Tekstong Deskriptibo
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
natutukoy ang kahulugan, katangian, at kalikasan ng isang
tekstong deskriptibo
Handog
Ang Santa Filomena ay isang paraiso. Sa kalupaan ay nakalatag ang luntiang bulubundukin
habang sinisinagan ng araw ang kulay asul na kalangitan. Ang mga tila bulak na puting-puting ulap ay
nakatunghay sa mapayapang dagat na humahalik sa baybayin, dala ng malumanay nitong mga alon.
Dahil ang kagubatan nito ay hindi pa naaabot ng kabihasnan, basal ang lugar na ito. Dito
matatagpuan ang pambihirang mga bulaklak na hindi pa yata nabibigyan ng pangalan. May pula,
dilaw, lila, at sari-saring kulay na tumutubo sa ilang. Matataas ang punongkahoy na bihirang akyatin at
mga halamang parang mga damong ligaw kung ituring. Ito ang larawan ng Santa Filomena bago
dumating ang kumpanya ng minahan.
Trak-trak na makina at grupo-grupo ng mga minero ang isa-isang nagsipag-akyatan sa bundok.
Sinimulan nila itong tibagin at gumawa ng lagusang kuta ng minahan na titiktikin. Araw at gabi ay
walang tigil sa pagbayo, pagbutas sa dibdib ng pinagpalang kabundukan. Hindi nagtagal, bumukal ang
iba’t ibang mineral na sinimulang hakutin at kamkamin. Kapag wala nang makuha sa mga lugar na
minina, iiwan itong nakatiwangwang, wasak, at sira. Ang dating malinaw na batis ay nahaluan na ng
mga kemikal. Ang matatayog na puno, putol na; ang iba ay troso at ang iba ay pundasyon sa mga
kuwebang minimina. Dala ng matingkad na sikat ng araw, nasaksihan ni Bathala ang paglapastangan ng
mga tao sa natatangi niyang handog.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Ang tekstong deskriptibo ay tekstong naglalarawan.
Ito ay naglalahad ng mga katangian ng tao, bagay,
hayop, lugar, o pangyayari.
Paglalarawan ng Katangian
Sa paglalarawan ay tinutukoy ang mga katangian o hitsura ng tao,
bagay, lugar, o pangyayari.
• Kung tao ang inilalarawan, inilalahad ang kulay, taas, pag-uugali, o mga
nakagawiang kilos.
• Kung bagay, tinutukoy ang kulay, laki, lasa, amoy, o dami nito.
• Kung lugar, iniisa-isa ang laki, disenyo, ganda, o mga bagay na makikita rito.
• Kung pangyayari, isinasalaysay ang mga tauhan, lunan, oras, o pagkakasunod-
sunod ng mga nangyari
Paano natin nailahad ang
mga katangian ng larawan?
Maaaring makapaglarawan
o makapagbigay ng
deskripsiyon gamit ang
limang pandama:
Handog
Ang Santa Filomena ay isang paraiso. Sa kalupaan ay nakalatag ang luntiang bulubundukin
habang sinisinagan ng araw ang kulay asul na kalangitan. Ang mga tila bulak na puting-puting ulap ay
nakatunghay sa mapayapang dagat na humahalik sa baybayin, dala ng malumanay nitong mga alon.
Dahil ang kagubatan nito ay hindi pa naaabot ng kabihasnan, basal ang lugar na ito. Dito
matatagpuan ang pambihirang mga bulaklak na hindi pa yata nabibigyan ng pangalan. May pula,
dilaw, lila, at sari-saring kulay na tumutubo sa ilang. Matataas ang punongkahoy na bihirang akyatin at
mga halamang parang mga damong ligaw kung ituring. Ito ang larawan ng Santa Filomena bago
dumating ang kumpanya ng minahan.
Trak-trak na makina at grupo-grupo ng mga minero ang isa-isang nagsipag-akyatan sa bundok.
Sinimulan nila itong tibagin at gumawa ng lagusang kuta ng minahan na titiktikin. Araw at gabi ay
walang tigil sa pagbayo, pagbutas sa dibdib ng pinagpalang kabundukan. Hindi nagtagal, bumukal ang
iba’t ibang mineral na sinimulang hakutin at kamkamin. Kapag wala nang makuha sa mga lugar na
minina, iiwan itong nakatiwangwang, wasak, at sira. Ang dating malinaw na batis ay nahaluan na ng
mga kemikal. Ang matatayog na puno, putol na; ang iba ay troso at ang iba ay pundasyon sa mga
kuwebang minimina. Dala ng matingkad na sikat ng araw, nasaksihan ni Bathala ang paglapastangan ng
mga tao sa natatangi niyang handog.
Magtala ng mga salitang naglalarawan o nagbibigay deskripsyon na
makikita sa teksto at tukuyin kung anung pandama ang ginamit sa
paglalarawan.
PANINGIN PANLASA PANG-AMOY PANDINIG PANDAMDAM
PANINGIN PANLASA PANG-
AMOY
PANDINIG PANDAMDAM
Luntiang
bulubundukin
• Kulay asul na
kalangitan
• Puting-puting ulap
Pula, dilaw, lila, at sari-
saring kulay
• Matataas ang
punongkahoy
• Malinaw na batis
• Matatayog na puno
• Basal ang lugar na ito
Payapang dagat
• Malumanay nitong alon
• Trak-trak na makina at
grupo-grupo ng minero
“matingkad ang sikat
ng araw”
Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
• Ang travel guide ay naglalahad ng ganda at mga natatanging katangian ng
iba’t ibang lugar para hikayatin ang mga turista na puntahan o bisitahin ito.
Ginagamit sa pagsulat nito ang ating paningin.
• Ang restaurant guide ay naglalahad ng lasa at presentasyon ng mga pagkain,
kasama na ang kabuuang hitsura at ambiance ng isang kainan o restaurant.
Bukod sa paningin, pangunahing ginagamit dito ang panlasa para bigyang
hatol ang sarap ng pagkaing inihahain sa mga customer.
• Ang album review naman ay naglalarawan ng mga kanta sa isang album at
disenyo ng pabalat o lalagyan nito. Gamit ang pandinig, inilalahad rito ang uri
ng mga kanta, bilis o bagal, at maaaring tema ng mga kanta.
• Gamit naman ang pang-amoy ay nakasusulat ng isang perfume product
review. Dito ay inilalahad ang halimuyak ng isang pabango, kasama na ang
disenyo at ganda ng lagayan nito.
Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
• Nakasusulat naman ng isang movie o theater review gamit ang
kombinasyon ng ating pandamdam at paningin. Hindi
nahahawakan ang mga eksenang napanonood sa sinehan, ang
emosyong inihahatid nito sa mga manonood sa tulong ng biswal
na mga larawan ang nagiging batayan ng ganda at husay ng isang
palabas o pelikula.
Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
Uri ng Paglalarawan
• Ang deskripsyong teknikal ay naglalarawan ng detalyadong pamamaraan.
• Ang deskripsyong impresyonistiko ay naglalarawan ayon sa personal na
pananaw o saloobin.