2. YUNIT 1
INTRODUKSYON: ANG PAGTATAGUYOD NG
WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA
ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
3. MGA LAYUNIN
Layunin ng modyul na ito na matugunan ang mga sumusunod:
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
2.Maisabuhay ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
4. PANIMULA
Alam mo ba na ang wika ay integral na bahagi ng tao
pagkapanganak niya? Integral dahil kakambal niya ito noong
nasilayan niya ang liwanag sa mundong ating ginagalawan.
Ang wika ay sadyang napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ang
kaniyang instrumento o kasangkapan sa pagbabahagi ng kaniyang
nadarama at opinyon. Sa pamamagitan din ng wika ay nasasalamin
ang kultura ng mga tao na gumagamit nito. Kaya, mapalad tayo
dahil may sarili tayong Wikang Pambansa na daluyan ng
karunungan--daan tungo sa pag-unlad ng bayan.
6. Aralin 1: Ang Wikang Pambansa
Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa
mundo na binubuo ng mga mamamayang may iba-ibang
nasyonalidad at iba-ibang wikang katutubo. Itinuturing ang wika na
isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang
pagkakaroon ng isang wikang pambansa, sa gayon, ay para sa
pambansang pagkakaunawaan. Sa wikang ito sumisibol ang
damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayang may iba-ibang
wikang katutubo.
7. Katulong ito ng pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang
pambansang sagisag sa pagtatag ng isang pambansang pamahalaan
(Almario, 2014).
8. Dagdag pa ni G. Virgilio S. Almario, Alagad
ng Sining sa Literatura at Tagapangulo ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), malimit na
hinihirang na wikang pambansa ang sinasalita na
dominante at/o pinakamaraming pangkat.
Maaaring maging dominante ang wika ng isang
pangkat na gumaganap ng pangunahing tungkulin
sa kasaysayan ng paglaya ng bansa. Maaari ding
maging dominante ang wika sa pook na sentro ng
komersyo, edukasyon, kultura, at gawaing
pampolitika.
9. • Sa ganitong paraan lumilitaw na wikang
pambansa ng Pransya ang wika ng Paris, ng
Great Britain ang wika ng London, ng Tsina
ang wikang Beijing, ng Espanya ang wikang
Castilla, ng Rusya ang wikang Moskba, at ng
marami pang bansa.
10. • Maraming bansa sa Aprika at Timog Amerika ang nagpanatili sa
wika ng kanilang mananakop bilang wikang pambansa. Espanyol
ang wikang pambansa ng Mexico, Cuba, Bolivia, Argentina, Chile
at iba pang bansa kahit nagrebolusyon ang mga ito laban sa
sumakop na Espanya. Portuges ang wikang pambansa ng Brazil
pagkatapos palayain ng Portugal. Pranses ang wikang pambansa
ng Alegria. English ang wikang pambansa ng Timog Aprika.
Portuges ang wika ng Angola. Sa kabilang dako, hindi pinanatili
ng Indonesia ang Dutch katulad ng hindi pagpapanatili ng
Malaysia sa Ingles, at tulad ng Filipinas na pinili ang pagbuo ng
katutubong wikang pambansa (Almario, 2014).
11. • Ang Wikang Pambansang Filipino ay dumaan sa
hindi mabilang na kontrobersya at nagpapatuloy
pa ito hanggang sa kasalukuyan. Hindi na ito
bago sa atin, alam na natin ito. Dapat nating
maintindihan na habang nagdaraan ang Filipino
sa samo’t saring mga pagsubok ay lalong
tumatatag ang pundasyon para lalo pa itong
malinang at magamit sa mahusay at malawakang
pamamaraan.
12. Mga Isyung Pangwika
• Narito ang kasaysayan ukol sa mga kontrobersyang
pinagdaanan ng Wikang Pambansa.
Una. Ang napagkaisahang pasiya sa 1934 Kumbensyong
Konstitusyonal na pumili ng isang katutubong wika upang
pagbatayan ng Wikang Pambansa ay produkto ng Nasyonalista at
Kontra-Kolonyalista.
13. • Matatandaan na hindi nagkasundo ang mga delegado sa 1934
Kumbensyong Konstitusyonal kung aling katutubong wika ang
dapat na ideklarang wikang pambansa. Sa unang diskusyon pa
lamang, o sa pamamagitan ng talumpati ni Felipe R. Jose noong
13 Agosto 1934, ay Tagalog na ang liyamadong katutubong wika.
Ngunit sinalungat ito ng mga delegadong nagnanais na wika nila
ang maiproklama. Pangunahing naging kalaban ng mga Tagalista
ang mga delegadong nagpasok sa Sebwano at Ilokano. Ang mga
delegadong ito ang humati sa nasyonalismong pangwika noong
1934, muli noong 1972, at hanggang ngayon, lalo na sa likod ng
panukalang Federalismong Pampolitika (Almario, 2014).
14. • Ang federalismo ay isang uri ng sistema ng pamahalan na kung
saan ang isang bansa ay mahahati sa estado o rehiyon, at ang
bawat estado naman ay magkakaron ng kalayaan para magkaroon
ng sariling pamahalan. Sa madaling salita, ito ay sistema ng
pamahalan kung saan mas naibabahagi ang kapangyarihan, pondo
at programa sa pamahalaang panrehiyon at panlokal.
15. Ikalawa. Ang paglapastangang ginagawa ni Gng. Arroyo sa
wikang Filipino. Noong nasa posisyon siya bilang Pangulo ng
ating bansa ay inilabas niya ang Executive Order Blg. 210 na may
pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen tha use of
English as a Second Language in the Education System”. Nilayon
ng naturang EO na palakasin ang Ingles sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit nito (ng Ingles)
bilang wikang panturo, bagay na kwinestyon sa Korte Suprema
noong Abril 27, 2007.
16. Para sa mas malinaw na kabatiran, ilan sa pinakamahahalagang
isinasaad ng EO 210 ay ang sumusunod:
• …ang wikang Ingles ay ituturo bilang pangalawang wika sa lahat
ng antas ng Sistema ng edukasyon, simula sa unang baitang.
• …ang wikang Ingles ay nararapat gamitin bilang midyum sa
pagtuturo ng asignaturang English, Math, at Science hanggang sa
ikatlong baitang.
• …ang wikang Ingles ay gagamitin bilang pangunahing wika sa
pagtuturo sa lahat ng institusyong pampubliko sa antas sekundarya.
17. • …at bilang pangunahing midyum sa pagtuturo, ang
bilang ng oras na ilalaan sa mga asignaturang ituturo
sa Ingles sa antas ng sekundarya ay hindi bababa ng
70% ng kabuoang oras na inilaan sa lahat ng larangan
ng pagkatuto(learning areas).
• …ang wikang Filipino ay mananatiling midyum ng
pagtuturo sa asignaturang Filipino at Araling
Panlipunan.
18. • Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang kaniyang
naging batayan sa pag-uutos na palakasin ang Ingles
bilang wikang panturo? Ito ang katwiran. Mahina sa
Ingles ang mga estudyante, ayon sa taya ng noo’y
Pangulo. Nagulat siya nang malaman na maraming
bakanteng trabaho sa mga call center ang di napupunan
dahil bumabagsak sa eksaminasyon sa Ingles ang mga
aplikante. Dagdag pa niya, Ingles ang wika ng Information
and Communication Technology o ICT. Ang solusyon ng
Pangulo sa problema ay ang agarang pagpapalakas sa
Ingles bilang wikang panturo.
19. • Ang naging hakbang na ito ng noo’y Pangulong Arroyo
ay itinuturing na hindi makatwiran. Ito ay dahil sinalaula
nito ang konstitusyong pangwika upang tugunan ang
trabaho sa mga call center. Ang pangangailangan sa mga
kababayan nating mahusay mag-ingles para punan ang
mga posisyon sa mga call center ay pansamantala at
limitado lamang. Dahil ang totoo, may 40,000 hanggang
60,000 trabaho lamang ang naghihintay sa mga call center.
Hindi makatwirang ibatay ang patakarang pangwika ng
buong sistemang pang-edukasyon sa kakarampot na
trabaho lamang.
20. Ikatlo. Ang panukalang pagpaslang ng
Commission on Higher Education (CHED)
sa Filipino, Panitikan at Philippine
Government and Constitution bilang mga
asignatura sa kolehiyo.
21. Narito ang mahahalagang pangyayari, petsa at mga taong
kasangkot sa pagtatanggol ng wikang Pambansa para sa mas
Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa.
• Taong 2011 Oktubre 3, 2011
• Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa koliheyo sa
pagtataguyod ni Dr. David Michael M. San Juan, convenor ng Tanggol Wika, Associate
Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle Univesity-Manila at sinimulan ang
pagpapalaganap ng isang petisyon na may layuning “urging the Commission on Higher
Education (CHED) and the Department of Education (Deped) to consider issuing an immediate
moratorium on the implementation of the senior high school/junior college and Revised General
Education Curriculum (RGEC) components of the K to 12 Program which might cause the
downsizing or even abolition of the Filipino departments in a number of universities (other
departments would surely be downsized too).
22. • Agosto 29, 2012
• Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd
Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. na
walang asignaturang Filipino sa bagong Revised
General Education Curriculum (RGEC).
23. • Disyembre 7, 2012
• Sa pamumuno ni Prop. Ramilito Correa, may-akda at
noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng
Filipino ng DLSU, inilabas ng Departamento ng Filipino
ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED
Curriculum’ na may pamagat na “Isulong ang Ating
Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang
Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa
Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang
may Mataas na Antas.”
24. • Mayo 31, 2013
• Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa
Komisyon sa Wikang Filipino ( KWF), pinagtibay ng mga
gurong delegado sa isang Pambansang Kongreso ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang
Filipino (PSLLF) ang isang resolusyon hinggil sa
“Pagtiyak sa Katayuang Akademiko bilang Asignatura sa
Antas Tersyarya”, Humigit kumulang 200 guro ang
nakipagkaisa sa hangaring.
25. • Hunyo 28, 2013
• Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na
nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas
tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self;
Readings in Philippine History; The Contemporary World;
Mathematics in the Modern World; Purposive Communication;
Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.”
Kumpirmadong walang asignaturang Filipino sa planong
kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12.
26. • Marso 3, 2014
• Pagbuo ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa CHED. Pinamunuan
ito ni Dr. David Michael D M. San Juan, convenor Tanggol Wika sa udyok nina
Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas (kapwa mula sa DLSU). Kasama
sina Prop. Jonathan Geronimo, Prop Crizel Sicat-De Laza ng Univesity of Santo
Tomas (UST), mga kaibigan at mga kakilalang guro mula sa iba’t ibang
unibersidad. Nilahukan ito ng mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng
UST, UP Diliman at UP Manila, Ateneo De Manila University, PNU, San Beda
College-Manila, PUP-Manila, National Teachers College, Miriam College (MC)
atbp., at mga samahang pangwika gaya ng PSLLF, Pambansang Asosasyon ng
Mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) at
humigit-kumulang 200 pirma.
27. • Marso 23, 2014
• Pinagtibay ng National Commission on Culture and the Arts-National Committee on
Language and Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na “HUMIHILING
SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT
SENADO NG REPUBLIKA NG FILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWANG
MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION
CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSYARYA ANG MANDATORY NA 9
YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO” na nagsasad na: “ na…puspusan
lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang
Filipino…”
28. • Hunyo 20, 2014
• Inilabas naman ng KWF ang “KAPASYAHAN NG KALIPUNAN NG MGA
KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014…NA NAGLILINAW SA TINDIG
NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) HINGGIL SA COMMISSION
ON HIGHER EDUCATION (CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013.”
Iginigiit ng nasabing kapasyahan ng KWF ang “ pagtuturo ng siyam (9) na yunit
s Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas
sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t
ibang disiplina –na pagkilala sa Filipino bilang pintuan ng karunungang at hindi
lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng
intelektuwalisasyon ng Filipino” at pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa
panukalang Core Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa
Memorandum Order Blg. 20, s 2013 ay ituro gamit ang Wikang Filipino. “
29. • Hunyo 2, 2014
• Sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay
nakipagdiyalogo sa 2 komisyuner ng CHED na sina
Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia
Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST,
MC, at Marinduque State University.
30. • Hunyo 16, 2014
• Sa pagtataguyod ni Dr. David Michael San Juan, convenor
Tanggol Wika at Dr. Antonio Contreras at paglahok ng
mga guro, napagkasunduan sa diyalogo na muling
sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-
reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa
Filipino at ang General Education Committee, kasama ang
mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya.
31. • Hunyo 21, 2014
• Bienvenido Lumbera, National Artist – isa sa mga Tagapagsalita sa
Forum at paglahok ng halos 500 delegado mula sa mga kolehiyo,
unibersidad at organisasyong pangwika at pangkultura, nabuo ang
Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum sa DLSU – Manila.
• Hulyo 4, 2014
• Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga naisin ng
Tanggol Wika.
32. • Agosto 2014
• Inilabas ang dokumentaryong gaya ng “SulongWikang Filipino”
(panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at Sulong Wikang
Filipino:Edukasyong Filipino, Para Kanino?
• Setyembre 2014
• Inilabas ang dokumentaryong “Sa Madaling Salita:Kasaysayan at
Pag-unlad ng Wikang Pambansa.”
33. • Abril 15, 2015
• Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika,
sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT
Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawais
Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep.
Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang
kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka
Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty.
Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael
San Juan, ang nasabing petisyon.
34. • (Ito ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang
pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No.
217451 (Dr. Bienvenido Lumbera) Pambansang
Alagad ng Sining, et.al.vs. Pangulong Benigno Simeon
C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa
Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher
Education (CHED) Dr. Patricia Licuanan.
35. • Abril 21, 2015
• Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay
kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng
paglalabas ng temporary restraining order (TRO).
• Hulyo 18, 2016
• Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarification on the
Implementation of CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series
Entitled “General Education Curriculum; Holistic Understandings,
Intellectual and Civic Competencies.”
36. • Setyembre 23, 2016
• Sa pamumuno ng Departamento ng Filipinolohiya ng
PUP na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai, tumulong
ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na
organisasyong Alyansa sa Mga Tagapagtanggol ng
Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na naglalayon
namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang
Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay
wala nang required na Philippine History Subject.
37. • Hulyo 11, 2017
• Lumabas ang isa pang memorandum ng tagapangulo ng CHED –
Dr. Patricia Licuanan at may paksang Clarification on the Offering of
Filipino at Panitikan Courses in All Higher Education Programs), na
hindi naman nila gaanong ipinalaganap.
• Agosto 9, 2017
• Natanggap ng Tanggol Wika ang isang “manifestation and motion”
sa Korte Suprema ng Official of the Solicitor General.
38. • Agosto 25, 2017
• Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos Na Para
sa Makabayang Edukasyon (KMEd).
39. • Anuman ang maaaring kahihinatnan ng mga naging
pagkilos ng Tanggol Wika, mainam nang mairehistro pa
rin sa mga pahina ng kasaysayan ang mga susing
argumento ng Tanggol Wika para sa pagkakaroon ng
Filipino at Panitikan sa Koliheyo.
• Kailanman ay laging mananaig ang halaga ng Wikang
Pambansa sa Kalinangan ng mga Filipino.
40. • Para sa buong transcript ng mga susing argumento ng Tanggol Wika ay
maanong i-access ang:
• http://www.researchgate.net/publication/320558204_Alyansa_ng
_Mga_Tagapagtanggol_ng_Wikang_FilipinoTANGGOL_WIKA_In
ternal_na_Kwento_Mga_Susing_Argumento_at_Dokumento_2014-
2017)
41. Dr. David Michael San Juan
Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle Univesity-Manila
Convenor ng Tanggol Wika
43. Pagtataya/Ebalwasyon
Panuto: Gumawa ng tatlong minutong (3 mins.) infomercial video para sa
adbokasiyang pangwika.
• Tatayahin ang infomercial video ayon sa rubrik:
44. Rubrik para sa Infomercial Vedio
10 kung may isa lamang adbokasiya/paalaalang pangmadla ang itinatampok sa
awtput; may kombinasyon ng pasulat, pasalita at vedio, napapanahon ang
paksa, hindi tiwalag sa
realidad at/o katotohanan at orihinal ang idea at/o pagkakagawa.
8 puntos kung kulang ng isa sa pamantayan.
6 puntos kung kulang ng dalawa sa pamantayan.
4 puntos kung kulang ng tatlo sa pamantayan.
2 puntos kung kulang ng apat sa pamantayan
45. Pamantayan Inaasahan Puntos
1. Nilalaman Naayon sa paksa ang presentasyon
2. Teknikalidad Malinaw ang vedio, nababasa ang nakasulat,
naririnig ang sinasabi, lapat ang tunog, angkop
ang musika, sabay ang bukas ng bibig sa
sinasabi sa vedio, may tamang anggulo sa
pagvedio at walang antala o pagpuputol-putol
sa pagpapalabas.
3. Pagsunod saPanuto Hindi lumampas sa dalawang minuto ang
vedio, nakalagay sa flashdrive, ipapadala via
email, o google mate, zoom at iba pa, may plan
B kung kinakailangan at maipakita o isumite sa
takdang oras.
4.Pasalitang
Presentasyon
Naipakita ang awtput sa hindi hihigit sa 15
minuto, naipaliliwanag ng malinaw ang
sinasabi sa vedio, organisado ang presentasyon,
walang delaying tactics at nasagot nang tama
at/o makatwiran ang mga ibinatong tanong o
feedback.
5.Pasulat na
Presentasyon
May nakasulat na plano (script at/o
storyboard), nakaencode, Times New Roman,
12 ang font size, isahang espasyo sa maikling
bond paper, nakasulat ang pangalan sa tapat ng
espesipikong Gawain at/o ginawa.
46. Pinaghanguan:
• 1. Mortera, M. O. (2019) Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino (Kursong Filipino sa Mataas na Edukasyon, Pinaunlad na Bersyon.
• 2. Dela Peña, JM I. Ph.D. at iba pa: (2018) Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino. St. Andrew Publishing House
• 3. Maranan, M. H. Ph.D. (2018) Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
Midshapers Co., Inc.
47. • At dito nagtatapos ang ating unang aralin, nawa’y marami kayong
natutunan sa mga paksang tinalakay na nakapaloob sa modyul na
ito, salamat sa matiyaga mong pagsipat sa aralin at pagsagot sa
mga Gawain at pagsasanay na ibinigay, sa kabila ng pandemyang
ating nararanasan. Binabati kita! Sapagkat, napagtagumpayan mo
ang unang aralin. Inaasahan kung maging magiliw ka sa susunod
pang mga aralin.
48. • Kung may katanungan na kailangan ng paglilinaw maaring dumulog sa
mga sumusunod:
1. FB Account
2. Messenger Account