1. Panginoon naming Diyos,
patnubayan mo po kami sa araw
na ito. Patuloy mo po kaming
gabayan upang lahat naming
tungkulin ay aming magampanan.
Tulungan mo po kami sa mga
pasya na aming ginagawa.
Pagpalain mo ang aming mga guro
na sa amin ay matiyagang
nagtuturo. Pagpalain mo rin ang
mga magulang namin sa patuloy
na pagsuporta sa amin. Ang lahat
ng ito ay aming sinasamo sa
ngalan ng aming Panginoong
3. N G A N K A R U T A
A B T S A
M A P A L A H A A N
A W D A D T O R I
Ano ang pagkakaugnay-ugnay
ng bawat salita na nabuo?
4. Panuto: Gumawa ng pagtatasa
kung anong mga palatandaan
ng pagiging makatarungang tao
ang taglay mo sa iyong sarili sa
kasalukuyan.Lagyan ng tsek ang
ako ito, o hindi ako ito.
5. ito
Mga Palatandaan ng Pagiging
Makatarungang Tao
Ako Hindi
ako Ito
1. Isinasaalang-alang ko ang mga
karapatan ng mga tao sa aking paligid
2.Inuunawa ko ang bawat sitwasyon
sa obhektibong paraan upang
makakilos nang makatarungan ayon
sa hinihingi ng sitwasyon.
3. Kahit alam ko kung ano ang
nararapat para sa akin ay maaari akong
magparaya alang-alang sa mas
nangangailangan.
4.Handa akong magbigay ng aking sarili
upang makatulong sa pagpapabuti ng
kapakanan o buhay ng aking kapwa.
5.Kinikilala ko ang mga karapatan ng bawat
miyembro ng aming pamilya.
6. 6. Kinikilala ko at iginagalang ang mga
karapatann g ibang tao: sa paaralan, trabaho,
sa aming barangay o sa bansa.
7.Itinataya (commit) ko ang aking sarili sa
kasuduang mayroon ako at ang aking mga
kaibigan.
8. May kamalayan ako kung anong karapatan
ang dapat kung igalang lalo na ang may
kaugnayan sa likas na batas moral.
9.Tinutupad ko ang aking mga pangako at
mga komitment sa buhay.
10. Nauunawaan ko na ang pagsalungat,
pagbatikos, at pagpuna sa iba na kulang ng
batayan ay kawalan ng katarungan.
7. Ano ang naramdaman mo sa kinalabasan
ng iyong pagtatasa? Ipaliwanag.
Sa kabuuan, ano- ano ang iyong mga
natuklasan tungkol sa iyong mga sarili
batay sa resulta ng indibidwal na
pagtatasa? Ipaliwanag.
Sa Palagay mo, paano kayo magiging
makatarungaang tao upang makabahagi
sa pagpapairal ng katarungang
panlipunan sa iyong pamilya, paaralan, o
pamayanan?
Ipaliwanag.
8. Modyul 9: Katarungang
Panlipunan
Mga Napapaloob na paksa
O1.Kahulugan ng Katarungan
O2.Makatarungang Tao
O3.Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan
O4. Nagsisimula sa Pamilya ang katarungan
O5. Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng
Legal na kaayusan ng Katarungan
O6.Katarungang Panlipunan
O7.Mga Kaugnay na Pagpapahalaga
9. 1.Kahulugan ng Katarungan
Oay pagbibigay sa kapuwa ng
nararapat sa kaniya.
O Ito ay isang pagbibigay at hindi isang
pagtanggap - ayon kay Dr. Manuel Dy
Jr. (ang tuon ng katarungan ay ang
labas ng sarili. Nangangailangan ito ng
panloob na kalayaan mula sa pagkiling
sa sariling interes.)
10. O Ang katarungan ay batay sa pagkatao
ng isang tao.
O Bakit mo kailangang maging
makatarungan sa iyong
kapuwa?
O Ito ay hindi lamang dahil ikaw ay
tao kundi dahil ikaw rin ay
namumuhay sa lipunan ng mga tao.
O Ang pagiging makatarungan ay
minimum na pagpapakita mo ng
pagmamahal bilang tao na
namumuhay kasama ang iba.
11. O Ang paninira sa ibang tao ay isa ring
paglapastangan sa iyong sariling
pagkatao.
O Ayon naman kay Santo Tomas de
Aquino, ang KATARUNGAN ay isang
gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa
pagbibigay ng nararapat sa isang
indibidwal. Makatuwirang pagkagusto ay
magpapatatag sa iyong pagiging
makatarungan.
12. OSa pamamagitan ng pagiging
makatarungan, sinusunod mo ang
LIKAS NA BATAS MORAL
Hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na
ituturing ko bilang may pinakamataas na
halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat
upang ingatan at payabungin ang tao
13. 2.Makatarungang tao
O Ayon kay Andre Comte-Sponville
(2003), Isa kang MAKATARUNGANG
TAO kung ginagamit mo ang iyong
lakas sa paggalang sa batas at sa
karapatan ng kapuwa.
O Isinasaalang – alang mo rin ang
pagiging patas sa lahat ng tao.
14. O Kailangan mong salungatin ang
iyong mismong sarili, ang ibang
tao, at ang mundo sa hindi
pagiging patas ng mga ito.
O Ang pakikibaka para sa
katarungan ay isang walang
katapusang laban dahil sa
katotohanang mahirap
kalabanin ang mismong sarili.
15. 3. Pangunahing Prinsipyo
ng Katarungan
O Makatarungang ugnayan sa Kapwa.
O Bilang tao, karapatan ng bawat isa
na mabuhay at mamuhay nang hindi
hinahadlangan o pinanghihimasukan
ng iba.
16. O Ang paggalang sa
karapatan ng bawat isa
anumang ugnayan
mayroon ka sa iyong
kapuwa.
17. Pagsasadula ng apat na pangkat
mula sa buong klase:
O Isadula ang mga pagsasanay sa loob
ng inyong pamilya upang mahubog sa
iyo ang pagiging makatarungan.
Krayterya sa Pagsasadula:
Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon – 5 puntos
Patisipasyon – 5 puntos
Malikhain – 5 puntos
Kabuuang Puntos: 25 puntos
18. 4. Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan
OSa pamilya, una mong naranasan ang mga
bagay-bagay na nagbibigay sa iyo ng kamalayan
tungkol sa katarungan.
ONapakahalaga ng papel na ginagampanan ng
mga magulang mo sa paghubog ng iyong
pagiging makatarungan.
O Iminulat ka nila sa katotohanang may karapatan
at tungkulin ka bilang tao hindi lamang sa pamilya
kundi pati na rin sa lipunan.
O Ginagabayan ka nila upang mapahalagahan at
maisabuhay mo sa iyong pang-araw araw na
ugnayan sa kapuwa ang mga karapatan at
tungkuling ito.
19. Apat na aspekto na
mahalagang pagtuunan mo ng
pansin sa pagsasanay sa loob
ng inyong pamilya upang
mahubog sa iyo ang
katarungan.
20. O a. Ipinaaalala ba palagi ng mga
magulang mo sa iyo na
kailangan mong gawin ang mga
makatarungang bagay sa iyong
ugnayan sa iba? Ginagabayan ka
ba nila upang maiwasan mo ang
hindi makatarungang gawain?
21. Ob. Ipinapaunawa ba nila sa iyo
kung ano ang ibig sabihin ng
paggalang sa kapuwa? Kaugnay
nito, tinutulungan ka ba nila na
sanayin ang iyong sarili tulad ng
paghiram ng isang bagay na
pagmamay-ari ng iyong kapatid
kung gusto mong gamitin ito?
22. Oc.Nililinaw ba nila sa iyo ang
pagkakaiba-iba ng mga
sirkumstansiya/kalagayan ng iba’t ibang
tao lalo na ang mga nakapaligid sa iyo?
Od. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging
pagtitimpi o pagkontrol sa sarili at
pagsasaayos ng iyong mga
pagkakamaling nagagawa sa ugnayan
mo sa iba?
23. Takdang Aralin: ½ Crosswise
Panuto:
1. Pagnilayan mo ang iyong ugnayan sa iyong kapatid,
kamag-aral, o kaibigan.
2. Suriin ang ugnayan ng iyong kapwa gamit ang
sumusunod na gabay na tanong:
a. Ano sa palagay mo ang iyong gagawin kung
panghimasukan o dominahin nila ang buhay mo?
b. Ano sa palagay mo ang maaaring naging sanhi
nito?
c. Namamalayan mo ba na ginagawa mo rin ang
dominahan o panghimasukan ang buhay ng kapatid,
kamag-aral, o kaibigan. Ipaliwanag
d. Ano ang maaaring maging bunga nito?
e. Ano ang papel ng katarungan sa ganitong
sitwasyon?
24. Panginoon naming Diyos,
patnubayan mo po kami sa araw
na ito. Patuloy mo po kaming
gabayan upang lahat naming
tungkulin ay aming magampanan.
Tulungan mo po kami sa mga
pasya na aming ginagawa.
Pagpalain mo ang aming mga guro
na sa amin ay matiyagang
nagtuturo. Pagpalain mo rin ang
mga magulang namin sa patuloy
na pagsuporta sa amin. Ang lahat
ng ito ay aming sinasamo sa
ngalan ng aming Panginoong
25. 5. Ang moral na kaayusan bilang
batayan ng legal na kaayusan ng
katarungan
OLegal na kaayusan ng
katarungan- Batas Sibil o Legal
na batas
OMoral na kaayusan – Likas na
batas Moral
26. OAng Legal na batas ay siyang
panlabas na anyo ng moral na
batas. Ang Legal na kaayusan
kung gayon ay nararapat na
maging tulay o batayan ng
moral na kaayusan sa lipunan.
27. O Mahahalagang sinisegurado
ng batas legal ng bansa ang
katarungan para sa lahat.
O Sa mata ng batas na ito ay
nararapat na walang mahirap o
mayaman, mahina at
makapangyarihan
28. OSabi pa nga ”Ang batas
ay para sa tao at
hindi ang tao para
sa batas”
29. Anoang mangyayari kung ang sistemang legal
na dapat pumuprotekta sa mga mahihirap at
mahina ay nagagamit ng mga mayayaman at
makapangyarihan?
OMagiging instrumento ito ng hustisya para sa
kanila at pang-aapi para sa mahihirap at
mahina.
OAt malinaw na nilabag nito ang
pangunahing batas ng pagpapakatao- ang
LIKAS NA BATAS MORAL
30. 6. Katarungang Panlipunan
OAyon kay Dr. Dy, ito ay nauukol sa hindi
lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyang
kapuwa kundi sa ugnayan din niya sa
kalipunan.
O >KAPUWA- ay personal o interpersonal na
ugnayan mo sa ibang tao. ( hal. Ugnayan mo
sa iyong kaibigan na nagpatulong tungkol sa
kaniyang problema.)
31. O> KALIPUNAN- ( Socius) ay ang
ugnayan ng tao sa isang institusyon o
sa isang tao dahil sa kaniyang
tungkulin sa isang institusyon. (hal.
Ang guro o ang mag-aaral sa paaralan,
o ang empleyado sa opisina) sila ay
kalipunan dahil may namagitan na
institusyon sa kanilang ugnayan.
32. 7. Mga Kaugnay na Pagpapahalaga
hinggil sa katarungan.
O Ang Katarungang Panlipunan sa tunay na
kahulugan nito ay kumikilala sa DIGNIDAD
ng tao. Ang bawat tao ay may dignidad hindi
dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa
lipunan o mga nakakamit sa buhay, kundi
dahil sa kaniyang PAGKATAO.
33. O>Kung ang Katarungang Panlipunan ay
ginagabayan ng diwa ng PAGMAMAHAL,
ito ay hindi lamang isang simpleng pag-
iwas na makasakit o makapinsala sa
kapuwa, kundi ito ay isang positibong
paglapit sa kaniya upang samahan at
suportahan siya sa kaniyang pagtubo
bilang tao at sa pagpapaunlad niya ng
kaniyang potensiyal.
34. O Bukod tangi ang tao sa lahat ng mga nilalang
ng Diyos na may isip at KALAYAAN.
O Ang pagmamahal ay siyang puso ng
PAGKAKAISA.At “ Ang bunga ng pagkakaisa ay
kalayaan”- Santo Papa Juan Pablo II
O Ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao
ay hindi nakadepende sa kaniyang sitwasyon,
kundi sa kaniyang hindi malalabag na
KARAPATANG kaugnay sa kaniyang dignidad
bilang tao.
35. O Ang KATOTOHANAN bilang pagpapahalaga
ay may pag-uudyok sa iyo na handa mong
ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay may
kabuluhan sa iyong buhay at sa buhay ng
iyong kapuwa.
OAt ang katotohanan bilang pagpapahalaga ay
hindi isang simpleng opinyon lamang dahil
hindi mo maitataya ang iyong pagkatao at
buhay para sa isang opinyon lamang.
37. O“Nobody is so rich who has
nothing to receive and nobody is
so poor who has nothing to give”-
Acts and Decrees of the Second
Plenary Council of the Philippines
38. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang
salitang Tama kung sa palagay mo ay makatotohanan ito at
isulat naman ang salitang Mali kung hindi ito nagsasabi ng
katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa ½ lengthwise.
1. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng
ibang tao: sa paaralan, sa trabaho, sa aming
barangay, o sa bansa.
2. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang
katapusang laban dahil sa
katotohanang mahirap kalabanin ang mismong sarili.
3. Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at
mamuhay nang hindi
hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba.
4. Ang taong masipag ay umiiwas sa anumang gawain
lalo na kung ito ay nakaaatang sa kaniya.
5. Pagsuhol upang hindi malaman ang katotohanan.
39. 6. Kahit alam mo kung ano ang nararapat para sa iyo ay
maaari kang magparaya
alang-alang sa mas nangangailangan.
7. Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong
lakas sa paggalang sa
batas at sa karapatan ng kapuwa.
8. Pagdakip sa isang tao nang walang warrant of arrest.
9. Dahan- dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa
paggabay ng iyong mga mahal sa buhay.
10. Magiging makatarungan ka kapag iginagalang mo ang mga
karapatan ng iba.
11. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay
hindi kumilala sa dignidad ng tao.
12. Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang
pagmamahal.
13. Sa paghahanay mo sa katotohanan, kinakailangang
tingnan ang kabuuhan ng isang Sitwasyon.
40. 14. Totoo na ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay
hindi nakadepende sa
kanyang sitwasyon.
15. Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng
ugnayan ng tao sa Kaniyang kapuwa at sa ugnayan ng tao sa
kalipunan.
16. Magkaiba, ngunit hindi magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan.
17. Ang bawat tao ay may dignidad dahil sa kanyang pag-aari,
posisyon sa lipunan o mga nakamit sa buhay
18. Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng
panlipunang pamumuhay.
Umiiral ito kung hinahayaan ng mamamayan ang pandaraya sa
negosyo.
19. Ang tuon ng katarungan ay ang loob sa sarili. Nangangailangan
ito ng labas na
kalayaan.
20. Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na
pangangailangan sa kapuwa.
41. Isahang Gawain.
Panuto: Mula sa iyong mga pagkatuto sa paksa, punan ng
mga angkop na salita ang pangungusap sa ibaba upang
mabuo ang Batayang Konsepto.
May pananagutan ang bawat 21)
na ibibigay sa 22) ang 23)
sa 24) sa kanilang
pagkakasamang 25) .
tao mamamayan gawain kaniya kapwa
moral karapatan nararapat kilos
42. May pananagutan ang bawat
mamamayan na ibibigay sa
kapwa ang nararapat sa
kaniya sa kanilang
pagkakasamang kilos
43. Takdang Aralin:
Bumuo ka ng isang collage na nagpapakita ng
isang sitwasyon ng isang Mabuting Samaritano
sa ating lipunan ngayon. Ilagay sa short bond
paper, gawing kaaya-aya ito.
Tingnan sa modyul 2 pahina 7 ang rubric para sa
paggawa ng collage.
Hinweis der Redaktion
Ang pagkilala ng di nagbabagong mga prinsipyo sa buhay ay isang mahalagang salik upang makapamuhay ng makatarungan. Ang isa sa prinsipyong ito ay ang pagkilala na may inilagay na awtoridad sa ating unahan na nararapat sundin at igalang.
Sa pamilya, inilagay ang mga magulang bilang tagapanguna sa loob ng tahanan. Kaya makatuwirang sumunod sa mga house rules na ibinibigay nila. Iginagalang mo sila kung sinusunod mo ang kanilang mga patakaran ng hindi napipilitan o naghihintay ng kapalit yamang ang mismong pagsunod mo sa mga ito ang maglalaan ng kapalit. Ano iyon? Mas ligtas na kanlungan. Ang pamilya kasi ang naglalaan sa iyo ng iyong pangangailangan materyal at emosyonal. Kaya dapat kang kumilos kaayon sa mga kahilingan ng pamilya.
Sa paaaralan, nariyan ang faculty members sa pangunguna ng iyong sariling advisers kasama na ang mga inihalal na class officials. Sila ay may iisang layunin na panatilihing ligtas at masulong ang inyong paaralan. Kaya ang mga house rules ay pinapagpapatuloy sa paaralan. Ang patuloy na pagsunod dito ay pagpapakita ng mabuting halimbawa at tulong sa iyong kapwa. Napangangalagaan mo ang reputasyon ng paaralan at nakatutulong sa mga kapwa estudyante na gawin din ito.
Sa pamayanan naman ay ang mga opisyal sa gobyerno. Nauunawaan nila ang kabuoang kalagayan ng inyong lugar kaya sila ay nagpapanukala ng mga batas at programa. May bahagi tayo doon upang mapatupad. Kaya ang pag-alam sa ating partisipasyon ay isang bagay na mahalaga sa kanila.
Kapag ginagawa natin ang ating bahagi bilang anak, estudyante at mamamayan- napananatili natin ang balanseng pamumuhay na inuuna ang kapakanan ng ating mga kapamilya at kapwa. Nagsimula lamang ito sa isang prinsipyo- na ang tao ay dinisenyong sumunod sa mga nagunguna.
Ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran (binabaybay ding katwiran), pagiging wasto o kawastuhan (binabaybay ding kawastuan), katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman.
Ang kahulugang ito ng katarungan ay nagmula kay Dr. Manuel Dy Jr. na ang ibig sabihin ay ang katarungan ay hindi usaping pansarili lamang kundi para na rin sa iba. Ang tinutukoy niya na labas ng sarili ay ang ating kapwa na kailangan na mas pakaisipin natin sa tuwing gagawa ng isang kilos at hindi ang ating pansariling interes lamang. Maipapakita ang pagiging makatarungan kung magagawa nating maging patas sa iba at ipagkaloob sa kanila ang nararapat para sa kanila. Gayundin ang paggalang sa kanilang pribadong buhay at hindi panghihimasok sa kanilang mga gawain maging ito ay hindi tama sa ating sariling pananaw. Ang pagbibigay sa kanila ng espasyo sa tuwing sila ay mayroong nais na gawing kilos at hayaan silang magpasya ay bahagi rin ng pagiging makatarungan bilang tao.
Una, ito ang isa sa utos ng Diyos. Nakasaad ito sa kanyang salitaan na dapat mong mahalin ang inyong kapwa tulad ng iyong sarili.
Pangalawa, dahil ito ang karapat-dapat at mabuti. Kung iisipin ng mabuti, hindi natin kailangan humanap ng rason para maging makatarungan. Ito'y dapat likas na sa isang tao.
Pangatlo, nilikha tayo upang mahalin ang isa't isa.
Hindi na kailangan pa maghanap ng rason. Kung alam mong mabuti, gawin mo. Hindi na kailangan ipaliwanag kung bakit kailangan mong gumawa ng mabuti. Sa katunayan, ito'y likas na sa isang tao.
Ano ano ang indikasyon ng makatarungan o hindi makatarungang ugnayan sa kapuwa?
Salungatin – kumalaban, labagin, sumalungat
Ang salungatin ay isang pandiwang nangangahulugan ng paglabag, pagtanggi, paglaban, pagbaligtad. Ito ay Ang kabaliktaran nito ay pagtalima, pagsunod, pagpayag.
pakikibaka= pakikiisa sa ipinaglalaban
Ang batas sibil ay mga batas na ginawa ng mga tao upang protektahan ang mga pribadong karapatan ng mga tao. Samantalang ang batas moral ay karaniwang nakabase sa batas ng relihiyon at sa mga panuntunan kung ano ang tama at mali.
Ang batas sibil ay mga batas na ginawa ng mga tao upang protektahan ang mga pribadong karapatan ng mga tao. Samantalang ang batas moral ay karaniwang nakabase sa batas ng relihiyon at sa mga panuntunan kung ano ang tama at mali.
Ang batas ay ginawa o ipinatupad para ang mga tao ay maging disiplinado at marunong sumunod sa alam nilang ikabubuti hindi lang nila pati narin ng kapwa.ang tao ay para sa batas upang pagsilbihan at tulungang itama ang gagawing batas na ipapatupad o naipatupad at napatunayang ikabubuti ng nakararami.
Ang katarungang panlipunan ay nakasalalay sa mga probisyon ng Bill of Rights at sa iba pang bahagi na nakasaad sa ating konstitusyon. Ito ay nagiging pamantayan ng isang indibiduwal kung nilalabag ba ng makapangyarihang tao, grupo o institusyon ang iyong karapatan at dignidad.
Ang Katipunan ng mga Karapatan (Ingles: Bill of Rights) ay ang kalipunan, talaan, o buod ng mga karapatang naaayon sa batas. Maaari itong isang pahayag ng mga karapatan ng isang klase o uri ng mga tao
Kapuwa at kalipunan ay magkaiba ngunit hindi magkahiwalay.
Ang dignidad ay ang karapatan o pagiging karapat-dapat ng isang tao na respetuhin at pahalagahan ng kanyang mga kapwa tao.