1. Filipino
Ikalawang Markahan - Linggo 1 Modyul 1:
(Pagsasakilos sa mga Bahagi ng Kuwento)
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
4
2. 1
Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan- Linggo 1 - Modyul 1: Pagsasakilos ng bahagi ng Kuwento
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City
Tagapamahala ng Paaralan: Rebonfamil R. Baguio
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Junrey H. Tadlas
Editor: Cathyrine D. Melos
Leah d. Okit
Relene V. Llagas
Tagapagsuri: Emelita F. Rey, PSDS
Fe D. Tumanda
Tagalapat: Rommel C. Villa
Gelyn G. Zerna
Ilustrador: Madilyn Pagobo Saphlot
Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso
Tagapamahala:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Mga Kasapi: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Noemie M. Pagayon, EPS – Filipino
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II
3. 2
4
Filipino
Ikalawang Markahan - Linggo 1 Modyul 1:
(Pagsasakilos sa mga bahagi ng Kuwento)
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na
inihanda at sinuri ng mga guro mula sa pampublikong paaralan.
Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na ipadala ang inyong mga puna, komento at
rekomendasyon sa pamamagitan ng email sa Kagawaran ng
Edukasyon at Region10@deped.gov.ph.
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at
rekomendasyon.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
5. 4
Ang Modyul na ito
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang modyul na ito. Ito
ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama
mo sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa
pamamagitan ng pagbasa at pagsagot. Basahin at unawain ang mga
panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga
gawaing sadyang inihanda para sa iyo.
Maligayang paglalakbay sa pagkamit ng dagdag na kaalaman sa
asignaturang Filipino.
i
6. 5
Alamin
Ang nasa ibaba ay ang mga dapat matutunan sa modyul na ito;
Mga Layunin:
1. Naisasakilos ang bahagi ng kuwento na nagustuhan
2. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa ibat-ibang
sitwasyon paghingi ng pahintulot
3. Nagagamit ng wasto ang pang-uri (lantay) sa paglalarawan
ng tao, lugar, bagay at pangyayari
Paano matuto sa Modyul na ito:
Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang
mga sumusunod na mga hakbang;
Basahin at unawain ng mabuti ang aralin.
Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at
pagsasanay.
Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.
ii
7. 6
Mga Icon sa Modyul na ito
Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng
layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa inyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin.
Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan
sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan.
Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa
pamamamagitan ng gawaing
pagkatuto bago ilahad ang paksang
tatalakayin.
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa
pamamamagitan ng gawain sa
pagkatuto upang malinang ang iyong
natuklasan sa pag-unawa sa
konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.
Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang
maproseso ang iyong natutunan mula
sa aralin.
Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang
maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit upang
masusi ang iyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto.
Karagdagang
Gawain
Ito ay mga karagdagang gawaing
pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.
iii
8. 7
Subukin
Panuto: Isulat ang O kung ang salitang ito’y nagsasaad ng kilos
at H kung hindi.
_____1. Umiinom
_____2. Aklat
_____3. Bumili
_____4. Naglalaro
_____5. Damit
_____6. Kumakain
_____7. Naliligo
_____8. Umaakyat
_____9. Bato
_____10. sapatos
iv
9. 8
Z
Aralin
1
Pagsasakilos ng bahagi ng
Kuwento
Ang paggalang ay hindi lamang tungkulin, ito ay isang
pananagutan sa Dakilang Lumikha. Wala sa panlabas na katayuan,
karangyaan sa buhay kundi nasa ating mga puso ang tanggapin at
igalang ang ating kapwa anuman ang katayuan sa buhay lalo pa nga’t
kung ito’y may kapansanan at mga kahinaan.
Balikan
Panuto: Itambal ang bawat isa, isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
______1.Narativ a. paglalahad
______2. Deskriptiv b. proseso
______3. Expositori c. pagsasalaysay
______4. Argumentativ d. pangangatwiran
______5. Prosidyural e. paglalarawan
Tuklasin
Panuto: Bilugan ang mga salitang may kilos sa sumusunod na
pangungusap.
10. 9
1. Naglalaba ang kaniyang ina sa ilog.
2. Ang mga mag-aaral ay nagbabasa ng aklat.
3. Si Rodel ay umaakyat sa puno ng manga.
4. Sumasayaw ang mga dalaga at binate.
5. Kumukulo na ang tubig.
6. Si Pedro ay kumakain ng kanin.
7. Tumakbo ng mabilis ang kabayo.
8. Naglalakad pauwi si Juan.
9. Si James ay nagluluto.
10. Si Maria ay naghuhugas ng pinggan.
Suriin
Lantay- Ito’y naglalarawan ng isang katangian ng tao, bagay,
lugar o pangyayari. Tumutukoy sa kaantasan ng pang - uri na
hindi naghahambing.
Mga Halimbawa:
Maganda - Si Maria ay maganda.
Masarap - Ang pagkain ay masarap.
Matangkad - Si Pedro ay matangkad na bata.
Mabagal
Pagong
suso
uod
11. 10
Pagyamanin
Panuto: Bilugan ang mga magagalang na pananalita sa pangungusap
at salungguhitan ang pang-uring lantay.
1. Magandang umaga po! Mabait naming guro.
2. “Ipagpaumanhin po,” ang sabi ng mgaling na bata.
3. Mano po! Masipag kung lolo.
4. Makikiraan po! Magandang binibini.
5. Pakiabot ng putting bag.
Isaisip
Panuto:Piliin ang magagalang na pananalita ayon sa sitwasyon.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Pumunta ka sa bahay ng iyong kaklase. Nakita mong sarado ang
pinto. Ano ang sasabihin mo?
Mainit
hotdog
Kandila
Araw
12. 11
a. Tao po! c. Tuloy po kayo.
b. Maupo po kayo. d. Sino po ba ang hinahanap nila?
2. Nasa bahay ka ng iyong kaklase upang gumawa ng iyong proyekto.
Tapos na ito kaya uuwi ka na. Naroon ang kanyang ina. Ano ang
sasabihin mo?
a. Aalis na po ako c. Narito po ba si Ana?
b. Maupo po kayo d. Sino po ba ang hinahanap nila?
3. Binigyan ka ng lapis ng iyong kamag-aral. Ano ang sasabihin mo?
a. Salamat c. Maaari bang gamitin ko ito?
b. Walang anuman d. Akin na ito.
4. Nakita mo ang iyong guro na nahulog ang dala niyang libro. Ano ang
sasabihin mo?
a. Salamat po c. Akin na lang ang libro mo
b. Sa uulitin d. Maam, tutulungan ko na po kayo
5. May mga bisita ang iyong tatay dahil kanyang kaarawan. Kumatok
sila at binuksan mo ang pinto. Ano ang sasabihin mo?
a. Sino kayo? c. Pasok po kayo
b. Bakit? d. Wala po si tatay
Isagawa
Panuto: Ilarawan ang inyong bahay sa limampung salita o higit pa at
bilugan ang mga pang-uring ginamit.
13. 12
Tayahin
Panuto: Salungguhitan ang mga pang-uri sa sumusunod na
mga pangungusap.
1. Ang aming pamayanan ay tahimik.
2. Maraming malalagong punong-kahoy sa aming lugar.
3. Ang mga bulaklak dito ay maganda.
4. Malulusog ang mga bata dito sa aming pamayanan.
5. Kaakit-akit ang aming pook.
6. Masarap magluto si nanay Ana.
7. Matangkad ang aking bunsong kapatid.
8. Mainit ang klima sa Thailand ngayon.
9. Mahal ang presyo ng tinapay sa tindahang ito.
10. Mabilis tumakbo ang aso.
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng pangungusap na ginagamitan ng sumusunod na
pang-uri.
1. Malusog
______________________________________________
2. Malinis
______________________________________________
3. Maganda
______________________________________________
4. Bago
______________________________________________
5. Masaya
______________________________________________
16. 15
Para sa anumang katanungan o puna, maaaring ipadala sa
pamamagitan ng sulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia
Lapu-Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828 - 4615