4. Tiyak na Layunin:
Nailalahad ang kahulugan ng nobela.
Naiisa-isa ang dapat tandaan sa pagsulat ng
nobela.
Naibibigay ang kahulugan ng teoryang
humanism.
Nasusuri ang mga katangian ng bawat karakter
sa nobela.
6. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salita at
gamitin sa pangungusap.
1. Poot
2. Kinalinga
3. Pighati
7. Nobela
–ay bungang-isip/katha na nasa anyong
prosa, kadalasang halos pang-aklat ang
haba na ang banghay ay inilalahad sa
pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo.
Ito ay naglalahad ng isang kawil ng kawili-
wiling pangyayari na hinabi sa isang
mahusay na pagkakabalangkas.
8. Tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang
mahusay na nobela ay:
1. Kuwento o kasaysayan
2. Isang pag-aaral
3. Paggamit ng malikhaing guniguni
Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman sa di-
tahasang paraan. Ito’y maaari ring magturo, magtaguyod ng
isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan o magbigay ng
isang aral.
9. Mga Pangyayari- Dahil binubuo ng mga kabanata, dapat na ang
mga pangyayari ay magkakaugnay. May panimula, papaunlad
na mga pangyayari na magsasalaysay ng tunggalian ng nobela,
kasukdulan, at kakalasan na patungo na sa wakas.
Paglalarawan ng Tauhan – Ang lalong mahusay na nobela ay
naglalarawan ng tauhan. Ito’y ginagawa nila sa isang paraang
buhay na buhay, kaya’t parang mga tunay na tauhan ang
kinakaharap natin habang binabasa ang nobela. Sa kanilang
bukambibig, sa kanilang mga kilos at sa mga sinasabi ng may-
akda tungkol sa kanila ay natutuhan nating kilalanin at
pahalagahan ang mga lalaki at babae ng isang katha na
naiuugnay sa mga taong nakapaligid sa atin.
10. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela
1. Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi
pinagagalaw ng may-akda. Sila’y gumagalaw ng kusa –
lumuluha, nalulugod, nagtataksil, nagtatapat, nangaapi,
tumatangkilik- alinsunod sa angkin nilang lakas, mga
hangarin, at mga nakapaligid sa kanila. Ang mga kilos nila’y
siyang mga kilos na hinihingi ng katutubo nilang ugali at ng
mga pangyayaring inilalarawan ng kumatha.
2. Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang
nobela ay dapat sumunod sa masasaklaw na simulain ng
pagsasalaysay, may pauna, na tumutugon sa mga katanungang
Sino? Ano? Kailan? Saan?
11. Ang teoryang Humanismo ay itinatanghal ang
buhay, dignidad, halaga, at karanasan ng bawat
nilalang maging ang karapatan at tungkulin ng
sinuman para linangin at paunlarin ang sariling
talino at talento. Pinaniniwalaan ng humanismo na
ang tao ay isang rasyonal na nilikha na may
kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa
madaling salita, ang humanismo ay naniniwala na
ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay, ang siyang
pinanggagalingan ng lahat.
14. PANGKAT 1
Pumili ng pangyayari sa nobela at
ipakita sa paraang PANTOMINA.
PANGKAT 2
Magsagawa ng isang TALKSHOW
tungkol sa katangian ng mga tauhan
sa nobela.
15. PANGKAT 3
Gumuhit ng SIMBOLISMO mula sa
katangian na ipinakita ng tauhan.
PANGKAT 4
Bumuo ng AWITIN na nagsasabi sa
aral na matututunan sa nobela.
19. Ang tauhang-lapad ay isang uri ng mga tauhan na
nagbabago ang katangian o pag-uugali mula sa
simula hanggang sa huli, ibig sabihin ganon
pabago-bago ang katangian at ugali ng mga
tauhan hanggang dulo o wakas ng kwento.
Ang tauhang-bilog ay ang ikalawang uri ng
tauhan sa kwento na kabaligtaran ng tauhang-
lapad, ang mga tauhan sa kwento ay hindi nag-
iiba ang ugali, ibig sabihin walang nagbabago sa
ugali at katangian ng kwento mula sa simula
hanggang sa wakas ng kwento.
20. Stereotipical-pagkakakilanlan bilang imahe na
kinasanayan ng karamihan.
Humanismo-nagbibigay halaga sa paniniwala
ng tao, bilang sentro ng daigdig at bumubuo
ng sariling kapalaran nito.
21. Panuto: Suriin ang mga pangungusap batay sa nobela bilang
akdang pampanitikan. Isulat sa patlang ang titik T kung tama
ang tinutukoy ng pangungusap at M kung ito ay mali.
____1. Sa pananaw humanismo, ipinakikita na ang tao ay ang
sukatan ng lahat ng bagay kaya’t binibigyang-halaga ang kanyang
saloobin at damdamin.
____2. Ang Nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa,
kadalasang halos pang-aklat ang haba na ang banghay ay
inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo.
____3. Tinatawag na stereotipical pagkakakilanlan bilang imahe
na kinasanayan ng karamihan.
___4. Ang teoryang humanismo ay tumatalakay sa kultura ng
isang bansa.
_____5. Malaki ang epekto ng kultura sa Teoryang Humanismo.
22. Ang mga panandang pandiskurso
ay maaaring maghudyat ng
pagkakasunodsunod ng mga
pangyayari o di kaya’y maghimaton
tungkol sa pagkakabuo ng
diskurso. Karaniwan nang ito ay
kinakatawan ng mga pang-ugnay o
pangatnig.
23. Halimbawa:
➢ at, saka, pati – nagsasaad ng
pagpupuno o pagdaragdag ng
impormasyon Halimbawa: Ang
mga mamamayan ng lungsod ng
Puerto Princesa at Palawan ay
patuloy na nag-iingat sa banta ng
Covid-19.
24. ➢ maliban, bukod kay,
huwag lang, bukod sa –
nagsasaad ng pagbubukod o
paghihiwalay Halimbawa:
Kunin mo na ang lahat sa akin
huwag lang ang aking mahal.
25. ➢ tuloy, bunga nito, kaya,
naman – nagsasaad ng
kinalabasan o kinahinatnan
Halimbawa: Dahil sa
kasalukuyang pandemya kaya
nagsagawa ang pamunuan ng
DepEd ng iba’t ibang
pamamaraan sa pag-aaral.
26. ➢ kapag, sakali, kung –
nagsasaad ng kondisyon o
pasubali
Halimbawa: Kung aalagaan natin
ang ating pangangatawan tiyak
na hindi tayo kakapitan ng
anumang karamdaman.
30. Sa isang malawak na espasyo ng Katedral
nagkikita-kita ang mamamayan upang
magsaya para sa “Pagdiriwang ng
Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng
isang araw taontaon. Taong 1482 nang
itanghal si Quasimodo – ang kuba ng
Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan”
1.)________ sa taglay niyang kapangitan.
May mga pangyayaring hindi inaasahan sa
buhay ni Quasimodo, ito ay ng patawan
siya ng parusang paglatigo.
31. Dito siya tinulungan ni La
Esmeralda 2.)_________ sa habag
nito binigyan siya ng dalaga ng
isang basong tubig na siya
namang nagpagaan sa damdamin
ni Quasimodo 3.)___________
nahulog ang loob ni Quasimodo
sa dalaga.
32. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw
na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siya ng
babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng
magnanakaw.”4.) __________ kanyang pagsigaw
at pag-iyak, ito ay tumatawa rin 5.)_______ siya
ay muling natandaan ng mga tao at nakilala
bilang si Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na
dating mayaman subalit nawala ang bait nang
mawala ang anak na babae, labinlimang taon na
ang nakalilipas.
33. Sa isang malawak na espasyo ng Katedral
nagkikita-kita ang mamamayan upang
magsaya para sa “Pagdiriwang ng
Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng
isang araw taontaon. Taong 1482 nang
itanghal si Quasimodo – ang kuba ng
Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan”
1.)dahil sa taglay niyang kapangitan. May
mga pangyayaring hindi inaasahan sa
buhay ni Quasimodo, ito ay ng patawan
siya ng parusang paglatigo.
34. Dito siya tinulungan ni La
Esmeralda 2.) dahil sa habag nito
binigyan siya ng dalaga ng isang
basong tubig na siya namang
nagpagaan sa damdamin ni
Quasimodo 3.) kaya nahulog ang
loob ni Quasimodo sa dalaga.
35. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng
baliw na sumisigaw kay La Esmeralda.
Tinawag siya ng babaeng “hamak na
mananayaw” at “anak ng magnanakaw.”
4.) Bukod sa kaniyang pagsigaw at pag-iyak,
ito ay tumatawa rin 5.) sa madaling sabi,
siya ay muling natandaan ng mga tao at
nakilala bilang si Sister Gudule. Siya ay
pinaniniwalaan na dating mayaman subalit
nawala ang bait nang mawala ang anak na
babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.