1. H A T N A U
TAUHAN
G A K N S P A – I W D A
PAKSANG DIWA
G U P N A T A
TAGPUAN
O M I B O L S
SIMBOLO
N G A Y H A B
BANGHAY
S I R A L N U I N
SULIRANIN
K A S W A
WAKAS
P U N I L A M A
PANIMULA
3. Layunin:
a. Natutukoy ang kahulugan at elemento ng maikling kwento.
b. Nakapagbabahagi ng repleksyon tungkol sa paksang naibigay.
c. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan gaya ng Maikling Kwento.
4. Ano ang maikling kwento?
• Nababasa lamang sa iisang upuan at sandaling panahon
lamang ang ginugugol.
• Ito ay tiyak, may iisang paksa, suliranin at tunggalian.
Nilalahad ng maikling kwento ang isang momento o
kaganapan sa buhay ng pangunahing tauhan nito.
• Ito’y nagdudulot ng aliw at karaniwang kapupulutan ng
mga aral sa buhay.
• Isa itong anyo ng masining na panitikan katulad ng
nobela at dula.
5. Ayon kay Teodoro Agoncillo, ang
maikling kwento noong 1935 ay
tungkol sa buhay ng lungsod,
matimpi sa paglalarawan at
pagpapahayag ng damdamin,
gumagamit ng panauhan at may
iba’t ibang uri.
6. Edgar Allan Poe
• Tinuturing “Ama ng
Maikling Kwento“
dahil siya ang kauna-
unahang manunulat na
nagpakilala ng maikling
kwento bilang isang
sining.
8. Edgar Allan Poe
Ayon sa kanya, ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikan, likha ng guniguni at bungang isip o
hango sa tunay na pangyayari sa buhay.
15. • Tagpuan- Ito ay tumutukoy sa lugar o
kung saan naganap ang kwento.
• Banghay- Ito ay tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento.
16. Mayroong limang bahagi ang banghay…
• Panimula- kung saan at paano nagsimula ang kwento.
• Saglit na Kasiglahan- ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhan sa kwento.
• Kasukdulan- ito ang pinakamataas ta kapana-panabik na pangyayari sa
isang kwento. Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
• Kakalasan- ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naayos
ang problema. Dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing
tauhan o hindi.
• Wakas- ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento
kung saan ang kahihinatnan o resolusyon ng kwento ay maaaring masaya
o malungkot.
17. • Suliranin- Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap
ng mga tauhan sa kwento.
• Tunggalian- Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban
sa sarili, tao laban sa lipunan at tao laban sa kalikasan.
• Kaisipan- Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa
mambabasa.
18. PANINGIN
Tumutukoy sa pananaw na pinagdaraanan ng mga
pangyayari sa isang katha. Makikilala ng bumabasa
ang nilikha ng nagsasalaysay sa pamamagitan ng
paningin.
19. Karaniwang paraan ng pagsasalaysay ng
kwento…
• Paningin sa unang panauhan (ang nagsasalita)
• Paningin sa pangatlong panauhan (ang kinakausap)
• Obhetibong paningin (pinag-uusapan)
20. PAKSANG DIWA O TEMA
Ito ang kaisipang iniikutan ng kwento. Upang
matukoy ang tema, dapat nating itanong kung
ano ang sentral na ideya ng kwento:
pagkaunawa sa buhay ang nilalaman nito.
21. SIMBOLO
Ang simbolo ay isang makasining na sangkap na ang layunin ay kumakatawan
sa isang uri ng damdamin, bagay, paniniwala, o kaisipan. Katulad ng mga
sangkap na panretorika, ang simbolo ay may tungkuling magkintal ng isang
bagay sa isip ng mambabasa upang iyon ay maging ganap na bahagi ng
kanyang pang-unawa. Kagaya ng mga tayutay o talinhaga, ang pangunahing
layunin ng simbolo ay ang magkintal ng mga imahe o larawan. Sa isang
maikling kuwento lalo na, makakatulong nang malaki ang mga simbolo upang
makapagdulot ng kaisahang kintal o diwa.
22. • Pusang itim - malas, may mangyayaring
masama o hindimaganda
• Puti - kalinisan o kadalisayan
• Pula -kaguluhan, pakikilaban o katapangan
• Maria Clara- tipikal na dalagang pilipina o
binibining mahinhin
• Itim – kamatayan, kadiliman,kasamaan o
maaaring kahirapan
• Ahas - mang-aagaw,
hindimapagkakatiwalaan, traydor o taksil
• Buwaya - katiwalian o mga masamang
gawain
• Linta –sipsip, grabe kung makakapit sa isang
taoT
• Tinik- sagabal pagsubok o kahirapan
• Kalapati – kapayapaan o pakikiisa
26. Pagsasanay
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Isulat sa isang malinis na papel
ang tamang sagot.
1. Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
2. Nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.
3. Kabaligtaran ng tauhang lapad; nagbabago ang katauhan sa kwento.
4. Siya ang bida sa kwento.
5. Isang katha na nababasa sa iisang upuan.
27. Takdang-Aralin
Magsaliksik ng isang maikling kwento at ibigay ang
mga tauhan, tagpuan, paano nagwakas ang kwento at
ang aral na mapupulot mula rito.