2. PABULA
• Nagmula sa salitang GRIYEGO
muzos = myth o mito
• Nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin
salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa
kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan
ng ilang pagbabago ng mga tagapagkuwento
nang naaayon sa kultura o kapaligirang
ginagalawan.
3. Pabula ni Aesop
Nang isilang ang kanyang mga pabula na
gumamit ng mga hayop na nagsasalitang
parang tao bilang mga pangunahing tauhan.
4. AESOP
• Isang Griyego
• Namuhay noong panahong
620 hanggang 560 BC ay
itinuturing na AMA NG
MGA SINAUNANG PABULA
(Ancient Fables).
5. • Sinasabing isinilang na kuba at
lumaking isang alipin subalit
pinagkalooban ng kalayaan ng
kanyang amo at hinayaang maglakbay
at makilahok sa mga kilusang
pambayan at makisalamuha sa mga
tao.
• Siya ay tinatayang nakalikha ng
mahigit 200 pabula sa kanyang buong
buhay.
6. PABULA
• Nagagamit ang mga kuwento at aral na taglay ng
mga pabula sa pagtuturo ng kagandahang-asal at
mabuting pamumuhay sa mga tao lalong lao na
sa kabataan.
• Ang mga tauhang hayop ng mga pabula ay
masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga
tao.
• Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa
magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
8. Iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
ng damdamin at emosyon:
1. Mga Pangungusap na Padamdam
2. Maikling Sambitla
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na
Damdamin o Emosyon ng isang tao
9. 1. Mga Pangungusap na Padamdam
• Pagpapahayag ng matinding damdamin o
emosyon.
• Bantas na tandang padamdam (!)
HALIMBAWA:
- Ay, nandyan na ang mabangis
na tigre!
10. 2. Maikling Sambitla
• Iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
HALIMBAWA:
- Yehey! - Huwag!
- Naku! - Lagot!
11. 3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na
Damdamin o Emosyon ng isang tao
• Pangungusap na may anyong pasalaysay.
HALIMBAWA:
a. Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng binatang
sumalba sa aking buhay.
b. Pagtataka: Bakit hindi siya nagsasawang tumulong
sa iba?
c. Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng tao sa
mahihina.