1. 1.) Mga halimbawa ng Katutubong
panitikan:
Bugtong
Hindi hari, hindi pari ang damit ay sari-
sari. Sagot: Sampayan
2. Nagbibigay na'y sinasakal pa. Sagot: Bote
3. Ako ay may kaibigan kasa-kasama, saan man,
Mapatubig ay di nalulunod, Mapaapoy ay di
nasusunog. Sagot:Anino
4. May binti, walang hita, May tuktok, walang
mukha. Sagot: Kabute
5. Bata pa si Nene, Marunong nang manahi. Sagot:
Gagamba
6.nagtago si pedro nakalabas ang ulo.sagot:pako
Tula
Katitibay ka, tulos
Sakaling datnang agos
Ako ay mumunting lumot
Na sa iyo‟y pupulupot.
Buto‟t balat
Lumilipad
Bumbong kung liwanag
Kung gabi ay dagat
Epiko
EPIKO ng BIAG NI LAM ANG
Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan,
ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak
na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-
ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang
parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na
kalaban nila.
Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-
tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na
tumulong sa mga hilot kung manganganak ang
maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don Juan,
mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni
Namongan.
Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang
humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya
rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag.
Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan ito
naroroon, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang
pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama.
Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang
sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa
kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at
mga anting-anting na makapag-bibigay-lakas sa
kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita.
Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito.
Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo
kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap
niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan
na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang sa
nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay
ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang
mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at
anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan
lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba
pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino.
Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa
nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya.
Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglay ang
tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan
sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na
noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo
siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nangamatay
ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na
nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng
amoy na nahugasan sa katawan nito.
Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa
kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y
pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan,
kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso.
Isang masugid na manliligaw ni Ines ang
nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay
Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling
nagwagi si Lam-ang.
Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines
kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay
makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at
isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay
dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa
isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba.
Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at
siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-ang
kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga
magulang ng dalaga na sila'y payag na maging
manugang si Lam-ang kung ito'y makapagbibigay ng
doteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng
magulang ng dalaga.
Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si
Namongan at mga kababayan, sila ni Ines ay ikinasal.
Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na
kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay
2. sinimulan sa Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung
saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal
nila.
Isa parin sa kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos
ng kasal, ang lalaki ay kinakailangang sumisid sa ilog
upang humuli ng rarang (isda). Sumunod ni Lam-ang
subalit siya ay sinamang palad na makagat t mapatay
ng berkakan (isang urin ng pating). Ang mga buto ni
Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at
pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at
tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso
ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting
kumilos ang mga buto.
Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa
ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at
matiwasay sa piling ng alagang puting tandang at
abuhing aso.
2.) Panahon ng Mga Kastila:
Urbana At Feliza
Ang sumulat ng Urbana at Feliza ay si P. Modesto
de Castro na ipinanganak sa Biñan, Laguna, noong
unang hati ng ika-19 na dantaon. Nag-aral siya sa
Colegio Real de San Jose, naging Kura sa Catedral
ng Maynila at pagkatapos ay sa Naik, Kabite. Bukod
sa “Urbana at Feliza” ay sinulat din niya ang
“Pláticas Doctrinales” (1864), “Exposicion de las
Siete Palabras en Tagalo”, at “Novena a San Isidre en
Tagalo”, atb. Sa pamamagitan ng “Urbana at Feliza”
ay natagurian siyang “Ama ng Tuluyang Klasika sa
Tagalog”.
Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay
“Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana
at si Feliza” ay binubuo ng palitan ng liham ng
dalawang magkapatid. Ang lalong bata, si Feliza, ay
nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa
Maynila, samantalang ang nakatatanda, si Urbana, ay
puno ng pangaral sa kaniyang kapatid hinggil sa kung
ano ang dapat ugaliin sa iba‟t ibang pagkakataon.
Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa
landas ng kabataan at sinasabi kung paano maiilagan
ang mga ito. Sa “Paunaua sa Babasa” ng aklat ay
ipinaliliwanag ni P. Modesto de Castro ang
nilalaman:
“Sa pangalang „Urbana‟ mababasa ang magaling na
pakikipag-kapwa tao. Sa kanyang mga sulat sa
kapatid na Feliza, ay maka pupulot ang dalaga, maka
pag aaral ang bata, maka aaninao ang may asawa,
maka tataho ang binata nang aral na bagay sa
kalagayan nang isa,t, isa.
“Kay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pag ilag sa
panganib na ikasisira nang kalinisan; at ang kaniyang
magandang asal ay magagauang uliran nang ibig mag
ingat nang cabaitan at loob na mataimtiman.
“Sa manga sulat ni Urbana, na ucol sa pag tangap
nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, maca pag
aaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot
nang hatol na dapat alinsunorin bago lumagay sa
estado, at cun na sa estado na.
“Sa manga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay:
ay ang magandang asal nang capatid na bunso na si
Honesto, maca pag aaral ang bata, at maca tatanto
nang caniyang catungkulan sa Dios, pagka tanao
nang kaliuanagan nang canilang bait…”
Ang mga pangalan ng mga panauhan sa “Urbana at
Feliza” ni P. Modesto de Castro ay mga sagisag ng
aral na nais maparating ng sumulat sa mga
mambabasa. Ang pangalang “Urbana” ay sagisag ng
Urbanidad o kabutihang asal (good manners). Ang
pangalang “Feliza” ay galling sa Kastilang “feliz”
(maligaya) at ang sinasagisag ay ang kaligayahang
natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagka-masunurin.
Ang pangalang “Honesto” ay sagisag ng kalinisang-
budi at karangalan. Sinabi ni P. Modesto de Castro sa
aklat na kung ang mga aral ng kaniyang “Urbana at
Feliza” ay pakinabangan ng mga tao:
“Ang uiuicauin co,i, pinapalad aco, at ang
cahalimbaua co,i, nagsabog nang binhi, ay ang
tinamaan co ay mabuting lupa.
“At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i,
isang magsasacang cumita nang alio, uupo sa isang
pilapil, nanonood ng kaniyang halaman, at sa
kaniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang
hangin, at sa bungang hinog na anaqui butil na
guintong nagbitin sa uhay, ay cumita nang saya.
3. “Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at
palibhasa,i, capus na sa lacas na sucat pagcunan,
nguni ang paquinabang co sa pagod at puyat ay na
ibayuhan…”
Barlaan at Josaphat
Ang kasaysayan ng barlaan at josaphat ay umiikot sa
nabigong pagsisikap ng isang hari na mailayo sa
kristyano ang anak na prinsipe. naituro ni tomas
Apostol ang aral ng diyos sa indya, na pinaghaharian
noon ni abenir. Dahil sa hulang magiging kristyano
ang kanyang magiging anak na lalaki, sinikap na
ibukod ng tirahan at kapaligiran ang prinsipeng
Josaphat sapul noong isilang ito. sa paglaki ni
Josaphat. Narinig nya ang tungkol sa kamaharlikaan
ng bagong relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan
ang buhay ng kamatayn nang matanaw niya ang
isang taong kahabag-habag.
Nabalitaan ng matandang paring si Barlaan, na nasa
Senaar, ang tungkol sa mabuting kalooban ni
Josaphat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kya
nakatagpo niya si Josaphat, na nahikayat niyang
magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni
haring Abenir hanggang sa makaalis na sa palasyo si
Barlaan.
Nang matuklasan ni haring Abenir ang nangyari sa
ank, iniutos niyang dakpin si barlaan, ngunit di ito
matagpuan. May pinapagpanggap na Barlaan ang hari
at siyang dinakip. Sa gayon, sa pag- aakalang
malagim ang kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat
si Josaphat sa hari. Ngunit ang ganito'y nagging daan
para pagsikapan ni Josaphat na hikayatin ang ama.
Napagkillala ni Abenir na kailangang paghimok ang
gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon,
hinamon ni Abenir ang anak saka ang mga kapanalig
nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat
at Barlaan Magpapabinyag ang hari at ang mga
kampon nito. Nanalo sina Josaphat.
May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni
Josaphat kya nagalit ang hari. Pinalitan niya ng mga
Mapanuksong babae ang mga tagasilbi sa palasyo.
Nagdamdam si Josaphat sa ama dahil sa tangkang
pagbubulid nito sa kanya sa kasamaan.
Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang
mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat.
Pumayag si Abenir. Subalit maraming tao ang
lumipat sa kaharian ni Josaphat,kya naisip ni Abenir
na marapat lang na pabinyag siya. Iniwan niya ang
kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik
hanggang sa mamatay. Ibig din naming manahimik ni
Josaphat kya iniwan niya ang kaharian sa isang tapat
na tauhan, si Barachias, at hinanap niya si Barlaan
hanggang sa matagpuan niya ito.
Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing
malapit na siyang mamatay. Pinasundo niya kay
Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang
monesteryo. Nagmisa si Barlaan bago mamatay.
Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang
dalawang korona: isa para sa kanya at isa para sa
ama. Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama.
Lumitaw sa pangitain si barlaan at sinisi siya nito.
Nagsisi si Josaphat. Namuhay siya bilang ermitanyo.
Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni
Barlaan.
Nang mapag-alaman ni Barachias na namatay na si
Josaphat, pinahanap niya ang libingan nito. Nang
hukayin nila ang puntod, natagpuan nilang buo ang
mga mabango pang bangkay ng dalawa, na
napabantog mula noon, kya naman marami pa ang
nagpabinyag.
Doctrina Christiana
Iba't ibang kasagutan:
Isa sa pinakauna ng libro na nailathala sa Pilipinas
noong pananhon ng mga Kastila . Libro na nauukol
sa pananampalatayang Kristiyano o Kristiyanismo.
Ito ang kauna una unahang aklat na nailimbag sa
Pilipinas noong 1593 na naglalaman ng mga aral at
turo ng Kristiyanismo.
Ang ibig sabihin nito ay ang aral ng ating
Panginoong Hesu Kristo na dapat nating sundin sa
araw araw ng ating buhay na nakasulat sa Biblia.
Unang aklat na naisulat sa Pilipinas.
Mga halimbawa ng Pasyon
Panalangin sa Diyos
Oh Diyos sa kalangitan
Hari ng sangkalupaan
Diyos na walang kapantay,
mabait lubhang maalam
at puno ng karunungan.
Ikaw ang Amang tibobos
ng nangungulilang lubos
4. amang di matapus-tapos,
maawi't mapagkupkop
sa taong lupa't alabok.
Iyong itulot sa amin
Diyos Amang maawain
mangyaring aming dalitin,
hirap, sakit at hilahil
ng Anak mong ginigiliw.
Panalangin sa Mahal na Birhen
At ikaw Birheng Maria
Ina't hari ng awa ka
bukod sa tanang sampaga,
di matuyo't di malanta
dikit mong kaaya-aya.
Ikaw rin po't siya lamang
Sedes Serpientine ang ngalan;
luklukan ng karunungan
at kaban kang sinusian
ng Diyos sa kalangitan.
Toreng walang pangalawa
ni David, bunying Propeta
bahay na ganitong sinadya,
pinamahayang talaga
ng ikalawang Persona.
Ikaw rin Birheng Mahal
bituin sa karagatan
mapag-aliw sa may lumbay,
kuta ng makasalanan
matibay sa katibayan.
Reynang walang kahulilip
ng sanlangitan angheles
pinupuring walang patid,
ng Tronos, Dominaciones,
Virtudes at Potestades.
Emperatris na mataas
ng Patriarkas, Propetas
Birheng walang makatulad,
bukod sa babaing lahat
ng nag-iwi sa Mesias.
Yayang ikaw ay di iba
batis ng Misericordia
binabalungan tuwi na,
ng awa't mahal na grasya
ng bunying tatlong persona.
Kami po ay uod lamang
sa lupa ay gumagapang
lipos ng dilang kasamaan,
Birhen, kundi mo tulungan
anong aming kapakanan?
Ang paglalang ng Panginoong
Diyos nitong buong mundo
Ang lupa't sampu ng langit
hangin at ang himpapawid
hayop, isdang nasa tubig,
taong hamak na bulisik
may karamdaman at bait.
Ano pa't ang balang bagay
na di nating natitignan
dapat sampalatayanan,
na ang isang Diyos lamang
ang may gawa at may lalang.
Dili iba't at siya nga
lubos na may manukala
ng gawang hindi mahaka,
kusa niyang inadhika
sa taong hamak na lupa.
Kaya ngayon at ang dapat
tayo'y maniwala't sukat
sa Santisima Trinidad,
tatlo sa pagka-Personas
iisang Diyos na wagas.
Ito ring Diyos na tunay
walang punong pinagmulan
wala namang katapusan,
ganap na kapangyarihan
ganda't kaluwalhatian.
Mistulang Diyos na isa
tatlo sa pagka-persona
walang huli't walang una,
bait at omnipotensia
paraparang maligaya.
Na kung sa bilang ng tao
una ang Amang totoo
ikalawa ay ang Berbo,
at ang personang ikatlo
Diyos Espiritu Santo.
3.) Panahon ng Propaganda at
Paghihimagsik
NOLI ME TANGERE
Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na
pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos
5. ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa
Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog
si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito
ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla,
Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang
matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang
iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating
kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na
lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at
nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala
bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang
mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw
sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw
ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang
pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di
nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga
liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral
sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay
ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng
Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga
kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang
asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni
Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di
nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa
ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay
may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng
isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at
tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang
nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang
ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay.
Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay
Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang
kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-
ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang
malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at
namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre
Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng
tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don
Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa
katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil
umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay
ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa
lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang
kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay
ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na
magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng
paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung
hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato
habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang
nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na
kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng
pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre
Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito
papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng
kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at
tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at
napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o
ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang
Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso
upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang
kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria
Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga
ay si Linares na isang binatang kastila na bagong
dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw
ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at
naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na
siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad
ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa
ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng
arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang
Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng
mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang
napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya
siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang
kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin
siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig
ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman
ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong
kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa
paglilitis na ginawa ay walang sino mang
makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang
naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na
napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang
sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan
Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa
pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at
samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa
bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng
pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni
Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang
kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na
6. ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang
liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa
hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng
pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na
ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina
bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa
kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama
ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay
Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng
kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay
di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias.
Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at
tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang
ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay.
Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila.
Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan
niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si
Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya
ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng
pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y
napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang
dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't
hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa
kumbento ng Santa Clara upang magmadre.
Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang
sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag
hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat
na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na
doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala
nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay
siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng
kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang
kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa
pagtatanggol sa bayan.
EL FILIBUSTERISMO
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa
pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga
pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at
si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula
nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang
makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun
na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng
libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay
si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang
ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si
Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang
binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa
Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil
gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los
Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng
isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang
Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito
ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang
mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa
gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing
akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at
muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak
niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong
na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara
upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi
naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria
Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag
ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang
natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria
Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating
binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang
tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito
ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari:
Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto
ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay
mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang
pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga
kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay
ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na
ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang
kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak
na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si
7. Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang
tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay
ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan
siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong
ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng
pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa
durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na
paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay
Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong
paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal
nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong
sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din
niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga
may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga
litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay
nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad
siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa
paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong
pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na
kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis
Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang
ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na
sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang
lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan
na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay
ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at
pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo.
Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin,
ay puputok ang isang kapsulang fulminato de
mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay
ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong
kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga
naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na
pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging
hudyat upang simulan ang paghihimagsik na
pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at
si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng
pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si
Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di
malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si
Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang
dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni
Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di
siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat
kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin
napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di
mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,
ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at
inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang
pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa
sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino,
sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit
nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-
aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang
buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang
pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na
kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay
bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong
taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria
Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa
pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti
sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos
na mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang
naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging
kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na
Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan
ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang
kayamanan ni Simoun.
Katapusang Hibik ng Filipinas
Sumikat na Ina sa sinisilangan
ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.
Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.
8. Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...
ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.
Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,
hinain sa sikad, kulata at suntok,
makinahi't biting parang isang hayop;
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?
Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;
barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?
Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.
Wala nang namamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.
Sarisaring silo sa ami'y inisip,
kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado---kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.
Ang lupa at buhay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.
Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,
huwag nang saysayin, O Inang Espanya,
sunod kaming lahat hanggang may hininga,
Tagalog di'y siyang minamasama pa.
Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,
kami'y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.
Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila't kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.
Di na kailangan sa iyo ng awa
ng mga Tagalog, O Inang kuhila,
paraiso namin ang kami'y mapuksa,
langit mo naman ang kami'y madusta.
Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.
ANG NINGNING AT LIWANAG
Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang
Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang
mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-
bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat
ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa
kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay madaya.
Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani
sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian:
Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na
hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay
at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan.
Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw;
marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na
kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago
ang isang pusong sukaban.
Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa
pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan
kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating
nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng
kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at
kapagaLang tunay.
Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit
ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag.
Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao
at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at
daLita.
Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob
na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay
nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-
9. LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na
pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang
mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang
mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at
ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng
kapangyarihang ito.
Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag
nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng
ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning.
Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng
puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang-
asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang
mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at
ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi
hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng
katwiran.
Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay
humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas
ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang
kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na
daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na
napatatanaw sa paningin.
MapaLad ang araw ng Liwanag!
Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo
kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa
pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS NG DIYOS
Una. Ibiguin mo ang Dios at ang iyong puri n~g lalo
sa lahat n~g bagay: ang Dios na siyang bucal n~g
boong catotohanan, n~g boong catuiran at boong
lacás; ang paghahan~gad n~g puri ang siya lamang
macaaaquit sa iyo na huag magbulaan, cundi laguing
manuto sa catuiran at magtaglay n~g casipagan.
Icalaua. Sambahin mo ang Dios sa paraang lalong
minamatuid at minamarapat n~g iyong bait at sariling
calooban, na cun tauagui'y consiensia; sa pagca't sa
iyong consiensia na sumisisi sa gaua mong masama
at pumupuri sa magaling ay doon nan~gun~gusap
ang iyong Dios.
Icatlo. Sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam
at talas n~g isip na ipinagcaloob n~g Dios sa iyo sa
pamamagitan n~g pagaaral, at pagsaquitan mo sa
boong macacaya ang gauang quinahihiligan n~g
iyong loob, na huag cang sisinsay cailan man sa daan
n~g magaling at n~g catuiran, n~g mapasa iyo ang
lahat na bagay na dapat mong cailan~ganin at sa
paraang ito'y macatulong ca sa icasusulong n~g
calahatan: cun gayo'y magaganap mo ang
ipinatutungcol sa iyo n~g Dios sa buhay na ito, at cun
ito'y maganap mo'y magcacapuri ca at cun maypuri
ca na'y ipatatanghal mo ang calualhatian n~g iyong
Dios.
Icapat. Ibiguin mo ang iyong bayan ó Inang bayan
na ca-icalaua n~g Dios at n~g iyong puri at higuit sa
iyong sarili, sa pagca't siya ang nacaisa-isang
Paraisong pinaglaguian sa iyo n~g Dios sa buhay na
itó; bugtong na pasunod sa iyong lahi; nacaisa-isang
mamamana mo sa iyong m~ga pinagnuno; at siya
lamang pagasa n~g iyong inanac; dahil sa caniya'y
humahauac ca n~g buhay, pagibig at pagaari;
natatamo mo ang caguinhauahan, capurihan at ang
Dios.
Icalima. Pagsaquitan mo ang caguinhauahan n~g
iyong bayan n~g higuit sa iyong sarili at pagpilitan
mong siya'y pagharian n~g cabaitan, n~g catuiran at
n~g casipagan: sa pagca't cun maguinhaua siya'y pilit
ding guiguinhaua icao at ang iyong casambahay at
camaganacan.
Icaanim. Pagpilitan mo ang casarinlán n~g iyong
bayan. Sa pagca't icao lamang ang tunay na
macapagmamasaquit sa caniyang icadadaquila at
icatatanghal, palibhasa'y ang caniyang casarinlan ang
10. siya mong sariling caluagan at calayaan, ang
caniyang pagca daquila ang magdadala sa iyo n~g
lahat mong cailan~gan at ang caniyang pagcatanghal
ang siya mong cabantugan at cabuhayang ualang
hangan.
Icapitó. Sa iyong baya'y huag cang cumilala sa
capangyarihan nino mang tauo na hindi palagay
ninyong magcacababayan, sa pagca't ang boong
capangyariha'y sa Dios ang mumula at ang Dios ay sa
consiensia n~g bauat tauo nan~gun~gusap; caya't ang
sino mang ituro at ihalal n~g man~ga consiensia n~g
lahat na mamamayan ang siya lamang
macapagtataglay n~g uagas na capangyarihan.
Icaualó. Ihanap mo ang iyong bayan n~g República,
yaon bagang ang lahat na nagpupuno ay palagay n~g
man~ga namamayan, at huag mong payagan cailan
man ang Monarquía ang pagcacaroon baga nang hari;
sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan
cundi ang isa ó ilan lamang na maganac upang
maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang
pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi
ganito ang República na nagbibigay n~g camahalan
at carapatan sa lahat ayon sa bait n~g bauat isa, nang
pagcadaquila alangalang sa caluagan at calayaan at
n~g casaganaan at cadilagang tinataglay n~g
casipagan.
Icasiam. Ibiguin mo ang iyong capua tauo paris n~g
pag ibig mo sa iyong sarili, pagca't biniguian siya
n~g Dios at gayon din naman icao n~g catungculang
tulun~gan ca at huag gauin sa iyo ang di niya ibig na
gauin mo sa caniya; n~guni't cun ang iyong capua ay
nagcuculang dito sa camahalmahalang catungculan at
nagtatangca n~g masama sa iyong buhay at calayaan
at pag aari, ay dapat mong ibual at lipulin siya pagca't
ang mananaig n~gayo'y ang cauna-unahang utos n~g
Dios na mag in~gat ca at ini-in~gatan quitá.
Icapú. Laguing itatan~gi mo sa iyong capua ang
iyong cababayan at lagui namang aariin mo siyang
tunay na caibigan at capatid ó cundi ma'y casama,
palibhasa'y iisa ang inyong capalaran, iisa rin naman
ang inyong casayahan at cadalamhatian, at gayon
ding nagcacaayon ang inyong m~ga hinahan~gad at
pag-aari.
Caya't habang tumutulay ang m~ga patuto n~g m~ga
bayan na ibinan~gon at inaalagaan n~g
pagcacanicaniya n~g m~ga lahi at angcan, ay sa
caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na
maquipagisa sa hinahan~gad at pagaari, upang
magcalacas ca sa paquiquibaca sa caauay ninyong
dalaua at sa paghanap nang lahat na quinacailan~gan
sa cabuhayan n~g tauo.
PANAHON NG AMERIKANO
Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako‟y tila isang nakadipang kurus;
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang ang paa ng Diyos.
Organo sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian,
habang ang kandila ng sariling buhay
magdamag na tanod sa aking libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo‟t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri‟y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako‟y binabati ng ngiting malamlam.
11. Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko‟y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko‟y may luha nang daloy.
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
natuyo, namatay sa sariling aliw.
Naging kurus ako ng pagsuyong laing
at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
ni ibon, ni tao‟y hindi na matuwa.
At iyong isiping nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago‟t malabay.
Ngayon, ang sanga ko‟y kurus sa libingan,
dahon ko‟y ginawang korona sa hukay!
Bugtong ni Inigo Ed Regalado
May isang dalagang may buwan sa dibdib,
may tala sa noo na kaakit-akit,
nang aking makita‟y natutong humibik,
nabinhi sa puso ang isang pag-ibig.
May isang binatang may luha sa mata,
may tinik sa puso at tigib ng dusa,
ang binatang ito nang iyong makita
nakaramdam ka rin ng rnunting ba1isa
May isang babaing matigas aug puso,
sa ano mang taghoy, hindi kumikibo,
kapag nag-iisa, luha‟y tumutulo
may lihim na awa sa namimintuho...
May isang lalaking matibay aug dibdib,
sa bayo ng dusa‟y marunong magtiis;
ma-gabi, ma-araw walang iniisip
kundi makarating sa pinto ng langit.
Ito‟y isang bugtong na may-kagaanan,
nguni‟t pusta tayo, di mo matuturan,
ang dalihan ay di sa hindi mo alam
kundi sa ugaling matimpiing tunay.
Nguni‟t balang araw di mo matitiis
na di ipagtapat ang laman ng dibdib,
ang bugtong ko naman sabay isusulit
na ang kahuluga'y tayo sa pag-ibig.
Isang Dipang Langit ni Amado Hernandez
Ako'y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko'y piitin,
katawang marupok, aniya'y pagsuko,
damdami'y supil na't mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi't walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki'y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo'y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
12. Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;
kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon -
bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.
Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita'y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao't Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya'y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
layang sasalubong ako sa paglaya!
Panitikan sa Panahon ng Hapon
Ang guryon ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!
Agahan ni Virgilio Almario (tanaga)
Isang pinggang sinangag,
Isang lantang tinapa;
Isang sarting salabat,
Isang buntonghininga.
Gagamba sa Uhay ni Rogelio Mangahas (Haiku)
Lingkaw ko‟y pigîl:
may gagamba sa uhay,
bilot ang balang.
Panitikan sa Panahon ng Relbousyon at
Kasalukuyan (kontemporaneong panahon)
Isang tula ni Jose Lacaba
Marumi ang pulitiko, pero malinis ang budhi
ng puta.
Ipokrito ang pari, pero may ginintuang puso
ang puta.
Nagpapaaral ng kapatid na magpapari
ang puta.
13. Namumutiktik sa putang ina at anak ng puta ang
malaswang bibig
ng puta.
Nalululong sa droga ang anak
ng puta.
Ayaw ng putang ina na ang anak niyang babae‟y
masadlak
sa pagpuputa.
Ang unang tikim sa luto ng Diyos ay ipinapatikim
ng puta.
Bukas ang simbahan kahit madaling-araw tuwing
magdadasal
ang puta.
Nagbubulungan ang mga manang na nakakasalubong
ng puta.
Ginahasa ng tiyuhin ang puta kung kaya siya
nagputa.
Talak ng kahirapan kung kaya nagputa
ang puta.
Hindi nagpapahalik sa labi
ang puta.
Kapwa puta ang mga kabarkada
ng puta.
Magandang lalaki ang nag-aalay ng tapat na pag-ibig
sa puta.
Masungit na ina ng magandang lalaki ang nag-aalok
ng pera para lumayo
ang puta.
Kung binabaril ang bidang lalaki, yumayakap at
tinatamaan
ang puta.
Tanging kamatayan ang tutubos at magpapatawad sa
kaputahan
ng puta.
Sigaw ng puta: Pare-pareho naman tayong
puta!
Dekada ’70 ni Lualhati Bautista
Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang
babae nag magkaroon ng sariling katangi-tanging
pagkakakilanlan.
Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang
karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng
asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng
mga anak sa paaralan.
Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga
pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang
pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng
pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa
mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno.
Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala
lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan
niya si Julian na takang-taka sa inasal niya.
Nagkalamigan sila ni Julian.
Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-
empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol.
Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano
ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules.
Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na
sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at
baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si
Jules.
Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw
nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga
kabuktutang ginagawa ng mga sundalo.
Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-
aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos
nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may
tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan
si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga
presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi
umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em,
na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi,
lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si
Jason.
Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang
walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang
humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis.
Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni
Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng
kanilang pagkakaunawaan.
Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya
ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik
siya sa Kampo Crame.
Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-
sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang
14. bilanggong pulitikal.
May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak,
mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit
ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi
magtatagal at maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan
niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa
mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay
namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa
kapwa at bayan.
Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa
panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung
papaano naapektuhan ng batas militar ang mga
tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila.
Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si
Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na
lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang
aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army
(NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal;
si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si
Em na isang manunulat na naghahanap ng
pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima
ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid
na sa mga nangyayari.
Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng
mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan
ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang
nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang
pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at
pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang
humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa
panahon ng batas militar.
Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa
kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na
kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel
niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping
bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules,
nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari
"dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may
kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang
at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.
Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao
na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring
kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng
mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di
nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na,
"Well honey, it's a man's world."
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang
kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition
fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin
niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang
inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang
rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang
sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa
damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang
kalayaang magpasya ng sariling buhay noong
sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula
sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:
"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga
anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo
ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y
walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko,
ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang
estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga
magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang
ginagawa!
At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan
ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni
Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao.
Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang
baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa
uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong
pamilya ang dagok ng batas militar nang walang
awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di
kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC
dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa
kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang
nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.
Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang
pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa
kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit
hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-
intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang
emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo
ay may paglalapit din."
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay
tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at
umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang
taon ng sumunod na dekada.
Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong
Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa
Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng
University of Perpetual Help System-Laguna
(UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang
pagbabasa ng aklat hanggang sa ito'y matapos ko sa
loob lamang ng dalawang linggo.
Para sa mga estudyanteng may progresibong
kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng
kanilang pampulitikang kamulatan at
pagkamakabayan.
Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na
sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang
konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL,
itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang
reading material para sa pagmumulat at pag-
oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang
kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa
pag-aaral ng organisasyon.
15. Sa mga panahong gaya ng dekada 70-na dekada ng
pagkamulat at pakikibaka-natutunan natin ang aral na
ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan
kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang
malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang
panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng
bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.
Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang
payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na
sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng
unos."
Ginugunita Kita #2 ni Maningning Miclat
Marikit na tala ang tanglaw sa dilim,
Sa halimuyak ng matamis na hangin,
Sa gubat ng gabi ay hinihintay ko,
Mga kislap ng nilimot na pangako.
Habang may hapdi ang sugat ng kahapon,
Di maalpasan ang diwang nakakahon,
Inaawit ang kundiman ng pagsinta
Sa dalamhati ng pusong umaasa.
Ginuguni-gunita kita,
Binubuo sa alaala.
Pinapanga-pangarap ka,
Inuukit sa haraya.
Mahabang mahabang mahaba ni Genaro Gojo-
Cruz
Kapag isinusulat ko na ito, para na rin akong
naglalakbay sa malayung-malayong lugar. Para
akong naglalakbay sa mahabang-mahabang
kabundukan, naglalakad sa mga baku-bako at paliku-
likong daan, tumutulay sa walang katapusan at
nakakalulang tulay, o nagpapagewang-gewang sa
pagbibisikleta.
Kaya nga pagkatapos kong isulat ang pangalan
ko, pagod na pagod na rin ako.
Madalas, ako rin ang laging naiiwan sa aming
klasrum tuwing rises. Sabi kasi ni Titser, di
puwedeng magrises kung di natatapos isulat ang
buong pangalan.
Kaya pagkatapos kong maisulat ang mahabang-
mahabang-mahaba kong pangalan, tapos na ring
kumain ang aking mga kaklase. Di tuloy ako
makasali sa masasaya nilang kuwentuhan at di ko rin
sila nabibigyan ng masarap na tinapay at juice na
pabaon sa akin ni Nanay.
Di ko rin tuloy malasahang mabuti ang masasarap
na pagkain na pabaon ni Nanay. Mag-isa na lang
ako kung magrises kung kaya binibilisan ko ang
pagkain.
Bakit nga ba kay haba-haba ng pangalan ko?
Lagi tuloy di magkasya sa isang linya ang aking
pangalan. Madalas, kulang na kulang ang haba ng
papel para maisulat ko sa isang linya ang mahabang-
mahabang-mahabang pangalan ko. Kung maikli lang
sana ang pangalan ko, madali rin sana akong
matatapos sa pagsulat.
Di sana ako parang naglalakbay sa mahabang-
mahabang kabundukan, naglalakad sa mga baku-
bako at paliku-likong daan, tumutulay sa walang
katapusan at nakakalulang tulay, o nagpapagewang-
gewang sa pagbibisikleta. Di sana sumasakit at
pinagpapawisan ang aking mga kamay.
At di sana nababasa ng pawis ang aking makinis
na papel. Sana sinasabi na lang ang pangalan kaysa
isinusulat.
Sana, may lapis ding maimbento na nagsusulat
nang mag-isa. Ibubulong ko lang ang mahabang-
mahabang-mahabang pangalan ko, kayang-kaya na
nitong isulat.
Kung maikli lang sana ang tunay kong
pangalan—kasing-ikli ng isa ko pang pangalan na EJ,
sana‟y maaga akong natatapos sa pagsulat at maaga
rin akong nakakauwi ng bahay.
“Titser, puwede po bang „yung isang pangalan ko
na lang ang aking isulat?” tanong ko kay Titser.
“Aba! Emmanuel Juanito Maria R. del Rosario
ang tunay mong pangalan kaya ito ang dapat mong
16. matutuhang isulat. Ang EJ ay palayaw mo lamang,”
sagot ni Titser.
Kaya maglalakbay na naman ako sa mahabang-
mahabang kabundukan, maglalakad sa mga baku-
bako at paliku-likong daan, tutulay sa walang
katapusan at nakakalulang tulay, o nagpapagewang-
gewang sa pagbibisikleta.
Hay naku!
Kaya sa uwian, ako pa rin ang laging naiiwan sa
aming klasrum—ang laging pinakahuling
nakakauwi. Di tuloy ako makasali sa masasayang
kuwentuhan at paglalaro ng mga kaklase ko.
Buti na lang ang sinasamahan ako ni Titser.
PAGDATING KO SA bahay, ipasusulat na naman sa
akin ni Nanay ang mahabang-mahabang pangalan
ko. Di ko tuloy malasahang mabuti ang kanyang
inihandang miryenda at di ko rin mapanood ang
paborito kong kartun sa hapon.
“O sige nga EJ, isulat mo ang iyong buong
pangalan nang walang kopyahan. Tingnan ko nga
kung kabisado mo na?” aya sa akin ni Nanay.
Akala ko‟y makapagpapahinga na ako sa aming
bahay.
Nasa bahay na ako, pero para na naman akong
naglalakbay sa mahabang-mahabang kabundukan,
naglalakad sa mga baku-bako at paliku-likong daan,
tumutulay sa walang katapusan at nakakalulang tulay
o nagpapagewang-gewang sa pagbibisikleta.
Sa tagal ng aking pagsusulat, para ko na ring
nakikita ang mahabang-mabahang sampayan ni
Nanay, ang mahabang-mabahang linya ng kuryente at
telepono, at mga paliku-likong tubo ng tubig.
Pero aalalayan ni Nanay ang aking kamay.
“Hayaan mo EJ, matututunan mo ring isulat nang
maayos at mabilis ang iyong pangalan. Basta lagi ka
lang magsasanay,” ang sabi sa akin ni Nanay.
“‟Nay, bakit ba kasi ang haba-haba ng pangalan
ko?”
“Lagi tuloy akong huli kung magrises!”
“Lagi rin akong huli kung uwian!”
“‟Yung pangalan ng mga kaklase ko isa lang kaya
madali silang natatapos at madali rin silang
nakakauwi!”
“‟Yung pangalan nina Jayson, Paul, Christian,
Michael, Joan, Gladys, Bianca, at Lara isa lang.
Kaya madaling tandaan, lalo madaling isulat!”
“‟Yung pangalan ng ibang kaklase ko galing sa
pangalan ng mga hari‟t reyna—Edward, Henry,
Phillip, Isabela, Ann, at Elizabeth. Yung iba naman,
pangalan ng mga sikat na artista—Sharon, Robin,
Angel, at Judy Ann.”
“Kung EJ na lang sana ang pangalan ko, mas
maikli pa sa kanilang lahat. Kahit nakapikit pa ako
kayang-kaya kong isulat.”
“Bakit ba kasi kay haba-haba ng pangalan ko?”
“Emmanuel-Juanito-Maria-R.-del-Rosario.”
Sunud-sunod—walang prenong sinabi ko kay
Nanay.
Parang kakapusin ako ng paghinga sa pagbigkas
sa aking mahabang-mahabang-mahabang pangalan.
“Aba! Alam mo bang espesyal ang iyong
pangalan? Alam mo bang matagal naming pinag-
isipan at pinagtalunan ng iyong Tatay ang ang
pangalan mo?”
“Espesyal? Paano po naging espesyal ang kay
haba-haba kong pangalan?”
“Ang Emmanuel ay galing sa pangalan namin ng
Tatay mo. Ang pangalan ko ay Gemma at ang Tatay
mo naman ay Manuel, kaya naging Emmanuel ang
pangalan mo. God is with usang ibig sabihin din ng
Emmanuel. Di ba‟t maganda?” ang sagot sa akin ni
Nanay.
17. “E, san naman po galing ang Juanito?” ang
tanong ko uli kay Nanay.
“Aba, galing naman sa Lolo mo ang Juanito sa
iyong pangalan. Paboritong anak ng iyong Lolo Juan
ang Tatay mo. Masipag at matalino kasi ang iyong
Tatay, manang-manang sa iyong Lolo Juan. Noong
bata pang tulad mo ang Tatay mo, tawag sa kanya ay
Juanito—ibig sabihin, maliit o batang Juan,” sagot ni
Nanay.
“E, bakit po may Maria pa sa aking pangalan?”
“Galing naman ito sa Birheng Maria. Inialay ka
namin sa Kanya para lumaki kang mabait na bata. At
kahit saan ka man magpunta, lagi ka niyang
babantayan. Iingatan ka niya palagi kahit wala kami
ng tatay mo sa iyong tabi.”
“At s‟yempre ang R ay galing sa Ruiz. „Wag
mong kalilimutang isulat ito dahil ito ang apelyido ko
noong dalaga ako—ito ang aking apelyido noong
bata pa akong tulad mo. At saka anak „ata kita kaya
dapat mong isulat kahit ang unang titik lang ng aking
apelyido,” sunod na sinabi ni Nanay.
Napakunot ang aking noo.
Kinuha pa ni Nanay sa ilalim ng aming damitan
ang isang papel. Birth Certificate raw ang tawag
do‟n sabi ni Nanay. Ipinakita pa niya ang ispeling ng
mahabang-mahabang-mahaba kong pangalan.
Naisip ko, may mahabang-mahabang-mahaba rin
palang kuwento sa likod ng aking mahabang-
mabahang pangalan.
Nasa pangalan ko ang pangalan ng mga espesyal
na tao para sa akin, ang aking Nanay at Tatay, ni
Lolo Juan at ni Birheng Maria—ang kanilang mga
pangalan ang bumubuo sa aking pangalan.
“Ang galing-galing naman „Nay!”
Tama si Nanay, espesyal nga ang aking
mahabang-mahabang-mahabang pangalan.
KAYA MULA NOON, sa tuwing isusulat ko ang
aking mahabang-mahabang-mahabang pangalan, di
na ako parang naglalakbay sa malayung-malayong
lugar, di na parang naglalakbay sa mahabang-
mahabang kabundukan, naglalakad sa mga baku-
bako at paliku-likong daan, di na parang tumutulay sa
walang katapusan at nakakalulang tulay, at lalong di
na parang nagpapagewang-gewang sa pagbibisikleta,
kundi lagi-lagi kong naaalala ang walang hanggang
pagmamahal nina Nanay at Tatay.
At kahit di ko naabutan si Lolo Juan, dala-dala ko
namang lagi ang kanyang makinang na pangalan.
At higit sa lahat, nasa pangalan ko ang dakilang
pangalan ng Birheng Maria.
Naisip ko, ang bawat bata pala‟y mahalagang
magkaroon ng pangalan, maikli man o maging
kasing-haba ng aking mahabang-mahabang-
mabahang pangalan.
Salamat sa aking mahal na Nanay at Tatay, kay
Lolo Juan, at sa Birheng Maria, sa mahabang-
mahabang-mahaba at tunay na espesyal kong
pangalan!