2. Page 2
Pagtalakay sa mga
akDa ni Rizal
A. Pagtalakay sa mga Liham ni Rizal
1. Liham na pinadala ni Rizal sa mga magulang at
mgakaptid noongOktubre 10, 1882 (MADRID)
2. Liham sa kanyang kapatid na si Josefa-
Disyembre 30, 1882
3. Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Maria
noong Pebrero 7, 1886
4. Liham na ipinadala niya sa kaniyang ina
noongDisyembre 25, 1886
3. Page 3
B. Ang Talumpati ni Rizal sa Piging na
Parangal sa mga Pintor na Pilipino
• Pagsaludo ni Rizal kina Luna at
Hidalgo, ang bangketenoong gabing
Hunyo 25, 1884
• Inihahandog ng komunidad ng mga
Pilipino ang kambal na tagumpay ng
mga Pilipinong Pintor sa Pambansang
Eksposiyon ng Sining sa Madrid
4. Page 4
• ang SPOLARIUM ni Luna ay nanalong
unang gantimpala at ang panagalaw ang
gantimpala ay kay Hidalgo ang
• Virgenes Cristianas Expuestas al
Populacho ( Mga Dalagang Kristiyano)
7. Page 7
Sa mga bulaklak ng
Heidelberg
• Noong tagsibol ng 1886, nabighani si
Rizal sa pamumukadkad ng mga bulaklak
sa may pampang ng Ilog Neckar.
• Kasama rito angkanyang paboritong
bulaklak- ang mangasul-ngasul na forget-
me-not (ibig sabihin ng bulaklak na ito ay :
Summer language Friendship, loving
remembrance and fidelity)
8. Page 8
• Ang ganda ng mg abulaklak ng tagsibol ay
nagpapalal kay Rizal ng kanilang marikit
na hardin sa Calamba.
• Nangungulila, isinulat niya noong Abril 22,
ang “A LAS FLORES DE HEIDELBERG”
(Para sa mga Bulaklak ng Heidelberg)
11. Page 11
BUOD ng NOLI METANGERE
• Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang
mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere"
noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-
aaral pa ng medisina.
• Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo
siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang
pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni
Rizal ang huling bahagi ng nobela.
12. Page 12
• Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay
bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle
Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe,
na pumapaksa sa kasaysayan ng mga
aliping Negro sa kamay ng mga
panginoong putting Amerikano.
• Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at
pagmamalabis ng mga Puti sa Itim.
Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit
ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
13. Page 13
• Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat
bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan
niyang kababayan na nakababatid sa uri
ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay
pagsasama-samahin niyang upang
maging nobela.
• Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan,
kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili
niya ang pagsulat nang walang katulong.
14. Page 14
• Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa
matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand
Blumentritt ang mga dahilan kung bakit
niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga
ito ay maliwanag na inilarawan sa mga
kabanata ng nobela.
15. Page 15
• Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay
salitang Latin na ang ibig sabihin sa
Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin"
na hango sa Ebanghelyo ni San Juan
Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa
lipunan na nagpapahirap sa buhay ng
isang tao.
16. Page 16
MGA TAUHAN
• Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap
na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng
mga kabataan ng San Diego.
• Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay
Ibarra para makilala ang kanyang bayan
at ang mga suliranin nito.
17. Page 17
• Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-
amahan ni Maria Clara.
• Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng
ibang parokya matapos maglingkod ng
matagal na panahon sa San Diego.
• Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso,
nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay
Maria Clara.
18. Page 18
• Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo;
mutya ng San Diego na inihimatong anak
ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay
Padre Damaso
• Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San
Diego.
19. Page 19
• Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging
kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.
• Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at
tagatugtog ng kampana sa simbahan ng
San Diego.
• Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego
20. Page 20
• Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang
Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete
sa mukha at maling pangangastila.
• Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating
labandera na may malaswang bibig at
pag-uugali.
21. Page 21
• Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang
napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni
Donya Victorina.
• Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at
pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na
napili niya para mapangasawa ni Maria
Clara.
22. Page 22
• Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na
Latin; ama ni Sinang
Señor Nol Juan
Namahala ng mga gawain sa
pagpapatayo ng paaralan.
Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong
ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay
Ibarra.
23. Page 23
• Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa
palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa
pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na
namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang.
24. Page 24
• Iday, Sinang, Victoria,at Andeng
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas;
lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang
labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman
kung kaya nataguriang erehe.
25. Page 25
• Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng
kasawian ng nuno ni Elias.
Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni
Elias.
Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San
Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin
26. Page 26
• Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga
guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra
ng tungkol sa kasawiang sinapit ng
kanyang ama.
Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na
pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa
alaala ng ama.
Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na
sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
27. Page 27
El Filibusterismo
• Ang El Fili ay nagsisismula sa isang
paglalakbay ng bapor sa pagitan ng
Maynila at Laguna. Kabilang sa mga
pasahero ang mag-aalahas at
nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si
Ibarra, ang makatang si Isagani, at si
Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na.
Labintatlong taon na ang nakalipas mula
nang mamatay si Elias at si Sisa.
28. Page 28
• Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang
makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni
Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa
kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra.
Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na
nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay
huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na
patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli
siya at sa halip ay hinikayat ang binata na
makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa
Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay
tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang
kanyang pag-aaral.
29. Page 29
• Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa
Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay
naghain ng isang kahilingan sa Kanyang
Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya
ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di
napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante,
sapagka't napag-alamang ang mamamanihala
sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng
pananampalataya), samantalang ang mga
estudyante ay magiging tagapangilak lamang.
Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng
nasabing akademya.
30. Page 30
• Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay
nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat
ang binatang umanib sa binabalak niyang
paghihimagsik at mangulo sa isang
pulutong na sapilitang magbubukas sa
kumbento ng Sta. Clara upang agawin si
Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang
ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y
namatay na nang hapong yaon.
31. Page 31
• Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang
kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa
panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila,
ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista
de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag
sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga
prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle
kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na
lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na
ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at
paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay
ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga
estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si
Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na
kanyang kasintahan.
32. Page 32
• Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay
may mga kamag-anak na lumakad sa
kanila upang mapawalang-sala, kaya't
sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na
walang makapamagitan ng kanyang
karukhaan at pagkamatay ni Kapitan
Tiyago. Sa isang dako naman ay
ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na
tulungan siya upang mapalaya si Basilio
nguni't sa halip na makatulong ang paring
ito ay siya pang nagging dahilan ng
pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag
nito sa durungawan ng kumbento.
33. Page 33
• Upang maisagawa ni Simoun ang
kanyang balak na paghihiganti, ay
nakipagsama siya sa negosyo kay Don
Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa
ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at
Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa
kasal ay ang Kapitan Heneral.
Naanyayahan din niya upang dumalo sa
piging na idaraos upang ipagdiwang ang
kasal, ang mga may matatas na
katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw
na tao sa lunsod.
34. Page 34
• Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit
ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni
Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay
Simoun upang umanib sa paghihimagsik
na nauumang. Sinamantala ni Simoun
ang ganitong pagkakataon upang ipakita
si binata ang bombing kanyang niyari. Ito
ay isang lampara na may hugis Granada
at kasinalaki ng ulo ng tao.
35. Page 35
• Ang magarang ilawang ito ay siya niyang
handog sa mga ikakasal na sina Juanito
at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang
lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong
kakanan na ipasasadya niya ang
pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay
ng isang maningning na liwanag at
pagkaraan ng dalawampung minuto ay
manlalabo
36. Page 36
• Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang
paliwanagin, ay puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio, ang
Granada ay sasabog at kasabay nito ay
ang pagkawasak at pagkatugnaw ng
kiyoskong kakanan --- at walang
sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa
isang dako naman, ay malakas na
pagsabog ng dinamita sa lampara ay
siyang magiging hudyat upang simulan
ang paghihimagsik na pangungunahan ni
Simoun.
37. Page 37
Sa Mga Kababaihang Taga
Malolos
• Dahilan kung bakit ito naisulat ni Rizal.
Noong ika-12 ng Disyembre, 1888 may
isang grupo ng dalawampung kababaihan
ng Malolos ang nagpetisyon kay
Gobernador Heneral Weyler ukol sa
paghingi nila ng permiso upang mabuksan
ang isang pang gabing paaralan na
magtuturo sa kanila ng wikang Kastila sa
pamamatnubay ni Ginoong Teodoro
Sandiko.
38. Page 38
• Agad naman itong tinutulan ni Padre
Felipe Garcia, na siyang kura ng Malolos
noon kaya naman hindi na sumang-ayon
ang Gobernador Heneral. Taliwas sa
inaasahan nila, hindi ito naging sanhi ng
pagkawalang pag-aasa ng mga
kababaihan, bagkus ipinagpatuloy parin
nila ang paghingi ng permiso at nang sa
huli ay pinayagan din sa kondisyon na ang
magiging guro nila ay si Senora
Guadalupe Reyes.
39. Page 39
• Naging kapansin-pansin ang pangyayaring ito sapagkat
lubhang madalang ang mga ganitong uri ng insidente na
nagpapakita ng angking katatagan at determinasyon ng
mga kababaihang Pilipina. Isa na marahil sa mga
dahilan kung bakit hindi laganap ang pagpupumilit o
pagiging agresibo ng mga kababaihan ay sa mga
itinalagang “norms o standards” ng simbahan kung
paano maging isang “babae” at ang papel nito sa
lipunan, alinsunod din sa sistemang “patriarchal” na
isinulong ng mga Kastila. Dahil dito, nakita ni Del Pilar,
na ang ginawang pagpupursige ng mga kababaihan sa
Malolos ay dapat magsilbing ehemplo at inspirasyon
hindi lamang sa mga kababaihan kundi sa buong bayan
na rin. Agad niya itong sinabi kay Rizal at naki-usap
siyang magsulat ito ukol dito, kaya naman noong Ika-22
ng Pebrero, 1889 naipadala na sa Malolos ang liham.
40. Page 40
• Sa simula ng liham, tinanong kagad ni Rizal sa sarili
kung ang pagpapakita ng katapangan ay laganap sa
mga Pilipina. Dahil sa tanong na ito, hinalungkat niya
ang kanyang mga alaala mula pagkabata at sa huli ay
natanto na kaunti lamang ang aabot sa konseptong ito.
Oo nga at maraming mga babae na magaganda ang
ugali, mapagkumbaba at malilinis ang kalooban ngunit
karamihan sa mga ito ay sunud-sunuran lamang sa mga
kagustuhan ng mga kura na tila mga halamang pinalago
sa dilim. Noong narinig niya ang balita tungkol sa
naganap sa Malolos, agad itong nagsaya sapagkat
nakita ni Rizal na ang ginawa ng mga kababaihang ito ay
ang unang hakbang sa pagsusulong sa kapakanan ng
bayan dahil sa pagpapakita nito ng mabuting ehemplo
sa iba pang tulad nila dati na naghihintay na maimulat
ang mga mata sa katotohanan.