Layunin
1. Matukoy ang mahahalagang kontribusyon sa
Panitikang Filipino;
2. Makapagsuri ng mga problemang
namamayani sa kalagayan ng panitikan.
Salamin ng buhay ang panitikan at ito ay
isang instrumento sa pagtataguyod ng
bansa. Daan sa pag-unlad ng
kabihasnan at pagbunga ng bagong
salinlahi. Ang bawat isa ay may panlahat
na hangaring mapaningas ang ating mga
sarili at mapagmalasakitan ang sarili
nating yaman ng panitikan.
Sa bawat tibok ng pulso, pagpintig ng
pulso ng buhay ay parang hibla ng sinulid
na ating hinahabi upang tao ay
makapagbigay ambag malaki man o maliit
sa pagpapabuti ng uri ng buhay. Ang isang
manunulat ay naggagalugad ng hiwaga at
nagsasaysay buhat sa kanyang paligid at
ng kalikasan na siya mismo ay nakakalikha
ng tula, sanaysay, dula at kathang buhay
na sumasalamin sa kanyang puso, mithiin
at pamumuhay.
Winika ng F.R. Leavis, sa kanyang aklat na Select
Literary Criticism: Henry James: “ Ang kahalagahan ng
ating hinahanap sa malikhaing panitikan ay isang
sangkap na kaugnay ng pandama ng buhay, ang
sangkap ng potensyalidad ng pantaong karanasan na
ipinababatid nito.”Hindi tayo dapat na maging malayo sa
lipunang ating kinabibilangan sapagkat tanging tayo
mismo ang dapat na magtamo ng mga bagay na lilikha
mula sa mga karanasang magbibigay buhay sa atin
bilang tao.
Ang mga taong nagnanais na
ilayo ang kanyang sarili sa
lipunan ay hindi lamang
mahihiwalay na pangsikolohiko
kundi bagkus isang potensyal
na maykayang ipagkait ang
kanyang pananagutang moral.
Bilang indibidwal, mismong ikaw ang
napapabagong sosyedad o lipunan.
Ang sining ay hindi lamang
nagpapasupling ng buhay kundi siya
rin ang huhubog sa buhay na siyang
maaaring huwaran ng mga tao ang
mga disenyo ng mga piksyonal na
mga bayani.
Isang magandang palatandaan na sa
mga panahong ito ang mga Pilipino ay
nagbabasa na ng panitikang habi mula sa
iba’t ibang bansa, mula sa Amerika,
Espanya, Britanya, Pranses, Alemanya,
Rusya, Tsina gayundin ang mga bansang
silanganin tulad ng Hapon, Indonesia,
Malaysia, Thailand, Vietnam at iba pa.
Hindi rin maikakait na may mga
Pilipinong sumusulat at nakikila sa
pagsulat ng wikang Ingles tulad ni F.
Sionel at ng iba pa na nakikilala na rin
sa ibang bansa dahil sa kakaiba
niyang istilo sa pagsulat
Kung sisipatin ng mabuti na sa mga akda ng
kasalukuyan - tula, salaysay, nobela, dula ---
masasabi nating gaya rin ng mga akda
noong mga panahong una, sila’y
nagsasalamin ng mga bagay-bahay na
kayakap natin sa araw-araw. May mga
paksang tungkol sa buhay at pamumuhay,
mga bagay na nagsasaad ng mga
pangyayaring bumubuo sa pag-ikot ng
buhay mula sa pagsilang hanggang sa
pagpanaw ng nilalang.
Dala ng pag-usbong ng
teknolohiya lalo na sa mga
kabataan ngayon ay nauuso ang
mga panulat sa Wattpad na
kinagigiliwan ngayong basahin
ng mga makabagong
henerasyon.
MGA SULIRANIN NG PANITIKANG PILIPINO
NGAYON
1. Hindi tinatangkilik ang sarili
nating panitikan bagkus ay sa
mga panitikang banyaga.
2. May mga paaralang hindi
ibinibilang ito sa mga asignatura
dahil alam na raw ng mga mag-
aaral ito.
3. Wala ng gaanong sumusulat
para sa basahin ng kapwa
Pilipino.
4. Umaasa na lamang ang mga
kabataan ngayon sa mga
pamumuna o pagsusuri ng
ibang kritiko na nalalathala na
sa magasin at internet
MGA SULIRANIN NG PANITIKANG PILIPINO
NGAYON
5. Malayo na sa pulso ng mga
bagong henerasyon ngayon.
6.May gusot na namamayani sa
mga wikang tinatangkilik.
7. Hindi na lubos na pinag-
aaralan ang sariling gawa at
mas bumababa ang antas ng
kaalaman sa sariling panitikan.
8. Kawalang halaga sa mga
isinulat ng mga dakilang
manunulat.
MGA SULIRANIN NG PANITIKANG PILIPINO
NGAYON
9.Kulang na sa pagmamalasakit
at papaunlad ng sariling wika at
panitikan
10. Kawalang malay sa mga
kaganapang namamayani ang mga
namumuno para sa pagpapaunlad
ng panitikang Pilipino.