SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Visayas
Sangay ng Capiz
CAPIZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Lungsod ng Capiz
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10
KONTEMPORARYONG ISYU
Ikatlong Markahan
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa:
mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan
upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag- aaral ay:
nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitayugod ang pagkakapantay– pantay
ng tao bilang kasapi ng pamayanan
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex.
D. Layunin
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kasarian.
AP10KIL-IIIa-2
I. NILALAMAN
Paksa: Konsepto ng Kasarian
Pinakapaksa: Uri ng Kasarian
II. Kagamitang Panturo
Laptop, DLP, Manila paper, Strips of Cartolina
A. Sanggunian
1. TG - pahina 220 hanggang 225
2. LM-pahina 262 hanggang 266
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Pagbabalik Aral:
Isang napakagandang umaga sa inyong
lahat mga minamahal kong mga mag-aaral.
Bago natin simulan ang lahat ay nais ko
munang tumayo ang lahat para sa isang
panalangin.
Maraming salamat! Maaari ng maupo ang
lahat. Ngayon bago natin simulan ang ating
panibagong aralin sa araw na ito ay nais ko
munang magbalik tanaw tayo sa nakaraan.
Balikan muna natin ang ating tinalakay
kahapon.
Batay sa natalakay natin sa nakaraang
leksyon ano ang pagkakaiba ng gender at sex?
B. Paghahabi sa Layunin:
Maari nyo bang basahin ang ating layunin
sa araw na ito ng sabaysabay? (Powerpoint
slide)
Gawain 1: Buuin ang mga pinaghalo-halong letra
upang makabuo ng salita.
1.
2.
3.
4.
5.
C.Pag-uugnay ng halimbawa
Pagpapakita ng larawan.
Gawain 2. Ipakita Ko, Tukuyin Mo!
(Four Pics one word)
Handa na ba kayong umpisahan ang ating
panibagong aralin sa araw na ito? Kung kayo’y
handa na, itaas ang inyong kanang
kamay.Ngunit bago ang lahat ay magkakaroon
muna tayo ng isang laro, ang larong ito ay
tatawagin nating “Ipakita Ko, Tukuyin Mo!”.
Magkakaroon tayo ng tatlong pangkat. Meron
akong ipapakitang mga larawan, ang inyong
gagawin ay huhulaan ninyo kung sino ang
pangalan at ano ang uri ng kasarian ng
nasabing larawan sa pamamagitan ng paunahan
ng pagsagot gamit ang metacards. Handa na ba
kayo? Isa, dalawa, tatlo…
1. 2.
3. 4.
1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan o
ipinahihiwatig ng bawat larawan?
2. Ano-ano ang iyong naging basehan sa
pagtukoy ng kasarian ng bawat larawan?
Ang larong ating ginawa ay may kinalaman sa
ating panibagong aralin sa araw na ito. Mayroon
na ba kayong ideya kung ano ang ating pag-
aaralan sa araw na ito?
D. Pagtalakay sa konsepto
Ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay
tungkol sa Uri ng Kasarian.
1.KASARIAN
2.TAO
3.GENDER
4.SEX
5.LGBT
1.Rodrigo Duterte - Lalaki
2. Marian Rivera - Babae
3. Vice Ganda - Gay
4. Aiza Seguera - Lesbian
- Opo/hindi Ma’am!
- Ang naging basehan po namin
ay kilala sila sa industriya ng
telebisyon.
ANKASARI
OTA
GERDNE
EXS
BGLT
Gawain 3: Ulat Mo, Aksyon Mo!
Sa pagsisimula,magkakaroon tayo ng
Pangkatang Gawain. Hahatiin ko kayo ulit sa
limang pangkat. Ang bawat pangkat ay
bubunot ng kani-kanilang numero. Bibigyan ng
tag-iisang colored envelop ang bawat pangkat
na may lamang paksa o kasarian. Kailangang
ipakita ng bawat pangkat ang angkop na kilos
ng kasariang kanilang nabunot.Bawat pangkat
ay bibigyan lamang ng tatlong minuto sa
paghahanda at dalawang minuto naman para
sa presentasyon.
1.Lesbian
2.Transgender
3.Bisexual
4.Gay
5. Transexual
1. Babae-
2. Lalaki-
3. Lesbian (tomboy) - Sang babae
na may emosyonal at pisikal na
atraksyon sa kapwa babae at
kinikilala ang sarili bilang
lesbian;
Jane Lynch, Amerikanang artista
sa Glee, isang palabas sa
telebisyon (tinatawag sa ibang
bahagi ng Pilipinas na tibo at
tomboy)
4. Gay (bakla) - Isang lalaki na may
emosyonal at pisikal na atraksyon
para sa kapwa lalaki at kinikilala
ang sarili bilang gay. Ginagamit
din ang salitang ito para sa mga
lesbyana sa labas ng Pilipinas.
may iilang bakla ang nagdadamit
at kumikilos na parang babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng
Pilipinas na; bakla, beki, at
bayot).
John Amaechi, retiradong
manlalaro ng NBA ;
5. Bisexual – isang tao na may
pisikal at emosyunal na atraksyon
para sa dalawang kasarian babae
at lalaki.
6. Transgender - Salitang
naglalarawan sa mga taong ang
gender identity o gender
expression ay hindi tradisyunal na
kaugnay ng kanilang sex
assignment noong sila ay
pinanganak at kinikilala ang sarili
bilang transgender;
Sila ay maaaring transsexual,
cross-dresser, o genderqueer .
Justine Ferrer, ang unang
babaeng transgender sa palabas na
Survivor
* Transexual-mga taong binago
ang kanilang katawan o
bahaging kanilang katawan sa
pamamagitan ng
pagpapaopera.
* Cross Dressers o CD—mga
taong nagbibihis gamit ang
damit ng kabilang kasarian.
Hindi nila binabago ang
kanilang katawan.
Hal.Victoria Prince,
isang aktibistang CD
sa Amerika.
* Genderqueers—mga taong
itinatakwil ang gender binary o ang
konsepto na dalawa lang ang kasarian.
Minsathoseere are only two genders.
Naniniwala ang ibang genderqueer na
sila ay walang kasarian (agender) o
kombinasyon ng kasarin (intergender).
Hal. Riki Wilchins, isang manunulat
Krayterya sa paggawa ng Gawain:
1. Nagawang mabuti ang kilos 25
2. Wastong datos 25
Kabuuang puntos: 50
E. Paglinang sa Kabihasaan
Pagbigay ng mga pamprosesong tanong ukol
sa isinadula ng bawat pangkat.
1. Ano ang naging saloobin ninyo habang
ginagawa ang pag-uulat at kilos?
2. Batay sa isinagawang gawain ng bawat
pangkat,paano nagkakaiba ang katangian ng
bawat kasarian?
a. Emosyon
b. Kilos
F. Paglalapat ng Aralin
Pagtanong sa mga mag-aaral.
Sino-sino ang mga kilala ninyong
personalidad o celebrity na masasabing:
1. Lesbian o Tomboy
2. Gay o Bakla
3. Transgender
4. Bisexual
5. Transexual
G. Paglalahat ng Aralin
Sa inyong kumunidad may makikita ba kayong
iba’t ibang uri ng kasarian?
Kung meron, ano ang inyong mabubuong
kunklusyon dito?
Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa
bawat kasarian?
H. Pagtataya ng Aralin
Gawain: Tukuyin ang bawat pahayag kung
anong uri ng kasarian ito at piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Aiza Seguerra
2. Vice Ganda
3. Charise Pempengco
4. Ellen de Generez
5. Rustom Padilla
- Opo ma’am, meron pong
lalaki, babae, tomboy at bakla
- Ang konklusyon ko po ay
tanggap na sa bansang
Pilipinas ang mga tinatawag na
LGBT.
- Maipapakita ko po ito sa
pagbibigay ng respeto kung
ano mang uri ng kasarian ang
kanilang gusto, dapat
tanggapin at walang
pagdidiskrimina sa kanila
Bisexual Lesbian
Transexual Gay
Transgender Babae
_______1. Mga taong binago ang kanilang
katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera.
_______2. Mga lalaking nakararamdam ng
atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang
bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang
babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas
na; bakla, beki, at bayot).
_______3. Kung ang isang tao ay
nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma.
_______4. Mga taong nakararamdam ng
atraksyon sa dalawang kasarian babae at lalaki.
_______5. Sila ang mga babae na ang kilos at
damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
I. Takdang Aralin:
Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at
isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng gender at sex
mula sa mga natutunan mo sa aralin sa
pamamagitan ng pagkumpleto sa mga
pangungusap sa ibaba.
Isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng mga uri ng
kasarian.
Mula sa araling ito, natutunan ko na merong
iba’t ibang uri ng kasarian ito
ay____________________________________
_____________,transgender naman
ay____________________________________
___________________________samantalang
ang lesbian naman ay tumutukoy
sa___________________________________.
- Transexual
- Gay
- Transgender
- Bisexual
- Lesbian
IV. MGA TALA/PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking na solusyunan sa tulong ang aking punung guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko
guro
Inihanda ni:
JIJI A. ABADIANO
Araling Panlipunan Teacher
Pinuna ni:
SEPHORA M. ROLDAN
EPS-Araling Panlipunan
Araling_Panlipunan_10_Detailed_Lesson_Pl.docx

More Related Content

What's hot

AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa IndiaAP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa IndiaJuan Miguel Palero
 
Aralin 1: Kasarian sa Ibat-ibang Lipunan
Aralin 1: Kasarian sa Ibat-ibang LipunanAralin 1: Kasarian sa Ibat-ibang Lipunan
Aralin 1: Kasarian sa Ibat-ibang LipunanABELARDOCABANGON1
 
Ideolohiya
IdeolohiyaIdeolohiya
IdeolohiyaShai Ra
 
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10Araling Panlipunan
 
Reference 1. New JHS AP Curriculum as of June 8 2023.pdf
Reference 1. New JHS AP Curriculum as of June 8 2023.pdfReference 1. New JHS AP Curriculum as of June 8 2023.pdf
Reference 1. New JHS AP Curriculum as of June 8 2023.pdfkarenortiz980221
 
Ang Mga Kababaihan Noon at Ngayon at sa Nakalipas na 50 taon
Ang Mga Kababaihan Noon at Ngayon at sa Nakalipas na 50 taon Ang Mga Kababaihan Noon at Ngayon at sa Nakalipas na 50 taon
Ang Mga Kababaihan Noon at Ngayon at sa Nakalipas na 50 taon Gaylord Agustin
 
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)edwin planas ada
 
Ap gr. 8 q3 ( module 3) - grade 8 learning modules
Ap gr. 8 q3 ( module 3) - grade 8 learning modulesAp gr. 8 q3 ( module 3) - grade 8 learning modules
Ap gr. 8 q3 ( module 3) - grade 8 learning modulesApHUB2013
 
Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa Kulturag Asyano.docx
Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa Kulturag Asyano.docxKontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa Kulturag Asyano.docx
Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa Kulturag Asyano.docxJackeline Abinales
 
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docxMUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docxrichardvaldez45
 
AP 7 Lesson no. 15-A: Sinaunang Kababaihan Sa China
AP 7 Lesson no. 15-A: Sinaunang Kababaihan Sa ChinaAP 7 Lesson no. 15-A: Sinaunang Kababaihan Sa China
AP 7 Lesson no. 15-A: Sinaunang Kababaihan Sa ChinaJuan Miguel Palero
 
Karanasan ng mga Kababaihan.pptx
Karanasan ng mga Kababaihan.pptxKaranasan ng mga Kababaihan.pptx
Karanasan ng mga Kababaihan.pptxPaulineMae5
 
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptxAP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptxJenniferApollo
 
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asyaAng mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asyajovelyn valdez
 

What's hot (20)

AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa IndiaAP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
 
Q3 sex and gender
Q3 sex and genderQ3 sex and gender
Q3 sex and gender
 
Konsepto ng Gender at Sex
Konsepto ng Gender at SexKonsepto ng Gender at Sex
Konsepto ng Gender at Sex
 
Aralin 1: Kasarian sa Ibat-ibang Lipunan
Aralin 1: Kasarian sa Ibat-ibang LipunanAralin 1: Kasarian sa Ibat-ibang Lipunan
Aralin 1: Kasarian sa Ibat-ibang Lipunan
 
Ideolohiya
IdeolohiyaIdeolohiya
Ideolohiya
 
Komunismo, Communismo
Komunismo, Communismo Komunismo, Communismo
Komunismo, Communismo
 
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
 
Reference 1. New JHS AP Curriculum as of June 8 2023.pdf
Reference 1. New JHS AP Curriculum as of June 8 2023.pdfReference 1. New JHS AP Curriculum as of June 8 2023.pdf
Reference 1. New JHS AP Curriculum as of June 8 2023.pdf
 
Konsepto ng Gender at Sex
Konsepto ng Gender at SexKonsepto ng Gender at Sex
Konsepto ng Gender at Sex
 
Ang Mga Kababaihan Noon at Ngayon at sa Nakalipas na 50 taon
Ang Mga Kababaihan Noon at Ngayon at sa Nakalipas na 50 taon Ang Mga Kababaihan Noon at Ngayon at sa Nakalipas na 50 taon
Ang Mga Kababaihan Noon at Ngayon at sa Nakalipas na 50 taon
 
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
 
Ap gr. 8 q3 ( module 3) - grade 8 learning modules
Ap gr. 8 q3 ( module 3) - grade 8 learning modulesAp gr. 8 q3 ( module 3) - grade 8 learning modules
Ap gr. 8 q3 ( module 3) - grade 8 learning modules
 
Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa Kulturag Asyano.docx
Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa Kulturag Asyano.docxKontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa Kulturag Asyano.docx
Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa Kulturag Asyano.docx
 
mga samhang pangkababaihan.pptx
mga samhang pangkababaihan.pptxmga samhang pangkababaihan.pptx
mga samhang pangkababaihan.pptx
 
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docxMUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
 
AP 7 Lesson no. 15-A: Sinaunang Kababaihan Sa China
AP 7 Lesson no. 15-A: Sinaunang Kababaihan Sa ChinaAP 7 Lesson no. 15-A: Sinaunang Kababaihan Sa China
AP 7 Lesson no. 15-A: Sinaunang Kababaihan Sa China
 
Araling panlipunan
Araling panlipunanAraling panlipunan
Araling panlipunan
 
Karanasan ng mga Kababaihan.pptx
Karanasan ng mga Kababaihan.pptxKaranasan ng mga Kababaihan.pptx
Karanasan ng mga Kababaihan.pptx
 
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptxAP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
 
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asyaAng mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
 

Similar to Araling_Panlipunan_10_Detailed_Lesson_Pl.docx

Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Crystal Mae Salazar
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Crystal Mae Salazar
 
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxJeffersonTorres69
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10 Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10 Crystal Mae Salazar
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)Crystal Mae Salazar
 
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Crystal Mae Salazar
 
Ikatlong Markahan, Aralin 1: Kasarian at Gender AP 10.pptx
Ikatlong Markahan, Aralin 1: Kasarian at Gender AP 10.pptxIkatlong Markahan, Aralin 1: Kasarian at Gender AP 10.pptx
Ikatlong Markahan, Aralin 1: Kasarian at Gender AP 10.pptxJeanPaulineGavino1
 
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdfLeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdfBenjamin Gerez
 
module3hamongpangkasarian-171105052954.pdf
module3hamongpangkasarian-171105052954.pdfmodule3hamongpangkasarian-171105052954.pdf
module3hamongpangkasarian-171105052954.pdfSJCOJohnMichaelDiez
 
Module 3 hamong pangkasarian
Module 3 hamong pangkasarianModule 3 hamong pangkasarian
Module 3 hamong pangkasarianBinibini Cmg
 
LOCAL-DEMO-LESSON-PLAN-Finallllllll.docx
LOCAL-DEMO-LESSON-PLAN-Finallllllll.docxLOCAL-DEMO-LESSON-PLAN-Finallllllll.docx
LOCAL-DEMO-LESSON-PLAN-Finallllllll.docxKenjayArmero
 
COT ESP6.docx
COT ESP6.docxCOT ESP6.docx
COT ESP6.docxlomar5
 
ap10genderatsekwaslidad-171027043918 (1)-converted.pptx
ap10genderatsekwaslidad-171027043918 (1)-converted.pptxap10genderatsekwaslidad-171027043918 (1)-converted.pptx
ap10genderatsekwaslidad-171027043918 (1)-converted.pptxMERLINDAELCANO3
 
7E-INQUIRY-BASED-APPROACH-LESSON-STUDY.pdf
7E-INQUIRY-BASED-APPROACH-LESSON-STUDY.pdf7E-INQUIRY-BASED-APPROACH-LESSON-STUDY.pdf
7E-INQUIRY-BASED-APPROACH-LESSON-STUDY.pdfJedGarcia6
 
Ikatlong Markahan- AP10 -Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan- AP10 -Kontemporaryong IsyuIkatlong Markahan- AP10 -Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan- AP10 -Kontemporaryong Isyugladysclyne
 
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W2_D2.docx
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W2_D2.docxDLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W2_D2.docx
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W2_D2.docxRENEGIELOBO
 
Q3 Week 1-2 Ang-konsepto-ng-Kasarian-at-Seks.pptx
Q3 Week 1-2 Ang-konsepto-ng-Kasarian-at-Seks.pptxQ3 Week 1-2 Ang-konsepto-ng-Kasarian-at-Seks.pptx
Q3 Week 1-2 Ang-konsepto-ng-Kasarian-at-Seks.pptxARLYN P. BONIFACIO
 

Similar to Araling_Panlipunan_10_Detailed_Lesson_Pl.docx (20)

Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
 
AP10-Q3-MODYUL1.pdf
AP10-Q3-MODYUL1.pdfAP10-Q3-MODYUL1.pdf
AP10-Q3-MODYUL1.pdf
 
AP10-Q3-MODYUL1.pdf
AP10-Q3-MODYUL1.pdfAP10-Q3-MODYUL1.pdf
AP10-Q3-MODYUL1.pdf
 
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10 Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)
 
Dll 6 -q3
Dll  6 -q3Dll  6 -q3
Dll 6 -q3
 
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
 
Ikatlong Markahan, Aralin 1: Kasarian at Gender AP 10.pptx
Ikatlong Markahan, Aralin 1: Kasarian at Gender AP 10.pptxIkatlong Markahan, Aralin 1: Kasarian at Gender AP 10.pptx
Ikatlong Markahan, Aralin 1: Kasarian at Gender AP 10.pptx
 
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdfLeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
LeaP-AP-G10-Weeks 1-2-Q3.pdf
 
module3hamongpangkasarian-171105052954.pdf
module3hamongpangkasarian-171105052954.pdfmodule3hamongpangkasarian-171105052954.pdf
module3hamongpangkasarian-171105052954.pdf
 
Module 3 hamong pangkasarian
Module 3 hamong pangkasarianModule 3 hamong pangkasarian
Module 3 hamong pangkasarian
 
LOCAL-DEMO-LESSON-PLAN-Finallllllll.docx
LOCAL-DEMO-LESSON-PLAN-Finallllllll.docxLOCAL-DEMO-LESSON-PLAN-Finallllllll.docx
LOCAL-DEMO-LESSON-PLAN-Finallllllll.docx
 
COT ESP6.docx
COT ESP6.docxCOT ESP6.docx
COT ESP6.docx
 
ap10genderatsekwaslidad-171027043918 (1)-converted.pptx
ap10genderatsekwaslidad-171027043918 (1)-converted.pptxap10genderatsekwaslidad-171027043918 (1)-converted.pptx
ap10genderatsekwaslidad-171027043918 (1)-converted.pptx
 
7E-INQUIRY-BASED-APPROACH-LESSON-STUDY.pdf
7E-INQUIRY-BASED-APPROACH-LESSON-STUDY.pdf7E-INQUIRY-BASED-APPROACH-LESSON-STUDY.pdf
7E-INQUIRY-BASED-APPROACH-LESSON-STUDY.pdf
 
Ikatlong Markahan- AP10 -Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan- AP10 -Kontemporaryong IsyuIkatlong Markahan- AP10 -Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan- AP10 -Kontemporaryong Isyu
 
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W2_D2.docx
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W2_D2.docxDLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W2_D2.docx
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W2_D2.docx
 
Q3 Week 1-2 Ang-konsepto-ng-Kasarian-at-Seks.pptx
Q3 Week 1-2 Ang-konsepto-ng-Kasarian-at-Seks.pptxQ3 Week 1-2 Ang-konsepto-ng-Kasarian-at-Seks.pptx
Q3 Week 1-2 Ang-konsepto-ng-Kasarian-at-Seks.pptx
 

Araling_Panlipunan_10_Detailed_Lesson_Pl.docx

  • 1. Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon VI-Kanlurang Visayas Sangay ng Capiz CAPIZ NATIONAL HIGH SCHOOL Lungsod ng Capiz BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10 KONTEMPORARYONG ISYU Ikatlong Markahan A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa: mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan. B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag- aaral ay: nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitayugod ang pagkakapantay– pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan C. Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex. D. Layunin Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kasarian. AP10KIL-IIIa-2 I. NILALAMAN Paksa: Konsepto ng Kasarian Pinakapaksa: Uri ng Kasarian II. Kagamitang Panturo Laptop, DLP, Manila paper, Strips of Cartolina A. Sanggunian 1. TG - pahina 220 hanggang 225 2. LM-pahina 262 hanggang 266 III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral A. Pagbabalik Aral: Isang napakagandang umaga sa inyong lahat mga minamahal kong mga mag-aaral. Bago natin simulan ang lahat ay nais ko munang tumayo ang lahat para sa isang panalangin. Maraming salamat! Maaari ng maupo ang lahat. Ngayon bago natin simulan ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay nais ko munang magbalik tanaw tayo sa nakaraan. Balikan muna natin ang ating tinalakay kahapon. Batay sa natalakay natin sa nakaraang leksyon ano ang pagkakaiba ng gender at sex?
  • 2. B. Paghahabi sa Layunin: Maari nyo bang basahin ang ating layunin sa araw na ito ng sabaysabay? (Powerpoint slide) Gawain 1: Buuin ang mga pinaghalo-halong letra upang makabuo ng salita. 1. 2. 3. 4. 5. C.Pag-uugnay ng halimbawa Pagpapakita ng larawan. Gawain 2. Ipakita Ko, Tukuyin Mo! (Four Pics one word) Handa na ba kayong umpisahan ang ating panibagong aralin sa araw na ito? Kung kayo’y handa na, itaas ang inyong kanang kamay.Ngunit bago ang lahat ay magkakaroon muna tayo ng isang laro, ang larong ito ay tatawagin nating “Ipakita Ko, Tukuyin Mo!”. Magkakaroon tayo ng tatlong pangkat. Meron akong ipapakitang mga larawan, ang inyong gagawin ay huhulaan ninyo kung sino ang pangalan at ano ang uri ng kasarian ng nasabing larawan sa pamamagitan ng paunahan ng pagsagot gamit ang metacards. Handa na ba kayo? Isa, dalawa, tatlo… 1. 2. 3. 4. 1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan o ipinahihiwatig ng bawat larawan? 2. Ano-ano ang iyong naging basehan sa pagtukoy ng kasarian ng bawat larawan? Ang larong ating ginawa ay may kinalaman sa ating panibagong aralin sa araw na ito. Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang ating pag- aaralan sa araw na ito? D. Pagtalakay sa konsepto Ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay tungkol sa Uri ng Kasarian. 1.KASARIAN 2.TAO 3.GENDER 4.SEX 5.LGBT 1.Rodrigo Duterte - Lalaki 2. Marian Rivera - Babae 3. Vice Ganda - Gay 4. Aiza Seguera - Lesbian - Opo/hindi Ma’am! - Ang naging basehan po namin ay kilala sila sa industriya ng telebisyon. ANKASARI OTA GERDNE EXS BGLT
  • 3. Gawain 3: Ulat Mo, Aksyon Mo! Sa pagsisimula,magkakaroon tayo ng Pangkatang Gawain. Hahatiin ko kayo ulit sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay bubunot ng kani-kanilang numero. Bibigyan ng tag-iisang colored envelop ang bawat pangkat na may lamang paksa o kasarian. Kailangang ipakita ng bawat pangkat ang angkop na kilos ng kasariang kanilang nabunot.Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng tatlong minuto sa paghahanda at dalawang minuto naman para sa presentasyon. 1.Lesbian 2.Transgender 3.Bisexual 4.Gay 5. Transexual 1. Babae- 2. Lalaki- 3. Lesbian (tomboy) - Sang babae na may emosyonal at pisikal na atraksyon sa kapwa babae at kinikilala ang sarili bilang lesbian; Jane Lynch, Amerikanang artista sa Glee, isang palabas sa telebisyon (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy) 4. Gay (bakla) - Isang lalaki na may emosyonal at pisikal na atraksyon para sa kapwa lalaki at kinikilala ang sarili bilang gay. Ginagamit din ang salitang ito para sa mga lesbyana sa labas ng Pilipinas. may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot). John Amaechi, retiradong manlalaro ng NBA ; 5. Bisexual – isang tao na may pisikal at emosyunal na atraksyon para sa dalawang kasarian babae at lalaki. 6. Transgender - Salitang naglalarawan sa mga taong ang gender identity o gender expression ay hindi tradisyunal na kaugnay ng kanilang sex assignment noong sila ay pinanganak at kinikilala ang sarili bilang transgender; Sila ay maaaring transsexual, cross-dresser, o genderqueer . Justine Ferrer, ang unang babaeng transgender sa palabas na Survivor * Transexual-mga taong binago ang kanilang katawan o bahaging kanilang katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera. * Cross Dressers o CD—mga taong nagbibihis gamit ang damit ng kabilang kasarian. Hindi nila binabago ang kanilang katawan. Hal.Victoria Prince, isang aktibistang CD sa Amerika. * Genderqueers—mga taong itinatakwil ang gender binary o ang konsepto na dalawa lang ang kasarian. Minsathoseere are only two genders. Naniniwala ang ibang genderqueer na sila ay walang kasarian (agender) o kombinasyon ng kasarin (intergender). Hal. Riki Wilchins, isang manunulat
  • 4. Krayterya sa paggawa ng Gawain: 1. Nagawang mabuti ang kilos 25 2. Wastong datos 25 Kabuuang puntos: 50 E. Paglinang sa Kabihasaan Pagbigay ng mga pamprosesong tanong ukol sa isinadula ng bawat pangkat. 1. Ano ang naging saloobin ninyo habang ginagawa ang pag-uulat at kilos? 2. Batay sa isinagawang gawain ng bawat pangkat,paano nagkakaiba ang katangian ng bawat kasarian? a. Emosyon b. Kilos F. Paglalapat ng Aralin Pagtanong sa mga mag-aaral. Sino-sino ang mga kilala ninyong personalidad o celebrity na masasabing: 1. Lesbian o Tomboy 2. Gay o Bakla 3. Transgender 4. Bisexual 5. Transexual G. Paglalahat ng Aralin Sa inyong kumunidad may makikita ba kayong iba’t ibang uri ng kasarian? Kung meron, ano ang inyong mabubuong kunklusyon dito? Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa bawat kasarian? H. Pagtataya ng Aralin Gawain: Tukuyin ang bawat pahayag kung anong uri ng kasarian ito at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Aiza Seguerra 2. Vice Ganda 3. Charise Pempengco 4. Ellen de Generez 5. Rustom Padilla - Opo ma’am, meron pong lalaki, babae, tomboy at bakla - Ang konklusyon ko po ay tanggap na sa bansang Pilipinas ang mga tinatawag na LGBT. - Maipapakita ko po ito sa pagbibigay ng respeto kung ano mang uri ng kasarian ang kanilang gusto, dapat tanggapin at walang pagdidiskrimina sa kanila Bisexual Lesbian Transexual Gay Transgender Babae
  • 5. _______1. Mga taong binago ang kanilang katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera. _______2. Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot). _______3. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma. _______4. Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian babae at lalaki. _______5. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae. I. Takdang Aralin: Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng gender at sex mula sa mga natutunan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng mga uri ng kasarian. Mula sa araling ito, natutunan ko na merong iba’t ibang uri ng kasarian ito ay____________________________________ _____________,transgender naman ay____________________________________ ___________________________samantalang ang lesbian naman ay tumutukoy sa___________________________________. - Transexual - Gay - Transgender - Bisexual - Lesbian IV. MGA TALA/PAGNINILAY A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation. C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking na solusyunan sa tulong ang aking punung guro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko guro Inihanda ni: JIJI A. ABADIANO Araling Panlipunan Teacher Pinuna ni: SEPHORA M. ROLDAN EPS-Araling Panlipunan