1. hugis ano ang hugis ng pag-ibig ito ba’y tatsulok karibal ang haplos ng kahapon ito ba’y parisukat nakakulong sa iyong bawat naisin ito ba’y bilog paurong-sulong walang katiyakan ito kaya’y walang hugis pumipintig hindi mayapos dumadaloy pumipitlag dahil sa iyo vangie dimla - algabre
2. Larawan ni James Neeley mula sa http://www.flickr.com/photos/jpn/sets/72157594467439063/