RRL SA PELIKULA
Ang pelikula ay isang uri na maaring basahin katulad ng literaturang limbag. Batay sa aklat
ni Mirasol (2005) ang panunuod ng isang pelikula ay ang kakayahan ng manonood na
makatas ang kahulugang inilalarawan ng mga kuwaderno o serye ng kuha na may kaugnay
na tunog. Ang mga bahagi o seryeng ito ng kuwaderno o pelikula at TV, kung makakauri at
magkatimbang, ay makakapagbigay ng pangunahing pokus. Ang punong kaisipan ito ang
pinakadiwa o kabuluhan ng buong pelikula.
Kaugnay pa rito, iba-iba ang punong kaisipan sa isang pelikula at ito ay maaring
maisalaysay ang kuwento o mailahad ang menahe o saloobin sa buhay, upang maiparanas
sa manonood ang kagandahan o kaya'y basta ipakita ang bagay na kawili-wili at ganyakin
sila sa isang panoorin. Sabi parin niya na ang pasalaysay ang punong kaisipan ng isang
pelikula kung lahat ng sangkap ng kuwento ay naroon. Sa panonood ng pelikula lalong
nalilibang ang mga manonood lalo't may kaugnayan ang mga pinapaksa sa sariling
karanasan. Sa maayos na pagsasapelikula ng buhay ay nakukuha sila ng malawak na
kaalaman at kaisipan na nagsisilbing inspirasiyon.
Evasco (2011) Dagdag pa niya, nagiging lunsaran ang pelikula ng mga usaping panlipunan
na nais idiin ng mga guro at manunulat. Kaya hindi intensiyon sa loob ng akademiya o
paaralan na gawin lamang na libanagan ang kritikal na pagtatasa ng pelikula. Tulad ng
anumang akda o teksto, ang pelikulang pinapanood ay naghahadatid sa mga manunuod ng
aliw, lungkot at sari saring emosyon, dahil rito nagkakaroon ng pagkaengganyo ang mga
manunuod upang subaybayan ang bawat kwento ng bidang karakter sa isang pelikula.
Evasco (2011) itinuturing na ang pelikula bilang isa sa pinakabagong sining. Maari itong
ituring na sining (.. KADUGTONG Isa sa pinakapopular na uri ng aliwan ang pelikula
sapagkat maaring dalhin ang mga manonood sa isang lunan na kakaiba o higit kaysa
ordinaryong buhay ng tao. Hindi maikakailang marami itong maaring sabihin tungkol sa
sining, lipunan, kaugalian,pilosopiya, kultura at iba pang kapana panabik na makabagon
paksa na maaring makapag-ugnay sa makatotohanang buhay ng tao.
PANONOOD (Kumalap pa ng ibang sanggunian dun sa nakitang tesis) DAGDAG
IMPORMASIYON
Pagtuklas din ito sa mga natatanging kaalaman na makikita sa tema ng produksiyon o sa
pinapanood sa pamamagitan ng pagtukoy sa kilos o gawi, kaugalian ng bawat karakter, sa
plot o balangkas ng iskrip at sa maayos na daloy ng mga pangyayari sa mga programa
katulad na lang ng pelikula. Samakatuwid, ang panonood ay nakakatulong sa pagpapaunlad
ng kaalaman na higit na malalim na paghihinuha sa mga nakikita at napapakinggan.
(Ilalagay to sa angkop na sanggunian.)
SINTESIS AALISIN YUNG KAY EVASCO PAPALITAN NG Ang pag-aaral naisinagawa nina
Bautista et al. (2013), ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang unang
pag-aaral ay sinuri ayon sa iba't ibang elemento, ito ay kinapapalooban ng iba't ibang
(Kelangan dito na rrl ay interconnected sa past at present study dapat related)
Ang pag-aaral na isinagawa nina Alda et al. (2015), ay kapareho sa kasalukuyang pag-aaral
dahil binibigyang pansin dito ang mga elemento na ginamit sa pagsusuri at pagpapahalaga.
Kapupulutan din ito ng iba't ibang aral at mensaheng hatid ay pagkatuto.
KAUGNAY NA PAG-AARAL Sa isinagawang pagsusuri ni De Guzman et al. (2014), ng tatlong
piling pelikulang Tagalog na pinamagatang Magnifico, Mga Munting Tinig at Muro Ami
nilalayon nitong matukoy ang mga pagpapahalagang Pilipino at implikasiyon nito sa
kasalukuyang panahon. Lumabas sa isinagawang pagsusuri na ang tatlong pelikula ay
nagtataglay ng pagpapahalagang Pilipino at pagpapahalagang pampanitikan na nakatulong
upang maipakita ang tunay na damdamin, kaugalian, gawi at kilos ng lahing Pilipino at
naghatid ng iba't ibang aral. Isang masigasig na pagsusuri ang kailangan upang higit na
mabigyang kahulugan ng anumang sangay ng panitikan sa buhay ng tao, bilang isang
matibay at panghabang panahong pagpapahayag ng mahalagang karanasn sa mga salitang
pinili at isinaayos upang ito ay magbigay kulay sinuman. Sa pamamagitan ng pagsusuri
magkakaroon ang mga mambabasa o tagapakinig at tagapanood ng makabuluhang
paghatol tuungkol sa maraming bagay sa isang akda. Sa tulong pa rin nitop, Maliliwanagan
hindi lamang ang tunay na kahulugan ng isang salita, maliliwanagan din ang mga pahiwatig,
damdamin, ang himig at layunin.
INTRODUCTION
Ang panonood ng pelikula ay hindi lamang naglalayong pasayahin ang mga manonood. May
iba pang kritikal na paraan ng pagtunghay sa sine. Di kaila na panonood ng sine ang
itunuring nating libangan noon. Magkakahiwalay man ang lugar o panahon, iisa pa rin ang
imahen na natutunghayan, kahit pa iba ang kondisyon ng pagtunghay, tulad ng uri ng sine,
kalidad ng teknolohiya, mga kasama sa sinehan at iba pa. Dahil sa labis na pagkawili sas
panonood ng sine, may pagkakahalintulad ang bawat indibidwal at kolektibong karanasan.
(Tolentino 2005) Libangan ng tao ang pannonood ng sine. Kahit hirap sa buhay ang isang
tao ay gumagawa ng paraan para mapanood lamang ang inaabangan na palabas. Iba-iba
ang pamantayan ng tao sa pagpili ng tao sa pagpili ng pelikulang panonoorin kaya naman
kahit anong pelikula ay kumikita. May sarili kasi itong panghatak sa mga manonood. May
iba't iba silang pelikulang nais panoorin na kung saan ay maantig nito ang kanilang
damdamin o kaya naman ay mararamdaman nila na isa silang artistang gumanap sapagkat
may kaugnayan ito sa mga pangyayari sa kanilang buhay. Dumarating ang pagkakataong
hindi sila nagandahan sa kanilang napanood ngunit malimit pasok sa kanilang sa kanilang
panlasa ang pelikulang kanilang napili.