Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

ARALIN 3 Barayti ng Wika.pptx

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Kabanata 3-varayti-ng-wika
Kabanata 3-varayti-ng-wika
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 18 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Ähnlich wie ARALIN 3 Barayti ng Wika.pptx (20)

Weitere von AndreaJeanBurro (14)

Anzeige

Aktuellste (20)

ARALIN 3 Barayti ng Wika.pptx

  1. 1. M G A B A R A Y T I N G W I K A I N I H A N D A N I : G N G . A N D R E A J E A N M . B U R R O
  2. 2. O Sige, ‘Te, chaka ang hindi gagamit ng Filipino ha? I know, right! Sige, make sigaw to all para they will hear you. Mamsh, wit akong narinig na cheka Ako benta, sabon. Ikaw bili, ikaw puti. 3ow phow Filiphinow dHin phow 4kow
  3. 3. Alam mo ba?  Ang wika man ay namamatay o nawawala rin:  Mangyayari ito kung hindi na ginagamit at nawala na ang pangangailangan dito ng lingguwistikang komunidad na dating gumagamit nito.  Kapag marami nang tao ang nandayuhan sa isang lugar at napalitan na ng mga salitang dala nila ang mga dating salita sa lugar.  Minsan nama’y may mga bagong salitang umusbong para sa isang bagay na higit nang ginagamit ng tao kaya’t kalauna’y nawawala o namamatay na ang orihinal na salita para rito.
  4. 4.  Alimpuyok  Anluwage  Awangan  Hidhid  Hudhod  Napangilakan  Salakat amoy o singaw ng kaning nasusunog karpentero maramot walang hanggan ihaplos nakolekta pag-krus ng mga binti
  5. 5. HOMOGENOUS NA WIKA Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing walang buhay na wika ang ganito sapagkat kailanman ay hindi maaaring maging parepareho ang pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng isang wika.
  6. 6. HETEROGENOUS NA WIKA Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaaring maging puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba’t ibang barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga ito.
  7. 7. BARAYTI NG WIKA  hindi maiiwasan dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika.  mula sa pag-uugnayang ito ay may nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.
  8. 8. Genesis 11: 1-9 Sinasabing naging labis na mapagmataas at mapagmalaki ang mga tao at sa paghahangad ng lakas at kapangyarihan, sila ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintindihan, natigil ang pagtatayo ng tore na tinawag na Babel at dito naganap ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao.
  9. 9. DAYALEK Barayti ng wikang ginagamit ng particular na pangkat ng mga tao mula sa isang particular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Ito ay dulot ng pagkakaiba-iba ng lugar I o lokasyon (Dimensyong Heograpikal)
  10. 10. IDYOLEK Lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging paraan ng pagsasalita o idyolek. Tinatawag ding identity dialect kung saan ang wika ay nagiging identity o pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
  11. 11. SOSYOLEK Barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Rubrico (2009) isang mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
  12. 12. SOSYOLEK Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangang matutuhan ang sosyolek nito. HALIMBAWA: • Wika ng mge beki o gay lingo Ang unang intension sa paggamit nila sa wika ay upang magkaroon sila ng sikretong lengguwaheng hindi maiintindihan ng mga taong hindi kabilang sa kanila subalit sa kasalukuyan, nagagamit na ito ng nakararami.
  13. 13. SOSYOLEK Maaari ring tumukoy sa pangkat ng isnag propesyon, particular na trabaho o gawain ng tao. Ang jargon o natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay magpakilala sa kanilang trabaho o gawain.
  14. 14. ETNOLEK Barayti ng wika na mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
  15. 15. ETNOLEK HALIMBAWA: • vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init o sa ulan • bulanon – full moon • kalipay – tuwa o ligaya • palangga – mahal o minamahal
  16. 16. REGISTER Barayti ng wika na kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
  17. 17. PIDGIN AT CREOLE  Pidgin – umusbong na bagong wika o tinawatawag na ‘nobody’s native language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman. - nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
  18. 18. PIDGIN AT CREOLE  Creole – ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito ng mahabang panahon, kaya’t nabuo ito hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod na ng karamihan. Ito na ngayon ang tinatawag na creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin ay naging unang wuka sa isang lugar.

×