PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf

PAGPAPLANONG PANGWIKA
AT INTELEKTUWALISASYON
(ANDREW B. GONZALES)
TUNGO SA PAGBUO NG
FILIPINONG DISKURSONG
PANGKALINANGAN (ROSARIO TORRES-YU)
DINDO C. CABERTE FIL 205 Pagpaplanong Pangwika
MAEd -Filipino
IBIGAY ANG SUMUSUNOD NA KONSEPTO
Intelektuwalisasyon
INTELEKTUWALISASYON
Ang intelektuwalisasyon ay ang pagpapaunlad
ng isang wika sa isang antas na maaaring
magamit para makakuha ng impormasyon.
Bukod dito, ito’y naglalayon na magamit ito
bilang wika sa pagtuturo at komunikasyon.
IBIGAY ANG SUMUSUNOD NA KONSEPTO
Diskurso
DISKURSO
Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad
ng mga impormasyon. Ayon kay Webster, ang
diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon
tulad ng kumbersasyon. Maaari din daw itong isang
pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang
paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng
disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso
ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa
isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang
diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.
IBIGAY ANG SUMUSUNOD NA KONSEPTO
Pangkalinangan
PANGKALINANGAN
Tumutukoy sa mga bagay na may
kinalaman sa kultura o kabihasnan
Pagpaplanong
Pangwika at
Intelektuwalisasyon
(ANDREW B. GONZALES)
Ayon kay Gonzales, isang aspekto ng pag-unlad ng wika ang
intelektuwalisasyon.
Kung susundin sina Ferguson at Haugen (1968), ang pag-unlad
ng wika ay nagsisimula sa pagpili ng isang wikang pambansa,
Kung ang layunin ay monolingguwal; kapag napili na,
pinalalaganap ito at kumakalat, habang dumarami ang
nasusulat sa wikang ito, dumadaan ito sa proseso ng
estandardisasyon na ang anyo at estruktura ay pare-pareho sa
pamamagitan ng pagkakasundo ng mga tagapagsalita nito o
kaya’y sa pagpapatibay dito ng isang ahensya ng wika.
Karaniwan itong nako-codify sa pamamagitan ng paggamit
ng isang tuntunin sa balarila at diksyonaryo.
Paano nga ba malalaman na
maunlad na ang isang wika?
Ang wika kung ito ay idadaan sa pagpaplano,
kinokonsidera ng mga awtoridad ang gawain sa lipunan
at binibigyan ng istatus (opisyal, pambansa atbp) ng
lehislatibo o administratibong sektor. Kalaunan ay
makabubuo ng mga panulat na tatalakay sa mga
temang makabuluhan sa lipunan. Dito mabubuo ang
register ng wika. Ang isang mahalagang register ay ang
pagtuturo sa paaralan. Ito’y gagamitin sa lahat ng antas
at ang pagpapaksa ng mga ideya sa pinakamataas na
diskurso sa akademya ay tinatawag na
INTELEKTUWALISISASYON.
Paano nga ba malalaman na
maunlad na ang isang wika?
UNANG PAKSA
Kultibasyon ng Filipino
Bilang Wika ng
Akademikong Diskurso
KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG
WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO
10 taon pagkaraan ng konstitusyong Komonwelt ng
Pilipinas, pinagtibay ng Pambansang Asamblea na
gagawa ng hakbang tungo sa pagbuo ng isang
komon na wikang pambansa batay sa mga umiiral
na wika sa Filipinas.
Naitatag ang akademya ng wika na pinagtibay sa
batas ng 1935 at tinawag na National Language
Institute na siyang pumili ng opisyal na wika noong
1936.
KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG
WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO
Tagalog ang naging wikang komon sa mga nakatira
sa paligid ng Ilog Pasig sa Gitnang Luzon sa
bunganga ng Manila Bay (ang wika ng mga Taga-
Ilog).
Tagalog ang naging lingua franca sa lugar. Sa
panahon ng kalayaan, matatag na ang Tagalog.
Natural na mapipili ito bilang wikang pambansa.
KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG
WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO
Hindi rin naging Bisaya ang napili dahil sa pamimili ay
maraming taga-Bisaya ang hindi magkaunawaan
ang isa’t isa (Cebuano, Hiligaynon, Waray at Bikolano
sa Hilagang Luzon).
Nagkasama-sama sa iisang etnolingguwistikong
grupo ang Tagalog kompara sa Bisaya.
KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG
WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO
Ang NLI (ginawang INL) ay opisyal na idineklara ang
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay
mangyayari lamang kung magkaroon ito ng
gramatika. Kalaunan ay ginamit ang kay Lope K.
Santos na hango sa Latin at sinulat sa Tagalog.
Nagkaroon ng diksiyonaryo noong 1939. Batay rito,
pinagtibay ang Tagalog at tinawag na wikang
pambansa noong 1939.
KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG
WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO
Ang NLI ay nagsimula ng proseso ng kultibasyon sa
mga lektura at publikasyon ukol sa estruktura ng
Tagalog at literaturang Tagalog.
Bago dumating ang mga Hapon, malawak ang
pagpapalaganap ng wikang pambansa sa
pamamagitan ng summer schools para sa magiging
guro ng 1940 at patuloy na pagtuturo nito bilang
asignatura sa bawat grado sa primarya at
sekundarya sa panahon ng kalayaan.
KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG
WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO
Nagpatuloy ang estandardisasyon pagkaraan ng
WWII sa ilalim ng INL.
Ang wikang pambansa na tinawag na Pilipino noong
1959 ay hindi ginamit sa midyum ng pagtuturo kundi
noon lamang 1974 sa Programang Edukasyong
Bilingguwal.
Ang pambansang wika ay ginamit sa pagsulat ng
iba’t ibang diskurso at ginamit sa negosyo.
KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG
WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO
1974 – Masasabing simula ng pag-unlad ng Tagalog
bilang wika ng akademikong diskurso.
Hinikayat ang paggamit nito at pinagtibay mula
primarya hanggang tersiyaryo sa Agham Panlipunan,
Kasaysayan at Pamahalaan, na mga kailangang
asignatura sa kolehiyo.
Ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sa level na
tersisyaryo ay hindi nagsimula sa pambansa o opisyal na
level ng DepEd kundi sa inisyatiba ng mga propesor at
estudyante sa UP, Ateneo at DLSU.
KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG
WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO
Ang resulta ng mga inisyatibang ito ay
pagbuo ng mga termino at mga
teksbuk at tradebooks sa Filipino.
PAGLALAHAD MULA SA
KARANASAN NG FILIPINAS
Nagsalita si Haugen (1968) ng apat na dimensyon ng
Pagpaplanong Pangwika: seleksiyon,
estandardisasyon, pagpapalaganap, elaborasyon.
Maraming sub-dimensyon ang kultibasyon. Ang
kultibasyon ng wika ay nangangailangan ng
malawak na paggamit dito sa lipunan.
PAGLALAHAD MULA SA
KARANASAN NG FILIPINAS
Ang layunin at katangian ng mga prosesong ito ay
napalalalim ng kultibasyon. Layunin nito na bigyan ng
mga termino ang komtemporaneong realidad, mga
terminong hiniram o isinalin, at gamitin ito sa
modernong realidad.
Nangyayari ang modernisasyon kapag ang lokal na
wika ay ginagamit upang ipaliwanag ang
modernong realidad at penomenong gamit; ang
mga bagong siyentipiko at teknikal na realidad kundi
pati sa mga realidad na sosyal at ideolohikal.
PAGLALAHAD MULA SA
KARANASAN NG FILIPINAS
Ang modernisasyon ay sumasakop sa aspekto ng
kultibasyon; isa itong lingguwistikong proseso na
sumasalamin sa development ng isang prosesong
panlipunan. Sa kontemporaneong diskurso,
ipinahihiwatig ng modernisasyon ang prosesong
kanluranin at nagtaguyod ng teknolohikal at
siyentipikong aplikasyon ng kanluran sa lahat ng
aspekto ng pamumuhay.
PAGLALAHAD MULA SA
KARANASAN NG FILIPINAS
Kung intelektwalisado na ang ating wika,
mahalaga ito sa paglago ng negosyo at
kalakalan. Ang mga banyaga na ang
mag-aaral at gugustuhing matuto upang
gamitin ito sa loob ng ating bansa.
INTELEKTUWALISASYON:
PRODUKTO AT PROSESO
Nang ginamit ng Linguistic Society of the Philippines
ang terminong “intelektuwalsisasyon ayon kay Vilem
Mathesius, ilang sensitibong liberal (na nayayamot sa
inaakala nilang patuloy na kolonyalismo ng Ingles)
naghihimagsik sa salitang intelektuwalisasyon na para
bang hindi puwedeng maging intelektuwal sa
Filipinas kung walang Ingles.
INTELEKTUWALISASYON:
PRODUKTO AT PROSESO
Ang pagkakaunawaan ay nag-uugat sa kawalan ng
komunikasyon at kamalayan dahil sa:
1. kulang sa kaalaman sa kasaysayan ng pag-unlad
ng mga wika sa kanluran at Japan.
2. unti-unti, hakbang-hakbang na katangian ng pag-
unlad ng wika, kung saan ang pag-unlad ay
umaayon sa digri ng kahandaan ng wika para sa
gamit na intelektuwal.
INTELEKTUWALISASYON:
PRODUKTO AT PROSESO
Ang pagkakaunawaan ay nag-uugat sa kawalan ng
komunikasyon at kamalayan dahil sa:
3. ang di-pantay na panahon ng pagkagamit o di-
pagkagamit sa wika bilang instrumento ng
akademiko at siyentipikong diskurso.
Nasa proseso pa ito ng pag-aaral upang umabot sa
yugtong gustong abutin.
MGA PRODUKTO NG
INTELEKTUWALISASYON
ang estandardisasyon ay naipapakita:
• tinatanggap na sa kumbensiyon
• gamit ang manwal at diksyonaryo sa pamamagitan
ng iba’t ibang literatura at domeyn
• ang pagpapalaganap ay mas madaling gawan ng
ebalwasyon batay sa mga resulta ng sensus, report
at iba’t ibang output.
MGA PRODUKTO NG
INTELEKTUWALISASYON
Maaari din suriin ang kaugnay na proseso ng
intelektuwalisasyon sa mga tindahan ng libro at mga
aklatan at mga rekord para makita ang bilang ng
titulo at mga kopya ng mga nalimbag bawat taon.
Maaari ring suriin kung ang lokal na wika (karaniwa’y
wikang pambansa) sa paglikha ng panulaan,
kuwento, drama at impormal na sanaysay. Makikita
rin ang intelektuwalisasyon sa diyaryo at bahagi ito
ng output ng publikasyon bawat taon.
MGA PRODUKTO NG
INTELEKTUWALISASYON
Sa paaralan, magagamit din ang wika bilang
midyum ng pagtuturo sa iba’t ibang domeyn o iba’t
ibang asignatura kagaya ng Kasaysayan, Sibika,
Antropolohiya (mga madadali), Matematika, Likas na
Agham (Biology, Chemistry, Physics), Applied na
Agham (Inhinyeriya, IT) (mga mahirap)
MGA PRODUKTO NG
INTELEKTUWALISASYON
Sa kuwantitatibong paraan, mailalarawan na
intelektuwalisado ang wika sa sumusunod:
• bilang ng gamit ng wika bilang midyum ng
pagtuturo
• sa anong level ng edukasyon ginagamit ang wika
• para sa anong larangan o domeyn ito gagamitin
• para sa anong level ng abstraksiyon ito gagamitin
MGA PRODUKTO NG
INTELEKTUWALISASYON
Isa pang malinaw na manipestasyon ay ang bilang
ng aktuwal na gumagamit ng wika upang bumuo ng
mas maraming produkto at maging bahagi ng
kontribusyon sa mga intelektuwalisadong produkto
ng wika; na magpapayaman ang gamit nito at
magarantiya na magagamit pa rin ito ng mga
susunod na henerasyon.
MGA PRODUKTO NG
INTELEKTUWALISASYON
Krusyal dito ang institusyonalisasyon ng
wika sa pamamagitan ng patakarang
pangwika ng eskuwelahan at mga opisina
ng gobyerno, gayundin ang mass media
(TV, radio, sine, mga CD, DVD atbp)
PROSESO
• Pagbuo ng estandardisadong anyo ng wika na
magagamit sa akademikong diskurso.
• Paggamit ng grammar – magagamit ng mga guro
sa pagtuturo, pagtalakay sa klase at sa aktuwal na
pagbuo ng mga materyal panturo.
• Mahalaga rin ang diksiyonaryo at mga manwal ng
retorika o gabay sa estilo.
PROSESO
• Pagpapalaganap ng wika sa mass media,
eskuwelahan, mga workshop at seminar sa mga
guro.
• Kailangang maganap ang mahabang proseso ng
kultibasyon. Kailangan ang tutok nito sa
pagpaplano.
PROSESO
Ang problema sa intelektuwalisasyon ng ilang wikang
pambansa ay nasa agham. Bagama’t walang duda
na madedevelop ang agham sa Filipino, hindi ito
mababahagi sa global na mundo. Sa teorya,
magagawa ito ng pagsasalin ngunit para magawa
ito, malaking gastusin ang kailangan. Isa pa,
kailangan ang papalabas na salin para ang mga
nagawa naman sa Filipino ay mabasa ng iba.
PANLOOB AT PANLABAS NA
DIMENSYON
Pananaw na Sikolohikal
- kailangan sa pagsasalin ang higit pa sa linya-linyang
paglilipat. Kailangan ang rekonseptuwalisasyon.
- Hamon ang paglalarawan nang detalyado at
pagpapangalan sa pisikal na realidad.
- Hal. sa anatomy, sa Filipino ay tatawagin lang na
ugat ngunit sa Ingles ay hiwalay na arteries at veins.
PANLOOB AT PANLABAS NA
DIMENSYON
Pananaw Sosyolohikal
-kailangang dumaan sa utak ng indibidwal na mag-
aaral sa disiplina sa tinatarget na wika.
-kailangan ng tulong ng mga maimpluwensiyang tao
upang mapanatili ang pagiging intelektuwalisado ng
wika na magiging bahagi ng tradisyon
PANLOOB AT PANLABAS NA
DIMENSYON
• Bilang paglalahat, sa proseso ng intelektuwalisasyon
isang malaking hamon ang pagdating sa politika.
• Kakulangan ng suporta sa mga ahensya ng
pamahalaan.
• Nasyonalismo sa sariling bansa.
Tungo sa Pagbuo ng
Filipinong Diskursong
Pangkalinangan
(ROSARIO TORRES-YU)
MGA HAKA NG PROBLEMA NG
INTELEKTUWALISASYON
1. Ang intelektuwalisasyon ay mas mataas na antas
ng pag-unlad ng isang wikang paris ng naaabot
ng wikang Ingles, ang wikang kakompetensya ng
wikang Filipino.
2. Hindi pa intelektuwalisado ang wikang Filipino
ngunit kaya nitong marating ang antas ng pag-
unlad na ito.
3. Ang malaganap na paggamit ng wikang Filipino
sa mga kolehiyo at unibersidad ay susunod sa
pangyayaring intelektuwalisado na ang wikang
Filipino (o ang kabaligtaran nito).
MAHAHANGO SA KASALUKUYANG LITERATURA
TUNGKOL SA SALITANG INTELEKTUWALISASYON SA
MGA KAHULUGANG:
1. Ginagamit na ang wikang Filipino ng mga
intelektuwal at dalubhasa sa kanilang diskurso.
2. May sapat na terminong teknikal na maitatapat
sa mga hiniram sa wikang Ingles o iba pang wikang
dayuhan;
3. May sapat na bokabularyong magagamit sa
pagpapahayag ng abstraktong kaisipan;
4. May modernong alpabetong makaaangkop sa
pagpasok ng mga salitang hiniram sa ibang wika.
FILIPINO NGA BA ANG WIKA NG
DALUBHASA?
A. Walang dudang gumigiling na ang proseso ng
intelektuwalisasyon mula pa noong gamitin ang wikang
Filipino sa iba’t ibang disiplina;
B. May moderno nang alpabeto ang wikang Filipino
na inaasahang sasagot sa pagbabagong magaganap
dito;
C. Ginagamit na rin ito ng mga dalubhasa at iskolar.
Isaalang-alang ang katunayan sa Unibersidad ng
Pilipinas, mula pa noong 1974 ay may tatlo hanggang
limang tesis pangmaster na isinulat sa wikang Filipino.
FILIPINO NGA BA ANG WIKA NG
DALUBHASA?
D. Ginagamit na rin ang wikang Filipino sa mga
pagtalakay sa mga abstraktong kaisipan sa Agham
Panlipunan at sa pagpapaliwanag sa mga konseptong
banyaga.
E. Maging sa pag-aaral ng panitikan at wika ay
nangyayari na rin ang paggamit ng pamamaraan sa
semyotika, hermenyutika at pag-aaral ng ideolohiya.
F. Isaalang-alang pa rin ang sarbey ng Sentro ng
Wikang Filipino ng UP.
• Ang semiotika ay ang pag-aaral ng mga tanda, pareho bilang indibidwal at nakapangkat
na mga sistema ng tanda. Kabilang sa pag-aaral ang paano ginagawa ang isang
kahulugan at paano naiintidihan.
• Ang hermenyutika ay paggawa ng interpretasyon sa isang akda.
FILIPINO NGA BA ANG WIKA NG
DALUBHASA?
Survey ng SWF ng UP Diliman (Nob.-Dis. 1990):
• Kasaysayan 1 at Sibilisasyong Asyano – 96%
• Gradwadong Kurso – 100%
• Sikolohiya (100% sa kaguruan ang nagtuturo sa 59%
ng mga kurso)
• Sosyolohiya – parehong 78% sa kurso at kaguruan
ang ginagamitan ng Filipino
FILIPINO NGA BA ANG WIKA NG
DALUBHASA?
Hindi na problema at lalong hindi na alamat ang
intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.
Hamon:
Tama na ba ang makontento sa ganitong kondisyon
sa paggamit ng wikang Filipino? Tama na bang
maluwag na isinasalin o di kaya’y walang
pakundangan na hinihiram ang mga banyagang
salita sa iba’t ibang disiplina ng agham panlipunan
at ipinaliliwanag na lang sa Filipino?
SIPAT-SULIPAT, DILANG BUHOL-BUHOL AT
ANG DISKURSONG PANGKULTURA
Ang tunay na intelektuwalisasyon ay
mangyayari kapag ang wikang Filipino ay
gagamitin ng mga Filipinong intelektuwal
at iskolar sa pagbuo ng kaisipan,
kaalaman at karunungang hinango sa
karanasan ng mga Filipino at nakatuntong
sa katutubong tradisyon intelektuwal.
PAGSASAKATUTUBO AT ANG PAGLIKHA NG
KARUNUNGANG FILIPINO
•Kapangyarihan ang karunungan.
•Kailangang gamitin ang sariling
karunungan na batay sa sariling
kultura sa pag-aaral ng Sikolohiya.
NAGSASARILING DISKURSO
Ayon kina Salazar at Covar, kailangang
bumuo ng karunungang Filipino ang mga
Filipino mismo na magmumula sa
kaisipang Filipino at hinugot kung saang
tradisyong intelektuwal (pantayong
pananaw) bilang pasok sa pagbuo ng
diskursong Filipino.
KAISIPANG FILIPINO, TINIG NG FILIPINONG
INTELEKTUWAL AT ANG MITHIING KALAYAAN NG
BAYAN
1. Mas puspusang paglaganap ng paggamit ng
wikang Filipino sa edukasyon, gobyerno at
negosyo; at,
2. pagsasa-Filipino ng diskurso sa agham panlipunan
at sa iba pang sangay ng karunungan tungo sa
pagbuo ng iisang diskursong pangkalinangan na
maaaring tanglawan ng pantayong pananaw.
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG ☺
1 von 50

Recomendados

Ang Pagtuturo ng Pakikinig von
Ang Pagtuturo ng PakikinigAng Pagtuturo ng Pakikinig
Ang Pagtuturo ng PakikinigMicah January
11.8K views14 Folien
Ang linggwistika at ang guro von
Ang linggwistika at ang guroAng linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guroRosalynDelaCruz5
18.5K views21 Folien
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita von
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang PagsasalitaPANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang PagsasalitaJohn Lester
45.5K views19 Folien
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino von
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoTEACHER JHAJHA
22.8K views33 Folien
Mga Teoryang Pangwika von
Mga Teoryang PangwikaMga Teoryang Pangwika
Mga Teoryang PangwikaMARYJEANBONGCATO
10.5K views28 Folien
ANGKAN NG WIKA von
ANGKAN NG WIKAANGKAN NG WIKA
ANGKAN NG WIKADONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT
76.1K views20 Folien

Más contenido relacionado

Was ist angesagt?

Istruktura ng wikang filipino von
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoManuel Daria
20.7K views7 Folien
Kompetensi ng Filipino sa Senior High School (SHS) von
Kompetensi ng Filipino sa Senior High School (SHS)Kompetensi ng Filipino sa Senior High School (SHS)
Kompetensi ng Filipino sa Senior High School (SHS)Allan Lloyd Martinez
1K views36 Folien
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya von
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryaSikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryamyrepearl
66.2K views19 Folien
Pagsasaling wika report von
Pagsasaling wika reportPagsasaling wika report
Pagsasaling wika reportshekinaconiato
8.6K views11 Folien
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010 von
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010MamWamar_SHS Teacher/College Instructor at ESTI
27.5K views35 Folien
Pagsasaling wika von
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaDanielle Joyce Manacpo
7.2K views8 Folien

Was ist angesagt?(20)

Istruktura ng wikang filipino von Manuel Daria
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
Manuel Daria20.7K views
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya von myrepearl
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryaSikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
myrepearl66.2K views
Wika at linggwistiks von maestroailene
Wika at linggwistiksWika at linggwistiks
Wika at linggwistiks
maestroailene59.7K views
Kabanata v (mga salik sa matagumpay na pagkatuto ng wika) von alona_
Kabanata v (mga salik sa matagumpay na pagkatuto ng wika)Kabanata v (mga salik sa matagumpay na pagkatuto ng wika)
Kabanata v (mga salik sa matagumpay na pagkatuto ng wika)
alona_19.7K views
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan von AraAuthor
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanMga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
AraAuthor7.5K views
Yunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdf von RichardMerk2
Yunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdfYunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdf
Yunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdf
RichardMerk2651 views
INTERAKTIBONG PAGTUTURO NG PANITIKAN von Rechelle Longcop
INTERAKTIBONG PAGTUTURO NG PANITIKANINTERAKTIBONG PAGTUTURO NG PANITIKAN
INTERAKTIBONG PAGTUTURO NG PANITIKAN
Rechelle Longcop41.2K views
designer methods ng pagtuturo d 70 von Luis Loreno
designer methods ng pagtuturo d 70designer methods ng pagtuturo d 70
designer methods ng pagtuturo d 70
Luis Loreno7.9K views
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso von Marissa Guiab
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskursoWika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
Marissa Guiab7K views
1112734 634466593814442500 von Tyron Ralar
1112734 6344665938144425001112734 634466593814442500
1112734 634466593814442500
Tyron Ralar31.2K views

Similar a PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf

pananaw sikolohikal von
pananaw sikolohikalpananaw sikolohikal
pananaw sikolohikalJammMatucan
72 views19 Folien
397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx von
397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx
397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptxAljayGanda
2.3K views40 Folien
Aralin 1.pptx von
Aralin 1.pptxAralin 1.pptx
Aralin 1.pptxDerajLagnason
114 views27 Folien
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx von
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptxKONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptxVinLadin
424 views46 Folien
1-intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.pptx von
1-intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.pptx1-intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.pptx
1-intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.pptxJosephMMarasigan
148 views17 Folien
Komunikasyon_(1).pdf von
Komunikasyon_(1).pdfKomunikasyon_(1).pdf
Komunikasyon_(1).pdfCHELCEECENARIO
124 views16 Folien

Similar a PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf(20)

397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx von AljayGanda
397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx
397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx
AljayGanda2.3K views
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx von VinLadin
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptxKONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
VinLadin424 views
1-intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.pptx von JosephMMarasigan
1-intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.pptx1-intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.pptx
1-intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.pptx
JosephMMarasigan148 views
Wikang pambansa von saraaaaah
Wikang pambansaWikang pambansa
Wikang pambansa
saraaaaah99.1K views
wikangpambansa-110630065033-phpapp02.pdf von JADEFERNANDEZ10
wikangpambansa-110630065033-phpapp02.pdfwikangpambansa-110630065033-phpapp02.pdf
wikangpambansa-110630065033-phpapp02.pdf
JADEFERNANDEZ1011 views
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL von AJHSSR Journal
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARALMORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
AJHSSR Journal842 views
komunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptx von JustineGayramara
komunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptxkomunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptx
komunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptx
JustineGayramara11 views
komunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipino von WIKA
komunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipinokomunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipino
komunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipino
WIKA533 views
INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA.pptx von RocineGallego
INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA.pptxINTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA.pptx
INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA.pptx
RocineGallego41 views

PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf

  • 1. PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON (ANDREW B. GONZALES) TUNGO SA PAGBUO NG FILIPINONG DISKURSONG PANGKALINANGAN (ROSARIO TORRES-YU) DINDO C. CABERTE FIL 205 Pagpaplanong Pangwika MAEd -Filipino
  • 2. IBIGAY ANG SUMUSUNOD NA KONSEPTO Intelektuwalisasyon
  • 3. INTELEKTUWALISASYON Ang intelektuwalisasyon ay ang pagpapaunlad ng isang wika sa isang antas na maaaring magamit para makakuha ng impormasyon. Bukod dito, ito’y naglalayon na magamit ito bilang wika sa pagtuturo at komunikasyon.
  • 4. IBIGAY ANG SUMUSUNOD NA KONSEPTO Diskurso
  • 5. DISKURSO Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon. Ayon kay Webster, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari din daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.
  • 6. IBIGAY ANG SUMUSUNOD NA KONSEPTO Pangkalinangan
  • 7. PANGKALINANGAN Tumutukoy sa mga bagay na may kinalaman sa kultura o kabihasnan
  • 9. Ayon kay Gonzales, isang aspekto ng pag-unlad ng wika ang intelektuwalisasyon. Kung susundin sina Ferguson at Haugen (1968), ang pag-unlad ng wika ay nagsisimula sa pagpili ng isang wikang pambansa, Kung ang layunin ay monolingguwal; kapag napili na, pinalalaganap ito at kumakalat, habang dumarami ang nasusulat sa wikang ito, dumadaan ito sa proseso ng estandardisasyon na ang anyo at estruktura ay pare-pareho sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga tagapagsalita nito o kaya’y sa pagpapatibay dito ng isang ahensya ng wika. Karaniwan itong nako-codify sa pamamagitan ng paggamit ng isang tuntunin sa balarila at diksyonaryo. Paano nga ba malalaman na maunlad na ang isang wika?
  • 10. Ang wika kung ito ay idadaan sa pagpaplano, kinokonsidera ng mga awtoridad ang gawain sa lipunan at binibigyan ng istatus (opisyal, pambansa atbp) ng lehislatibo o administratibong sektor. Kalaunan ay makabubuo ng mga panulat na tatalakay sa mga temang makabuluhan sa lipunan. Dito mabubuo ang register ng wika. Ang isang mahalagang register ay ang pagtuturo sa paaralan. Ito’y gagamitin sa lahat ng antas at ang pagpapaksa ng mga ideya sa pinakamataas na diskurso sa akademya ay tinatawag na INTELEKTUWALISISASYON. Paano nga ba malalaman na maunlad na ang isang wika?
  • 11. UNANG PAKSA Kultibasyon ng Filipino Bilang Wika ng Akademikong Diskurso
  • 12. KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO 10 taon pagkaraan ng konstitusyong Komonwelt ng Pilipinas, pinagtibay ng Pambansang Asamblea na gagawa ng hakbang tungo sa pagbuo ng isang komon na wikang pambansa batay sa mga umiiral na wika sa Filipinas. Naitatag ang akademya ng wika na pinagtibay sa batas ng 1935 at tinawag na National Language Institute na siyang pumili ng opisyal na wika noong 1936.
  • 13. KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO Tagalog ang naging wikang komon sa mga nakatira sa paligid ng Ilog Pasig sa Gitnang Luzon sa bunganga ng Manila Bay (ang wika ng mga Taga- Ilog). Tagalog ang naging lingua franca sa lugar. Sa panahon ng kalayaan, matatag na ang Tagalog. Natural na mapipili ito bilang wikang pambansa.
  • 14. KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO Hindi rin naging Bisaya ang napili dahil sa pamimili ay maraming taga-Bisaya ang hindi magkaunawaan ang isa’t isa (Cebuano, Hiligaynon, Waray at Bikolano sa Hilagang Luzon). Nagkasama-sama sa iisang etnolingguwistikong grupo ang Tagalog kompara sa Bisaya.
  • 15. KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO Ang NLI (ginawang INL) ay opisyal na idineklara ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay mangyayari lamang kung magkaroon ito ng gramatika. Kalaunan ay ginamit ang kay Lope K. Santos na hango sa Latin at sinulat sa Tagalog. Nagkaroon ng diksiyonaryo noong 1939. Batay rito, pinagtibay ang Tagalog at tinawag na wikang pambansa noong 1939.
  • 16. KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO Ang NLI ay nagsimula ng proseso ng kultibasyon sa mga lektura at publikasyon ukol sa estruktura ng Tagalog at literaturang Tagalog. Bago dumating ang mga Hapon, malawak ang pagpapalaganap ng wikang pambansa sa pamamagitan ng summer schools para sa magiging guro ng 1940 at patuloy na pagtuturo nito bilang asignatura sa bawat grado sa primarya at sekundarya sa panahon ng kalayaan.
  • 17. KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO Nagpatuloy ang estandardisasyon pagkaraan ng WWII sa ilalim ng INL. Ang wikang pambansa na tinawag na Pilipino noong 1959 ay hindi ginamit sa midyum ng pagtuturo kundi noon lamang 1974 sa Programang Edukasyong Bilingguwal. Ang pambansang wika ay ginamit sa pagsulat ng iba’t ibang diskurso at ginamit sa negosyo.
  • 18. KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO 1974 – Masasabing simula ng pag-unlad ng Tagalog bilang wika ng akademikong diskurso. Hinikayat ang paggamit nito at pinagtibay mula primarya hanggang tersiyaryo sa Agham Panlipunan, Kasaysayan at Pamahalaan, na mga kailangang asignatura sa kolehiyo. Ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sa level na tersisyaryo ay hindi nagsimula sa pambansa o opisyal na level ng DepEd kundi sa inisyatiba ng mga propesor at estudyante sa UP, Ateneo at DLSU.
  • 19. KULTIBASYON NG FILIPINO BILANG WIKA NG AKADEMIKONG DISKURSO Ang resulta ng mga inisyatibang ito ay pagbuo ng mga termino at mga teksbuk at tradebooks sa Filipino.
  • 20. PAGLALAHAD MULA SA KARANASAN NG FILIPINAS Nagsalita si Haugen (1968) ng apat na dimensyon ng Pagpaplanong Pangwika: seleksiyon, estandardisasyon, pagpapalaganap, elaborasyon. Maraming sub-dimensyon ang kultibasyon. Ang kultibasyon ng wika ay nangangailangan ng malawak na paggamit dito sa lipunan.
  • 21. PAGLALAHAD MULA SA KARANASAN NG FILIPINAS Ang layunin at katangian ng mga prosesong ito ay napalalalim ng kultibasyon. Layunin nito na bigyan ng mga termino ang komtemporaneong realidad, mga terminong hiniram o isinalin, at gamitin ito sa modernong realidad. Nangyayari ang modernisasyon kapag ang lokal na wika ay ginagamit upang ipaliwanag ang modernong realidad at penomenong gamit; ang mga bagong siyentipiko at teknikal na realidad kundi pati sa mga realidad na sosyal at ideolohikal.
  • 22. PAGLALAHAD MULA SA KARANASAN NG FILIPINAS Ang modernisasyon ay sumasakop sa aspekto ng kultibasyon; isa itong lingguwistikong proseso na sumasalamin sa development ng isang prosesong panlipunan. Sa kontemporaneong diskurso, ipinahihiwatig ng modernisasyon ang prosesong kanluranin at nagtaguyod ng teknolohikal at siyentipikong aplikasyon ng kanluran sa lahat ng aspekto ng pamumuhay.
  • 23. PAGLALAHAD MULA SA KARANASAN NG FILIPINAS Kung intelektwalisado na ang ating wika, mahalaga ito sa paglago ng negosyo at kalakalan. Ang mga banyaga na ang mag-aaral at gugustuhing matuto upang gamitin ito sa loob ng ating bansa.
  • 24. INTELEKTUWALISASYON: PRODUKTO AT PROSESO Nang ginamit ng Linguistic Society of the Philippines ang terminong “intelektuwalsisasyon ayon kay Vilem Mathesius, ilang sensitibong liberal (na nayayamot sa inaakala nilang patuloy na kolonyalismo ng Ingles) naghihimagsik sa salitang intelektuwalisasyon na para bang hindi puwedeng maging intelektuwal sa Filipinas kung walang Ingles.
  • 25. INTELEKTUWALISASYON: PRODUKTO AT PROSESO Ang pagkakaunawaan ay nag-uugat sa kawalan ng komunikasyon at kamalayan dahil sa: 1. kulang sa kaalaman sa kasaysayan ng pag-unlad ng mga wika sa kanluran at Japan. 2. unti-unti, hakbang-hakbang na katangian ng pag- unlad ng wika, kung saan ang pag-unlad ay umaayon sa digri ng kahandaan ng wika para sa gamit na intelektuwal.
  • 26. INTELEKTUWALISASYON: PRODUKTO AT PROSESO Ang pagkakaunawaan ay nag-uugat sa kawalan ng komunikasyon at kamalayan dahil sa: 3. ang di-pantay na panahon ng pagkagamit o di- pagkagamit sa wika bilang instrumento ng akademiko at siyentipikong diskurso. Nasa proseso pa ito ng pag-aaral upang umabot sa yugtong gustong abutin.
  • 27. MGA PRODUKTO NG INTELEKTUWALISASYON ang estandardisasyon ay naipapakita: • tinatanggap na sa kumbensiyon • gamit ang manwal at diksyonaryo sa pamamagitan ng iba’t ibang literatura at domeyn • ang pagpapalaganap ay mas madaling gawan ng ebalwasyon batay sa mga resulta ng sensus, report at iba’t ibang output.
  • 28. MGA PRODUKTO NG INTELEKTUWALISASYON Maaari din suriin ang kaugnay na proseso ng intelektuwalisasyon sa mga tindahan ng libro at mga aklatan at mga rekord para makita ang bilang ng titulo at mga kopya ng mga nalimbag bawat taon. Maaari ring suriin kung ang lokal na wika (karaniwa’y wikang pambansa) sa paglikha ng panulaan, kuwento, drama at impormal na sanaysay. Makikita rin ang intelektuwalisasyon sa diyaryo at bahagi ito ng output ng publikasyon bawat taon.
  • 29. MGA PRODUKTO NG INTELEKTUWALISASYON Sa paaralan, magagamit din ang wika bilang midyum ng pagtuturo sa iba’t ibang domeyn o iba’t ibang asignatura kagaya ng Kasaysayan, Sibika, Antropolohiya (mga madadali), Matematika, Likas na Agham (Biology, Chemistry, Physics), Applied na Agham (Inhinyeriya, IT) (mga mahirap)
  • 30. MGA PRODUKTO NG INTELEKTUWALISASYON Sa kuwantitatibong paraan, mailalarawan na intelektuwalisado ang wika sa sumusunod: • bilang ng gamit ng wika bilang midyum ng pagtuturo • sa anong level ng edukasyon ginagamit ang wika • para sa anong larangan o domeyn ito gagamitin • para sa anong level ng abstraksiyon ito gagamitin
  • 31. MGA PRODUKTO NG INTELEKTUWALISASYON Isa pang malinaw na manipestasyon ay ang bilang ng aktuwal na gumagamit ng wika upang bumuo ng mas maraming produkto at maging bahagi ng kontribusyon sa mga intelektuwalisadong produkto ng wika; na magpapayaman ang gamit nito at magarantiya na magagamit pa rin ito ng mga susunod na henerasyon.
  • 32. MGA PRODUKTO NG INTELEKTUWALISASYON Krusyal dito ang institusyonalisasyon ng wika sa pamamagitan ng patakarang pangwika ng eskuwelahan at mga opisina ng gobyerno, gayundin ang mass media (TV, radio, sine, mga CD, DVD atbp)
  • 33. PROSESO • Pagbuo ng estandardisadong anyo ng wika na magagamit sa akademikong diskurso. • Paggamit ng grammar – magagamit ng mga guro sa pagtuturo, pagtalakay sa klase at sa aktuwal na pagbuo ng mga materyal panturo. • Mahalaga rin ang diksiyonaryo at mga manwal ng retorika o gabay sa estilo.
  • 34. PROSESO • Pagpapalaganap ng wika sa mass media, eskuwelahan, mga workshop at seminar sa mga guro. • Kailangang maganap ang mahabang proseso ng kultibasyon. Kailangan ang tutok nito sa pagpaplano.
  • 35. PROSESO Ang problema sa intelektuwalisasyon ng ilang wikang pambansa ay nasa agham. Bagama’t walang duda na madedevelop ang agham sa Filipino, hindi ito mababahagi sa global na mundo. Sa teorya, magagawa ito ng pagsasalin ngunit para magawa ito, malaking gastusin ang kailangan. Isa pa, kailangan ang papalabas na salin para ang mga nagawa naman sa Filipino ay mabasa ng iba.
  • 36. PANLOOB AT PANLABAS NA DIMENSYON Pananaw na Sikolohikal - kailangan sa pagsasalin ang higit pa sa linya-linyang paglilipat. Kailangan ang rekonseptuwalisasyon. - Hamon ang paglalarawan nang detalyado at pagpapangalan sa pisikal na realidad. - Hal. sa anatomy, sa Filipino ay tatawagin lang na ugat ngunit sa Ingles ay hiwalay na arteries at veins.
  • 37. PANLOOB AT PANLABAS NA DIMENSYON Pananaw Sosyolohikal -kailangang dumaan sa utak ng indibidwal na mag- aaral sa disiplina sa tinatarget na wika. -kailangan ng tulong ng mga maimpluwensiyang tao upang mapanatili ang pagiging intelektuwalisado ng wika na magiging bahagi ng tradisyon
  • 38. PANLOOB AT PANLABAS NA DIMENSYON • Bilang paglalahat, sa proseso ng intelektuwalisasyon isang malaking hamon ang pagdating sa politika. • Kakulangan ng suporta sa mga ahensya ng pamahalaan. • Nasyonalismo sa sariling bansa.
  • 39. Tungo sa Pagbuo ng Filipinong Diskursong Pangkalinangan (ROSARIO TORRES-YU)
  • 40. MGA HAKA NG PROBLEMA NG INTELEKTUWALISASYON 1. Ang intelektuwalisasyon ay mas mataas na antas ng pag-unlad ng isang wikang paris ng naaabot ng wikang Ingles, ang wikang kakompetensya ng wikang Filipino. 2. Hindi pa intelektuwalisado ang wikang Filipino ngunit kaya nitong marating ang antas ng pag- unlad na ito. 3. Ang malaganap na paggamit ng wikang Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad ay susunod sa pangyayaring intelektuwalisado na ang wikang Filipino (o ang kabaligtaran nito).
  • 41. MAHAHANGO SA KASALUKUYANG LITERATURA TUNGKOL SA SALITANG INTELEKTUWALISASYON SA MGA KAHULUGANG: 1. Ginagamit na ang wikang Filipino ng mga intelektuwal at dalubhasa sa kanilang diskurso. 2. May sapat na terminong teknikal na maitatapat sa mga hiniram sa wikang Ingles o iba pang wikang dayuhan; 3. May sapat na bokabularyong magagamit sa pagpapahayag ng abstraktong kaisipan; 4. May modernong alpabetong makaaangkop sa pagpasok ng mga salitang hiniram sa ibang wika.
  • 42. FILIPINO NGA BA ANG WIKA NG DALUBHASA? A. Walang dudang gumigiling na ang proseso ng intelektuwalisasyon mula pa noong gamitin ang wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina; B. May moderno nang alpabeto ang wikang Filipino na inaasahang sasagot sa pagbabagong magaganap dito; C. Ginagamit na rin ito ng mga dalubhasa at iskolar. Isaalang-alang ang katunayan sa Unibersidad ng Pilipinas, mula pa noong 1974 ay may tatlo hanggang limang tesis pangmaster na isinulat sa wikang Filipino.
  • 43. FILIPINO NGA BA ANG WIKA NG DALUBHASA? D. Ginagamit na rin ang wikang Filipino sa mga pagtalakay sa mga abstraktong kaisipan sa Agham Panlipunan at sa pagpapaliwanag sa mga konseptong banyaga. E. Maging sa pag-aaral ng panitikan at wika ay nangyayari na rin ang paggamit ng pamamaraan sa semyotika, hermenyutika at pag-aaral ng ideolohiya. F. Isaalang-alang pa rin ang sarbey ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP. • Ang semiotika ay ang pag-aaral ng mga tanda, pareho bilang indibidwal at nakapangkat na mga sistema ng tanda. Kabilang sa pag-aaral ang paano ginagawa ang isang kahulugan at paano naiintidihan. • Ang hermenyutika ay paggawa ng interpretasyon sa isang akda.
  • 44. FILIPINO NGA BA ANG WIKA NG DALUBHASA? Survey ng SWF ng UP Diliman (Nob.-Dis. 1990): • Kasaysayan 1 at Sibilisasyong Asyano – 96% • Gradwadong Kurso – 100% • Sikolohiya (100% sa kaguruan ang nagtuturo sa 59% ng mga kurso) • Sosyolohiya – parehong 78% sa kurso at kaguruan ang ginagamitan ng Filipino
  • 45. FILIPINO NGA BA ANG WIKA NG DALUBHASA? Hindi na problema at lalong hindi na alamat ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Hamon: Tama na ba ang makontento sa ganitong kondisyon sa paggamit ng wikang Filipino? Tama na bang maluwag na isinasalin o di kaya’y walang pakundangan na hinihiram ang mga banyagang salita sa iba’t ibang disiplina ng agham panlipunan at ipinaliliwanag na lang sa Filipino?
  • 46. SIPAT-SULIPAT, DILANG BUHOL-BUHOL AT ANG DISKURSONG PANGKULTURA Ang tunay na intelektuwalisasyon ay mangyayari kapag ang wikang Filipino ay gagamitin ng mga Filipinong intelektuwal at iskolar sa pagbuo ng kaisipan, kaalaman at karunungang hinango sa karanasan ng mga Filipino at nakatuntong sa katutubong tradisyon intelektuwal.
  • 47. PAGSASAKATUTUBO AT ANG PAGLIKHA NG KARUNUNGANG FILIPINO •Kapangyarihan ang karunungan. •Kailangang gamitin ang sariling karunungan na batay sa sariling kultura sa pag-aaral ng Sikolohiya.
  • 48. NAGSASARILING DISKURSO Ayon kina Salazar at Covar, kailangang bumuo ng karunungang Filipino ang mga Filipino mismo na magmumula sa kaisipang Filipino at hinugot kung saang tradisyong intelektuwal (pantayong pananaw) bilang pasok sa pagbuo ng diskursong Filipino.
  • 49. KAISIPANG FILIPINO, TINIG NG FILIPINONG INTELEKTUWAL AT ANG MITHIING KALAYAAN NG BAYAN 1. Mas puspusang paglaganap ng paggamit ng wikang Filipino sa edukasyon, gobyerno at negosyo; at, 2. pagsasa-Filipino ng diskurso sa agham panlipunan at sa iba pang sangay ng karunungan tungo sa pagbuo ng iisang diskursong pangkalinangan na maaaring tanglawan ng pantayong pananaw.
  • 50. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG ☺