamamayan na
tuligsain ang kawalan ng katarungan sa Pilipinas.
2. Ang Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan (1834)
Sa pagbubukas ng mga daungan para sa pandaigdigang kalakalan,
umunlad ang ekonomiya ng bansa. Sa pag-unlad ng kabuhayan ng
Pilipinas, marami ang yumaman at ang mga anak ng mga ito ay
nakapag-aral. Nakapasok din ang liberal na ideya at mas maunlad na
kaisipan. Lumaki ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya at
6. matamasa ang mga karapatan sa isang malayang bansa. Ang kaisipang
ito na ikinagalit ng mga Espanyol ay tinawag nilang filibusterismo o
subersibong kaisipan.
Ang tao ay may natural
na karapatang mabuhay,
magkaroon ng ari-arian,
maging malaya, at may
karapatang
mangatuwiran.
John Locke
“Mas mabuti pa ang mamatay kung
walang kalayaan.”
Liberty Equality, Patrick Henry
Fraternity
“Walang karapatan ang sinuman na pamahalaan ang
kanyang kapwa.”
Jean Jacques Rouseau
7. 3. Ang Pagbubukas ng Suez Canal (1869)
Nang mabuksan ang Suez Canal
ng Egypt para sa sasakyang dagat,
naging maikli ang paglalakbay at
napadali ang komunikasyon mula sa
Maynila patungong Espanya. Naging
madali at mabilis din ang pagpasok
ng mga dayuhang may dala-dalang
ibat ibang ideya at kaisipang liberal
na gumising at nagpamulat sa isipan
ng mga Pilipino.
4. Pagbabago ng Antas sa Lipunan
Ang mga pagbabago sa ibat ibang aspeto ng lipunan ay
nagpabago ng kalagayan ng mga tao rito. Dahil dito, nagbago rin
ang batayan ng pag-uuri ng antas na katayuan ng tao sa lipunan.
Nabatay ito sa kayamanan at pinag-aralan nila. Nanatiling
pinakamataas na uri ang mga kolonyalistang Espanyol. Sila ang
tinawag na peninsulares at insulares.
Suez Canal
8. Ang mga Espanyol na
ipinanganak sa Espanya ay tinawag
na mga peninsulares at ang mga
insulares ang mga Espanyol na
ipinanganak sa bansang kolonya ng
Espanya tulad ng Pilipinas. Ang
sumusunod na antas ay ang mestiso
o anak ng mga Pilipino na nahaluan
ng dugong Espanyol o Tsino.
Ang mga mayayamang
mamamayang Pilipino ay tinatawag
na principalia. Ang mga nakapag-
aral na mga Pilipino ay naging
kabilang din sa mga principalia; sila
ay tinawag ding ilustrado. Ang
itinuring na pinakamababang antas
o uri ng katayuan sa lipunan ay ang
mga katutubong Pilipino. Sila ay
tinawag na Indio.
Peninsulares
Insulares
Mestiso
Principalia
Indio
10. 5. Pagkakaroon ng Panggitnang Lipunan (Middle Class) na
nakapag-aral.
Ang mga Pilipinong nakaaangat sa lipunan ay nakapag-aral. Sila rin ay
naglakbay at nag-aral sa ibang bansa. Namulat sila sa kaisipang liberal at
sa mapaniil na pamamalakad ng mga Espanyol sa ating bansa. Sila ay
humiling ng pagbabago sa mga Espanyol.
Sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan noong 1834,
ang mga magangalakal na Ingles, Amerikano, at Tsino ay nagpasok ng
malaking kapital sa bansa. Dahil dito, naging masagana ang pamumuhay
ng mga katutubo at sumulpot ang mga katutubo at sumulpot din ang
panggitnang lipunang (middle class) Pilipino. Marami ang nagsiyaman at
sila ay nakapag-ari ng mga lupain, mga kalakalang panlabas, at nalinang
ang mga pinagkukunang yaman ng Pilipinas.
11. Gumanda ang kanilang pamumuhay, napag-aral nila ang mga anak,
lumawak ang kanilang kaalaman, at nagkaroon sila ng pagkakataong
makihalubilo sa mga matataas ang kinatatayuan sa lipunan. Naiba ang
kanilang pananaw at naghangad silang maiba ang kanilang kalagayan.
Napuna nila ang mga maling gawain ng mga Espanyol at nag-isip din sila
kung paano nila mapabubuti ang katayuan ng mga Pilipino. Minithi nilang
iahon ang Pilipinas sa pagkaalipin sa mga dayuhan. Kabilang sa mga
magigiting na mamamayang Pilipinong ito sina Dr. Jose P. Rizal, Padre
Pedro Pelaez, Padre Jose Burgos, Marcelo H. del Pilar, ang magkapatid na
Juan at Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, Mariano Ponce, Graciano
Lopez Jaena, at Dr. Pedro Paterno.
6. Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
Ipinag-utos ng Hari ng Espanya ang
pagtatatag ng paaralang primarya para sa
mga lalaki at babae sa bawat lalawigan
noong 1863. Ipinag-utos din niya ang
pagpapatayo ng paaralang normal para sa
mga guro sa ilalim ng pamamahala ng
mga Heswita. Sapilitan at walang bayad
ang pag-aaral sa primarya. Wikang
Espanyol ang ginagamit sa pagtuturo.
13. Nagbukas ng mga paralang pambayan ayon sa itinakda ng Kautusan
noong 1863. Naging inspektor at tagasuri nito ang mga kura paroko.
Maraming kaalaman ang itinuro sa mga kalalakihan tulad ng
heograpiya, pagsasaka, kasasayang Espanyol, aritmetika, pagsulat,
Doctrina Christiana, kagandahang asal, at pag-awit. Ang mga ito ay
itinuro rin sa mga kababaihan maliban lamang sa pagsasaka, heograpiya,
at kasaysayang Espanyol. Pagbuburda, paggagantsilyo, at pagluluto ang
kapalit na itinuro sa kanila.
Karamihan sa mga nakapag-aral na Pilipino ay iyong mga mayayaman
lamang. Kahit na ipinag-utos ng Hari ng Espanya na ituro ang wikang
Espanyol sa mga Pilipino, ito ay hindi nasunod dahil sa pangamba ng mga
Espanyol na magkaroon ng isang wikang pambansa ang mga katutubo. Ito
ang maaaring magbuklod sa kanila at maaaring magamit upang humingi
ng pagbabago o magamit para labanan sila.
Hindi maikakaila na nagkaroon din ng magandang bunga ang
pagbubukas ng mga paaralan sa mga Pilipino. Nakita ng mga Pilipino ang
halaga ng edukasyon para sa kaunlaran ng bansa. Namulat ang kanilang
kaisipan at pananaw sa buhay at sa bayan. Nabuksan ang kanilang mga
mata. Sumibol ang kanilang diwang makabayan. Sila ay gumawa ng iba’t
ibang mga hakbag upang makatulong sa kapwa Pilipino at maging malaya.
14. 7. Mga Iba pang Ginawa ng mga Espanyol na Gumusing sa
Diwang Makabayan ng mga Pilipino
Ayon sa mga pananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, may
mga ginawa ang mga Espanyol na nakatulong sa pagsisimula ng
pagkakaisa at pagiging makabayan ng mga Pilipino tulad ng:
• Pagpapalaganap ng isang
relihiyon
• Pagbibigay ng isang pangalan sa
mga lupain na dati ay nahahati sa
mga barangay at sultanato
• Pang-aabuso at pagmamalupit
• Paniniwala ni Gobernador Carlos
Maria dela Torre sa liberalismo.
Nagpatupad siya ng mga
mahusay na patakaran at naging
maganda ang pakikitungo sa mga
Pilipino. Naging pantay ang
pagtingin niya sa mga Espanyol
at mga Pilipino.
Gobernador Carlos Maria
Dela Torre
15. Tiyakin
Ipaliwanag.
1. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng
pambayang edukasyon para sa lahat?
2. Ano ang naging ambag ng pagpapatibay ng
dekretong edukasyon ng 1863 sa pagbuo ng
kamalayang nasyonalismo?
16. • Ang pagbitay ng mga Espanyol sa
tatlong paring martir ay
nagpasidhi rin damdaming
makabayan ng mga Pilipino. Sina
Padre Mariano Gomez, Padre
Jose Burgos, at Padre Jacinto
Zamora (GomBurZa) ay binitay
dahil pinagbintangan silang
nakipagsabwatan upang
pabagsakin ang pamahalaang
Espanyol.
GomBurZa
17. Tiyakin
1. Ano ang epekto ng pagbubukas ng Suez
Canal sa paglalakbay at komunikasyon?
2. Ano ang epekto ng pagbitay ng mga Espanyol
sa tatlong paring martir?
18. Mga Nakatulong sa Pagsibol ng Nasyonalismo
• Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang
Kalakalan
• Pagbubukas ng _________
• Pag-unlad ng kaisipang liberal
• Pagpapatibay ng _________
• Pagbibigay ng pangalan sa _________
• Pagpapalaganap sa isang relihiyon
• Pagmamalabis at pagmamalupit ng mga
_________
• Pantay na pagtingin ni Gobernador dela Torre sa
mga Espanyol at mga Pilipino
19. A. Lagyan ng bandila ( ) ang patlang kung ang pangyayari ay nakatulong
upang magising ang diwang makabayan o nasyonalismo ng mga Pilipino.
Lagyan ng ekis (x) kung hindi.
_____ 1. Pag-unlad ng kalakalan
_____ 2. Pagbubukas ng mga daungan
_____ 3. Pagpapagawa ng mga daan
_____ 4. Pagpapatayo ng mga pabrika
_____ 5. Pagmamalupit sa mga katutubo
_____ 6. Pagtatatag ng iba’t ibang parokya
_____ 7. Pagpasok ng mga ideya mula sa ibang bansa
_____ 8. Pantay na pagtingin ng Gobernador
sa mga Espanyol at mga Pilipino
_____ 9. Paglaganap ng isang relihiyon
_____ 10.Pagtatag ng mga pamahalaang kolonyal
_____ 11. Pamamahala ng encomendero
_____ 12.Paglaban ng mga Muslim
_____ 13.Pag-aaral sa ibang bansa
_____ 14.Paninirahan sa lungsod
_____ 15.Pag-aaral sa unibersidad Pagbubukas ng Suez Canal
20. B. Pagparisin ang mga magkaugay na pahayag. Isulat ang titik ng kaugnay na
pahayag sa bawat patlang.
A
_____ 1. Nabuksan ang Suez Canal.
_____ 2. Nagroon ng pandaigdigang
kalakalan.
_____ 3. Umunlad ang negosyo.
_____ 4. Umunlad ang pamumuhay.
_____ 5. Nakapag-aral at nakapaglakbay
ang mga Pilipino
B
a. Nagkaroon ng pagbabago sa
pamahalaan.
b. Naging madali ang pagbibiyahe
ng mga kalakal.
c. Lumago ang negosyo.
d. Bumuti ang pamumuhay.
e. Lumawak ang kanilang kaisipan.
C. Ipaliwanag
1. Nagpabago sa antas ng tao sa lipunan.
2. Nagkaroon ng liberal na kaisipan o ideya ang mga Pilipino.
3. Namulat ang mga Pilipino sa maunlad na isipan.
4. Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
21. D. Talakayin at ipaliwanag ang mga epekto ng bawat pangyayari.
1. Pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang
kalakalan.
2. Pag-unlad ng negosyo.
3. Pag-usbong ng uring mestiso.
4. Pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng 1863.
5. Paniniwala ni Gobernador Carlos Maria dela Torre sa
liberalismo.
22. Paano natin
maisasabuhay ang
liberal na ideya?
A. Sagutin ang Pangunahing Tanong sa malikhaing paraan batay sa mga
natutuhan mong aral. Pumili ng isa sa mga gawain sa ibaba at gamitin ang
pamantayan sa rubic para sa pagtataya ng iyong gawain.
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
Isiping isa kang lider ng
isang barangay. Nais
mong gisingin ang
taong-bayan at ipakita
ang kanilang tunay na
pagmakabayan.
Gumawa ng isang
poster at hikayatin ang
iba pang Pilipino na
ipakita ang pagmamahal
sa bansa.
Isa kang ordinaryong
mag-aaral. Ibig mong
iparating sa mga kawani
ng pamahalaan ang
kahalagahan ng
pagpapakita ng
pagmamahal sa bansa.
Sumulat ng isang
anonymous open letter.
Isa kang manunulat ng
kasaysayan. Nais mong
magising ang diwang
makabayan sa iyong
mga kasamahang
Pilipino. Umisip ka ng
paraan kung paano mo
sila magaganyak na
ipakita ang pagmamahal
sa bansa.
23. A. Tiyakin ang gawain ayon sa pamantayan sa rubic.
Rubic sa Pagpapakita ng Tunay na Diwang Makabayan
Pamantayan 4 3 2 1
Realismo ng
mensahe
Lubhang
makabuluhan
ang mensahe.
Makabuluhan ang
mensahe.
Hindi
gaanong
makabuluhan
ang mensahe.
Hindi
makabuluhan
ang mensahe.
Kawastuhan
ng
impormasyon
Wasto ang
lahat ng datos
o
impormasyon.
Wasto ang ilang
datos o
impormasyon.
May
dalawang
hindi wastong
datos o
impormasyon.
Hindi wasto
ang lahat ng
datos o
impormasyon.
Kaayusan ng
paglaalhad
Inilalahad ang
lahat ng mga
ideya nang
maayos at
kawili-wili.
Inilalahad ang
ilang mga ideya
nang maayos at
kawili-wili.
Maayos na
inilalahad ang
ideya.
Hindi
maunawaan
ang paksa dahil
sa walang
kaayusan ang
inilalahad.
24. Pamantayan 4 3 2 1
Kalinawan ng
sinasabi
Lubhang
malinaw ang
pananalitang
ginamit.
Malinaw ang
pananalitang
ginamit.
Hindi
gaanong
malinaw ang
mga
pananalitang
ginamit.
Hindi malinaw
ang mga
pananalitang
ginamit.
Paghikayat sa
tagapakinig o
manonood
Lubhang
nakahihikayat
sa
tagapakinig o
manonood
ang
paglalahad.
Nakahihikayat sa
tagapakinig o
manonood ang
paglalahad.
Hindi
gaanong
nakahihikayat
at kaagad na
nakakukuha
ng atensiyon.
Hindi
nakahihikayat
ang
paglalahad.
25. Ipaliwanag
1.Anong aral ang dapat mong matutuhan mula sa
liberal na ideya?
2.Paano mo maisasabuhay ang aral na ito?
26. A. Lagyan ng tsek (√) ang hanay batay sa iyong
natutuhan mula sa araling ito.
Natutuhan ko ba ang mga gawaing ito?
Lubos
kong
natutuhan
Hindi ako
sigurado
Kailangan
ko pang
matutuhan
1. Nasusuri ang konteksto ng pag-usbong ng
liberal na ideya tungo sa pagbuo ng
kamalayang nasyonalismo.
2. Natatalakay ang epekto ng pagbubukas
ng mga daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan.
3. Naipaliliwanag ang ambag ng pag-usbong
ng uring mestiso at ang pagpapatibay ng
dekretong edukasyon ng 1863.,
27. A. Tapusin ang mga pahayag sa ibaba.
Ngayon ay alam ko na Nais ko pang malaman ang
SPANISH GALLEON