LAYUNIN
1. Matukoy ang mahalagang konsepto
ng wika bilang tanging gamit sa
lipunan;
2. Makagawa ng isang maikling video
presentation na nagpapakita ng
maikling kasaysayan ng panitikan ng
Pilipinas.
3
Paunang Gawain
E-PUZZLE MO!
L K A S A Y S A Y A N
A I K U L T U R A L A
H S P L U O B I W A S
I Y Y U M L A A I M Y
P U P A N I T I K A N
A N E N T A N A A T O
Q U E Z O N N O R M S
Paunang Gawain
E-PUZZLE MO!
L K A S A Y S A Y A N
A I K U L T U R A L A
H S P L U O B I W A S
I Y Y U M L A A I M Y
P U P A N I T I K A N
A N E N T A N A A T O
Q U E Z O N N O R M S
Malaki ang pagbabago ngayon batay sa
kamalayang pangkasaysayan, sa
panitikan at lipunan marahil hindi na
ganap ang pagkakaroon ng interes ng
mga tao sa kung ano nga ba ang tunay na
kahalagahan ng mga ito. Ano nga ba ang
direksyon ng panitikan, ng kultura sa
gitna ng isang sosyedad na base sa
prinsipyo ng exchange value sa
pamamagitan ng halaga na masusukat ng
numero.
7
PANIMULA
8
Ang lipunang pinaghaharian ng mga batas
palengke ang pagbili ng kalakal, sa mga kalye,
sa tao sa gawa at gawi nito ay isang
pagtitimbang at malalim na pag-aanalisa. Ang
direksyon ng kultura kasangkot na dito ang
panitikan ay paurong o pasulong batay sa takbo
ng kasaysayan ng lipunang itinutukoy sa
sitwasyon ng paglalabanan ng interes, uri at
sektor. Maaaring may namumukod na
tendensya o paglilihis sa pangkalahatang
sitwasyon. Kung kikilatising mabuti ay kalakip
pa rin ang pagtatagisan ng mga idelohiya,
praktika, ideya at damdamin sa lipunan.
9
Kung titingnan natin ang kultura at lipunan,
dapat isaisip ang mga pandaigdigang
pagbabago, mga transpormasyong nagaganap
hindi lamang sa politika at ekonomiya bagkus
pati na sa larangan ng kultura, teknolohiya at
iba’t ibang parte ng sosyedad. Maraming
pagbabago ang naganap sa ngayon.
Una: ang pagsilang ng kamalayang
pangkababaihan, ang kilusang feminista, sa iba’t
ibang panig ng daigdig,
Pangalawa: ang paglitaw ng kamalayang etniko,
o makaangkan,
Pangatlo: ang pagsulpot ng Liberation Theology
10
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang
siyang magkakaisa sa atin bilang isang lahi.
Isang wika na magbubuo sa sambayanang
Pilipino. Ito ang dakilang mithiin ng pangulong
Manuel L. Quezon na magkaroon tayo ng isang
wikang Pambansa. Ayon sa kanya.
....dumating na ang panahon sa atin
upang magkaroon ng isang pambansang
wika.... hangga’t hindi nagkakaroon
niyon, tayo’y hindi magiging isang
bayan.
11
Ang wika ay isang mabisang
instrumento sa pagkakaintindihan at
pagbubuklod-buklod ng mamamayan
ng isang bansa. Isang pamamaraang
ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan
at damdamin sa pamamagitan ng
paraang pasulat at pasalita. Ito ay
naghahatid ng mga kaisipan, damdamin,
at hangaring magkaisa ang mga tao.
12
Ang isang bansa ay hindi magiging
maunlad kung hindi kinikilala at
ginagamit ang sariling wika. Binanggit ni
Rizal na “ ang wika ay kaisipan ng
mamamayan”. Ibig sabihin sa wika
iniluwal ang iniisip ng tao. Ito’y tulay sa
pagitan ng kanyang iniisip at ng gusto
niyang sabihin. Isa itong pundamental
na pangangailangan ng tao para sa
kanyang pansariling ekspresyon.
13
Ang bawat salitang namumutawi sa
iyong labi ay repleksyon ng iyong sarili
at identidad ng iyong bansa. Ayon kay
Almario, “Kung ano ang wika mo, yon
ang pagkatao mo.” Kaya nga sa
pamamagitan ng Konstitusyon ng
Pilipinas Artikulo XIV, Seksyon 6
malinaw na isinaad dito.
14
SEK. 6. Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino, Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa sa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Malinaw na ipinapahayag dito at
pinagdidiinan ang pagkilala sa sarili
nating wika bilang mamamayan ng
Pilipinas at patuloy na pagyamanin ito
ng taong naninirahan sa bansa.
15
Ang bawat bansa ay may sariling wika
na dapat tangkilikin at pagyamanin.
Magkapareho ang kalagayan ng India at
Pilipinas pagdating sa wika, dahil sa
pagtangkilik ng wikang Ingles pagdating
sa pagtuturo sa paaralan. Dahil dito
patuloy na nawawalan ng saysay ang
sarili nating wika sapagkat ito ay unti-
unting pinapatay ng mga naghaharing
uri sa lipunan.
Batay sa sosyo-linggwistikong
teorya, binibigyang-tuon dito
kung paano ginagamit ng mga
tao ang wika sa lipunan. Ayon
kay M.A.K Halliday (1973) sa
Exploration in the Function of
Language kinategorya niya ang
gamit ng wika sa buhay ng tao.
Tinukoy niya dito ang pitong
tungkulin.
Importante ang kaalaman sa
paggamit ng wika sa sariling
kultura at hindi lamang para sa
pamumuhay, kundi ang
maintindihan rin natin ang ating
sarili at kung ano ang ating
tungkulin upang pagyamanin
ito.
19
Ang Kultura ay siyang
nagbubunsod upang ang isang
tao ay kumilos ng ayon sa
kanyang ginagawa at tuloy
nagbibigkis sa mga miyembro ng
lipunan. Sinasabi na ang kultura
at lipunan ay magkaugnay
sapagkat hindi maaaring lumitaw
ang isa kung wala yaong isa pa.
20
Masasabing napakahalaga ng kultura
sapagkat kaakibat nito ang lahat.
Nakadikit na ito sa wika, lipunan at
mga mamamayan. Kung wala ang
kultura, hindi makukumpleto ang mga
ito sapagkat dahil sa kultura
nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang
bawat lipunan kaya gayon na lamang
kaimportante ang kultura sa lipunan
at sa iba pang bagay.
22
Magkabuhol ang wika at kultura at hindi
maipagkakaila ang bagay na iyon. Hindi
kailan man maaaring paghiwalayin ang mga
ito. Kung ano ang wika siyang kultura at
kung ano ang kultura ang siyang wika. May
kanya-kanyang kultura ang bawat etnikong
grupo, lipi, lahi at bansa na ganap na
nailalarawan ng kaugnay na wika. Kung
walang wika, walang kulturang maaangkin
ang tao at sa gayun, kung walang kultura,
walang bansang iiral o mabubuhay at sa
pamamagitan ng edukasyon na ginagamitan
ng wika ay naipapalaganap ang kultura at
nagpapasalin-salin sa mga henerasyon.
23
Ang wika ay nagagamit sa
pakikipagtalastasan at nakapagbibigay
ng mga pakahulugan din mula sa mga
karanasan sa pamamagitan ng
pakikibahagi sa kapwa upang makiisa
at patuloy na makibahagi sa mga
taong magkapareho ang kultura. Ang
kaisipang ito ay sinusugan din ni
Gladstone (1985)
24
“The language we learn as a child give us not only a
system for communication but, more importantly,
it dictates the type and the form of the
communications we make... Our language reflects
and reinforces our cultural pattern and value
system”. Kaugnay nito, sinabi ni Rizal na:
“Ang bawat bayan ay may sariling wika, tulad ng
pagtataglay nila ng sariling paraan ng
pagpapahayag ng damdamin.....
At hindi mananatiling sasalitain ng isang bayan ang
wikang dayuhan, sapagkat ang wikang iyon ay
walang sapat na salita upang ipahayag ang
konsepto ng kanilang mga utak at ang sentimyento
ng kanilang puso”.
25
Sa tinurang ito ng ating bayani,
Jose Rizal, tunay ngang ang
ubod ng konsepto ng pagiging
isang mamamayan ay
nakasalalay sa paggamit ng
sariling wika na siyang
magbibigay ng identidad sa mga
taong naninirahan sa isang
bansa. Ang mga karanasan at
paniniwala ng isang tao bunga
ng pagpapalitan ng mga taong
may iisang kultura at may iisang
wikang sinasalita at ginagamit.
26
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga
taong sama-samang naninirahan sa
isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga. Halos ganito rin ang
pagpapakahulugan ng ilang mga
sosyologo tungkol sa lipunan. Sa pag-
aaral ng lipunan ay inuuri ito batay sa
kung paano ito nabuo at paano ito
kinilala bilang bahagi ng pamumuhay
ng tao.
28
Ang lipunan ay may malaking bahagi
sa pamumuhay ng tao noon hanggang
sa ngayon. Ito ay inuri sa mga
sumusunod.
1. Hunting gathering Society
- Ito ay isang lipunang binubuo ng
mga tao na tinatawag na hunters
gatherers. Sila ay nomadikong grupo
dahil wala silang permanenteng
tirahan.
29
Kapag wala silang mahanap na pagkain sila
ay lumilipat sa ibang lugar upang
matugunan ang kanilang mga
pangangailangan. Isa sa pinakamahalagang
kontribusyon ng lipunang ito ay ang
pagtuklas nila ng apoy. Sa patuloy na
paghahanap ng kanilang pagkain, lumago
ang kanilang kaalaman hindi lamang sa
pangangaso kundi pati na rin sa mga
halaman. Gumagamit sila ng sibat para sa
pangangaso at para na rin maprotektahan
nila ang kanilang sarili laban sa ibang tao.
30
2. Ang Horticultural Society
- ay nanggaling sa salitang Latin na
Hortus na ang ibig sabihin ay hardin at
kultura o “kultus” na ang ibig sabihin
naman ay linangin. Ang
ay isang sistema ng lipunan na
nakabase sa horticulture. Isang paraan ng
produksyon kung saan gumagamit ng
kahoy upang maglinang ng maliit na
hardin.
31
Ang paraang ito ang ginamit nila upang
magkaroon ng sapat na konsumo ng
pagkain. Tulad ng trigo bigas. Ginamit nila
ang estratehiyang slash and burn
technology upang tustusan ang kanilang
pangangailangan kung saan susunugin nila
ang mga puno at puputulin ang mga
halaman.
32
3. Agrarian Society
- Isang lipunan kung saan ang
pangunahing ikinabubuhay ng mga
mamamayan ay ang pagtatanim,
pangingisda, pangangaso, at iba pang
gawaing pang-agrikultural. Nagmula ang
agrarian society sa hunter gatherer ngunit
sila ay nananatili lang sa isang lugar upang
mapangalagaan ang kanilang mga
pananim. Ang lipunang ito ay higit na
nakadepende sa kapaligiran at
nasasakupan nito. 33
4. Industrial Society
- Isang lipunang patuloy na umuunlad sa
pamamagitan ng teknolohiya upang mas
mapalago ang produksyon na siyang
susuporta sa kabuuang populasyong
nasasakupan nito.
34
5. Post Industrial Society
- Ito ay pinasikat ni Daniel Bell noong 1973
sa kaniyang aklat na “The Coming of Post-
Industrial Society” nagsimula ito noong
late 20th century sa bansang US. Ang
pinagkaiba nito sa industrial society ay
mas kumikita sa panahong ito ang mga
nasa service sector katulad ng mga
production workers at construction
workers. Binigyang halaga dito ang
information, service at advance
technology. 35
Sa lipunang ito ay nakalalamang ang mga
taong may pinag-aralan. Ang kaalaman
ang kanilang kapangyarihan at ang
teknolohiya ang kanilang instrumento.
36
Nagbigay din ang ilan sa mga sikologo ng kanilang
pagpapakahulugan hinggil sa lipunan tulad nina
Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley.
1. Emile Durkheim
- “Ang lipunan ay isang buhay na organismo
kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at
nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba
subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon.
Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang
bawat pangkat at institusyon ay gagampaman
nang maayos ang kanilang tungkulin”. (Mooney,
2011) 37
2. Karl Marx
- “ Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-
aagawan ng mga tao sa limitadong
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang
kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na
ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na
kumokontrol sa produksyon. Bunga nito,
nagkaroon ng magkakaiba at hindi pantay na
antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman
at kapangyarihan.” (Panopio, 2007)
38
3. Charles Cooley
- “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao
ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan. Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mamamayan.” (Mooney,
2011)
39
Magkakaiba man ang pagpapakahulugan
sa lipunan, makikita na ang mga
sosyologong ito ay nagkakaisa na ang
lipunan ay binubuo ng iba’t ibang
institusyon, ugnayan, at kultura. Bilang
mag-aaral, mahalagang maunawaan mo
kung ano-ano ang bumubuo sa lipunan.
40
Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng
isang barya na may dalawang mukha:
ang isang mukha ay tumutukoy sa mga
istruktura ng lipunan at ang isa naman
ay tumutukoy sa kultura. Bagama’t ang
dawalang mukha ay magkaiba at may
kani-kaniyang katangian, mahalaga ang
mga ito at hindi maaaring paghiwalayin
tulad na lamang kapag pinag-uusapan
ang lipunan.
42
Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan
43
a. pamilya
1. Institusyong
Panlipunan
2. Status (Istatus)
3. Gampanin (Roles)
d. Pamahalaan
b. Ekonomiya
c. Edukasyon
a. Primary Group
b. Secondary Group
Ang mga elemento ng istrukturang
panlipunan ay ang mga sumusunod:
1. Institusyong Lipunan
- Ito ay binubuo ng mga institusyong may
organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan
(Mooney, 2011).
a. Pamilya - Isa sa mga institusyong panlipunan, dito
unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang.
b. Ekonomiya - Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan
dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan
ang mga pangangailangan ng mga mamamayan
45
c. Edukasyon - Ito ang nagbibigay sa tao upang
paunlarin ang kanyang sarili na siyang nagiging sandata
niya sa paggamit ng kanyang mga ninanais sa buhay.
d. Pamahalaan - Ang katuwang at nagbibigay ng mga
pangangailangan ng isang pamilya. Ito rin ang
nangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mga taong
namumuhay sa isang komunidad.
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo
naman ng mga social group. Tumutukoy ang social
group sa dalawa o higit pang taong may
magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang
ugnayang panlipunan.
46
May dalawang uri ng social group:
a. Primary Group - Tumutukoy sa malapit at
impormal na ugnayan ng mga indibidwal.
Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na
bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at
kaibigan.
b. Secondary Group - Binubuo ng mga indibidwal
na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.
Karaniwan nakatuon sa pagtupad sa isang
gawain ang ganitong uri ng ugnayang
panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang
ugnayan sa pagitan ng amo at ng kanyang
manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga
manggagawa sa isa’t isa. 47
48
Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang
social group na nagdudulot ng ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa
ang malawakang pagwewelga ng ilang mga manggagawa ay isang isyung
panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga
manggagawa at may-ari ng kumpanya.
49
2. Status
- Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga
social groups, ang mga social-groups namay ay binubuo ng iba’t ibang
status.
- Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibidwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay
naiimpluwensyahan ng ating status.
A. ascribed status
51
Ang "ascribed status" ay tumutukoy sa isang posisyon
sa lipunan na ipinanganak o nakalaan na sa isang tao
batay sa mga katangian tulad ng kasarian, lahi, edad,
atbp.
Ito ay hindi nakuha ng isang tao sa pamamagitan ng
kanilang kakayahan, kasanayan, o pagpupunyagi, kundi
ito ay iginawad sa kanila ng lipunan.
Halimbawa ng ascribed status ay ang katayuan sa
lipunan ng isang tao batay sa kanilang pamilya, uri ng
trabaho ng kanilang mga magulang, at kanilang
etnisidad. Ang ascribed status ay kabaligtaran ng
"achieved status," na tumutukoy sa mga posisyon sa
lipunan na nakamit ng isang tao sa pamamagitan ng
kanilang sariling kakayahan at pagsisikap.
52
Halimbawa, ang isang indibidwal ay ipinanganak
na mahirap. Ang pagiging mahirap niya sa
pagkakataong ito ay maituturing na ascribed.
53
B. achieved status
Ang "achieved status" ay tumutukoy sa mga posisyon
sa lipunan na nakamit ng isang tao sa pamamagitan
ng kanilang sariling kakayahan, kasanayan, at
pagsisikap.
Ito ay hindi iginawad ng lipunan sa isang tao batay sa
kanilang mga katangian tulad ng kasarian, lahi, o
edad, kundi ito ay nakuha ng isang tao sa
pamamagitan ng kanilang sariling pagpupunyagi at
tagumpay.
Halimbawa ng achieved status ay ang posisyon sa
trabaho, edukasyonal na antas, at mga karangalan na
nakamit ng isang tao dahil sa kanilang tagumpay sa
mga layunin at mga gawain.
54
Ang achieved status ay kabaligtaran ng "ascribed status," na tumutukoy
sa mga posisyon sa lipunan na ipinanganak o nakalaan na sa isang tao
batay sa kanilang mga katangian.
Ang pagiging isang college graduate o propesyunal ay maituturing na
achieved status.
55
May mga isyu at hamong panlipunan
na may kaugnayan sa status ng tao sa
lipunan. Karaniwan, nagkakaroon ng mas
malawak na pagkakataon sa magandang
kalidad ng edukasyon ang mga taong
ipinanganak na mayaman kung ikukumpara
sa mga mahihirap. Sa kabila nito, mayroon
din namang mga mahihirap na naging
tuntungan ang ganitong kalagayan upang
lalong magsumikap para mabago ang
estado sa buhay.
56
3. Gampanin (Roles)
- May posisyon ang bawat
indibidwal sa loob ng isang social group.
Ang bawat posisyon ay may kaakibat na
gampanin o roles. Tumutukoy ang mga
gampaning ito sa mga karapatan,
obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan
na kaakibat ng posisyon ng indibidwal.
Sinasabing ang mga gampaning ito ang
nagiging batayan din ng kilos ng isang tao
sa lipunang kanyang ginagalawan.
57
Halimbawa:
Bilang isang mag-aaral inaasahang
gagampanan mo ang mga tungkulin ng
isang mabuting mag-aaral at inaasahan
mo rin na gagampanan ng iyong guro ang
kanyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo
nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit
sa klase.
58
Ang hindi pagganap sa mga inaasahang
gampanin ng isang indibiduwal o isang
grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu
at hamong panlipunan.
Halimbawa:
Ang isang mamamayan ay may
tungkuling dapat gampanan sa lipunan.
Kung ito ay hindi magagampanan nang
maayos, magdudulot ito ng ilang isyu at
hamong panlipunan.
Katuturan ng Kultura
Pinatutunayan din ni
Panopio (2007), ang
naunang kahulugan ng
kultura sa pamamagitan ng
pagsasabing “ito ang
kabuuang konseptong
sangkap sa pamumuhay ng
mga tao, ang batayan ng
kilos at gawi, at ang
kabuuang gawain ng tao.
60
Ayon kina Anderson at
Taylor (2007), ang kultura
ay isang kumplikadong
sistema ng ugnayan na
nagbibigay-kahulugan sa
paraan ng pamumuhay ng
isang grupong panlipunan o
isang lipunan sa kabuuan.
Sa isang lipunan,
binibigyang-katwiran ng
kultura ang maganda sa
hindi, ang tama sa mali at
ang mabuti sa masama.
Ayon naman kay Mooney (2011), ang
kultura ay tumutukoy sa kahulugan at
paraan ng pamumuhay na
naglalarawan sa isang lipunan.
Samakatuwid ang ginagawa natin sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay
mula paggising hanggang bago
matulog ay bahagi ng ating kultura.
63
Binubuo ito ng mga gusali,
likhang sining, kagamitan at iba
pang bagay na nakikita at
nahahawakan at gawa ng tao.
Ang mga bagay na ito ay may
kahulugan at mahalaga sa pag-
unawa ng kultura ng isang
lipunan.
MATERYAL
64
Kabilang dito ang batas, gawi,
paniniwala at norms ng isang
grupo ng tao, Hindi tulad ng
materyal na bagay, hindi ito
nahahawakan subalit maaari
itong makita o maobserbahan.
Ito ay bahagi ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng tao at
sistemang panlipunan.
DI-
MATERYAL
65
MGA ELEMENTO NG KULTURA
Kung ang mga institusyong
panlipunan ay tumutukoy sa mga
istrukturang bumubuo sa isang
lipunan, ang kultura naman ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan
ng pamumuhay ng mga mamamayan
sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa
isang lipunan. Nag-iiba ang
paglalarawan ng bawat lipunan batay
na rin sa kultura nito.
1. Paniniwala (Beliefs)
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at
paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at
tinatanggap na totoo. Maituturing itong
batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o
lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga
isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng
isang indibiduwal o pangkat ng tao.
66
Halimbawa:
Ang isang lipunang naniniwala
sa pagkakapantay-pantay ng mga tao
anuman ang kasarian ay magbibigay
ng mga oportunidad para sa pag-
unlad ng tao anuman ang kasarian
nito.
67
68
2. Pagpapahalaga (Values)
Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring
maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan.
Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng
lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi.
69
Batayan ito kung ano ang tama at mali,
maganda at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat (Mooney, 2011). Bagama’t may iba’t
ibang pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami
sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan.
Kapag ang isang situwasyon gawain ay labag sa
mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o
hamong panlipunan.
70
3. Norms
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi
na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan. Ang mga norms ang nagsisilbing batayan
ng mga uagli, aksyon, at pakikitungo ng isang
indibiduwal sa lipunang kanyang kinabibilangan.
Mauuri ang norms sa Folkways at norms.
Ang folkways ay isang pangkalahatang
batayang kilos ng mga tao sa isang grupo o isang
lipunan sa buuan.
71
4. Mores
Tumutukoy sa mas mahigpit na batayan
ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay
magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney,
2011). Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang
lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
72
Halimbawa:
Ang mga batas trapiko ay inilaan
upang magkaroon ng kaayusan at
kaligtasan ang mga tao sa lansangan.
Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang
hindi pagsunod sa mga batas na ito ay
may kaukulang kaparusahan.
73
5. Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay ang paglalapat ng
kahulugan sa isang bagay ng mga taong
gumagamit dito (White, 1949). Kung walang
simbolo, walang magaganap na komunikasyon at
hindi rin magiging posible ang interaksyon ng
mga tao sa lipunan.
74
Halimbawa:
Ang wika, mga kumpas (gestures), at iba
pang bagay na nuunawaan ng mga miyembro ng
isang lipunan.
Halimbawa:
Ang gawi ng mga Pilipino ang
pagmamano. Ang gawaing ito ay sumisimblo sa
isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga
Pilipino sa mga nakatatanda.
76
Ang Sociological Imagination
Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung
panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga
istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang
naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga ring
makita ng bawat isa ang kaugnayan ng isang
istrukturang panlipunan at kultura sa
pagkakaroon ng mga suliranin at isyung
panlipunan.
77
Ayon kay C. Wright Mills (1959),
mahalagang malinang ang isang kakayahang
makita ng kaugnayan ng mga personal na
karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang
ginagalawan. Tinatawag niya itong Sociological
Imagination.
Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito,
masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon
ng mga isyung personal at isyung panlipunan.
Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng
koneksyon sa mga pangyayari sa ating
buhay bilang isang indibiduwal at sa
pangkalahatang kaganapan sa lipunang
ating ginagalawan.
Halimbawa:
Ang problemang kinakaharap ng
mga Pilipino sa usaping pantrapiko lalo
na sa Kamaynilaan at mga karatig-lugar.
78
Sa simula, maaaring isisi sa tao ang
pagiging huli niya sa pagpasok sa
paaralan, subalit kung susuriin ang
isyung ito, masasabing ang palagiang
pagpasok nang huli ay bunga ng
malawakang suliraning pantrapiko. Kung
gagamitin ang Sociological Imagination,
maiuugnay na hindi lamang personal na
isyu ang dapat harapin kundi isang
isyung panlipunan na nakaaapekto sa
isang indibiduwal.
79
Isyung Personal
Ang mga isyung personal ay
sinasabing nagaganap sa pagitan ng
isang tao at ilang malalapit sa kanya.
Ang solusyon sa isang isyug personal ay
nasa kamay ng indibiduwal.
Maituturing ang isyung ito na
pribadong bagay na nararapat
solusyunan sa pribadong paraan.
81
Isyung Panlipunan
Samantala ang isyung panlipunan
ay isang pampublikong bagay.
Karaniwang kaugnay ito ng krisis o
suliranin sa mga institusyong
panlipunan. Mga suliranin ito na
nakakaapekto hindi lamang sa isang tao
kundi sa lipunan sa kabuuan.
82
Mahalagang malaman na sa kabila ng
pagkakaiba ng isyung personal at
isyung panlipunan, ang dalawang ito ay
magkaugnay.
Halimabawa:
Ang mga hamon at isyung
pangkapaligiran.
Ang makalat na bakuran ay isang
isyung personal.
83
Subalit kung ang isang barangay o
bayan ay magiging makalat dulot ng
kawalan ng maayos na sistema ng
pagtatapon ng basura, ito ay maituturing
na isyung panlipunan. Idagdag pa rito
ang masamang epekto sa kalusugan at
ekonomiya ng isang lugar kung ito ay
mabaho, makalat, at walang maayos na
sistema ng pagtatapon ng basura.
84
Mayroon ding mga isyu na may
kaugnayan sa ekonomiya. Isang
magandang halimbawa ang ibinigay ni C.
Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng
isyung personal at isyung panlipunan ay
ang tungkol sa kawalan ng trabaho.
Kung sa isang komunidad na may
100,000 mamamayang maaaring
maghanapbuhay ay may isang walang
trabaho, maaaring ituring ito bilang
isang isyung personal.
85
Subalit kung sa isang lipunang
myroong 50 milyong tao at 15 milyon sa
mga ito ay walang trabaho, maaari itong
ituring na ‘isyung panlipunan”. Sa
malalim na pagtingin, maaaring maging
kongklusyon na may kakulangan sa
lipunan o istruktura nito na nagdudulot
ng kawalan ng trabaho ng maraming
mamamayan dito.
86
Mayroon din namang ilang
pangyayari na maituturing na isyung
panlipunan subalit makikita ang epekto
sa personal na buhay ng isang tao. Ang
mga digmaan ay maituturing na isyung
panlipunan subalit hindi maikakaila ang
epekto nito maging sa personal na na
buhay ng mga tao sa lipunang puno ng
kaguluhan at karahasan.
87
Gamit ang kasanayan na
Sociological Imagination, bilang bahagi
ng lipunang iyong ginagalawan,
mahalagang maunawaan mo na ang mga
personal na isyung nararanasan mo ay
may kaugnayan sa isyu at hamong
panlipunan.
Hindi rin maikakaila na mayroon
kang mahalagang papel na gagampanan
sa pagtugon sa mga isyu at hamong
kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan.
88