Naging daan upang ang Spain ay maghangad
din ng mga kayamanan sa Silangan ang
pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng
Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong
1469.
Naging daan ang pinagsanib na lakas ng
kanilang kaharian sa pagpapadala ng mga
ekspedisyon sa Silangan na ang una ay
pinamunuan ni Christopher Columbus.
Noong 1492, namuno siya sa unang
ekspedisyon patungong India na dumaan
pakanluran ng Atlantiko ngunit nakarating sila
sa isla ng Bahamas, Hispaniola (kasalukuyan
ay ang mga bansang Haiti at Dominican
Republic) at Cuba.
Ang mga tao dito ay tinatawag nilang Indians
dahil sa magkapareho ang kulay nila sa mga
taga India. Narating din niya ang Caribbean at
South America. Nakatagpo ng bagong Mundo
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng
pagpapadala ng mga ekspedisyon ng
Portugal at Spain, humingi ang mga bansang
ito ng tulong sa Papa sa Rome na si Pope
Alexander VI upang mamagitan sa kanilang
mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit
ng line of demarcation ang Papa, isang
hindi nakikitang linya mula sa gitna ng
Atlantiko tungo sa Hilagang Polar hanggang
sa Timogang Polar. Para sa Spain ang
kanlurang bahagi ng linya at sa Portugal
naman ang sa silangang bahagi ng linya.
Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papa
Nagsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand
Magellan, isang Portuges na ang
paglalakbay ay pinondohan ng Spain sa
taong 1519 kung saan nilakbay ng
kanyang ekspedisyon ang rutang
pakanluran tungong silangan at dito,
natagpuan nila ang silangang baybayin ng
South America. Ito ang bansang Brazil sa
kasalukuyan. Naglakbay sila sa isang
makitid na daanan ng tubig, ang Strait of
Magellan ngayon, at pinasok ang malawak
na Karagatang Pasipiko hanggang
marating nila ang Pilipinas. Nakaranas sila
ng pag-aalsa ng mga miyembro at
taggutom dahil sa haba ng paglalakbay.
Ang lahat ng ito ay kanilang nalagpasan at
nakatagpo ng malaking kayamanang ginto
at mga pampalasa. Matagumpay naman
nilang nakumbersyon sa Katolisismo ang
mga katutubo. Ang ekspedisyon ay
nagpatunay na maaaring ikutin ang mundo
at muling bumalik sa pinanggalingan nang
ang barkong Victoria ay nakabalik sa
Spain kahit pa napatay si Magellan ng isa
sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-
lapu. Ang nasabing ekspedisyon ang
unang circumnavigation o pag-ikot sa
mundo na nagtama sa lumang kaalaman
ng mga Europeo na ang mundo ay patag.
Dahil dito, naitala din sa mapa ang iba
pang kalupaan sa Silangan at lalong
nakilala ang mga yaman nito.
1. Nagbigaydaan ang mga eksplorasyon
na pinangunahan ng mga Español at
Portuguese sa malawakang
pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad pati na ngpagkatuklas ng
mga sibilisasyong. Ang ugnayan ng
Silangan at Kanluran ay lalong lumakas.
2. Ang mga bagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag
ay nakapukaw rin ng interes sa
eksplorasyon.
3. Ang kolonisasyon ang nagpasigla sa
paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin
4. Maraming suliranin ang idinulot ng
kolonisasyon sa mga bansang nasakop
nito gaya ng pagkawala ng kasarinlan
ng mga ito, paninikil ng mananakop at
pagsasamantala sa likas na yaman ng
mga bansa.
5. May pagbabago sa ecosystem sa
daigdig na nagresulta sa pagpapalitan
ng hayop at halaman at mga sakit sa
pagitan ng Old World at New World.