Sumasalamin sa paksang ito ang dalawang anyo ng panitikan at iba't ibang akdang pampanitikan (Nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay, talumpati, talambuhay, anekdota, dula at iba pa
LAYUNIN:
1. Matukoy ang anyo ng Panitikan batay sa
umiiral na lipunan;
2. Mapahalagahan ang sariling tradisyon at
kultura; at
3. Makapagkumpara ng mga kaibahan sa bawat
anyo ng panitikan.
3
Piksyon (Kathang-Isip)
> Ginagamit ng mga manunulat ang
kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng
mga akdang bungang-isip lamang.
Umiimbento sila ng mga kathang-isip na
mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook
na pinangyarihan ng kuwento para sa
kanilang mga akda.
16
Di-Piksyon (Di-Kathang-Isip)
> Ang isang paglalahad, pagsasalaysay, o
kinatawan ng isang paksa na inihaharap ng
isang may-akda bilang katotohanan ay
bumabatay ang may-akda sa mga tunay na
balita at iba pang kaganapan, ayon sa
kanyang mga kaalaman hinggil sa paksa.
17
Di-Piksyon (Di-Kathang-Isip)
> Pinipilit ng manunulat na maging tumpak
sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi
gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong
kuwento. Ang ganitong paghaharap o
presentasyon ay maaaring tumpak o hindi;
na ang ibig sabihin ay maaaring magbigay
ng tunay o hindi tunay na paglalahad ng
paksang tinutukoy.
18
Pasalin-Dila
Ang paraan ng paglilipat ng
panitikan mula sa dila at bibig ng
tao ay bahagi ng pakikipagtalamitan
at pakikisalamuha nila. Noong hindi
pa marunong magsulat ang mga
ninuno ng mga makabagong Pilipino,
binibigkas lamang ang mga
panitikan.
21
Kalimitang nagtitipun-tipon ang
sinaunang mga Pilipino upang
pakinggan ang mga salaysayin,
paglalahad o pamamahayag na ito.
Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang
mga ito upang matanim sa kanilang
isipan.
Sa ganitong palagiang pakikinig at
pagbigkas ng panitikan, nagawa
nilang maisalin ang mga ito
papunta sa susunod na salinlahi o
henerasyon ng mga Pilipino.
Pasalinsulat
Ang dokumentasyon ay namayani
nang isinatitik, isinulat, inukit, o
iginuhit ng mga Pilipino ang
kanilang panitikan. Naganap at
nagsimula ito noong matutunan nila
ang sinaunang abakada o alpabeto,
kabilang na ang mas naunang
baybayin at mga katulad nito.
24
Pasalintroniko
Ang pagsasalin ng panitikan
sa pamamagitan ng mga
kagamitang elektroniko na
dulot ng teknolohiyang
elektroniko ay naging ganap
ang dokumentasyon.
25
Ilan sa mga halimbawa nito ang
paggamit ng mga diskong kompakto,
plaka, recorder (tulad ng tape
recorder, at ng DVD), mga aklat na
elektroniko (hindi na binubuklat dahil
hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa
mga elektronikong anyo na), at ang
kompyuter.
Ayon sa Anyo at Genre
28
Tuluyan (Prosa)
Panulaan (Tula)
Patanghal
(Dula)
29
Tuluyan
(Prosa)
Naging maluwag na
pagsasama-sama ng
mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay
nasusulat sa
karaniwang takbo ng
pangungusap o
pagpapahayag. Tulad
ng anekdota, nobela,
maikling kwento,
sanaysay,
talambuhay, balita at
talumpati.
Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o
kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao. Maikling salaysay ng isang
nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao. Ang
pangunahing layon ng isang anekdota ay ang
makapaghatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang
karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
Anekdota
30
Isang mahirap na tao ang tumama ng suwipstik. Siya ay
maysakit sa puso kaya’t ang ahenteng binilhan niya ng
tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang balita
nang hindi aatakihin sa puso ang tumama. Sa kanilang
pag-uusap ay tinantiya ng ahente kung ano ang magiging
damdamin ng tao kung malaman na ito ay tumama sa
suwipistik. Sinabi ng tao na kung siya ay tumama ay
ibibigay niya ang kalahati sa ahente. Ang ahente ang
inatake sa puso.
Halimbawa:
31
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing-
kawing na pangyayari na naganap sa
mahabang saklaw ng panahon. Ito ay
kinasasangkutan ng maraming tauhan at
nahahati sa mga kabanata.
Nobela
33
Kinasasangkutan ang salaysaying ito ng
mga hayop, halaman at maging ng mga
bagay na walang buhay na kumikilos o
nagsasalita na para bang tunay na mga tao.
Pabula
39
Nagpapahayag ng kuro-kuro ng isang may-
akda hinggil sa suliranin o akda. Ito ay
maaaring pormal o impormal.
Sanaysay
41
“Edukasyon ay Ginto”
Ang edukasyon ay isang kayamanang hinding hindi
mananakaw o makukuha sa atin kailanman. Ito ay
importante sa bawat tao sa bawat sulok ng mundo dahil
halos dito umiikot ang takbo ng ating buhay.
Napakaraming mga tao lalo na’t mga kabataan sa ating
henerasyon ang hindi nabibigyan ng pagkakataon upang
sila ay makapag-aral dahil sila ay kapos sa buhay.
Halimbawa
42
Wala silang ibang magagawa kundi magtarabaho na
lamang agad upang makatulong sa kanilang mga
pamilya at kakalimutan ang pangarap na gusto
nilang matupad. Kaya’t kailangan nating
mapagtanto na sobrang halaga ng pag-aaral sa
ating buhay at h’wag natin sayangin ang
pagkakataon na ipinagkaloob sa atin upang matuto.
Halimbawa
43
52
Panulaan
(Tula)
Pagbuo ng
pangungusap sa
pamamagitan ng
salitang binibilang na
pantig sa taludtod na
pinagtugma-tugma.
Ang bawat taludtod ay
maaaring may sukat at
tugmaang pantig sa
hulihan o sadyang
malaya na ang ibig
sabihin ay di alintana
ang sukat at tugma.
Ang mga ito ay
nauuwi sa tulang
pasalaysay, tulang
liriko, tulang padula
at tulang patnigan.
53
54
Patanghal
(Dula)
Kapag ito ay nakikita o
itinatanghal sa entablado
o ipinalalabas sa
tanghalan. Pumapailalim
ito sa dalawang naunang
anyo. Ang mga dayalogo
ay maaaring isulat sa
alinmang dito. Ang
bawat yugto ay binubuo
ng mga tagpo na
maaaring isahan,
dadalawahin o
tatatluhing yugto.
Ang mga katutubo noon, bago pa man dumating ang
mga kastila, bagamat hindi pa nakikilala ang
katawagang dula ay may ginagawa nang pagtatanghal.
Ang pagtatanghal nila ay ginagawa sa patula; paawit
at pasayaw, hindi nga lamang sa tanghalan kundi sa
liwasan ng kanilang bayan, sa bahay ng kanilang
pinunong raha, o sa baku-bakuran ng kanilang
kapitbahay o sa sarili nilang pataniman.
55
Nagsimula ang pagpapalabas nilang ito sa kanila na
ring mga ritwal at seremonyang ginagawa tuwing may
okasyon tulad ng anihan o pagtatanim o sa mga
karaniwang gawain sa araw-araw na pamumuhay.
56
Nakaugat ang kanilang dula sa pagbibigay nila ng
papuri sa mga anito sa pagtatagayan ng tuba sa
sandali ng kasayahan, maging sa pananapatan sa
kanilang mga nililiyag ngunit kung uugatin natin
ito nagmula ang dulaang Pilipino sa mga larong
bugtungan at palaisipan na ginagamitan ng mga
salitang matatalinghaga.
57
Ang isa pang pinakaugat ng dula ay an Tagayan ayon
kay J. C. Balmaceda, 1939. Ito ay isa sa mga dulang
panlipunan, na ayon naman kay E. Arsenio Manuel,
(Tayabas Tagalog Awit Fragments from Quezon
Province, (1958) isa sa mga pinakatampok sa awitan
sa mga pagtitipon ng mga katutubong taga-Tayabas
ayon sa kanya.
58
“The cup of wine is placed on the head, or
carried on the bent arm by skillful dancers,
or just deposited in a patter held by the hand.
Lady singers toy with the cup on their head
while dancing and take it down during wedding
celebrations to collect gifts.”
59