6. 2. Editoryal
Ito ay mahalaga sa anumang
pahayagan. Ito ay paglalahad ng
pangunahing tayo ng
publikasyon ukol sa isang
mahalagang isyu. Naglalayon
itong magpabatid, magbigay ng
kahulugan, at makalibang. Ang
sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa
patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang
editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang
makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago.
10. Ang balangkas ng editoryal ay naglalaman ng tatlong
bahagi:
a.) Panimula. Naglalaman ang panimula ng paksa o
isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang
ito'y batay sa balita o isang pangyayari na kung
tatawagin ay news peg.
b.) Katawan. Ang katawan ay sumusuri,
nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa
malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala,
pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng
editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor
tungkol sa isyu na pinaguusapan.
c.) Pangwakas. Maaaring maglagom o magbigay-diin
sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito
ng konklusyon ng awtor.
12. 4. Lathalain (Feature Story)
Ito ay sulatin o artikulo sa
isang pahayagan na
naglalayong tumuon sa isang
natatanging isyu sa paraang
hindi nagbabalita. Ito ay
maaaring nagmumula sa
sariling pananaw ng may-akda
nito. Ito ay hindi
kinakailangang laging
nagsasaad ng isang katatapos
na pangyayari lamang. Marahil
ay pinakamalayang bahagi ng
pahayagan.