397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx

A
397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx
WIKA
AGHAM
MATEMATIK
A
FINE
ARTS
ENGLISH
LANGUAGE
ARTS
MGA
PROBLEMA
SA DAIGDIG
HEALTH
EDUCATION
DISIPLINARYO MULTIDISIPLINARYO
INTERDISIPLINARYO TRANSDISIPLINARY
 Ang INTERDISIPLINARYO ay pagsasama ng dalawang
akademikong disiplina sa isang aktibidad. (Halimbawa
ay ang paggawa ng isang interdisiplinaryong
pananaliksik.)
 Ito ay paggawa ng bagong ideolohiya sa pamamagitan ng
crossing boundaries. Ito ay maiuugnay sa isang
interdisiplina o interdisciplinary field.
 Ang INTERDISIPLINARYO ay kasama ang mga
mananaliksik, mag-aaral at mga guro na layunin na
magkaroon ng pag-uugnay sa iba’t ibang pananaw sa
akademik, propesyon at teknolohiya tungo sa isang
ispisipikong perspektibo para sa isang hangarin.
Ang multidisiplinaryo ay pag-aaral
mula sa iba’t ibang disiplina o
multiple discipline;
Ito ay pagsilip sa ibang pananaw
panlabas upang higit na maunawaan
ang kompleks ng isang sitwasyon.
 Ang paggawa ng istratehiyang pananaliksik
na pumapasok sa iba’t ibang larang o
disiplina para sa holistikong pananaw;
 Isang pananaw sa isang larangan na nabuo
sa pamamagitan ng ibang disiplina na
muling ginagamit sa ibang disiplina.
(Halimbawa ay ethnograpiya na orihinal sa
antropolohiya na nagagamit na rin sa ibang
larang.)
Interdisiplinaryo ;
Magamit ang wikang Filipino
sa iba’t ibang larangan at sa
pananaliksik ;
Maituro ang Filipino bilang
hiwalay na Asignatura ;
 Kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang
tradisyonal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan;
 Praktikal na kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa wikang Filipino ng mga
mamamayang Pilipino sa kani-kanilang
mga komunidad.
 KOMFIL (Kontektstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino);
 FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina);
 DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino);
 SOSLIT (Sosyedad at Literatura/
Panitikang Panlipunan) at;
 SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang
Panlipunan).
 Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong
nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa
malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at
pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at
ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang
kursong ito sa makrong kasanayan pagbasa at
pagsulat.
 Gamit ang mga makabuluhang interdisiplinaryong
pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagsasagawa ng pananaliksik na ito (mula sa
pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng
pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o
presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at
realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa
bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba
pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang
sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon
ng interdisiplinaryong pananaliksik sa iba’t ibang
porma at venue.”
 Filipino Bilang Larangan at Filipino sa
Iba’t Ibang Larangan
(Pokus nito ang pasaklaw na pagtalakay
sa naabot na at sa possible pang
direksyon o ekspansyon ng unique na
diskurso sa Filipino bilang larangan at
sa Filipino sa iba’t ibang larangan)
 Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba
Pang Kaugnay na Larangan
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa
Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay
na larangan, bilang lunsaran ng paglinang sa kasanayan
sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang
larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang mga NON-
HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na
makipagdiskurso sa Filipino sa Humanidades, Agham
Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan, alinsunod
na rin sa layunin ng kompleto o holistikong General
Education/GE.)
 Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya,
Matematika At Iba Pang Kaugnay na Larangan
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa
Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika at iba
pang kaugnay na larangan, bilang lunsaran ng paglinang
sa kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa
iba’t ibang larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang
mga HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na
makipagdiskurso sa Filipino sa Siyensya, Teknolohiya,
Inhenyeriya, Matematika at iba pang kaugnay na
larangan, alinsunod na rin sa layunin ng kompleto o
holistikong General Education/GE.)
ARALIN 2:
Filipino Bilang Wikang
Pambansa; Filipino bilang
Wika ng Bayan
Kasaysayan ng Pag-unlad
ng Wikang Pambansa
Ang Wikang Pambansa ay ang wikang
pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang
bansa. Ang Pilipinas bilang isang
multilinggwal na bansa ay nararapat na
may wikang magsisilbing bigkis na
magbubuklod sa isang lahi. Ang Filipino
bilang Wikang Pambansa ay maraming
pinagdaanan upang maabot ang
katawagang ito.
Wika
Ano ang
pagkakatulad
ng ID sa wika?
 Ang kasaysayan nang pagkakaroon ng
Wikang Pambansa sa Pilipinas ay dumaan sa
ilang mga pagbabago - ang Pilipino na
nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging
Filipino.
 Kasalukuyang gumagamit ng 87 na iba’t
ibang wika.
 Kabilang sa mga pangunahing wika ay
Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol,
Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao.
 Nang dumating ang mga Kastila sa ating
bansa, hinangad nilang mapalaganap ang
Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga
prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa
Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika
sa mga katutubo.
 Sa ganitong paraan, nakapag-ambag sa wika
ang mga mananakop ng Kastila dahil sa
pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng
iba’t ibang wikain sa Pilipinas.
 Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa
mga manghihimagsik na Pilipino laban sa
mga Kastila. Kaya nga’t pinili nila ang
Tagalog na siyang wikang tagalog sa
panahon ng propaganda - mga sanaysay,
tula, kuwento, liham at mga talumpati na
punung-puno sa damdaming bayan.
 Nang dumating ang mga Amerikano, biglang
naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng
itakda ng pamahalaan na ang wikang Ingles
ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga
paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng
bernakular sa paaralan at sa tanggapan nito. Ito
ang dahilan kung bakit simula noong
pananakop ng mga Amerikano hanggang bago
sumiklab ang pangalawang digmaang
pandaigdigan , hindi umunlad ang ating wika.
 Ang ating mga lider na makabayan tulad nina
Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw
at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan
sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng
Wikang Pambansa. Nagharap ng panukula si
Manuel Gillego na gawing Wikang Pambansa at
Wikang Opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa
ring namayani ang wikang Ingles.
 Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong
Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang
Pambansa."
 Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang
binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang
maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang
ipaalala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon
tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas.
Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
 “Ang Pambansang Kapulungan ay
magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa
paglinang at paggamit ng pambansang
wikang batay sa isa sa umiiral na
katutubong mga wika. Samantalang hindi
pa itintadhana ng batas ng Ingles at
Kastila ay patuloy na mga Wikang
Opisyal.”
 Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng
mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga
rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng
puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas,
ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat
pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y
nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang
sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino.
Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni
Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Tagalog.
 Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas
Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang
Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng
Wikang Pambansa.
 Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang
Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
 Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na
nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo
ang Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na
nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
 Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570
na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang
Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
 Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang
Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-
19 tuwing taon.
 Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa
ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito,
kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino
ang gagamitin.
 Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang
kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga
tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
 Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap,
Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng
pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at
mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
 Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng
Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting
midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya
hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o
pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
 Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng
Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng
edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at
pamantasan.
 Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa,
bumuo muli ang pamahalaang
rebolusyonaryo ng Komisyong
Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia
Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon
ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon
muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
 Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa ang salig sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng
Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
 Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at
pagtuturo, ang mga Wikang Opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga Wikang Panrelihiyon ay pantulong ng
mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
 Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
Wikang Panrehiyon, Arabic at Kastila.
 Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng
isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanitili.
 1987 –Atas Tagapagganap Blg 117. Nilagdaan ng
Pangulong Corazon Aquino ang paglikha ng Linangan ng
mga Wika sa Pilipinas LWP bilang pamalit sa dating SWP
at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong
patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang
pambansa.
 Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon
Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong
Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng
Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga
piling asignatura.
 1991 -Batas Republika 7104 .Itinatag ang Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng
Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa
dating SWP at LWP.Ang pagtatalaga ngtauang pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito
ni Pangulong Fidel Ramos Isinainstitusyon ang gamit ng
Inang Wika sa Elementarya O Multiligual Language
Education (MLE). Nauna rito, may inilahad nang bersyon
ang ikalabing-apat na kongreso ng mababang Kapulungan
na House Bill No. 3719- An act Establishing a Multi-
Lingual Education and Literacy Program and for other
Purpose sa pamamagitan ni hon. Magtanggol T.
Gunigundo.
 Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13,
1992) na sinusugan ng Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto,
1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang depinisyon
ng Filipino ay.. “ang katutubong wika na ginagamit s
buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng mga paghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga di- katutubong wika at sa ebolusyon ng
iba’t ibang salitang barayti ng wika para sa iba’t ibang
sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang
salitang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at
iskolarling pagpapahayag.”
 Sa panayam na ibinigay ni Komisyoner Ricardo Ma.
Duran Nolasco (ng KWF, 2007) sa Mariano Marcos
State University, aniya ang kasalukuyang Filipino ay
dating wika ng katagalugan na naging Wikang
Pambansa bunga ng kombinasyon ng mga pangyayari
historikal, ekonomikal, at sosyopolitikal, kayat naging
pambansang lingua franca ng magkakaibang
etnolingguwistikong grupo sa bansa.
 Nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng
wikang Filipino, kasabay ng tuwirang pagtukoy ng
Konstitusyon ng 1987 sa Wikang Pambansa.
 Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawa-
Ingles maliban sa n (enye) na tawag-kastila (ey, bi, di,
i, ef, eych, ay, key, el, em en, enye, endyi, o, pi, kyu,
ar, es, ti ,yu, vi, dobol, yu, eks, way, zi. A, B, C, D, E,
F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V,
W, X, Y, Z,.
 May 28 letra pa rin sa 2001 alpabeto, walang
idinagdag, walang ibinawas at gumaganap bilang
pagpapatuloy ng 1987 patnubay Ang binago ay mga
tuntunin saa paggamit ng walong dagdag letra na
pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang
pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976.
 Pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng
2001 Rebisyon sa Alpabeto at Patnubay sa ispeling ng
wikang Filipino.
 Kailangan ang MLE. Matagal na itong sinabi ni Najib
Saleeby noong 1924 nang suportahan niya ang ulat ng
Monroe Commission, na bigo ang paggamit ng
monolingguwal na edukasyon sa Ingles. Higit na
mabilis na matututo ang batàng Filipino kung wika
nila ang gagamitin sa pag-aaral. Ito rin ang batayan ng
1935 Kumbensiyong Konstitusyonal sa pagpilì ng
isang wika batay sa isang katutubong wika bilang
wikang pambansa sa halip na Ingles.
 14 Hulyo 2009, inilabas ang DepEd Order No. 74 na may
pamagat na “Institutionalizing Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MLE).” ang pagkilála sa Mother Tongue-
Based Multilingual Education bilang “Fundamental Educational
Policy and Program” ng Kagawaran sa buong panahon ng
edukasyong pormal kasama ang pre-school at ang Alternative
Learning System (ALS).Iniaatas sa unang tatlong taon ang
implementasyon ng tinatawag na MLE Bridging Plan, isang
plano para sa pagbuo at produksiyon ng mga kagamitang
panturo sa mga itinakdang wika ng paaralan, dibisyon, at
rehiyon, lalo na sa panimulang pagbabasá at panitikang
pambatà, at ang paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral
bilang pangunahing wikang panturo (MOI) mula pre-school
hanggang Grade 3.
 Sa antas sekundarya, bumalik sa Patakarang Bilingguwal dahil
Filipino at Ingles ang magiging pangunahing wikang panturo.
Patuloy na gagamitin ang unang wika bilang auxiliary medium
of instruction. Resulta sa eksperimento ng DepEd, ng SIL, at ni
Dr Nolasco ipinakita diumano ng eksperimento na higit na
mabilis natuto ang mga batà ginamit ang kanilang unang wika
sa pagtuturo. Sa ilalim ng simulaing unang wika, at upang ganap
na maging epektibo ang MLE, kailangang gamitin ang 150 wika’t
wikaing ito sa mga paaralan ng bansa.
 Kailangang maghanda ng mga kasangkapang panturo sa 150
wika’t wikain. Kailangang magdeploy ng mga guro sa buong
bansa na may kahandaan ang bawat isa sa isa sa 150 wika’t
wikain. Kailangan din pagkuwan na maghanda ng mga test sa
150 wika’t wikain.
1 von 40

Recomendados

Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper von
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term PaperEbolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term PaperElyka Marisse Agan
318.2K views26 Folien
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika von
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wikapanghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wikaGinalyn Red
142.3K views30 Folien
Wika at linggwistiks von
Wika at linggwistiksWika at linggwistiks
Wika at linggwistiksmaestroailene
59.8K views37 Folien
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino von
Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipinoYunit 2  kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipinoRita Mae Odrada
298.5K views30 Folien
Mga Simulain sa Pagsasaling Wika von
Mga Simulain sa Pagsasaling WikaMga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling WikaChristine Baga-an
36.6K views43 Folien
4 na makrong kasanayan von
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayanRoel Dancel
458.5K views71 Folien

Más contenido relacionado

Was ist angesagt?

Diskurso sa Filipino von
Diskurso sa FilipinoDiskurso sa Filipino
Diskurso sa FilipinoAvigail Gabaleo Maximo
130.1K views12 Folien
Baryasyon at Barayti ng WIka von
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaWENDELL TARAYA
102.3K views11 Folien
Simula at pag unlad ng wikang pambansa von
Simula at pag unlad ng wikang pambansaSimula at pag unlad ng wikang pambansa
Simula at pag unlad ng wikang pambansaEmma Sarah
157.9K views14 Folien
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan von
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanJoshuaBalanquit2
11.8K views23 Folien
Panahon ng kastila von
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastilaRhodz Fernandez
121.8K views28 Folien
Probisyong Pangwika sa Konstitusyon von
Probisyong Pangwika sa KonstitusyonProbisyong Pangwika sa Konstitusyon
Probisyong Pangwika sa KonstitusyonJAM122494
104.6K views48 Folien

Was ist angesagt?(20)

Baryasyon at Barayti ng WIka von WENDELL TARAYA
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIka
WENDELL TARAYA102.3K views
Simula at pag unlad ng wikang pambansa von Emma Sarah
Simula at pag unlad ng wikang pambansaSimula at pag unlad ng wikang pambansa
Simula at pag unlad ng wikang pambansa
Emma Sarah157.9K views
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan von JoshuaBalanquit2
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
JoshuaBalanquit211.8K views
Probisyong Pangwika sa Konstitusyon von JAM122494
Probisyong Pangwika sa KonstitusyonProbisyong Pangwika sa Konstitusyon
Probisyong Pangwika sa Konstitusyon
JAM122494104.6K views
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino von TEACHER JHAJHA
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
TEACHER JHAJHA22.9K views
Filipino report-diskurso von abigail Dayrit
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
abigail Dayrit124.3K views
Pagsasaling wika von Allan Ortiz
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
Allan Ortiz202K views
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya von myrepearl
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryaSikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teorya
myrepearl66.2K views
Panahon bago dumating ang mga kastila von Marie Louise Sy
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
Marie Louise Sy227.2K views
Panitikan sa Panahon ng Amerikano von Mae Garcia
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Mae Garcia62.3K views
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino von Noldanne Quiapo
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong FilipinoKasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Noldanne Quiapo278.2K views
kasaysayan ng wika 1987 hanggang kasalukuyan von akame117
kasaysayan ng wika 1987 hanggang kasalukuyan kasaysayan ng wika 1987 hanggang kasalukuyan
kasaysayan ng wika 1987 hanggang kasalukuyan
akame11767.6K views
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale... von Alexis Trinidad
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Alexis Trinidad256.8K views
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA- PANAHON NG KASTILA von Mary Grace Ayade
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA- PANAHON NG KASTILAKASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA- PANAHON NG KASTILA
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA- PANAHON NG KASTILA
Mary Grace Ayade88.1K views

Similar a 397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx

SESSION2_ KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pdf von
SESSION2_ KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pdfSESSION2_ KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pdf
SESSION2_ KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pdfAbigailChristineEPal1
2.2K views26 Folien
komunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptx von
komunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptxkomunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptx
komunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptxJustineGayramara
11 views33 Folien
aralin1.pptx von
aralin1.pptxaralin1.pptx
aralin1.pptxEfrenBGan
63 views30 Folien
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino von
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoFil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoyhanjohn
357.9K views7 Folien
Aralin 1.pptx von
Aralin 1.pptxAralin 1.pptx
Aralin 1.pptxDerajLagnason
114 views27 Folien
PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf von
PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdfPAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf
PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdfDodinsCaberte
721 views50 Folien

Similar a 397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx(20)

komunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptx von JustineGayramara
komunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptxkomunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptx
komunikASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG.pptx
JustineGayramara11 views
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino von yhanjohn
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoFil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
yhanjohn357.9K views
PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf von DodinsCaberte
PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdfPAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf
PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf
DodinsCaberte721 views
2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf von Chols1
2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf
2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf
Chols160 views
Filipino bilang wikang pambansa von ramil12345
Filipino bilang wikang pambansaFilipino bilang wikang pambansa
Filipino bilang wikang pambansa
ramil12345100.5K views
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa von WENDELL TARAYA
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang PambansaKasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
WENDELL TARAYA226K views
Lesson 2-FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA.pptx von PascualJaniceC
Lesson 2-FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA.pptxLesson 2-FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA.pptx
Lesson 2-FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA.pptx
PascualJaniceC29 views
Yunit I PPT.pptx von larra18
Yunit I PPT.pptxYunit I PPT.pptx
Yunit I PPT.pptx
larra18119 views
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx von VinLadin
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptxKONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
VinLadin441 views
Kasaysayan ng wikang von sheldyberos
Kasaysayan ng wikangKasaysayan ng wikang
Kasaysayan ng wikang
sheldyberos31.3K views
Komunikasyon Handouts.docx von JerusaOfanda
Komunikasyon Handouts.docxKomunikasyon Handouts.docx
Komunikasyon Handouts.docx
JerusaOfanda39 views

397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx

  • 4.  Ang INTERDISIPLINARYO ay pagsasama ng dalawang akademikong disiplina sa isang aktibidad. (Halimbawa ay ang paggawa ng isang interdisiplinaryong pananaliksik.)  Ito ay paggawa ng bagong ideolohiya sa pamamagitan ng crossing boundaries. Ito ay maiuugnay sa isang interdisiplina o interdisciplinary field.  Ang INTERDISIPLINARYO ay kasama ang mga mananaliksik, mag-aaral at mga guro na layunin na magkaroon ng pag-uugnay sa iba’t ibang pananaw sa akademik, propesyon at teknolohiya tungo sa isang ispisipikong perspektibo para sa isang hangarin.
  • 5. Ang multidisiplinaryo ay pag-aaral mula sa iba’t ibang disiplina o multiple discipline; Ito ay pagsilip sa ibang pananaw panlabas upang higit na maunawaan ang kompleks ng isang sitwasyon.
  • 6.  Ang paggawa ng istratehiyang pananaliksik na pumapasok sa iba’t ibang larang o disiplina para sa holistikong pananaw;  Isang pananaw sa isang larangan na nabuo sa pamamagitan ng ibang disiplina na muling ginagamit sa ibang disiplina. (Halimbawa ay ethnograpiya na orihinal sa antropolohiya na nagagamit na rin sa ibang larang.)
  • 7. Interdisiplinaryo ; Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan at sa pananaliksik ; Maituro ang Filipino bilang hiwalay na Asignatura ;
  • 8.  Kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan;  Praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad.
  • 9.  KOMFIL (Kontektstwalisadong Komunikasyon sa Filipino);  FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina);  DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino);  SOSLIT (Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan) at;  SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang Panlipunan).
  • 10.  Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayan pagbasa at pagsulat.
  • 11.  Gamit ang mga makabuluhang interdisiplinaryong pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik na ito (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng interdisiplinaryong pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.”
  • 12.  Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t Ibang Larangan (Pokus nito ang pasaklaw na pagtalakay sa naabot na at sa possible pang direksyon o ekspansyon ng unique na diskurso sa Filipino bilang larangan at sa Filipino sa iba’t ibang larangan)
  • 13.  Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba Pang Kaugnay na Larangan (Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan, bilang lunsaran ng paglinang sa kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang mga NON- HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na makipagdiskurso sa Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan, alinsunod na rin sa layunin ng kompleto o holistikong General Education/GE.)
  • 14.  Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika At Iba Pang Kaugnay na Larangan (Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika at iba pang kaugnay na larangan, bilang lunsaran ng paglinang sa kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang mga HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na makipagdiskurso sa Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika at iba pang kaugnay na larangan, alinsunod na rin sa layunin ng kompleto o holistikong General Education/GE.)
  • 15. ARALIN 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa; Filipino bilang Wika ng Bayan Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa
  • 16. Ang Wikang Pambansa ay ang wikang pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang bansa. Ang Pilipinas bilang isang multilinggwal na bansa ay nararapat na may wikang magsisilbing bigkis na magbubuklod sa isang lahi. Ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay maraming pinagdaanan upang maabot ang katawagang ito.
  • 18.  Ang kasaysayan nang pagkakaroon ng Wikang Pambansa sa Pilipinas ay dumaan sa ilang mga pagbabago - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.  Kasalukuyang gumagamit ng 87 na iba’t ibang wika.  Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao.
  • 19.  Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo.  Sa ganitong paraan, nakapag-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.
  • 20.  Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban sa mga Kastila. Kaya nga’t pinili nila ang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming bayan.
  • 21.  Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang wikang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan nito. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdigan , hindi umunlad ang ating wika.
  • 22.  Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing Wikang Pambansa at Wikang Opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang wikang Ingles.
  • 23.  Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."  Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipaalala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
  • 24.  “Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itintadhana ng batas ng Ingles at Kastila ay patuloy na mga Wikang Opisyal.”
  • 25.  Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.
  • 26.  Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng Wikang Pambansa.  Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.  Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
  • 27.  Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.  Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13- 19 tuwing taon.  Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.  Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
  • 28.  Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.  Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.  Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.
  • 29.  Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
  • 30.  Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa ang salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.
  • 31.  Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga Wikang Opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga Wikang Panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.  Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing Wikang Panrehiyon, Arabic at Kastila.
  • 32.  Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
  • 33.  1987 –Atas Tagapagganap Blg 117. Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas LWP bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.  Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.
  • 34.  1991 -Batas Republika 7104 .Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP.Ang pagtatalaga ngtauang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel Ramos Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya O Multiligual Language Education (MLE). Nauna rito, may inilahad nang bersyon ang ikalabing-apat na kongreso ng mababang Kapulungan na House Bill No. 3719- An act Establishing a Multi- Lingual Education and Literacy Program and for other Purpose sa pamamagitan ni hon. Magtanggol T. Gunigundo.
  • 35.  Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992) na sinusugan ng Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto, 1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang depinisyon ng Filipino ay.. “ang katutubong wika na ginagamit s buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di- katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang salitang barayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang salitang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”
  • 36.  Sa panayam na ibinigay ni Komisyoner Ricardo Ma. Duran Nolasco (ng KWF, 2007) sa Mariano Marcos State University, aniya ang kasalukuyang Filipino ay dating wika ng katagalugan na naging Wikang Pambansa bunga ng kombinasyon ng mga pangyayari historikal, ekonomikal, at sosyopolitikal, kayat naging pambansang lingua franca ng magkakaibang etnolingguwistikong grupo sa bansa.  Nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino, kasabay ng tuwirang pagtukoy ng Konstitusyon ng 1987 sa Wikang Pambansa.
  • 37.  Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawa- Ingles maliban sa n (enye) na tawag-kastila (ey, bi, di, i, ef, eych, ay, key, el, em en, enye, endyi, o, pi, kyu, ar, es, ti ,yu, vi, dobol, yu, eks, way, zi. A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z,.  May 28 letra pa rin sa 2001 alpabeto, walang idinagdag, walang ibinawas at gumaganap bilang pagpapatuloy ng 1987 patnubay Ang binago ay mga tuntunin saa paggamit ng walong dagdag letra na pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976.
  • 38.  Pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Rebisyon sa Alpabeto at Patnubay sa ispeling ng wikang Filipino.  Kailangan ang MLE. Matagal na itong sinabi ni Najib Saleeby noong 1924 nang suportahan niya ang ulat ng Monroe Commission, na bigo ang paggamit ng monolingguwal na edukasyon sa Ingles. Higit na mabilis na matututo ang batàng Filipino kung wika nila ang gagamitin sa pag-aaral. Ito rin ang batayan ng 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal sa pagpilì ng isang wika batay sa isang katutubong wika bilang wikang pambansa sa halip na Ingles.
  • 39.  14 Hulyo 2009, inilabas ang DepEd Order No. 74 na may pamagat na “Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education (MLE).” ang pagkilála sa Mother Tongue- Based Multilingual Education bilang “Fundamental Educational Policy and Program” ng Kagawaran sa buong panahon ng edukasyong pormal kasama ang pre-school at ang Alternative Learning System (ALS).Iniaatas sa unang tatlong taon ang implementasyon ng tinatawag na MLE Bridging Plan, isang plano para sa pagbuo at produksiyon ng mga kagamitang panturo sa mga itinakdang wika ng paaralan, dibisyon, at rehiyon, lalo na sa panimulang pagbabasá at panitikang pambatà, at ang paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral bilang pangunahing wikang panturo (MOI) mula pre-school hanggang Grade 3.
  • 40.  Sa antas sekundarya, bumalik sa Patakarang Bilingguwal dahil Filipino at Ingles ang magiging pangunahing wikang panturo. Patuloy na gagamitin ang unang wika bilang auxiliary medium of instruction. Resulta sa eksperimento ng DepEd, ng SIL, at ni Dr Nolasco ipinakita diumano ng eksperimento na higit na mabilis natuto ang mga batà ginamit ang kanilang unang wika sa pagtuturo. Sa ilalim ng simulaing unang wika, at upang ganap na maging epektibo ang MLE, kailangang gamitin ang 150 wika’t wikaing ito sa mga paaralan ng bansa.  Kailangang maghanda ng mga kasangkapang panturo sa 150 wika’t wikain. Kailangang magdeploy ng mga guro sa buong bansa na may kahandaan ang bawat isa sa isa sa 150 wika’t wikain. Kailangan din pagkuwan na maghanda ng mga test sa 150 wika’t wikain.