1. Hindi gaanong mahalaga sa buhay kung anong kayamanan
o anong uri ng bagay mayroon ka sa iyong kamay kundi ang
mahalaga’y kung paano mo pinatatakbo o pinalilipad ang iyong
buhay na gaya ng isang maliit na saranggola na kung ikokompara
sa maganda at makulay na guryon ay tila napakalayo ng agwat.
Sabi nga ng ama sa kanyang anak, “Kaya tandan mo, ang
taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at
tiyaga. Ang Malaki ay Madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas
na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, lagging nawawasak.”
Huwag maging kampante. Kahit ang pinakamayamang tao ay
maaring maging mahirap at mawalan ng lahat ng kaniyang
kayamanan kung hindi niya ito iingatan at gagamitin nang mahusay.
3. Pang-uri
Ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay-
turing sa mga pangngalan at panghalip. Ito ay may
kaantasan o kasidhian:
1. Lantay
2. Pahambing
Magkatulad
Di-magkatulad: Pasahol at Palamang
3. Pasukdol
4. 1. Lantay
Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na
pangngalan at panghalip.
Halimbawa: Ang makulay na guryon ay
magandang pagmasdan.
5. 2. Paghahambing
Ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang uri:
Magkatulad – Ang paghahambing kung paras sa
katangian ang pinagtutulad. Ginagamit dito ang panlaping
ka, magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.
Halimbawa: Magkasing-yaman ang mag-ama sa kuwento.
6. 2. Paghahambing
Di-Magkatulad – Ang paghahambing kung
nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o
pagsalungat.
Palamang (lalo, higit, di-hamak, mas, at iba pa)
Halimbawa: Ang ganitong panuntunan ay maaring
maging daan ukol sa lalong maunlad na kabuhayan
7. 2. Paghahambing
Di-Magkatulad
Pasahol (di-gaano, di-gasino, di-masyado)
Halimbawa: Di-gaanong istrikto ang anak kompara
sa ama.
8. 3. Pasukdol
Nasa pinakadulong digri ang kaantasan ng pasukdol.
Ito ay maaaring positibo o negatibo. Ang paglalarawan
ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga
katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng,
at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Halimbawa: Pinakamaganda ang panuntunang ito na
nagbigay-daan sa lalong maunlad na kabuhayan.
10. 1. Ang aking magulang ay ubod ng mapagmahal.
2. Simple lamang ang aming buhay ngunit masaya.
3. Ang aking ina ay masasabi kong ulirang ina.
4. Ang aking ama ay saksakan ng sipag.
5. Mataas na mataas ang pagtingin ko sa kanila.
6. Magsimbait ang aking nanay at tatay.
7. Higit na maganda ang relasyon naming magpapamilya pagkatapos ng
naganap na trahedya sa amin.
8. Nagkaroon ako ng bagong kaalaman kung paano ko mapauunlad ang aking
buhay.
9. Di na gaanong magulo ang aking isip tungkol sa mga bagay na nais kong
mangyari sa aking buhay.
10. Ang maliit na tampuhan ay madaling nalulutas sa ngayon.
13. 1. Bahay Ninyo at bahay ng kaibigan mo: (pahambing na pasahol)
2. Tatay mo: sa lahat ng tatay sa mundo (pasukdol)
3. Nanay mo: nanay sa isang komersiyal sa telebisyon
(pahambing na palamang)
4. Ikaw: kapatid mo (magkatulad)
5. Perlas (lantay)
6. Pag-aaral nong panahon ng pandemya at ngayon (pahambing
na pasahol)
7. Presyo ng bilihin (pasukdol)
8. Mga barkadang sinasamahan (pahambing, palamang)
9. Panahon (lantay)
10. Uri ng mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan
(palamang)