PERSIA IRAN
Ang pangalang Persiya ay maaaring
tumukoy: sa pangalan para sa bansa
ng Iran sa maraming wika bago
mag-1935; sa Daigdig na Persa
(Persian); sa Imperyong Persa
(Persian); o,Sa pangalan sa Iraning
lalawigan ng Fars sa Griyego.
Noong panahon ng mga
kabihasnan
Ang iran ay tinatawag na
Mesopotamia
Dahil sa mga kakaibang ambag ng mga sinaunang panitikan sa
daigdig isa na rito ang Iran o dating Persia. Sila ang nagdala ng
kakaibang pagbabago sa mundo ng panitikan. Sa pamamagitan ng
kanilang mga mahuhusay at malikhaing manunulat na
nagpapakilala sa kanilang paniniwalang “ Sufism” o nakabatay sa
kanyang pandama.
Ibinabahagi nila ang kanilang panitikan o masining na paggamit ng
mga salita para sa kapakanan ng sining, paniniwala at pilosopiya.
LAYUNIN NG ANEKDOTA
oAng layunin ng isang nagbibigay-kaalaman na
sanaysay, minsan ay tinatawag na isang
nagpapaliwanag sanaysay, upang turuan sa isang tiyak
na paksa. Ito ay hindi para sa pagbibigay ng opinyon o
kapani-paniwala ng isang tao na gawin ang isang
bagay o baguhin ang kanyang mga paniniwala. Bilang
karagdagan sa pagiging mapagbigay-kaalamang,
kailangang maging kawili-wili.
MGA KATANGIAN NG ANEKDOTA
1. Magsimula sa mga expression ng oras, na sa pangkalahatan ay hindi
ganap na tumpak, ngunit binibigyang diin ang kuwento ay may isang
time frame. Halimbawa: "the other day", "kamakailan", "sabay".
2. Gumamit ng mga pandiwa ng pagkilos o paggalaw, dahil nakatuon
ito sa pagsasalaysay ng sunud-sunod na mga kaganapan. Bagaman
maaari itong magsama ng mga paglalarawan, palaging
nangangailangan ito ng mga salita na nagsasaad ng isang bagay na
natupad o nagawa, lampas sa isang estado o kundisyon.
Halimbawa: magdala, magbigay, maglakad, umigtad.
3. Sumangguni sa puwang o konteksto kung saan naganap ang mga
kaganapan. Halimbawa: "sa kabilang panig", "patungo sa lugar na ito",
"malapit sa ...".
4. Magkaroon ng isang pananaw ng pagsasalaysay sa una (I, namin) o
pangatlong tao (siya, sila) isahan o maramihan.
5. Maging makatuwiran, iyon ay, ang mga kaganapan ay dapat na
magagawa, hindi kamangha-mangha. Maaari kang magpalubha ngunit
hindi ka makakabawi. Iyon ay isang pangunahing pagkakaiba sa mga
maiikling kwento at iba pang istilo ng pagsasalaysay.
6. Ang pagkakaroon ng isang nakakatawa, nakakatawa, anecdotal,
trahedya o nakakagulat na ugnayan, iyon ay, bilang karagdagan sa
nakakaaliw, ay dapat na makabuo ng isang damdamin.
Mullah Nasreddin (Buod)
Isang tanyag na manunulat at komedyante si Mullah Nasreddin o Mulla
Nasser-e Din (MND) sa tunay na buhay.
Kinilala siya dahil sa kaniyang galing sa paglikha ng mga piyesa ng
katatawanan na tumatak sa bansang Iran at kanyang mga kababayang
Persiano.
Naging klasiko ang paraan ng pagpapatawa ni Mullah na talaga namang
hanggang sa ngayon ay dinadakila pa rin sa kanilang bansa.
Isa sa kaniyang hindi malilimutang kuwento ng katatawanan ay ang
kanyang naging maikling talumpati nang maimbitahan siya bilang isang
panauhin sa isang pagtatanghal.
Nang nasa entablado na, tinanong ni Mullah ang mga manonood kung
alam na ba ng mga ito ang kaniyang sasabihin. Naging matapat naman
ang mga manonood at sinabing hindi nila alam ang talumpati ni Mulla.
Umalis sa entablado si Mullah at sinabing wala siyang panahon para sa
mga manonood na hindi batid ang kaniyang isasalaysay.
Kinabukasan ay bumalik ito bilang panauhin. Ibinato nito ang katulad
pa ring tanong. Sumagot naman ang mga manonood na ngayon ay alam
na nila ang sasabihin nito upang magpatuloy ang palabas.
Sumagot naman si Mullah na kung alam na pala ng manonood ang
kaniyang sasabihin ay aalis na lang siya, na kaniya namang ginawa.
Kinabukasan muli, ay naimbitahan siya at tinanong ang katulad na
tanong. Hati na ang sagot ng mga manonood na oo at hindi. Sabi ni
Mullah, ang mga nakaaalam ay sila na lang ang magsabi sa mga hindi.
Gawain 1: Say Mo?
Panuto: Batay sa anekdotang, “Akasya o Kalabasa” na iyong napanood mula sa Youtube o nabasa,
magbigay ng sariling opinyon sa sumusunod na pahayag. Itala ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
(Hinihikayat na ang guro na ang gumawa ng paraan upang mapanood ng mga mag-aaral ang nasabing
anekdota.)
PAHAYAG MULA SA AKASYA O KALABASA OPINYON
1. Hindi na maikakaila na kung Malaki ang puhunan ay
maaring tumubo rin iyon nang malaki keysa maliit ang
naturan.
2. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay
maamo ang kapalaran.
3. Kung ang nais ninyo ay makapagpatubo ng isang
mayabong na akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon,
subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang
upang makapaghalamanan kayo ng isang kalabasa.
GABAY NA TANONG
1. Sino-sino ang mga tauhan sa Akasya o Kalabasa?
2. Ayon sa pinanood na video, sa iyong palagay, ano ang naramdaman
ni Mang Simon sa pahayag ng punongguro tungkol sa pagpapaaral
sa kanyang anak sa maikling kurso?
3. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
4. Bakit inihalintulad sa halaman o puno ng kahoy ang pagkakaroon ng
tamang edukasyon?
5. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang
anekdota anong paksa ang nais mong isulat? Bakit?
BUOD NG AKASYA O KALABASA
Isang pamilya ang nagnanais ipasok sa isang kilalang eskwelahan ang
kanilang anak. Nang umagang iyon maagang bumangon si Aling Irene
upang ihanda ang mga pangangailangan ng kanyang anak na si Iloy na
tutungo at mag aaral sa Maynila. Si Mang Simon ang sasama sa
kanyang anak sa pagluwas sa Maynila.
Si Mang Simon ang sasama sa kanyang anak sa pagluwas sa Maynila.
Nang makarating sa paaaralan sila ay agad na nagtungo sa Tanggapan
ng Punong-guro.
Sila ay magalang na bumati sa Punong guro, gayundin naman ito sa kanila.
Sinabi nila dito ang kanilang pakay. Sinabi ni Mang Simon na ang gusto
lamang niya ay isang maiksing kurso para sa kanyang anak na si Iloy. Sumagot
ang Punong-guro ng “Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-
guro.“Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay
batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay
magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-
puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang
makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
Sa sinabi ng guro ang mag-ama ay nagbulungan. Umuwi si Mang Simon na
mag-isa sa kanyang sarili mabuti na nga ang kunin ng kanyang anak ay isang
buong kurso ng sa gayon yumabong ang kaalaman at kinabukasan.